KASALUKUYANG nagdi-dinner si Geri sa restaurant nang may lumapit sa kaniyang isang waiter na may dalang tatlong tangkay ng red roses. “Miss Geri, may nagpapabigay po sa inyo nito.” ”Kanino galing ‘yan?” takang tanong niya. “Kay kuya pogi.” Kumunot ang noo niya. “Sinong kuya pogi?” “Ayun po.” anito sabay tinuro ang isang lalaki na mag-isang naka-upo sa isang lamesa sa ‘di kalayuan. Sinundan niya ng tingin ang daliri nito. Umarko pataas ang isang kilay niya nang makita kung sino ang pogi na tinutukoy nito, si Lucas. Naka-itim itong t-shirt at asul na board short. Napa-iling na lang siya nang mapansin ang key card ng resort sa ibabaw ng lamesang inuukopa nito. Kumaway pa ito nang makitang nakatingin sila sa gawi nto, na lalong kina-inis ni Geri. Agad niyang iniwas ang tingin. “Hmp! Po

