41: DEJA VU

1712 Words

TANGHALI na nang magising si Geri. Wala na si Lucas sa kama at ang tanging inabutan niya na lang ay ang isang tangkay ng red roses at isang maliit na papel na may sulat kamay nito. "I need to go back to Manila. May emergency kasi sa company. I'll be back ASAP. I'll miss you, honey. I love you." Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Ito na nga ba ang sinasabi niya, gigising na lang siya isang araw na wala na ulit ito sa tabi niya. Naiinis na nilamukos niya ang papel at tinapon iyon sa basurahan na nasa gilid ng kama. Sunod niyang tinapon ang pulang rosas. Inis na inis siya kay Lucas ng mga sandaling iyon. Pagkatapos niyang isuko ang katawan sa asawa nang paulit-ulit kagabi ay bigla na naman siyang iniwan nito. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya nang personal. "Bwisit! Nakaka-inis ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD