AFTER 5 YEARS A&G Resorts, Puerto Galera Abala si Geri sa pagtatrabaho nang bumukas pinto ng kaniyang opisina at pumasok si Lucas. Humila ito ng isang upuan at naupo sa tabi niya. "Nasa'n 'yong dalawa?" tanong niya ngunit hindi inaalis ang atensyon sa kaniyang laptop. "Kasama ni Yani." Nilapit nito ang mukha sa teynga niya at dinampian siya ro'n ng mga halik. Nagsimula na ring gumapang ang isang kamay nito sa kaniyang mga hita. "Tumigil ka nga. Nakita mo nang nagtatraba-" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang halikan siya nito sa mga labi. Pansamantala munang tinigil ni Geri ang pagtatrabaho at nag-focus muna sa kaniyang asawa. Pinihit niya paharap dito ang inuupuan niyang swiver chair. Pinulupot niya ang mga kamay sa batok ni Lucas at tinapatan ang mariin nitong halik. Nang

