ISANG linggo ang matulin na lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Lucas. Hindi muna pumasok si Geri sa resort para makapag-focus sa pagbabantay at pag-aalaga sa kaniyang asawa. Tuwing tanghali ay nagpupunta sina Victoria at Rochelle para kumustahin ang lagay ni Lucas at para na rin makipag-kuwentuhan sa kaniya. Unti-unti na silang naging close ni Victoria hanggang sa tuluyang mapalagay na ang loob niya rito at gano'n din ito sa kaniya. Kaya naman lalo siyang nae-excite na magkamalay na si Lucas para maik'wento niya sa asawa na nagka-ayos na silang dalawa. Siguradong matutuwa si Lucas 'pag nalaman nitong magkasundo na sila ng mommy nito. Naupo si Geri sa gilid ng kama at pinagmasdan ang wala pa ring malay na asawa. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. "Gumising ka na,

