WALANG tigil sa pag-iyak si Geri habang naka-upo sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga si Lucas. Hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang nakatingin sa mukha nito. Kakatapos lang ng brain surgery nito at wala pa ring itong malay hanggang ngayon. "Gumising ka na, Lucas. Mag-usap tayo. Hindi totoo ang hinala mo sa 'min ni Zion. Maniwala ka sa 'kin, ikaw lang ang mahal ko." umiiyak niyang anas. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng k'warto. Nang lingunin niya kung sino ang dumating ay nakita niya sina Pia, Victoria at Rochelle. Tumayo siya at bumati sa mga ito. "Good morning po." Galit na lumapit si Victoria kay Geri at agad siyang sinabunutan. "Wala kang k'wenta! Pagkatapos ng lahat nang ginawa sa 'yo si Lucas, eto pa ang igaganti mo sa kaniya? Dahil sa kalandian mo napahamak na nama

