Day 2 (part 2)

1936 Words
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review. PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores, lazada, at shopee at only 100 PHP!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you! Day 2 (part 2): "Her Date" Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa park na medyo malapit sa school. Nakita kong nagniningning ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang buong park. Mukha siyang ewan, mukhang tanga lang. “Wow! Ang ganda-ganda rito. Grabe!” excited na sabi niya. Parang timang talaga! “Ngayon ka lang ba nakapunta ng park at ganyan ka kung makareak? Para kang bata,” tanong ko. “Sa kasamaang palad ay oo. Dinadaanan lang kasi namin dati ang mga park na nakikita ko. Masyado kasing strict ang parents ko kaya hindi nila ako pinalalabas ng bahay at pinaglalaro." Naging malungkot ang kaninang masigla niyang boses. “Kaya naman excited ako ngayon. Siguradong mag-e-enjoy ako rito at kailangan mag-enjoy ka rin. Tara na!” aya niya sabay hila sa akin. Ako naman ay nagpahila na lang, wala rin naman akong magagawa kung aayaw ako dahil for sure kukulitin lang niya ako. Hay, bakit ba kasi pumayag pa ko sa sinabi niya? Nakakapangsisi tuloy, parang may kasama akong bata na ewan. Pagkakita niya sa slide ay agad siyang tumakbo papunta roon at nagpadausdos. Para talaga siyang bata sa ikinikilos niya. Sumisigaw pa siya sa sobrang saya niya, taas pa ang dalawang kamay. Akala mo naman mataas ‘yong slide, eh, pang bata lang naman iyon. Mataas pa ata ako sa slide na iyon. “Lelou, tara dito. Ang sarap magslide, oh. Dali, subukan mo rin!” sigaw niya sa akin. “Tsk, matagal ko ng nasubukan iyan kaya puwede ba mag-slide ka na lang diyan. Ang dami mo pang satsat, eh.” Sumandal lang ako sa may puno roon. Dapat ay maboring siya na kasama ako hanggang sa mapagod na siya at mag-aya ng umuwi. Sinunod naman niyang sinubukan ay ‘yong seesaw pero dahil sa mag isa lang siyang umupo roon malamang ay hindi naman siya tataas o bababa. Sinubukan niyang paangatin ang sarili niya, binubwelo pa niya ang paa niya para makatalon ng mataas habang nakaupo sa isang seesaw. Baliw talaga, walang duda! Napapailing akong lumapit sa kanya at umupo sa kabilang side. Nakakaawa, eh, baka kapag may napadaang tao rito ay pagkamalang maluwag na ang turnilyo niya sa utak sa ginagawa niya. Wala pa kasing tao dahil tanghali palang. Napasinghap naman siya ng umangat siyang bigla nang umupo ako. Nakita ko ang pagka-tense niya. Nalula ba siya? “Ngayon ka lang ba nakapag-seesaw?” tanong ko, tango lang ang isinagot niya sa akin sabay yuko niya. Nahiya siguro. “Tsk, get ready ako naman ang tataas kaya malamang sa malamang ay bababa ka naman.” Pinagaan ko ang sarili ko at ayon na nga dahan-dahan na nga ang pagtaas ng kinauupuan ko. “Wah! Ang bigat mo ang hirap mong itaas!" sabi niya ng nakangiti. "Ako naman ulit sa taas. Nakakatuwa, eh,” sabi niya. Naramdaman ko na nawala na ang kaba niya kaya sinunod ko lang ang sinabi niya. Nag-seesaw kami na parang mga bata hanggang sa umayaw na siya. Nakaupo lang kami sa damuhan habang nagpapahinga. “Nakakapagod pala ‘yon pero ang saya, sobra. Salamat, ah, dahil umupo ka sa kabila kundi hindi ako makakapag-seesaw,” sabi niya habang humihingal. Pansin ko lang ang bilis niyang hingalin. Tiningnan ko lang siya, hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Nag-enjoy rin naman ako kaya hindi na niya kailangang magpasalamat pa sa akin. Bigla siyang tumayo at hinatak ako. “Kain tayo. Hindi ka ba nagugutom?” sabi niya. Napatingin naman ako sa relo ko, ala-una na pala pero hindi ko man lang napansin ni hindi ko man lang naramdaman ang gutom. “Tara doon,” sabay turo niya sa isang food stand. Hindi pa ako nakakasagot pero hinila na niya agad ako papunta roon. Sana man lang inalam muna niya kung gusto ko, 'di ba? Hay! Ang babae talaga, gusto laging nasusunod. “Don’t tell me, hindi ka pa rin nakakakain ng ganyan?” tanong ko habang papalapit kami sa food stand. “Nakakain na, pero hindi sa ganitong lugar. Lutong bahay lang, luto ni mama o kaya ino-order lang namin. Gusto ko naman matikman ‘yong ganito," nakangiting sagot niya. Masyado palang mahigpit ang parents niya, nakakasakal siguro iyon pero at least hindi siya nila pinababayaan hindi katulad ko. “Manong, pabili po ng 10 pesos na fishball, 10 pesos na kikiam, 10 pesos na squidball, 4 po na coated eggs, 2 french fries, 2 pong mami at 2 pong gulaman.” ngiting ngiting itinuro niya lahat ng tinda ni Manong. Si Manong naman ay tuwang-tuwa, mukhang magkakasundo sila pero mauubos ba niya ang isang katerbang order niya? Patay gutom ba itong kasama ko? Pakisagot nga! “Mauubos mo bang lahat ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Mauubos natin ‘yan.” ngiti niya. Hay. Wala na akong masabi pa. After 15 minutes ay okay na ang mga pagkain at binitbit na namin lahat ng in-order niya at nagpunta sa isang bench sa park at doon kumain. Kain lang siya ng kain, sarap na sarap siya at walang halong kaartehan. “Ang charap nyu,” salita niya habang ngumunguya. “Iba pala ang lasa kapag binili, mas masarap ito kaysa sa luto ni Mama.” Ang lakas niya kumain, pati ang akin ay ibinigay ko na lang din. “Ayaw mo ba? Masarap naman, ah?” “Busog na ako,” sagot ko lang, nakakabusog kasi siyang tingnan habang kumakain. s**t! Ano ba ‘yong sinasabi ko? Nababaliw na ata ako, nakakahawa ang sakit ng babaeng ito. Nang matapos na siyang kumain ay dumarami na rin ang mga tao sa park. Humahapon na rin kasi. Akala ko ay mag-aaya na siyang umuwi pagkatapos noon pero hinatak na naman niya ako papunta sa swing sa bandang gilid. “Ito naman ang subukan natin,” turo niya sa swing. “Hindi ka pa ba napapagod?” tanong ko dahil nabo-boring na ako. “Napapagod na pero gusto ko talagang subukan lahat ito. Baka hindi na rin kasi ako makabalik pa ulit dito kaya sinusulit ko na ‘yong pagkakataon na ito para maging masaya. Kaya halika na!” Agad siyang umupo sa swing at nag-sway back and forth. Tuwang-tuwa siya na parang batang nakawala sa bahay ng matagal na panahon. Tapos ay inikot niya ang buong park, kinakausap niya din ang ilang batang naglalaro doon. Nakipaglaro pa nga siya ng doktor kwak kwak, hide and seek, at habulan sa mga batang nakausap niya. Inaya niya ako pero tumanggi ako at pinanuod ko na lang sila. Kahit na pagod na siya ay wala pa ring tigil. “Wah! Tigil na tayo. Huh. Pinagod niyo ko, ah. Salamat at nakipaglaro kayo sa akin pero 5 pm na, umuwi na kayo at malapit ng gumabi hinahanap na siguro kayo ng magulang niyo, eh,” sabi niya sa mga bata. Agad naman ngang nagpaalam ang mga bata sa kanya pero bago umalis ang mga ito ay binilhan niya isa-isa ang anim na bata ng ice cream. Kahit may pagkaluka-luka siya, mabait naman siya. Naiwan na lang kami rito, pagabi na rin kaya umuunti na ang tao. “Oh...” abot niya sa akin ng ice cream, tinanggap ko naman at sinimulan ng kainin habang nakaupo sa swing. Inaaya niya kasi ulit ako rito. “Ang cute ng mga batang iyon, 'no? Sana makapaglaro ulit kami. Ang saya nilang kasama, feeling ko nagiging bata ulit ako.” “Mukha ka naman talagang bata, eh," sagot ko sabay lick ng ice cream. “Talaga?” nakangiting tanong niya. “Oo. Isip bata," then she pouted her lips. At nakakainis dahil ang cute niya. Tahimik lang kami, hanggang sa nagsalita siya ulit. “Alam mo. Kung bibigyan ako ng chance na balikan ang isang parte sa buhay ko iyon ay ‘yong naging bata ako, dahil gusto ko maranasan ang ganito. ‘Yong makapaglaro at ma-enjoy ang pagiging bata. ‘Yong masaya ka lang na parang walang anumang problema. Gusto ko rin balikan ‘yong kaibigan ko, ‘yong kaisa-isang kaibigan ko na nagpatibay ng loob ko. Gusto kong makipaglaro sa kanya at gusto ko ulit siyang makitang ngumiti muli.” Napatitig lang ako ng sabihin niya iyon. “Ang drama ko ba? Eh, ikaw kung bibigyan ka ng chance, ano 'yong babalikan mo sa nakaraan?” tanong niya. “Hindi ko alam pero sigurado ako na ayoko ng balikan ang pagiging bata ko. At ang nakaraan, hindi na dapat binabalikan pa..." sagot ko. "Bakit naman? Kung ‘yong history nga ng Pilipinas, kailangan nating balikan at aralin, bakit ‘yong nakaraan mo ay hindi na puwede? May nangyari ba?" tanong niya. "Dahil ayoko," sagot ko sabay tayo. “Gabi na, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya. “A-ahm… Uuwi na rin,” pagkasagot niya ay lumakad na ako. Nakasunod lang siya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad. Walang kibuan, patuloy lang siya sa pagsunod sa akin. “Akala ko ba uuwi ka na?” “Ay! Kabayo!” nagulat pa siya ng bigla akong huminto at humarap sa kanya. “Ahm… Oo nga, uuwi na nga.” “Bakit sunod ka pa rin nang sunod?” “Ah... eh kasi...” napakamot siya sa ulo niya. Ano bang problema niya? “Address mo?” nagtataka siyang napatingin sa akin. “Sa A. Mabini street Block 143. Bakit? Ihahatid mo ba ko?” nakangiting tanong niya. “Hindi. Isasakay kita ng taxi,” sagot ko naman at nakita ko ang disappointment sa mukha niya, inaasahan ba niyang gentleman ako para ihatid siya? Pasensiya na, pero hindi, eh. “Ahm, Lelou...” tawag niya, napatingin lang ako sa kanya. Inaabang ko na siya ng taxi. “Salamat pala, ah. Salamat kasi sinamahan mo ako sa park. Salamat kasi hindi mo ko iniwan. Salamat kas—“ “Tama na ang pasasalamat mo, naririndi na ako,” malamig kong sabi sa kanya. “Pasensiya na, pero hindi ko kasi mapigilan ang hindi magpasalamat, dahil sobrang saya ko. Ang saya-saya ko dahil natupad na ‘yong isa sa gusto kong mangyari. ‘Yong makapunta sa park ng... ng kasama ka. Hmm, thank you talaga!” Nagbawi ako ng tingin pagkatapos niyang masabi iyon. Parang may something kasi ‘yong sinabi niya pero binalewala ko na lang. “Okay," walang emosyong sagot ko sa pagsasalamat niya. "Pasensiya na pero hindi ako sanay mag-welcome sa isang tao." Nang makakita ako ng taxi ay agad kong pinara iyon at sinabi ang address ng babaeng ito. “Sakay na...” utos ko sa kanya. Sumakay na siya at bago pa paandarin ni manong ang sasakyan ay binuksan niya ang window sa gilid niya at nagsalita. “Thank you ulit, huh? Mag-iingat ka sa pag uwi.” ngumiti na naman siya ng malawak, hindi ba talaga siya napapagod ngumiti? “Kaya ko na ang sarili ko. Mind yourself!” sagot ko. “Salamat sa date!” nakangiting sabi niya tapos nag-wave pa sa akin bago makaalis ang taxi. Teka? Anong date ang pinagsasasabi niya? “HOY! HINDI IYON DATE!” sigaw ko. Arg! Luka-luka talaga siya! Napailing pa ako. Date sa park? Hindi... NEVER! --- TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD