Day 3

2674 Words
PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores, shopee, lazada at only 100 PHP!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you! Day 3: “Love Rain” Just an ordinary day for me. Pumasok ako sa dalawang subjects ko, ang bilis lang talaga ng oras dahil pauwi na ako ngayon. Palabas na ako ng school nang may marinig na naman ako. Hay. “Lelou, Lelou!” It’s her again. Sino pa nga ba ang inaasahan kong iba? She waved at me. Kahit naman hindi siya kumaway sa ingay niya ay kitang-kita ko na siya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nasa paligid namin pero wala siyang pakialam. Luka-luka talaga. “Will you keep your mouth shut even a second? Nakakarindi kaya!” sabi ko naman nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya. “Okay. Sorry!” she said and smiled then she zipped her mouth using her hands. Mabuti naman at tumahimik na rin ang luka. Naglakad na ako at sumunod lang siya sa akin. Buntot ko, as usual. “So… Saan tayo ngayon?” siya ulit. Tumaas ang kilay ko. Akala ko tatahimik na talaga siya, para namang nabasa niya ang utak ko, dahil nagpaliwanag siya agad. “Sabi mo po, kung puwede ako tumahimik for a second, right? More than a second na akong hindi nagsalita, 'no. Hmm, angal pa?” napabuntong hininga na lang ako at napailing. “Anywhere you want, matapos lang ang usapang ito.” “Sana nga may lugar na anywhere,” pilosopong sagot niya. Sasagot pa sana ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. s**t lang! I hate rains. “Wah. Ulan! Ang lakas ng ulan!” nagtititili siya. “Oo, alam kong ulan iyan. Tumahimik ka na nga!” hinaltak ko naman siya para pumunta sa waiting shed sa labas ng school para sumukob doon. Sa lakas ng ulan ay nabasa agad kami. “Wuh. Basa na tayo,” sabi niya lang. “Wala ka bang dalang payong d’yan?” tanong ko sa kanya, kung ako lang kasi hindi naman uso sa akin ang payong at hindi naman ako sakitin kahit mabasa ng ulan. Eh, ang kaso, may kasama akong babaeng uhugin dito. Tsk. At saka balak kong hintayin na lang na tumila ang ulan saka ako uuwi. “Mayroon…” sagot niya, aba’t talagang loko pala ang isang ito, eh. Nagpabasa kami gayong may payong naman pala siya. Nakakabanas talaga ang mga babae! “May payong ka naman pala, bakit hindi mo inilabas agad?” inis kong tanong. “Kasi… kasi ang sarap magbasa sa ulan,” sagot niya sabay ngiti sa akin. Nakatingin siya sa akin ng diretso at nagniningning na naman ang mga mata niya. Hay. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan na ito, eh, kaya para hindi na humaba pa ang usapan namin. Hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo kami sa ulan, kahit na ayoko. “Woah! Yehey!” sigaw niya na parang bata habang tumatakbo kami. Malayo na kami sa school ng huminto siya. “Bakit ka huminto?” tanong ko. Lalo lang kaming mababasa. “Ligo tayo sa ulan...” sabi niya na humihingal agad agad. “Huh?” gulat kong tanong. “Hindi pa ba ligo ang tawag mo rito? Basta ako, uuwi na ako, kung ayaw mo bahala ka!” sabi ko naman. “Sungit talaga nito. Saglit lang naman, eh. Sige na, tara!” sabay takbo niya tapos nag paikot-ikot habang nakatingala sa langit ng nakapikit. Ninanamnam ang pagbuhos ng ulan sa kanyang mukha. “Ang saya. Yehey!” “Hay, baliw talaga ang isang 'to. Saan kayang planeta ito galing, sigurado kasi akong hindi siya tao..." sabi ko sa sarili ko, napailing na lang akong pinanood siyang nagtatampisaw sa ulan na akala mo'y nakikipagpatintero sa mga patak ng ulan. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. She’s a wonderful view, actually. “Wow!” sigaw niya sabay yumakap sa akin. “Teka, bakit?” takang tanong ko sa kanya. “Lumayo ka nga sa akin, nakakahiya ka,” rekalamo ko habang tinatanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. “You, you smiled… Finally, nakita ko ulit ang ngiti mo. You’re really so cute when you are smiling. Don't you know that?" tanong niya. "Alam ko, 'di mo na kailangan pang sabihin," sagot ko pero nakaramdam ako bigla ng hiya sa kanya. Ano ba 'to? "Ulan lang pala ang magpapangiti sa iyo, eh.” Masayang sabi niya sa akin nang nakangiti ng pagkatodo-todo. “N-nakakatuwa kasi yung u-ulan…” I stuttered. Iyon ang nasabi ko kahit hindi naman talaga ‘yon ang dahilan ng pagngiti ko. Wala naman kasi akong maidahilan na iba. “Tara na…” hinawakan niya ang kamay ko and then we went on the center of the road. Nagtatatalon-talon siya doon. “Talon ka rin, dali… Feel the rain…” she said. I don’t know why pero napasunod niya lang ako. Umikot siya at umikot din ako habang magkahawak kamay kaming dalawa. Nakatingala kami sa langit habang dinadama ang lakas ng hangin at ang buhos ng ulan. It really feels so good. ‘Yong feeling ng nasa langit ka, ‘yong payapa, ‘yong masaya, ‘yong walang iniisip na problema, ‘yong wala kang takot na nararamdaman. ‘Yong malaya lang. And for the second time around with her, I smiled again. And this time, it’s real. A real smile. Honestly, I really hate rains dahil ang kasunod lang no'n ay ang kidlat at ang kulog. I’m afraid of that, but now I have overcome my fear and I can’t believe it’s because of her. Si Sisi lang ang nakapag pagawa sa akin nito. Siya lang nakapilit sa aking magpabasa sa ulan no'ng mga bata pa kami. f**k! Naalala ko na naman siya. Pero hindi ko akalaing mauulit ito. She actually looks like her. And damn, I hate her! Iniba ko ang iniisip ko, ayoko lang na maalala ko pa ulit si Sisi kahit hindi ko naman siya makalimutan, ayoko lang sa mga taong hindi sanay tumupad ng pangako at basta-basta na lang nang-iiwan nang wala man lang pasabi. Ayoko sa mga taong paasa. “Feel the rain, love the rain, feel the love rain…” sabi niya. “Weird mo… Ang corny!” sabi ko naman. “Woah, lumakas ka pa ulan! Rain, rain come to me. Little children want to play…” she keeps singing that silly song until I realized... “Stop it!” sigaw ko sa kanya sabay bitiw sa kamay niya. “Oh, bakit?” gulat na tanong niya sa akin. “Uuwi na ako, kung ayaw mo pang umuwi. Maligo ka d’yan hanggang gabi...” sabi ko saka ko siya tinalikuran at naglakad na pauwi. Tumakbo na ako para mabilis, baka mamaya ay kumidlat pa. Ang lakas pa rin kasi ng buhos ng ulan. “Teka, Lelou. Lelou!” she shouted pero hindi na ako lumingon pa. Na-realize ko na hanggang ngayon, galit pa rin pala ko kay Sisi, at may mga bagay talagang hindi ko makalimutan sa kanya. She sang it too, no'ng napilit niya akong maligo sa ulan no'ng bata pa kami. And I hate it. I f*****g hate it. Nakarating na ako sa bahay, nag-shower agad ako. Nagpalit ng damit at nag-ayos. Saka ko lang naisip ang luka-lukang babaeng iyon. Nakauwi na kaya iyon o nagpabasa pa siya sa ulan? Mukha pa naman sakitin ang isang iyon. Hay, bakit ko nga ba siya iniisip? “Lelou… Lelou…” parang may tumatawag ata sa akin? Siya ba ‘yon? Napailing ako. Nababaliw na rin ata ako at naririnig ko na lang bigla ang boses niya. Sinasapian na nga ata talaga ako. Masama ito. “Lelou…” narinig ko ulit na may tumawag sa akin at talagang boses ng luka-kuka na iyon ang naririnig ko. Teka… Hindi kaya…… Tumakbo agad ako palabas ng bahay at nakita ko siyang nasa labas ng gate. Anong ginagawa niya rito? “Lelou!” she smiled when she saw me. Pinagbuksan ko siya ng gate at inalalayan. Nanginginig na siya at kulay violet na rin ang bibig niya sa lamig. Basang-sisiw. “Bakit sumunod ka pa rito? Are you damn crazy?” galit kong tanong. “Sinundan kita, a-ang bilis mo naman kasing tumakbo, eh. K-kaya hindi na kita naabutan… Sorry kanina, ah,” paliwanag niya na nanginginig na talaga sa sobrang lamig. Tapos ngumiti. “Akala ko nga hindi mo na ako lalabasin dito…” pagkasabi no'n ay bigla siyang natumba. “Yassie!” Binuhat ko na siya at agad ko siyang ipinasok sa bahay. Inilapag ko siya sa sofa. Ang init niya, sobra. Almost 1 hour na mula nang makauwi ako kanina rito sa bahay dahil naligo pa ako at nag-ayos. Ibig sabihin ay kanina pa rin siya nandiyan sa labas. s**t! Ang babaeng ito talaga, pahamak kahit kailan. “Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka na lang umuwi? Almost one hour kang naghintay diyan sa labas! Are you out of your mind?” ibinalot ko kagad sa kanya ang tuwalya ko. “G-galit ka kasi, eh, gusto ko lang sanang m-mag-sorry,” sagot naman niya. “For pete's sake, Yassie. Uunahin mo pa ba ang pagso-sorry sa akin kaysa sa sarili mo? Kita mo ng mukha kang uhugin nagpatagal ka pa sa ulan! Anong utak mayroon ka? Sa susunod, gamitin mo ng matino iyang utak mo! Geez...” nanggagalaiti ako sa galit, I’m worried about her, wait! Did I just say I’m worried? No. Never. s**t, baliw na ata talaga ako. I’m talking now with myself, geez! “S-sorry…” paghingi niya ulit ng paumanhin sa akin. “Stop saying that f*****g word," sabi ko. Ayoko kasi sa lahat ay ‘yong nagsasabi ng sorry. Para kasi sa akin, walang nagagawa ang sorry kapag nagawa na ang isang bagay na nakakasakit sa iba. Hindi na no'n matatanggal ang sakit na naramdaman na. "Stay here, ikukuha kita ng damit.” Agad akong umakyat sa room ko at kumuha ng damit. ‘Yong makapal para mabawasan ang lamig na nararamdaman niya. Binuhat ko siya sa room ko, pinagpalit ko siya ng damit agad dahil lamig na lamig siya. I also turned off the aircon. Pinahiga ko muna siya at binigyan ng makapal na kumot. Nilagyan ko rin ng bimpo ang noo niya dahil nilalagnat na siya. “Hindi ko akalaing hinintay mo talaga ako roon sa labas, wala akong kilalang matinong tao na maghihintay sa labas ng gate habang nababasa ng ulan para lang mag-sorry sa akin. Sabi ko na nga ba, baliw ka talaga, eh.” saad ko habang pinupunasan ang noo niya. “At least, nakapag-sorry ako agad…” ngumiti pa siya. “At talagang nakuha mo pang ngumiti, ah. Hay, Magpahinga ka na nga muna d’yan…” sabi ko. Bakit kaya hindi siya napapagod ngumiti? “S-salamat. Sorry for disturbing you.” “Pakiusap lang, kapag magkasama tayo bawas-bawasan mo ang pagsasabi ng sorry. Nakakairita!” Tumango siya bilang sagot. “Mukhang hindi ka makakauwi sa kalagayan mo, tapos ang lakas-lakas pa rin ng ulan kaya di—” “So, dito ako matutulog?” tanong niya na may halong ningning sa mga mata. Ano ba itong storyang 'to? Animated? Bakit laging nagniningning ang mga mata niya? “I have no choice…” sagot ko, tatalikod na ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Thank you, Lelou… pero kung puwede sana rito ka na lang. I want you to be here… w-with me,” nahihiyang sabi niya. “Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Eh, may lagnat ka na, kailangan ng magbabantay sa iyo. Sakitin ka kasi…” umupo ako sa tabi niya, tapos ngumiti lang siya at pinikit ang mga mata niya. “Bakit pinatigil mo akong kumanta kanina?” “Woah!” napasigaw ako. “Ano ka ba? Bakit ka nanggugulat?” Ang akala ko kasi ay tulog na siya dahil matagal bago siya ulit nagsalita. Lokong babaeng ito, papatayin pa ata ako sa gulat. “Hindi ako nanggugulat, nagtatanong ako… Bakit Lelouch?” tanong niya ulit na curious na curious. “I just hate that song, no more no less,” malamig kong sagot. Ayokong magpakita ng kahit anumang emosyon sa kanya. “So, ayaw mo nung kanta o no'ng ulan?” tanong pa niya. Bakit ba interesado siya masyado? “Both…” sagot ko. “Teka, bakit ka ba tanong nang tanong?” Naiirita na ako. Obvious ba? “Gusto ko lang malaman, ‘cause I really really love the rain…” she said. “What makes you love the rain?” ako naman ang nagtanong sa kanya. “Para kasing, sila ‘yong mga pagsubok sa buhay. May mahina may malakas, minsan may kasama pang kulog at kidlat pero after that pinatutunayan lang ng ulan na matapos ang lahat still, there’s a rainbow… and then the sun comes. A hope for all of us… So, you better keep on going, kahit ano pang problema… kahit ano pang mangyari... malungkot man ‘yon o masakit, may katapat na saya ‘yon, that’s why I love the rain.” “Paano iyong mga taong walang pag-asa? Iyong mga iniwanan, iyong mga naiwan?” tanong ko pa ulit. “Everything's happen for a reason, may dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay, may dahilan kung bakit may mga nawala at kung bakit may dumadating na bago… Minsan para punan ‘yong kulang at minsan para matanggal ‘yong sobra…” “Eh, ‘yong mga namatay na lang bigla, ‘yong mga mamamatay pa lang?” “Lahat naman tayo mamamatay, eh. Una-una lang ‘yan… Pero sabi nga, every ending has a new beginning, 'di ba?” sagot niya. “Are you afraid of death?” tanong niya bigla, I don’t know how we end up in this conversation. “A-ahm, not really. Sabi mo nga, lahat naman kasi tayo mamamatay, eh. Ikaw?” tanong ko naman. “Well, I used to say no. But actually, yes. I’m really afraid of death…” napayuko siya. “Dahil hindi ko na makakasama ‘yong mga taong gusto kong makasama… dahil hindi ko na makikita ang mga mahal ko sa buhay, and I’m afraid to lose them, I’m afraid to leave them… I’m afraid na makalimutan nila ako pagdating ng panahon… I'm afraid na hindi na nila ako maalala pa. Pero, ganoon talaga, eh, lahat dadaan sa stage na iyon. Oo, Takot ako, pero tanggap ko na…Kailangang tanggapin,” sabi niya, napatingin ako sa kanya no'n. Nakakapagtaka dahil parang, parang natakot din akong mamatay sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang naapektuhan ako… napektuhan ako bigla dahil lang sa sinabi niya. “Pero... mas masakit pa rin ‘yong ma-reject ka ng mahal mo, so, please ‘wag mo ako ire-reject, ah?” Nagtataka akong napatingin sa kanya. “Akala mo drama na, 'no?" napatawa siya ng mahina pero ‘yong tawang parang hindi naman tawa talaga. "Hmm, pahinga na ko, ah…” dugtong niya sabay pumikit na siya. Ang weird talaga ng babaeng ito. Seryosong-seryoso siya kanina tapos biglang tatawa. Baliw. “Salamat, Lelou…” habol pa niya. “I love you…” “Huh?” tanong ko, hindi ko kasi masyadong narinig ‘yong huling sinabi niya pero antok na antok na nga ata talaga siya dahil hindi na niya ako sinagot. --- The next chapter will be posted tomorrow. Thank you for reading! Don't forget to follow me and read my completed stories here on Dreame at Yugto. :) DARA NAKAHARA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD