Day 4

2223 Words
PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores, shopee, lazada at only 100 php!!!! GRAB YOUR COPIES NOW! Thank you! Day 4: "Heart Aches" PAGKAGISING ko ay wala na siya sa higaan. Hinanap ko siya sa may sala, sa c.r, sa labas pero wala pa rin siya. 'Di kaya umalis na siya? Eh, bakit naman hindi man lang niya ako ginising? Hindi man lang siya nagpaalam bago umalis. Hay! Walang utang na loob! “Ni hindi man lang nag paalam sa akin na aalis na siya, samantalang magdamag ko siyang binantayan. Napuyat pa nga ako, eh, tapos aalis siya agad! Haist! Kainis!” napahawak ako sa noo ko. Bakit siya gano'n? Nagpunta na ako sa sa kusina dahil nag-aalboroto na ang tiyan ko sa gutom. Napagdesisyunan ko nang huwag na lang pumasok ngayong araw dahil hindi na din naman ako aabot sa first subject ko at tinatamad na rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero nawalan ako ng ganang pumasok pa. Tumaas ang kilay ko nang may makita akong nakahandang pagkain sa lamesa. Tinikman ko ang soup na gawa niya at saka kinain ang toasted bread na nandoon na may palaman na itlog at ketchup. No wonder kaya siya luka-luka dahil pang luka-luka rin ang pagkaing kinakain niya. Napailing na lang ako. Napansin ko ang note na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko 'yon at agad na binasa. Thank you, Lelou. Thank you for taking care of me. - Yassie Sanay naman pala siya mag ‘thank you’, pero hindi nga lang siya sanay magpaalam. Napangiti na lang ako bigla, bakit ba? Eh, sa trip kong ngumiti. Nangingialam ka? Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko pero maya-maya ay may narinig akong tunog na galing sa cellphone. Hindi naman ‘yong galing sa cellphone ko kaya hinanap ko ‘yon at nakita sa sofa sa sala ang isang cellphone. Kay yassie siguro ito. Mommy calling... “Yassie, baby? Where are you? Hinihintay kita, bakit ang tagal mo naman?” nag-aalalang tanong nito agad. Alam kaya nila na rito sa akin natulog si Yassie? “A-ahm, hindi po ito si Yassie,” sagot ko naman. “Oh, I’m sorry! Is this Lelouch?” tanong ulit nito na ikinagulat ko. How did she know? Siguro sinabi ni Yassie. Ano pa nga ba? “A-ah opo. Naiwan po kasi niya ‘yong cellphone niya. Siguro po ay pauwi na po siya, wala na po kasi siya rito,” oaliwanag ko. “I’m just worried kanina pa kasi siya nag-text na pauwi na raw siya pero hanggang ngayon kasi ay wala pa siya rito," nag-aalalang sabi naman nito. “Ganoon po ba? Don’t worry, hahanapin ko na lang po siya,” prisinta ko. “Okay, hijo. Thank you! Just text me if you find her…” pakiusap nito. “Sige po.” I pressed the end call button. Nasaan naman kaya ang luka-lukang babae na ‘yon? Hindi ba niya alam na may nag-aalala sa kanya. Tsk! Umakyat na ako sa taas para gumayak. Nagbibihis ako nang may mapansin akong kumikinang na bagay sa higaan. Natatakpan iyon ng kumot kaya hindi ko agad napansin kung ano ‘yon. Kinuha ko ‘yun at... “Kuwintas?” napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalang nakalagay bilang pendant sa kuwintas na 'yon. “Hello! I’m sisi! Bakit mag isa ka lang dito?" tanong sa akin ng isang batang babae, nakasuot siya ng damit na katulad sa akin. Damit ng mga pasyente sa ospital na ‘yon. Tumingin lang ako sa kanya at agad kong ibinalik ang tingin ko sa mga bulaklak na pinagmamasdan ko. “Naiinip ka na siguro doon sa loob, ano? Kaya ka lumabas dito. Ako rin, eh, naiinip na rin ako roon… Gusto ko na nga umuwi sa bahay namin pero sabi kasi ni doc, bawal pa raw akong umuwi. Eh, ikaw, kaian ka uuwi?” pangungulit nito sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin, sabay ngiti sa akin nang humarap ako sa kanya. “Hindi kita kilala, ‘wag mo nga akong kausapin…Lumayo ka nga sa akin!” pagsusungit ko sa kanya. “Eh, kaya nga ako nagpakilala, eh. Bakit ba ang sungit mo? Sige ka, papangit ka niyan… Cute ka pa naman sana…” ngumiti siyang muli pero hindi ko lang siya pinansin. “Huwag ka mag-alala, gagaling din tayo at makakalabas dito kaya ngumiti ka na d’yan… Hindi ka dapat malungkot dahil lang may sakit ka, marami pang dahilan para maging masaya...” sabi niya pa rin. Ang kulit niyang bata. ‘Yin ang una naming pagkikita, at dahil sa kadaldalan niya gumaan ang loob ko sa kanya. Lagi kaming magkasama noon sa ospital. Nakilala ng mga pamilya namin ang isa’t isa. Natuwa ang magulang ko nang malaman nila na may kaibigan na ako roon. Nalaman kong parehas kami ng sakit, sakit sa puso. Ang kaibahan nga lang ay mas malala ang sakit niya dahil may butas ang puso nito. “Sisi. Eto, oh…” inabot sa kanya ang bulaklak ng gumamelang pinitas ko sa may hardin ng hospital. Matagal tagal ko ring hinintay ang pagbukadkad no'n. “Salamat, Lelou. Pero, hindi ba paborito mo ang bulaklak na ito? Eh, bakit mo pinitas para ibigay sa akin?” takang tanong niya. “Oo nga, paborito ko nga iyan, kaya ko nga pinitas para ibigay sa iyo…” sagot ko, ngumiti siya at niyakap ako bigla. Nagulat ako, pero niyakap ko na lang din siya. Sa dalawang buwan na magkasama kami sa ospital na ‘yon at hinaharap ng mura naming katawan ang sakit na aming nadarama ay masasabi kong siya ang nakapagbigay sa akin ng lakas at tapang. Dahil isa siyang bata na puno ng lakas ng loob at determinasyon na gumaling. Kahit bata pa lang kami noon, kahit bata pa lang ako noon, nararamdaman ko at alam ko na mahal ko siya… “Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwanan… Ipangako mo na kung sino man sa atin ang unang gumaling ay walang makakalimot sa ating dalawa… Ipangako mo, dito ka lang…” pakiusap ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti ng malawak. Ang ngiting hinding-hindi ko makakalimutan. Ang ngiting nakakapagpalimot sa akin ng sakit. “Pangako, dito lang ako lagi sa tabi mo at hinding-hindi kita iiwan!” sabi niya ng buong sigla, sabay lumapit siya sa akin at hinalikan ang kanan kong pisngi. Pero… hindi niya tinupad ang pangakong iyon. Dahil isang araw, pinuntahan ko siya sa kuwarto niya at wala na siya doon pati mga gamit niya. Nalaman ko sa doctor na umalis na sila at pumuntang amerika, inabot nito ang isang sulat mula kay Sisi. Pumunta ako sa may hardin, umupo ako sa bangko doon. At binasa ang sulat niya, Lelou, huwag ka sanang malulungkot sa pag-alis ko dahil kinailangan ko lang talaga umalis… Magpagaling ka, ha? Sabay tayong magpagaling. Alam ko na gagaling ka dahil malakas ka, kahit na wala ako sa tabi mo kaya mo. Tandaan mo ‘yan… Huwag mong iisipin ang sakit basta ang isipin mo na lang kapag natiis mo ang sakit na ‘yan at gumaling ka, sa susunod wala ka ng sakit na mararamdaman… Mag-iingat ka palagi, ha? Babalik naman ako, eh, pangako babalikan kita at hinding-hindi na kita iiwan pa ulit. Hintayin mo ako. - Sisi Itinago ko ang sulat niyang iyon kasabay ng pagtatago ko sa pangako niyang babalik siya. Hinintay ko siya, araw-araw akong nagdadasal at umaasang makakabalik siya. Pero hindi siya bumalik… hindi niya ako binalikan at hindi na niya tinupad ang pangako niya sa akin. Promises are made to be broken… Napatunayan ko ‘yan. Namalayan ko na lang ang pag init ng pisngi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. Gumaling na ko, Sisi. Pero hindi dahil sa iyo, kundi para sa sarili ko. And I still hate you. I hate you, Sisi. Bumaba na ako at agad umalis ng bahay para hanapin si Yassie. I need to find her. Pumunta ko sa school para hanapin siya roon dahil lagi ko naman siya roong nakikita pero wala siya. Sinubukan kong hintayin siya sa may waiting shed pero may isang oras na ay wala pa rin siya. Nagpunta ako sa mga lugar na malapit sa school, pero hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan ka na ba Yassie? Nasaan ka na? Bumalik akong muli sa bahay nagbabaka sakaling bumalik siya roon pero wala. Pumunta ako sa may bench malapit sa convenience store kung saan nakita ko siya rati pero wala pa rin siya. Napuntahan ko na ang mga lugar na posibleng puntahan niya pero wala siya. “Nasaan ka na bang babae ka?” sigaw ko, napasipa ako sa poste roon. Saka ko lang naisip ang isang lugar na puwede niyang puntahan. Tumakbo ako agad nang mabilis. Sana nga tama ang hinala kong nandoon siya ngayon. Hingal na hingal akong dumating sa may park. Agad kong inilibot ang paningin ko sa may swing, sa seesaw, sa mga bench doon, sa buong paligid pero hindi ko pa rin siya nakita. s**t! Where did she go? Paalis na sana ako ako roon nang mapansin ko ang isang anino sa may puno. Lumapit ako roon at hindi nga ko nagkamali, siya nga. Si Yassie! Nakaupo siya sa ilalim ng puno habang hawak-hawak ang bulaklak ng gumamela. “Nandito ka lang pala, bakit hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka? Alam mo bang may mga pinag-aalala kang tao?” pagalit kong sigaw sa kanya. “Le-lelouch? A-anong ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong nang makita ako. “Ano pa nga ba? Edi, hinahanap ka! Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong magpaalam?” sigaw ko pa rin sa galit. “I-I’m sorry…” napayuko siya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. Inilahad ko ‘yon at ibinigay ang cellphone at ang kuwintas niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang kuwintas na ibinigay ko sa kanya. “Sorry? How many times you will say that f*****g word? Alam mong kailanman, sorry will never be enough for me… Sisi…” Napaangat ang tingin niya sa akin, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “So, kailan mo pa balak sabihin sa akin ang lahat o wala ka ng balak pang sabihin sa akin?” diretso akong nakatingin sa kanyang mata. Nararamdaman ko ang matinding galit sa puso ko. “Lelou, sorry… S-sorry kung nagsinungaling ako. Pero, nandito na ako ngayon… I’m back. Bumalik ako para sa iyo… Bumalik ako para tuparin ‘yong pangako ko na babalik ako,” sabi niya ng nangingilid ang luha. “Best actress… Nakakaiyak…” sabi ko at tumalikod na ako sa kanya. “Pero hindi mo ako makukuha sa pag-iyak-iyak mong iyan… Hindi na ako nadadala sa ganyang mga arte lang. Pangako? Matagal ko nang nalimot ang pangako mo.” Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. Yumakap siya ng mahigpit. “Patawarin mo ako…” garalgal na ang boses niya. "Patawad, Lelou." “Why didn’t you tell me? Pagmumukain mo na naman ba akong tanga?” kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya. “Gustong-gusto mo ba talaga na pinapaasa ako?” “I-I’m just… just waiting for the right time to tell you, pero sasabihin ko naman talaga, eh.” Tumutulo na ang luha sa mga mata niya. “Ayaw na sana kitang guluhin pa pero…” “Pero ano? You always did. You always ruin my life! Lagi mo na lang akong ginugulo. Nakita mo bang tahimik na ang buhay ko? Nakita mo bang okay na ako? Pero bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Puwede namang hindi ka na lang bumalik, eh… Puwede namang hindi ka nalang magpakita. Pero bakit ba bumalik ka pa?” sigaw ko, pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Damang-dama ko pa rin ang sakit sa puso ko. Ang sakit ng pag-iwan niya sa akin noon at ang pagpapaasa niya na babalik siya. “I-I’m sorry, Lelou… S-sorry!” napahawak na siya sa akin pero tinabig ko lang ang kamay niya. “Sorry? Paulit-ulit ko na lang ba maririnig ‘yan sa iyo? Hindi ka ba nagsasawa? Dahil ako... sawang-sawa na ako! Sawang-sawa na ko sa sorry mo! Bakit hindi ka pa lumayo ng tuluyan? Hindi naman kita kailangan, eh. I’m better off without you…” marahas kong sabi. I still can’t forget the pain she gave to me when she left… when she broke her promise. “Kailangan kita.” “Nagpapatawa ka ba?” “I want to explain everything just give me time, listen to me, please Lelou…” pagmamakaawa niya. “Explain? No need, I don’t need you’re s**t lies and you’re f*****g promises! Just keep your damn self away of my life!” sigaw kong muli at tinalikuran ko na siya. “I-I will, I promise…” she said. “Don’t just say it. Do it! STAY AWAY from me, got it?” at iniwan ko na siya roon. Pinigil kong huwag mapaiyak pero nakatakas ang luha sa aking mga mata. Bakit ang sakit? Bakit ganito kasakit? f**k! Paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi niya. May bahagi sa akin na gustong yakapin at pahiran ang mga luha niya kanina at kalimutan na lang ang lahat ng nangyari, pero nanaig ang isa pang bahagi ko na hanggang ngayon naaalala pa rin ang sakit na iniwan niya sa akin. Hindi pa !ko handang patawarin siya. Masyadong masakit… Hindi pa ngayon...Sisi… --- Salamat po ulit sa pagbabasa! Sana po ay basahin niyo rin ang iba ko pang stories. Kung nagustuhan niyo po ito ay magugustuhan niyo rin po ang mga iyon. Don't forget to follow me rin po. God bless!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD