CHAPTER 19

3013 Words
Chapter 19: NEW FRIEND Mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga nang magising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng kaunting pagkahilo dahil sa pagmamadali. "You're awake," I heard someone said. My lips parted when I diverted my eyes to the woman standing beside the door frame. Her natural wavy hair is placed comfortably on her shoulders.I saw her blink for a few times before she uncrossed her arms above her chest and walked towards my direction. I just stared at her while struggling to remember what had happened and why I was there.I didn't even notice that she was staring at me until her eyes met mine. "Are you okay? Kamusta ang pakiramdam mo?" she softly asked. Marahang tumango ako at muling inginala ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Noong una ang akala ko ay nasa hospital ako ngunit hindi pala. Nasa loob ako ng silid kung saan plain brown and white lang ang itsura, may malambot na kama at isa pang pinto na hula ko ay patungong banyo. Mukha itong guest room kung titingnan. My brows furrowed dahil hindi ko din alam kung kilala ko ba ang babaeng nasa harapan ko. "I'm okay." Tumikhim ako. "Anong nangyari? B-bakit ako nandito?" "You lost consciousness at the mall earlier. You also slept for about three hours. Dadalhin sana kita sa ospital kaya lang masyadong malayo ang pinakamalapit na hospital sa mall, idagdag pa na sobrang traffic. But don't worry, my friend who's a pediatrician was with me earlier, and she already checked you up. She said that there wasn't anything to be worried about. Normal lang na mangyari iyan kung dehydrated, sobrang pagod or napuyat ka. Just take a rest, eat, and sleep right and enough then you'll be fine again," she explained. Napatango ako at nakahinga ng maluwag. Hindi ako puwedeng magkasakit sa panahon ngayon. Hindi pa fully nakaka-recover si Mama kaya hindi pa din ako dapat maging kampante. "Doctor ka din ba?" tanong ko nang dumapo ang aking paningin sa puting coat na nakapatong sa kanyang balikat. She took a glance on her shoulder before she answered, "Yeah. I'm a Psychiatrist." "T-thank you for bringing and checking up on me here," I stuttered. "You're welcome." She smiled. "If you don't mind me asking, are you pregnant?" she innocently asked dahilan para masamid ako sa sarili kong laway. Her eyes widened when she saw my reaction. "I'm not saying that you're pregnant, okay? That is why I am asking you. I'm sorry." "H-hindi, okay lang. I'm not pregnant," I denied and unconsciously touched my abdomen. "B-bakit mo naman natanong?" She tilted her head. "Wala naman. Wala kaming sapat na kagamitan para ma-check ka so we're not 100 percent sure sa rason kung bakit bigla ka na lang nawalan ng malay." Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Not that I don't want to get pregnant pero sa tingin ko ay hindi pa ako, kami, handa sa ganoong responsibilidad. David is one of the most sought bachelor in town. He may have told me that it was okay for me to get pregnant and that he was willing to hold me accountable, but the truth is that he just wanted to make me feel better. There are things we can really say that we do not intend or really mean but are necessary for the reassurance of other people. And I think that's what David did. He saw what the possibility of me being pregnant had affected me, and he just wanted to remove any fear or apprehension from my system. Bukod pa doon ay parehas kaming may kinakaharap na problema, and it won't help us if that adds up. "By the way, I'm Thalia," naka-ngiting inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. I also smiled at her and accepted her hand. "Just call me AM." I awkwardly pull my hand away from her when our hands stopped from moving. Her eyes are sparkling while staring to mine. Parang natutuwa siyang kabisaduhin ang buong mukha ko. Umiwas ako ng tingin ng hindi ko na nakayanan at tumikhim dahil sa pagkailang. "A-ahm... I'm sorry," tila natauhang wika niya. "You just look familiar. B-but I'm sure na hindi pa tayo nagkikita. Ever," she emphasize. I stared at her face too. Yeah, she was quiet look familiar. "You're right. You look familiar to me too," I mumbled. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. But the shape of her face, her eyes, and her soft features—it was nostalgic to stare at her. Parang nakita ko na ito dati. Hindi ko lang matandaan kung saan o kung kailan. "Maybe we've met before? Or—never mind that," she shook her head before chuckling. Imposibleng nakita ko na siya dati. The way she moves, hindi siya mukhang nag-aral sa public school na pinag-aralan ko or nagtrabaho sa bar, at kung ano-ano pang naranasan ko at pinuntahan ko. She looks like a princess. Makinis at maputi ang balat niya na parang hindi manlang naranasang magalusan. "By the way, someone called your phone earlier while you were unconscious. He introduced herself as your best friend. Pasensya na kung nakialam ako ng mga gamit mo, ha." She apologetically smiled. Humakbang siya palayo upang kuhanin ang sling bag na dala ko kanina. "And as I can remember, her name was Sydney." Sydney? Bakit naman kaya siya tumawag? Nagkaproblema ba siya? O gusto niya na akong makausap? I unconsciously bit my lower lip and took in a deep sigh. Mula noong magkasagutan kaming dalawa tungkol sa naging desisyon ko ay hindi pa kami muling nakakapag-usap. Sana naman ang dahilan ng pagtawag niya sa akin ay pinapatawad na niya ako at miss na niya ako. Miss na miss ko na din kasi siya. Ilang beses ko din siyang sinubukang tawagan nitong nakaraan pero lagi niya akong pinapatayan ng linya. "I told her what happened and asked her if she can fetch you here, she agreed. Is that okay with you?" Thalia asked and handed my bag. "Oo naman. Salamat." "Do you want more?" Thalia asked as I chewed the last piece of cake in my plate. Akmang tatayo na siya sa kanyang pagkakaupo upang ikuha ako ng panibahong slice nang hawakan ko ang braso niya upang pigilan siya. "No—huwag na. Salamat na lang pero ang dami ko ng nakain. Busog na busog na ako," napapakamot sa ulong saad ko at ngumiti. Ang totoo ay gusto ko pa sanang kumain ng strawberry cake ngunit nahihiya na ako. Pang-limang slice ko na iyon ng cake pero pakiramdam ko ay gutom pa din ako at ang tanging gusto ko lang kainin ay 'yong strawberry cake. Kanina ay tumawag muli si Sydney, she said na medyo matatagalan siyang sunduin ako dahil nagkaroon ng maliit na emergency sa kanila. Sa tingin ko dahil na naman ito sa sutil niyang baby boy. Kahit ang bata-bata pa kasi ni Aldriech ay ang dami ng alam gawin sa buhay. Nakahinga ako ng maluwag at tila nawalan ng tinik sa dibdib nang humingi sa akin ng tawad si Sydney kanina. Ang sabi niya ay nabigla lang daw siya sa mga naging decisions ko kaya kung ano-ano ang nasabi niya, at kahit na hindi siya sang-ayon sa mga naging desisyon ko ay sinabi niyang naiintindihan niya ang mga ginawa ko. Pinatawad ko din siya agad kahit na over the phone lang siya humingi sa akin ng tawad dahil alam kong sincere siya. Matagal ko ng kilala si Sydney kaya't alam kong ang paghingi ng tawad kahit na alam naman niyang tama siya ang pinakamahirap na gawin para sa kanya. Siguro ay hindi din niya ako kayang tiisin gaya ng hindi ko din siya kayang tiisin. Habang nag-iintay sa pagdating ni Sydney, Thalia asked me if I want something or if I am hungry. Nakaramdam naman ako agad ng pagkalam ng sikmura, pero dahil nahihiya ako ay umiling ako ngunit ang tiyan ko ang ayaw paawat. Nakakahiya dahil kasunod lang ng pag-iling ko ang malakas na pagtunog ng tiyan ko sa gutom kaya napatawa sa akin si Katelyn. Sinabi niyang sasabayan niya akong kumain para hindi ako masyadong mahiya. Naghanda siya ng menudo para sa amin ngunit hindi nagustuhan ng aking ilong at dila ang lasa at amoy nito. Parang babaligtad ang sikmura ko sa kakaibang amoy at hindi maipaliwanag na lasa nito. Wala sa sariling napangiwi akohabang pinagmamasdan ko si Thalia na kumain dahil mukhang nag-eenjoy naman siya. Paano niya nagagwang kainin ang niluto niya? Nakakahiya lalong tumanggi kaya pinilit ko pa ring kumain ng kaunti kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng iluwa ang kinakain ko. Tahimik na napadasal na lang ako ng dumating na ang hinanda niyang dessert. Ang akala ko ay magsu-suffer akong muli ngunit Hindi ko inaasahan na sarap ang pagkakagawa ng strawberry cake niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko at nagliwanag ang buong paligid, at simula noon ay hindi ko na mapigilan ang kumain ng strawberry cake niya. "Okay," nakangiting tumango si Thalia. "I still suggest that you should pay a visit to your doctor to check you up." Marahang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig. "Why? Akala ko sabi mo wala akong sakit?" "Yes, but I still suggest na magpatingin ka din. Hindi talaga tayo sure kung stress or pagod talaga ang dahilan ng pagkawala ng malay mo," makahulugang saad niya habang pinagmamasdan ako na parang may malubha akong sakit at hindi na malulutas ng kahit na ano'ng gamot. I suddenly felt my heartbeat fastened. I slowly looked up to her as I felt a big lump on my throat when I realized something. On the other hand, Thalia keep watching my movements like she was waiting for me to say something. "Hindi naman ako mamatay, 'di ba?" I asked nervously. I just realized na baka may sakit talaga ako ata ayaw lang sabihin sa akin ni Thalia upang hindi ako magpanic. Siguro ay nakita niya ang takot at pagkabahala sa mukha ko kanina kaya't naisip niya itong pagtakpan. Jusko, hindi pa ako handang mamatay! Kailangan ko pang magtrabaho! Hindi ako matatahimik hangga't hindi gumaling si Mama at nakaka-graduate ang dalawa kong kapatid—. Natigil ako sa pagiisip nang marinig ang mahinang pagtawa ni Thalia. She was laughing like I am the most funniest person in the world. "Of course not. Bakit mo naman naisip 'yan?" She chuckles. "Ha? S-Sabi mo kasi—Akala ko—" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halos namumula naman ang mga pisngi niya dahil sa kakatawa. Nang mapansin niya sigurong nakatingin lang ako sa kanya ay t'saka lang siya tumigil. She cleared her throat and said, "Sinabi ko iyon to make sure that you are really safe. I mean, there's really nothing to be worried about and it's really up to you kung gagawin mo. But I really suggest na magpa-check up ka." Napatango ako. Tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo at sinimulan na niyang ayusin ang mga pinggan na pinagkainan namin. Tatayo pa lang sana ako upang tulungan siya nang hawakan niya ang kanang balikat ko upang pigilan ako. "Ako na, I can handle it." Apila sana ako sa kanya ngunit nunahan niya ako sa pagsasalita upang ilipat ang atensyon ko sa ibang bagay. "Kalilipat ko pa lang dito last week, pansin mo?" Agad namang pumalibot ang tingin ko sa buong unit ni Thalia. Yeah, pansin ko nga. Bagama't sobrang laki ng unit niya ay kakaunti pa lang ang laman nito at plain white lang ang mga walls niya. Wala pa din itong masyadong disenyo. "Dito talaga ako lumaki sa area, but after I became 14, nagsimula na kaming magpalipat-lipat ng bansa ng parents ko. And that's because of a big and unfaithful problem came up. Masyado kasing guwapo ang tatay ko noong kabataan niya kaya... ayon." She shrugged her shoulder while chuckling. There's a bittersweet smile on the end of her lips. "Then bumalik kami dito sa pilipinas after maayos ng problema. Dito ako nag-aral ng 3rd and 4th year college. Hindi ko inaasahan pero... I fell in love. I was so happy, even when we just found each other by pure serendipity. We were already planning to build a family and live here for good... pero hindi talaga maiiwasan ang mga pagsubok. We broke up. Baka hindi pa siguro oras para sa amin." She sighed, shaking her head. "I needed to find and fix myself and live alone for 3 years in Paris. Masyado kasing naging masakit ang mga pangyayari." Unti-unting nawala ang pait sa ngiti nito. "And this is me now, I am ready to fight and fix my family!" Despite of her teary eyes, she was able to smile genuinely at me when she saw me watching her. "Sorry 'bout that. Napadami ata ang sinabi ko." "Hindi, okay lang." I shook my head. And suddenly she asked, "By the way, you look young... Ilan taon ka na? Are you still studying?" "21 na ako. And hopefully, last year na sa college." "I know you'll do great." She winked. "Nga pala, madami akong na-bake na cake because of my boredom. Gusto mo bang magdala sa inyo?" I wanted to say 'yes' pero pinigilan ko na ang sarili ko. "H-huwag na. Okay na ako—" "I will be happy if you'll gonna bring some," she pouted with her eyes pleading. In the end, I just gulped and nodded my head. Gusto ko din naman talaga eh. Medyo nakaramdam lang ako ng hiya. Thalia's eyes immediately sparkled in my answer. Nang maayos na ang mga pinggan, at mga kutsara at tinidor ay kinuha niya na ang mga ito. I was about to help her again nang mabilis siyang maglakad palayo sa akin. "Maghugas lang ako ng plate, don't worry because mabilis lang ito. Wait mo na lang ako diyan!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng kitchen. Tumayo na lang ako at kinuha ang dalawang basong ginamit naming dalawa bago pumasok sa loob ng kusina. Naabutan ko siyang nililinas na ang pinagkainan naming mga pinggan. "Tulungan na kita diyan," presinta ko pagkatapos ipatong sa lababo ang mga baso. "No, hindi na. Hintayin mo na lang ako sa living room," "Sure ka?" paninigurado ko. Sunod-sunod naman siyang tumango bago nag-thumbs up sa akin. I was wandering around Thalia's living room nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Muling inilibot ko ang aking paningin sa paligid bago tuluyang nag-focus sa aking phone. Halatang bagong lipat pa lang talaga ang taong nakatira dito dahil sa ilang mga box na nagkalat sa piligid. Wala ding mga pictures sa dingding at tanging flat screen TV lamang ang makikita mo sa living room bukod sa malalaking sofa. From: Sydney im so sorry, am. can't go there. aerious emergency came up. im really sorry. Nakaramdam naman ako ng pagaalala sa aking kaibigan kaya agad akong gumawa ng mensahe para sa kanya. To: Sydney Okay lang, I can handle myself. If you need me, just call me ha. Balitaan mo ako kung anong nangyari. Wala na akong natanggap na reply mula dito pagkatapos noon. Maybe she's busy? Ano kaya ang problema ang tinutukoy ni Sydney? Nagsisimula na akong makaramdam ng pag-aalala para sa kanya. Bumaling ako ng tingin saaking likuran ng makarinig ng maliliit na mga yabag. "Hey, Aisha, matagal pa ba ang kaibigan mo? It's already 11 pm, delikado na sa labas," nagaalalang tanong ni Thalia. Agad na bumaba ang tingin ko sa dala niyang katamtamang box na sa tingin ko ay may laman na cake. "Ka-te-text nga lang niya. Hindi na daw niya ako mapupuntahan dito kasi may emergency daw." "What? Paano ka na? Gusto mo bang dito na matulog?" she suggested pero agad akong tumanggi. "Hindi na. Baka kasi hanapin ako ng mga kapatid at Mama ko." Bumaling ako sa labas nang bintana ni Thalia upang silipin ang kalsada. "Kaya ko namang mag-biyahe mag-isa. Sanay na ako." "Hindi ako papayag. Baka mapahamak ka sa labas. Kung ayaw mo matulog dito ay ihahatid na lang kita sa bahay niyo," she tried to negotiate. "Huwag na, Thalia, nakakahiya na sa iyo. Ang dami mo ng nagawa para sa akin kahit na sa totoo lang ay hindi mo naman iyon kailangang gawin dahil hindi mo naman ako lubusang kilala." "No, I insist. Ihahatid kita sa inyo," she said with finality. "And it will make me feel good if you agree, please." Napa-buntong hininga na lamang ako ulit ako habang nakatingin mukha ni Thalia. I noticed na ang hilig niya gawin iyon tuwing may gusto siyang makuha, and she's succeeding. Ang hirap tumanggi sa maamo niyang mukha, nakaka-guilty. Mas nakakahiya naman kasi kung tanggihan ko ang alok niyang tulong because she's insisting it. Hindi ako makapaniwala na may tao pang katulad niya. Kakakialala pa lang namin pero hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako sa mga paraang kaya niya. Kung tratuhin pa niya ako sa loob ng mismong bahay niya ay para akong espesyal na bisita. "Salamat sa paghatid sa akin dito sa bahay, ha?" pagpapasalamat ko kay Thalia. Nakahinto ang Ashton Martin ni Thalia sa tapat ng bahay namin. "G-gusto mo ba munang pumasok sa loob?" I shyly offered. "Hindi na, inaantok na din kasi ako. At t'saka wala iyon. I like helping people," sinulyapan niya ang labas ng bahay namin. Her eyes glinted for a second. "Isa pa, gusto ko from now on friends na tayo. Whether you like it or you like it. Wala kang choice kung hindi maging friend ako," she demanded, raising a brow. I was shocked for a moment but I also immediately replied, "Sure. I would love to be your friend. Ako pa ba ang tatanggi sa'yo sa kabila ng pagtulong mo sa akin?" "Great!" enthusiastically exclaimed. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Slowly, the corner of my mouth lifted. I closed my eyes when I felt a warm feeling inside my chest. Muli kong naramdaman ang pakiramdam noong una kong nakilala si Sydney at Mia, ang pakiramdam na makahanap ng bagong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD