CHAPTER 14

3140 Words
Chapter 14: HACIENDA DE LA CERDA Nagising ako nang may maramdaman akong malambot at mainit na bagay na gumagalaw sa ibabaw ng labi ko. His lips move sensually, urging me to move mine against his. "Uhmm.." I moaned when his tongue asked for entrance, so I parted my lips to welcome him. His tongue explore my mouth that made my moan louder. Nang mahalata niya sigurong gising na ako ay t'saka lang siya lumayo sa akin. "Glad you're finally awake, sleeping beauty," he whisperd, deeply staring at my lips. Bumaling ako sa labas ng sasakyan nang maramdaman ang pag-iinit ng akong mga pisngi dahil sa kaniya. I stumbled upon what I saw, sobrang dilim ng paligid at napapalibutan ang lugar ng mga puno. Gabi na ba? Nasaan kami? Ganoon na lamang din ang gulat ko nang unti-unting bumukas ang malaking gate na kulay tanso sa aming unahan. Tumingala ako at nakita ang arko nito na may nakalagay na malalaking letra na Hacienda de la Cerda. May mga matataas na pader ang humaharang sa lupaing sakop nito. Narinig ko ang maligayang pagbati ng mga taong nagbukas ng gate at tinanguhan lamang sila ni David. Medyo malubak ang daan papasok kaya't napahawak ako sa seatbelt sa tapat ng aking dibdib. Wala akong kahit isang ideya kung nasaan kami. Mabuti na lang at medyo naaninag ko ang paligid dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan. Nang sundan ko siya kanina palabas ng hospital ay dumeritso lang siya papasok ng sasakyan niya kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa nakatulog ako. I was about to ask David where are we nang bigla siyang lumabas ng kotse. Hindi ko manlang namalayan na tumigil na pala ang sasakyan. He turned in my seat to open the door for me. "Let's go." His voice is really cold. Bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. Galit ba siya sa akin? Pero... bakit naman siya magagalit sa akin? Napayuko ako at inabot na lamang ang kamay niyang nakalahad at lumabas ng kotse. Nang makalabas ako ay napa-tingin ako sa mga mata ni David. Sobrang lapit naming dalawa sa isat-isa. Nararamdaman ko nga ang bawat paghinga n'ya sa pisngi ko. Ang guwapo talaga ng lalaking ito. Kahit saan ka tumingin, lahat perpekto. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, and it seems like I got electrified. Bigla kong naramdaman ang bawat pagtibok ng puso ko. But... why? Ano'ng dahilan at bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ko? "Don't look at me like that." His expressionless eyes avoided my gaze. Pumunta siya sa likod ng sasakyan at kinuha ang isang traveling bag mula doon. "Where are we?" tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang isang classic old mansion sa aming harapan. Bakas ang Spanish Colonial architecture sa estruktura nito. Mayroon itong white stucco walls, red clay roof tiles at ginamitan ng heavy, rustic wood accents. May ilan ding twigs at branches na mukhang sinadya ang pagkakadikit sa pader nito. Bumalik ang tingin ko kay David dahil sa hindi niya pagsagot sa akin. Akmang uulitin ko ang aking tanong nang makarinig ng mabibigat na yabag mula sa aking likuran. "HYAH!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw na iyon. Mabilis akong umikot paharap upang malaman ang pinagmulan noon. My lips parted nang huminto sa aming unahan ang isang Odd-colored horse. I was in awe as I saw an irrupted stripe on its face. "Whoah!" Umakayat ang tingin ko sa lalaking nagsalita na nakasakay sa kabayo. His eyes widened as he looked at David's direction as an 'O' shape formed his lips. "Hindi ko inaasahan ang pagbisita niyo ng ganitong oras; madaling araw na. Especialmente y tú, prima, y llevando una niña." He smirked on his last words. Bahagyang napalingon ako kay David sapagkat hindi ko naintindihan ang huling sinabi ng lalaki. Tunog espanyol ito, he has a good pronunciation which also amazes me. Maliksi siyang bumaba mula sa pagkakasangkla sa kabayo. "Oh, shut up," Mr. Radcliffe lazily talked. "Kailangan ko pa bang sabihin sa 'yo ang lahat, Señor Don de la Cerda?" The other man laughed. "Come on, I'm not abuelo to be called that. Pasensya na't sadyang nagulat lang ako sa biglaan mong pagbisita. Ang tagal na din kasi kitang hindi nakita!" Ibinuka ng lalaki ang braso at lumapit kay David upang yakapin ito ng mahigpit. Tinapik naman ni Mr. Radcliffe ang likod ng lalaki. "Madilim pa, ah. Or have you just come home?" David asked nang maghiwalay sila sa yaakap. "Oo. Kakatapos ko lang mag-patrol kasama ang mag-amang Dimayuga," he shrugged his shoulders. Matamis na ngumiti ang lalaki ng mapunta sa akin ang paningin niya. Humakbang siya ng tatlo palapit sa amin hanggang sa makatapat ko siya. He stood at a tall height of six feet. Nakabukas ang tatlong buttons ng checkered blue polo niya na naka-tucked in sa tight blue jeans niya. Sa palagay ko ay nakadagdag din sa appeal niya ang pagiging mestizo. His almost black hair swayed nang tanggalin niya mula sa kanyang ulo ang cowboy hat niya at inilapit iyon sa dibdib bago bahagyang yumuko sa akin. "Kumusta? I'm Maximiliano de la Cerde. Liano na lang," pagpapakilala niya sa akin as he offered his hand. He looks very friendly that even his almond-shaped eyes are smiling. "She's Aisha," si Mr. Radcliffe na ang sumagot para sa akin. Napatingin ako sa aking balikat ng mamahinga doon ang braso niya. Ngumiti na lang ako kay Liano nang ibaba niya ang sariling kamay. "¿Tu mujer?" Liano said chuckling. Patagilid na isinabit sa kanyang leeg ang cowboy hat niya. "Maganda siya kaya't hindi na nakakapagtaka." "Where's Lucia and Kuya Thiago?" David asked, tilting his head and glaring at other man. Malakas na humalakhak si Liano. My brows furrowed because I can't relate to what they are talking about. Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito? "Nasa Espanya si Lucia kasama ang Mamá at Papà. Samantalang ang Kuya Thiago naman ay nasa kabilang Hacienda," makahulugang sagot ni Liano. "Kabilang Hacienda? Sa mga Terrazas? Nang ganitong oras?" sunod-sunod na tanong ni David as his forehead knitted. Tila gulong-gulo sa narinig na sagot ni Liano. "Oo, Kuya. Tatlong kabayo na kasi sa Hacienda ang namatay ngayon sa loob lamang ng isang linggo. Sigurado kaming malulusog ang mga kabayo sapagkat madalas na bumibisita ang sa rancho ang Doktor ng mga kabayo kaya't wala kaming makitang dahilan kung bakit sila nangamatay. Iniisip tuloy ng ibang mga trabahador dito na baka may kinalaman dito ang matagal ng alitan ng dalawang pamilya. Kalat na din kasi sa buong lugar na kami lamang ni Kuya Thiago ang natirang de la Cerda ngayon dito," pagkukuwento ni Liano at bahagyang tumigas ang panga. "Kay Kuya Thiago ipinagkatiwala nina Abuelo ang buong Hacienda de la Cerda kaya't naiintindihan ko ang matindi niyang pagkabahala sa nangyari. Hay, subukan lang talaga ng mga Terrazas na 'yon." He tsk-ed. Malakas siyang huminga upang itaboy ang masamang awra na kaninang nabubuo sa kanya. "Halina at pumasok na tayo. Madilim pa dito sa labas at madami pang mga insekto dito. Sa loob na lang natin ituloy ang kuwentuhan." Pagkabukas pa lang ng kahoy na pinto ay napanganga na agad ako sa sobrang pagkamangha. Bakas talaga ang Spanish Colonial sa bawat sulok ng bahay. Brentwood pa ang ginamit nila bilang kahoy. Malalaki din ang bintana at nila na hugis arko dahilan upang makita mula sa loob ang liwanag na nagmumula sa buwan. They really kept the traditional Spanish touches of the home's exterior, but made the interior tranquil, light and airy. Sinamahan kami ni Liano na kumain dahil hindi pa kami kumakain ni David ng kahit ano mula sa mahabang biyahe. Ang sarap nang pagkakaluto ng Albondigas nila at ng Gazpacho soup na ngayon ko lang natikman. Sumabay na ding kumain sa amin ang mag-amang vanquero na kasama mag-patrol ni Liano at ilan pang mga trabahador nang sabihin ng mga ito na hindi pa sila kumakain nang tanungin sila ni Liano. Natuwa naman ako kay Liano because even though he's one of the son of the landowner, he still got along well with the workers and treated them as friends. My eyes almost popped out when I found out that Liano and I were at the same age. Ang mature kasi ng itusra nito because of his strong features at sa paraan ng pagkakatayo ay aakalain mong marami ng napatunayan sa buhay. Nagulat din ako ng malaman na magpinsan sila ni David dahil magkapatid ang mga nanay nila. Sobrang magkaiba kasi sila mukha at walang makikitang pagkakapareho. Mukhang Amerikano si David habang si Liano naman ay bakas ang dugong Espanyol. Pagkatapos naming kumaing dalawa ni David ay inihatid ako ng isa sa mga kasambahay nila Liano na si Manang Tess sa ikalawang palapag upang magtungo sa silid na tutuluyan namin ni David. Medyo nag-alala ako ng magpaiwan sa akin si David para makipagkuwentuhan kay Liano dahil malapit ng sumilip ang araw at hindi pa din siya natutulog. The interiors of the bedroom is stunning with its white painted walls because of its golden white and minimal style. Ang akala ko ay hindi agad ako makakatulog dahil natulog naman ako buong biyahe ngunit ng mahiga ako sa kama ay agad akong nilamon ng kadilaman. Tatlo at kalahating oras din ang itinagal ng tulog ko bago ako nagising dahil sa sunod-sunod na pag-tilaok ng mga manok. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong nabungaran ang mukha ni David sa mismong harap ko. Hindi din agad ako nakabangon mula sa pagkakahiga dahil sa bigat ng braso niyang nakapaikot sa akin. Sobrang himbing ng tulog niya na halos hindi siya nagising sa ilang beses kong subok na buhatin ang braso niya at itulak siya palayo sa akin para lang makabangon ako. Hindi ko napigilang ang titigan at kabisaduhin ang buong mukha niya. Ang guwapo niya talaga. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong bayaran upang sumiping sa kanya kung maari niya namang makuha ang kahit na sinong babae sa simpleng pag-ngiti niya lang. "Magandang umaga po, Ma'am." Iyon ang sinalubong sa akin ni Manang Tessa pagkababa ko pa lamang sa unang palapag. Malumanay ang boses nito at parang hindi marunong magalit. Sinamahan niya akong kumain ng umagahan at ipinakilala pa sa ibang mga kasambahay ng mansyon. Palakaibigan ang lahat kaya't hindi ako nakaramdam ng pagkailang kahit kakikilala ko pa lang sa kanila. Iniwan ako nina Manang Tess sa may living room pagkatapos ng ilang minuto. Naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong madami pa din silang ibang kailangang gawin na trabaho. Nalaman kong maaaga pala talagang gumigising ang mga tao sa Hacienda upang gawin ang mga naka-atas sa kanilang trabaho sa Hacienda. Nakatayo ako sa may pintuan habang pinapanood si Liano na may higit sa apat na mga tauhang masinsinang kinakausap. Hindi gaya ng unang kita ko sa kanya ay seryuso ang ipinapakita niyang mukha sa tauhan dahil mukhang seryuso din ang kanilang pinag-uusapan. "So, you're my cousin's new girl, huh?" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang may magsalita sa aking likuran. Halos mapasinghap naman ako nang maharap ang isang lalaking wari ko ay mas matangkad pa ng ilang pulgada at mas malaki pa ng bahagya ang katawan kaysa kay Mr. Radcliffe. "H-Ha?" tanging nasambit ko. "I'm Thiago, nakakatandang kapatid ako ni Liano," he said on his monotone voice and offered his hand. Nakikita ko ang resemblance nila bilang magkapatid ni Liano. Ngunit mukhang gaya ni David ay palagi din itong seryuso at bihirang magpakita ng emosyon. "Aisha po." Tinanggap ko ang kamay niya kahit hindi naman siya mukhang masaya na makilala ako at pilit na nagbigay ng genuine na ngiti. He really looks intimidating. "Nice to meet you," he slightly nodded his head. Wala sa sariling gumapang ang tingin ko sa braso niyang halos niyayakap na ng polong suot sa laki ng kanyang muscle. Halatang palagi itong nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Agad akong pinamulahan ng mukha dahil nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay bahagyang naka-angat ang sulok ng kanyang labi, mukhang nahuli niya akong nakatingin sa braso niya. "Inumaga ka ata sa Hacienda ng mga Terrazas, pinsan." Sabay kaming napalingon ni Thiago nang magsalita si David na kabababa pa lamang ng hagdan. "Mukhang naging madaldal na naman ang kapatid ko habang wala ako," nakangising sagot naman ni Kuya Thiago at napa-iling. Muli akong pinamulahan nang lumapit sa akin si Mr. Radcliffe at patakan ng magaang halik sa labi sa mismong harap ni Kuya Thiago. "How's your sleep? Did you ate breakfast already?" David asked, he even tucked some strands of my hair behind my ear. "M-maganda naman ang tulog ko... A-at oo, kumain na ako," I stuttered. "Joder, hermano, realmente pareces tan enamorado," Thiago talked in spanish as the end of his lips lifted up. "Do you want us to talk about why you decided to come home just now? You may also want to tell us where you actually slept last night," makahulugang saad ni David. Biglang sumeryuso ang mukha ni Kuya Thiago at tumikhim. David smirked and tilted his head. Hindi na din nagawa pang sumagot ni Kuya Thiago kay David dahil tinawag na siya ni Liano upang sumali sa seryusong usapan ng mga ito. Hindi ko napigilan ang mapangiti ng makita ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng blue denim jeans, red-striped button-down shirt and rolled its sleeved on my elbows, western style cowboy hot and a pair of cowboy boots. I glanced at David who's watching me with his tantalizing eyes. Nakasuot siya ng leather boots with a stacked leather heel, slip on jeans, and a long sleeved button down shirt with a brown cowboy hat on his head. He looks rugged. Ibang-iba ang porma niya ngayon kaysa sa nakasanayan kong suit and tie niya. But either way, he still looks handsome. Halatang hindi talaga niya pinaghandaan ang pagpunta namin ditong dalawa dahil ito pala ang laman ng traveling bag na dala-dala niya. "Bagay ba?" I jokingly strike a pose. The end of his lips lift up. Napaiwas ako ng tingin ng lumakad siya papalapit sa akin at hawakan ang aking magkabilang baywang. Humawak ako sa kamay niyang nakahawak sa akin nang makaramdam ng kaunting kaba dahil sa paninitig niya. "Of course. You really look like a cowgirl," he stated and his eyes darkened. He licked the frame of his lips before he added, "I wonder if you can ride me good." My brows furrowed at what he said. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin but my eyes immediately widened and my cheeks heated as soon as I realized what he meant. Wala sa sariling nahampas ko ang braso niya sa pagkabigla. He sofly chuckled at my reaction that stunned me. Naningkit ng kaunti ang kanyang mata dahil sa genuine niyang pagtawa. Mukhang maging siya ay nagulat sa naging reaksyon niya kaya't tumikhim siya at bumalik sa dating ekspresyon ang mukha. Lumayo na siya sa akin at naunang maglakad palabas. Hindi ko napigilan ang mga mata kong maglakabay sa nakatalikod niyang katawan. I don't know but the way he walks looks sexy. Maybe it was the way his jeans hugged his butt? Or it is the way his shoulder slowly sway? Napailing na lang ako. My, gosh, Aisha! Kailan ka pa ba natutong mag-isip ng ganyan!? Wala ang magkapatid na de la Cerda sa mansyon dahil nagtungo ang dalawa sa rancho upang bisitahin at kausapin ang mga tauhan doon tungkol sa mga biglaang pagkakasakit ng mga kabayo nila. Ngunit bago sila umalis ay nagpaalam muna si David na kung maaring humiram ng kabayo upang magtungo sa kabilang bundok. Pumayag naman ang magkapatid dahil ligtas naman daw doon. Hindi ko lang maintindihan kung ano'ng mayroon doon sapagkat may ibang kislap ang mga mata nila at bakas ang pagkalibang kay Mr. Radcliffe ng tanungin niya iyon. Labis ang pagkamangha ko nang sundan ko si David sa loob ng kwadra ng mga kabayo malapit sa mansyon. May walong stall na naglalaman ng mga kabayo ang kwadra. Ito ang mga kabayong personal na ginagamit ng pamilya de la Cerda kaya nakahiwalay ang mga ito sa iba. My lips parted ng madaanan namin ang isang puting kabayo. Puti lang ang kulay nito na halos magkulay silver na siyang nakapagpamangha sa akin. Nilapitan ko siya at maingat na hinaplos ang puting buhok sa noo nito. It was smooth and soft. "She's Silver," nakangiting saad ni Kuya Ric, ang nag-aalaga sa mga personal na kabayo ng mga Juárez. "Kabayo iyan ni Ma'am Luciana. Siya po ba ang nais niyong sakyan?" Nagliwanag ang mga mata ko at nakaramdam ng excitement sa kaisipang maari ko siyang sakyan. Ngunit agad ding natapos iyon ng magsalita si Mr. Radcliffe. "No, she will ride with me. Hindi siya marunong sumakay sa kabayo." Napanguso ako nang maisip na tama siya. Hindi nga pala ako marunong sumakay ng kabayo. Baka mahulog lang ako at mabalian pa. "We will use Tito JD's horse. Where's Thunder?" David asked. Tumango naman si Kuya Ric sa tanong ni David at naglakad palapit sa ika-pitong stall. Binuksan ni Kuya Ric ang lock nito at marahang hinila palabas ang kulay chestnut na kabayo na mayroong faint star na puting marka sa noo. Masigla namang lumabas si Thunder mula sa stall at bahagyang tumaas pa ang mga paa. Maagap naman siyang pinakalma ni Kuya Ric at maingat na hinaplos ito. Inayos na din niya ang saddle at renda na ipinasuot sa kabayo. Nag-presinta si Kuya Ric na tulungan ako sa pagsampa sa kabayo ngunit agad siyang pinutol ni Mr. Radcliffe. Saglit akong napasinghap nang alalayan ako ni David sa pagsakay sa kabayo. Hinawakan niya ang baywang ko upang itaas and felt his hand pressed against my butt to push me up. Hindi ko na nagawang mag-react pa dahil mabilis siyang sumampa kay Thunder at pumwesto sa aking likudan. David tugged the reins, hudyat para lumakad na ang kabayo. Napalunok ako dahil sa pagkakakulong sa akin ng malalaking braso niya to secure me. Ramdam ko ang bawat pagtama ng likod ko sa kanyang dibdib sa bawat hakbang ni Thunder at ang bawat paghinga niya sa aking batok at sa likod ng aking tainga. I clutched at the saddle and bit my lower lip. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang siyang biglang halikan. I breathe in. Mabuti na lang at nalipat sa iba ang atensyon ko mula sa kanya. Sumunod ang leeg ko sa tatlong maliliit na truck na sumalubong sa amin dahil halos magkulay ginto na ito sa dalang mga corns na pumuno dito. Lalo akong namangha sa sobrang laking lupain at hectares ng corn field. Napangiti ako nang madaanan din namin ang dalawang vaquero na in-assist ang mga bakang kumakain sa kapatagan. Bumaling ako sa bundok na aming pupuntahan nang malagpasan na namin ang mga baka. Ano ba ang mayroon doon at nais na pumunta doon ni David?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD