CHAPTER 13

3021 Words
Chapter 13: JEALOUS "Wala akong pinagsisihan sa mga naging desiyon ko..." nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang huling litrato na buo kaming pamilya. I quickly wiped my tears away. Ang saya lang kasi namin dito. Masigla at tila walang problema. Mula ng iwan kami ni Papa, parang doon nagsimula ang kamalasan ng buhay namin. "Kung titingnan, mali na ang landas na sinusubukan kong tahakin pero wala na akong pakialam. Basta maging maayos lang buhay niyo... ayos na din ako." Gusto kong isipin na kung kasama pa ba namin si Papa... hindi ba magiging ganito kahirap ang lahat? Kung nandito ba si Papa, magiging iba ba ang mga desisyong pipiliin ko? Kung hindi ba kami iniwan ni Papa... Ayaw ko ng isipin. Hindi din naman kasi magiging totoo ang lahat. Umiling ako sa aking sarili. I glanced at the picture frame again before returning it to the side table of Mama's bed behind of our new photos. Hanggang ngayon pala ay hindi pa niya itinatago iyon. I got up to pick up the clothes I took from Mama's closet. Bukas na kasi ang labas niya sa hospital. Ito na ang ika-seven weeks at six days na pananatili ni Mama sa hospital pagkatapos ng ginawang surgery. It was also almost four days before Mama finally recovered from it. She also endured the pain of her cuts or incisions and the swelling or bruising around her eyes for five days. Ang totoo, noong ika-limang linggo namin dito ay maari na sanang lumabas si Mama, but we chose to stay here to make sure that she was really okay. Pagkababa ko sa unang palapag ay naabutan ko doon sina Mark at Nichol na handang-handa na sa pag-alis at tanging ako na lang ang hinihintay. Limang linggo na din ang lumipas simula noong bumalik ako sa araw-araw na pagpasok at pagtatrabaho ng gabi sa NeoBar. Mabuti na lang at hindi nagkaroon ng problema dahil nagpadala naman ako ng excuse letter bilang dahilan sa mga absents ko at personal ko pa itong ibinigay. Naunang lumabas sa amin si Nichol samantalang si Mark naman ay lumapit sa akin upang kuhanin ang bag na naglalaman ng mga pamalit ni Mama. Gaya ng nakasanayan ay inihatid ko silang dalawa sa sakayan kahit na parehas na kami ni Nichol ng pinapasukan. Sinubukan ko dating yayain si Nichol na sa akin na sumabay ngunit hindi naman niya ako pinansin. Pagkarating ko sa University ay agad akong humiram ng notebook sa seatmate ko upang kumopya ng mga notes niya noong nagdaan na mga linggo habang wala pang klase. Maaga akong nakaalis ng AU dahil mukhang tinamad na naman ang ilang Prof naming magturo kaya't hindi kami sinipot. Sa Enriquez' Private Hospital na ako dumeritso. Bahagyang nagulat ako ng maabutan ko sa hospital room ni Mama si Mr. Radcliffe na nakikipag-usap dito. Mr. Radcliffe was wearing his usual. He's wearing a navy two-button suit and white shirt underneath with his Dunhill silk tie. The details on his suit like patch pockets and contrasts buttons help in this regard, although they'll also make his suit more smart-casual. Palagi na lamang ganoon ang suot niya tuwing nakikita ko siya. He always seems like he's attending a wedding or court appearances. Maliwanag ang mukha ni Mama na ngumiti sa akin samantalang blangko naman ang mukha ni Mr. Radcliffe kaya't hindi ko masiguro kung seryuso o hindi ba ang kanilang pinag-uusapan. "Anak, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay dito na dumating ni David," Mama said, glancing at David. "Mr. Rad—" Mr. Radcliffe cleared his throat, stopping me from completing my sentence. Naguguluhang tumingin ako sa kanya dahil wala naman kaming napag-usapang magkikita ngayon. Napayuko ako nang lumakad siya papalapit sa akin upang halikan ang aking noo. I hardly gulped nang pa-simple niyang ibaba ang kanyang labi sa aking tainga upang bumulong. "It's Baby..." he reminded me in his low voice with authority. Muli akong napalunok at kusang gumawa ng hakbang paatras ang kanang paa ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Oo nga pala, ilang linggo ko na ding sinasanay ang sarili kong tawagin siyang David o Baby gaya ng sabi niya. "B-bakit hindi ka manlang nagsabi na pupunta ka?" I asked while looking up to him. Araw-araw ay unti-unti na akong nakakaramdam ng takot na baka bigla na lang siyang mawala. I notice that as time goes on, my family is getting closer to him. Welcome na welcome na siya sa buhay namin sa pag-aakala nilang boyfriend ko nga talaga si Mr. Radcliffe. Ayaw kong dumating ang araw na bigla na lang siyang mawawala sa buhay namin dahil nagsawa na siya sa katawan ko. Siguradong masasaktan sina Mark. At ang pinakamahirap sa lahat ay kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila. He stared at me like I didn't just asked him a question. Tila nagtataka at naghahanap ng kasagutan sa buong mukha ko. Nailang ako ng bahagya kaya't ako na ang unang umiwas sa aming titigan. I cleared my throat. "K-kanina ka pa ba dito?" I asked without looking at him. "Not really." He shrugged. Humakbang siya patagilid upang padaanin ako. "How's your day?" "Hmm... okay naman," walang lingong sagot ko. Kalalapag ko lamang sa isa pang kama ng bag na dala-dala ko ng marinig ang paghagikgik ni Mama na ani mo'y parang kinikilig. Nagtatakang lumingon ako kay Mama at sinalubong naman niya ako ng matamis na ngiti. Nakaramdam ako ng relieved dahil nakikita ko talaga ang malaking improvement sa kanya sa paglipas ng araw. "Bakit nga pala napaaga ka ngayon, 'nak?" she asked. "Kinukulit ko nga si David kanina pa na umalis na muna at bumalik na lang muli mamaya dahil alam ko namang madami din siyang trabaho. Ang akala ko kasi ay mamaya ka pa at baka maabala lang siya." "Aisha will never gonna be a bother to me, 'Ma." I felt chills run down my spine as I hear those words from him. 'Ma? Kailan pa niya sinimulang tawagin si Mama ng ''Ma?' Bakit hindi ko iyon napansin? Damn. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong isipin o kahit ang magiging reaksyon ko. Bumaling ako kay David. He tilted his head while looking back at me like he's waiting to see my reaction. I felt heat stained my cheeks because of his intense stare. Ano nga ba ang mayroon sa mga titig niya at palagi na lang ganito ang natural na pagiging reaksyon ko? I cleared my throat. "Kamusta ka ngayon, 'Ma?" Napangiwi agad si Mama at umirap sa akin na para bang pagod na pagod na siyang sagutin ang paulit-ulit kong tanong sa kanya. "Hay... magkarelasyon nga kayo, oo. Halos araw-araw na lang." She sighed and shook her head. "Tinanong na din ako ni David niyan kanina, pero para sa peace of mind mo ay sasagutin ko ulit; I'm fine. Hindi na ako nakakaramdam ng pagkahilo at nakakaya ko na ding maglakad ng deritso. Hindi niyo na dapat ako iniisip pa. Dalawang linggo ng tapos ang physical therapy ko at ilang treatment na lang ay magiging maayos na ulit ako." "Yeah, but I just want to make sure." I finally smiled. Her doctor warned us because her symptoms might get worse at first. Because some people recover completely from their surgery and others possibly have long term problems. I felt anxious about it, so I kept asking Mama how she was, if she was okay or if she felt something strange about herself. And thank God dahil bukod sa ilang araw niyang panghihina at nakaranas ng pagkahilo, at isang beses niyang seizures after her surgery she didn't experience difficulty in concentrating or remembering things, problems with speech, and behavior changes. Sabay-sabay kaming tatlong bumaling sa pintuan dahil sa biglaang pagbukas niyon. Nasa bungad si Mark ngunit agad kong napansin ang lalaking nasa likuran niya. Mas matangkad ito sa kanya at naging halata sa liwanag na mula sa labas ang malaking anino nito. I felt my heart jumped off of my chest. Bigla akong napahakbang papalapit sa kanila ngunit agad na huminto nang maalalang nasa kaparehas na silid lang din namin si Mr. Radcliffe at maaring nakasubaybay sa bawat kilos ko. Pumasok na si Mark sa loob ng silid at ganoon din ang ginawa ng kanyang kasama. Sabay na ngumiti sa akin ang dalawang bagong dating. My lips quivered but I still managed to smile. "Hay..." Mark loudly sighed. Hinang-hinang bumagsak ng upo siya sa couch. "Kapagod talaga mag-byahe. Nakakainis dahil nakalimutan kong ngayon ang P.E namin. Pagod na pagod na ako!" Rinig kong reklamo ni Mark ngunit wala sa kanya ang atensyon ko. "Dom? A-anong... ginagawa mo d-dito?" I stuttered. I stared at him with confusion in my eyes. "Huh?" sumalamin din ang pagkalito sa kanyang mga mata. "Hindi ko ba nasabi sa 'yo kagabi na bibisita ako?" Parang kidlat iyon na tumama sa akin at biglang bumalik sa aking ala-ala. Right. Nagpaalam siya sa akin kagabi na dadalaw siya ngayon kay Mama, at pumayag ako dahil wala namang mali doon. T'saka balak ko sanang ilaan ang oras na ito upang makabawi sa kanya sa ilang linggo kong hindi pagpaparamdam dahil sa sa pag-aakala kong hindi kami magkikita ngayon ni Mr. Radcliffe. Nakaramdam ako ng pamamanhid ng lumampas ang tingin niya sa akin. Nabahiran ng ibang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa taong nasa likuran ko. "Hindi ko alam na may ibang bisita din pala dito," he mentioned with his low and almost growling voice. His face darkened and he also sound different. Parang hindi siya ang Dom na kilala ko. I slowly turned to face Mr. Radcliffe. Ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha niya; blangko at walang ekspresyon. He was blankly staring back at Dominic when he suddenly glanced at me. His mouth was set in a hard line. He tilted his head as if he was commanding me through his eyes. I bit the insides of my cheeks bago ako nakayukong lumapit kay Mr. Radcliffe. I don't know if I was imagining or not when I saw his lips twitched as he possesively wrap his arms around my waist. Napasunod ako sa kanya ng maglakad siya papalapit. "I'm David, Aisha's boyfriend," taas-noong pagpapakilala nita bago naglahad ng kamay kay Dom. Tumingin sa akin si Dom. Sadness clouded his features, and I just felt like there was a big lump on my throat. Kita ko ang pagdaan ng mga tanong, confusion, at sakit sa kanyang kulay abong mga mata. God knows how I wanted to cross our distance and ask him to let me explain, but something is stopping me. I felt Mr. Radcliffe softly squeeze my waist. He nodded like he finally understand. A sad smile slowly formed his lips before he accepted Mr. Radcliffe's hand. "I'm Dominic, Aisha's... workmate and friend." My lips automatically parted after hearing those words from him. I felt a sting of pain in my chest. Kahit ako ay nasasaktan para sa kanya. He knows that we are more than just workmate and friends. Matagal ko din siyang nagustuhan. Tuwing nagkaka-problema ako, isang tawag lang at nandoon na siya at handa akong tulungan. Dumating na din sa point na iniisip kong kami ang magkakatuluyan; na kami ang para sa isa't isa. Kung hindi lang dahil sa mga problemang kinakaharap namin ay baka matagal na ngang naging kami. "Tita, kamusta po?" Bumaling na lang si Dom kay Mama para siguro itago ang pagkadismaya. His eyes sparkled as he forced himself to smile. "Pasensya na at wala akong dala ngayon para sa inyo. Medyo kinulang din kami ngayon, eh," napapakamot sa ulo niyang dagdag at bahagyang tumawa. Natawa din naman si Mama at napailing. "Ano ka ba naman, anak, wala iyon. Para namang hindi tayo dumating sa punto na sa bahay ka na halos tumira. Pamilya ka na sa amin." "Pamilya na din po kayo sa akin, Tita." He nodded his head. "Pasensya na din po ngayon lang ako nakadalaw. Sobrang nag-alala po ako sa inyo ng malaman ko ang nangyari. Kung puwede nga lang ay noon pa ako dumalaw sa inyo kaya lang ay noong isang araw lang din po ito sa akin ibinalita sa akin ni Aisha." He glanced at me, before he added. "Matagal ko na pong napapansin na parang may mali sa kanya, lalo na noong sunod-sunod ang naging pag-absent niya sa trabaho. Gusto na nga po siyang tanungin kung may problema ba kaya lang ay ayaw ko namang pangunahan o pilitin siya kung ayaw niyang magkuwento sa akin." "Hindi naman sa ganoon..." I tried to explain my side but I stopped when I felt Mr. Radcliffe's hand squeezes my waist. "Hayaan mo na iyon, okay na naman na ako. Ayaw lang siguro ni Aisha, at maging ako, na makadagdag pa sa iyong isipin. Napakalaki din naman kasi ng responsibilidad mo sa inyong pamilya," she said understandingly. "Uy, uy, kuya Dom!" Nabaling ang tingin namin kay Mark nang bigla siyang umayos sa pagkakaupo sa couch. "'Yong pangako mo, ha, na tuturuan mo ulit akong maglaro ng basketball!" "Sige, sige." He chuckled. "Sa susunod, kapag nagkaroon ako ng maraming oras, tuturuan kita." "Yes!" tila waging hiyaw ni Mark bago excited na bumaling ang tingin kay Mr. Radcliffe. "Ikaw kuya David? Marunong kang mag-basketball?" "I..." He cleared his throat and tilted his head to look at me. May pagaalinlangan ang mga mata niya at pag-aalinlangan. "Don't. I'm not into sport, sorry." "Ganoon po ba?" His face fell pero agad din namang ngumiti. "Gusto mo bang sumama sa amin ni Kuya Dom? Puwede ka din niyang turuan!" Mark innocently suggested. May pag-aalalang tiningnan ko si David. Walang nagbago sa reaksyon ng mukha niya ngunit ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking baywang. His jaw suddenly clenched. I licked my lower lip. Pakiramdam ko ay kailangan kong magsalita. "Mark, busy na ang kuya David mo. He has a lot of things to do than to waste his time learning how to play basketball. I hope you'll understand." "O-oo naman po." Nakakaintinding tuamango si Mark. "May dala si Kuya David mong pagkain, kung gutom ka na puwede ka ng kumain," Mama suggested. "Mamaya na lang, 'Ma. Makikipag-k'wentuhan muna ako kay Kuya Dom habang nandito pa siya. Ang tagal na din kasi naming hindi nakapag-kuwentuhan e." Lumingon si Mark kay Dom at gumawa ng puppy dog eyes, dahilan para matawa ito. "Huwag ka munang umalis kuya, ha." "Naku, Dom, paniguradong kukulitin ka na naman niyan ni Mark," natutuwang saad ni Mama. "Hindi ba nakakaabala na? Baka may trabaho ka pa o lakad na dapat puntahan." "Wala po, Tita. Gusto ko din namang nakakausap itong si Mark," he answered. Naglakad siya palapit kay Mark at ginulo ang buhok nito. I heard Mr. Radcliffe snorted silently. Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ng kamay niya sa aking baywang. "David..." banggit ko sa pangalan niya ngunit tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad palabas ng silid. "Oh? Bakit lumabas si Kuya David?" nagtatakang tanong ni Mark. "May bibilhin po ba siya?" My mouth set in a hard line. Hindi ko masagot ang tanong dahil kahit ako mismo ay walang ideya kung bakit siya biglang nag-walk out. Susundan ko ba si David o dapat manatili na lang ako dito? Hindi ko alam ang gagawin ko. "Kung ako sa iyo ay susundan ko siya," Dominic voiced. Nanatiling nakatingin siya sa deriksyon ni Mama ngunit alam kong ako ang kinakausap niya. "Oo nga, Aisha, sundan mo siya. Kanina ko pa din napapansin ang masamang timpla," nag-aalalang pag-sang ayon ni Mama. I bit my lower as I nooded my head. I headed my way toward the door and blew out my cheeks bago pihitin ang door knob. Halos mapaatras ako sa tatlong taong nabungaran ko sa labas ng silid ni Mama na nag-uusap. "Are you threatening me?" David asked in his mono-tone voice. "Hindi." Nichol sly a smirk. "Do I look like I am? Are you threatened?" Umiling lang si David. Umawang ang labi ko ng matalas ang matang tingnan ako ni Nichol. Marahang umikot si David paharap sa akin. Walang bakas ng gulat ang mukha niya ng makita ako. Sandali... magkakilala ba sila? Dumapo ang paningin ko sa lalaking nasa likod ni Nichol. Wala ding reaksyon ang mukha nito gaya ng dalawa. "Mag..." I blinked before I pointed them with my forefinger. "Kakilala kayo?" "Yes." "Hindi." Sabay na sagot ng dalawa. "Huh?" nalilitong tanong ko. "Hi." I glanced at the familiar man who's standing just right behind Nichol. I almost gasped when I met his ocean blue eyes. "I'm Ivos Radcliffe, David's half younger brother, and also, your sister's boss." Kaya pala mukhang pamilyar ang mukha ng lalaki dahil magkapatid sila ni David. Magkapareho ang ilang features nila like thier strong jaw and thick eyebrows. And what!? Siya ang boss ni Nichol? Like what the heck? Gaano ba talaga kaliit ang mundo? "Boss?" I unconsciously mumbled. "Wow." My brows furrowed when Nichol suddenly clapped her hands. "That's the longest sentence you have ever said. I am so proud of you!" sarcastic na saad niya bago tumingin sa akin. She shrugged her shoulders. "Yeah, I work for him." "As?" I asked. "None of your business. By the way, nice talking to your..." She rolled her eyes before lifting a brow. "Boyfriend." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilampasan na niya ako. Walang imik na sumunod naman agad kay Nichol ang kapatid ni David. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa silid ni Mama. "What are you doing here? Done talking to your workmate and friend?" Mr. Radcliffe said while emphasizing the word 'workmate and friend'. My lips parted as my eyes shifted to look at him. There was a creased on his forehead. Masungit ang anyo niya kahit sa tingin ko ay wala namang pagbabago sa emosyong nakapalitada sa kanyang mukha. "Si-sinabi ni Mama sa akin na su-sundan daw kita..." I stuttered and looked down at my shoes. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. I heard him silently 'tsk-ed'. Umikot siya patalikod sa akin. "Follow me," he commanded. Nag-angat ako ng tingin nang makitang nagsisimula na siyang maglakad palayo. Napahinga na lang ako ng malakas. Nagtataka man ay sinundan ko pa din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD