CHAPTER 12

3011 Words
Chapter 12: NO REGRETS "Hindi po ba tayo sasamahan ngayon ni Kuya David?" Napalingon ako kay Mark ng sa tanong niyang iyon. Napansin ko ang pagbaling din sa akin ni Mama na parang iyon din ang nais niyang itanong sa akin. "H-hindi ko alam, Mark. W-Wala siyang nabanggit sa a-akin," hindi siguradong sagot ko. Bumagsak ang balikat ni Mark at muling bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng natutulog na si Nichol, na nakanganga at bakas ang pagod sa mukha. I really don't know what went through her mind that she even thought of looking for a part-time job. Puwede naman siyang humingi sa akin kung kinukulang siya. Bahagya akong umiling bago tuluyang lumapit kay Mama upang ibigay ang baso ng tubig at gamot na kailangan niya. "Kaunting inom lang po mg tubig, ha," paalala ko. Hindi kasi siya puwedeng kumain o uminom kung maari for 8-12 hours befor her surgery. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kilala na nila si David. Noong nakaraan ay labis-labis ang kaba ko ng tanungin sa akin ni Mama kung nasaan si Mr. Radcliffe at kung bakit hindi ko siya sinasama sa pagdalaw sa kanya. Napaawang lang ang mga labi ko sa kawalan ng sasabihin nang oras na iyon. Hindi ko manlang alam na nagpakilala pala si Mr. Radcliffe bilang boyfriend ko sa kanila at palihim na binibisita sina Mama. Kung hindi pa nadulas sa akin si Mark ay hindi ko pa malalaman ang totoo. Hindi ko lang talaga maintindihan ang dahilan kung bakit kailangan pa ni Mr. Radcliffe na gawin iyon sapagkat wala naman iyon sa aming kasunduan. Nagkaroon tuloy ng matinding pangamba sa aking dibdib dahil alam na din ni Mama na siya ang tumutulong sa amin at baka unti-unti ay maghinala siya at mapagtanto niya kung ano nga ba ang tunay na relasyon namin ni Mr. Radcliffe sa isa't isa. Nang matapos si Mama sa pag-inom ng kanyang gamot ay ipinatong niya ang baso sa bedside table at sumandal sa headboard. "Anak, hindi mo na naman kailangang itago sa amin ang kasintahan mo. Huwag ka ng magtampo kay David dahil sa ginawa niyang patagong pagbisita sa amin," she said in a soft voice. Napalunok ako ng kuhanin niya ang kanang kamay ko at marahang pisilin ito. "Ayos lang sa akin na hindi mo matupad ang pangako mong magtatapos muna ng pag-aaral bago makipag-relasyon dahil sa iilang beses na pagbisita niya dito ay nakikita ko namang mabuting tao si David. Tingnan mo nga at napalapit agad ang loob ng kapatid mong si Mark sa kanya." Muli akong napalunok at sinikap na ngumiti ng totoo. Ramdam ko ang pamumutil ng pawis sa aking noo. "Salamat po, Mama, sa pag-intindi ng relasyon namin ni... ni David. Pasensya na po at itinago ko ang bagay na ito sa inyo." Her lips curved into a smile. "Ayos lang iyon, anak. Ang mahalaga ay inamin mo ang pagkakamali mo at naging tapat ka sa akin." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway at mapangiwi ng tuluyan. Mabuti na lamang at bumukas ang pinto ng silid ni Mama bago pa ito nangyari. Hindi ko kakayaning magsinungaling ng matagal kay Mama. "Kinakabahan ka po ba?" I carefully asked, secretly changing our topic. "Napagdaanan ko na kasi ito kaya kaunti na lang. Wala na sa akin iyong sakit ng operasyon pero 'yong pag-aalala na baka hindi ko ito m-malagpasan," her lips quivered after saying the last word. Her eyes started to sparkle with tears. "H-hindi pa ako handang iwan kayo, anak." "At hindi din kami magiging handa, Ma," I firmly said as I squeezed her hand. "Magkikita pa tayo bukas. Ipagluluto mo pa kami ng mga paborito naming pagkain paggaling mo." Pinigilan kong maging emosyonal dahil makakadagdag lang iyon sa saloobin ni Mama. Gusto kong maging relax at handa siya bago ang operasyon niya ngayon. Ilang minuto lang ang nakalipas ng dumating na si Mr. Radcliffe. Tuwang-tuwa si Mark at siya pa mismo ang sumalubong dito. I didn't know how I would act in front of him as he approached me. Dapat ko ba siyang batiin o hayaan na lang? Hindi ko alam kung para saan ang mabilis na pagtibok nang puso ko. "Hi, Baby..." he greeted as his hand encircled around my waist. I gasped and blushed at the same time when I felt him kissed the side of my head. "M-Mr. Rad—" "Shh," he hushed to cut me off. Yumuko siya pababa sa akin until his warm breath fanned against my neck. "It's Baby now..." he ordered in a gentle tone as he squeeze the side of my waist. Parang bigla akong nahirapang huminga. I took a sharp breath when he kissed my cheek, near the side of my lips. Umayos na siya ng tayo at lumapit kay Mama upang kamustahin siya, habang ako ay naiwang nakatulala lang at hindi pa tuluyang napo-proseso sa aking isipan ang kanyang sinabi. "Hi, Tita, how are you? Are you ready for your surgery?" Mr. Radcliffe asked casually. Magiliw namang tumango si Mama dito at sinagot ang mga katanungan ni Mr. Radcliffe. Binati pa ni Mama na ang ganda daw nang ngipin nito tuwing ngumingiti. Tawa lang ang naging tugon doon ni Mr. Radcliffe. At habang pinagmamasdan sila, I noticed that Mr. Radcliffe's way of communicating to my family is different. Parang mas magaan ang aura niya hindi tulad ng impresyon ko sa kanya at panghihina dahil sa kakaibang mga titig niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang ipinapakita niya ngunit natutuwa ako dahil maayos ang pakikitungo niya sa pamilya ko. Hindi din tumagal ay nagpaalam na sina Mark at Nhicol kay Mama dahil may klase pa silang dalawa. Ayaw pa halos ni Mark na umalis dahil gusto niyang sumama sa amin sa paghihintay at sa oras nang surgery ni Mama. If Mama hadn't told him earlier and talked to him, he wouldn't really go. Mama just gave Mark a promise that tomorrow they will meet again. "Promise mo 'yan Ma, ha! Magkikita tayo bukas tapos tutulungan mo ako mag-assignment!" Mark sniffed like a kid habang itinatago ang mukha sa kutson ng kama ni Mama. Nauna ng lumabas si Nichol ng kuwarto at doon na lang naghintay kay Mark. Natawa si Mama at bahagyang sumulyap sa akin. "Oo naman," she muttered with a forced genuine smile on her face. Dinala na si Mama sa 6th floor ng hospital sa Pre-Op department para sa kanyang pre-surgery. Sandali ko munang kinausap si Mama bago siya tuluyang ihiwalay sa amin ng nurse. Pagkarating namin ng 6th floor ay sinalubong kami ng isang makisig na lalaki. He's wearing a white coat like the other Doctors but his presence screams authority and power. But despite of that, his face looks very gentle. Naunang lumapit sa kaniya si Mr. Radcliffe before they shake each other's hand. "Hey, fucker, how's been life f*****g you?" I heard Mr. Radcliffe casually asked. "Hindi ka na nagpaparamdam. I almost thought that Satan picked you up already." My lips parted in shock because I wasn't expecting that kind of greeting from Mr. Radcliffe. They must be friends for him to say something like that. "Been f*****g me good." The guy chuckled before shrugging his shoulders. "Just got a little busy with my schedules." "Or your women?" Mr. Radcliffe taunted. "Don't talk to me like that. You should remember that you're f*****g standing at my territory, Radcliffe," reminded by the guy as he lifted a brow. "As if I care, moron," Mr. Radcliffe scoffed. "Do I need to remind you that you owed me something?" Tumawa ang lalaki ngunit hindi na piniling sumagot. Nagpalitan silang dalawa ng makahulugang tingin sa isa't isa before Mr. Radcliffe smirked. The guy's head tilted bago siya bumaling sa akin at nagbigay ng magaang ngiti. Napasin ko ang isa pang babae at lalaking nakasuot din ng puting coat na patungo sa aming deriksyon mula sa kanyang likuran. "Hi, I'm Zaphiro Joseph Enriquez the VI, the owner of Enriquez' Private Hospital," he introduced and my eyes automatically widened. I watched his hand extended, asking for a hand shake. "You can all me Doc Zeph or Zaphiro, kung saan ka mas comfortable." He playfully winked. I'm sorry for cursing, but what the f**k? I am talking to the person who owns the building I am stepping at! Alam kong hindi na dapat ako nagulat dahil sa estado pa lang ng buhay ni Mr. Radcliffe ay hindi na nakakapagtakang kakilala niya ang may-ari ng hospital pero hindi ko talaga ito inaasahan. Enriquez' private hospital is the leading and most trusted hospital, not just in our country but in damn Asia! I was about to accept his hand when someone grabbed my wrist. Mr. Radcliffe held my waist and pulled me more closer to him. He's now throwing death glares to Doc Zaphiro like he did something unforgivable. "Don't even try touching my woman, moron. She's mine," he hissed as his jaw tightened. Doc Zaphiro lips parted for a second and blinked before his lips lifted up to a smirk to a realization. "Didn't know you're possessive, Man," he pointed out. My face flushed when Mr. Radcliffe lowered his head to reached the level of my ear while still glaring at the man in front of us. "Stop ogling at him!" Mr. Radcliffe grunted with a growl while gently squeezing my waist. My face reddened even more because of that. "I'm n-not..." I stuttered that made him sneered. Hindi ko alam dapat kong sabihin kaya't napaiwas na lang ako ng tingin. My gosh, Aisha, this isn't you! "Hi. Is everything okay?" Nabaling ang tingin namin sa babaeng kanina'y patungo sa aming deriksyon. Her voice was soft and she had snow-like skin. Tiningnan niya kaming tatlo ng may pagtataka sa mga mata. Halos magpasalamat ako sa langit dahil tama lang ang dating nila nang isa pa niyang kasamang doctor. "Yeah. There's just an asshole here who's jealous. Such a baby," Doctor Zaphiro answered while grinning. "Really? Well, that's new to hear," saad ng bagong dating na lalaki. "Looks like he also got it bad, huh," commented by the woman as the corner of her lips turned up. I heard Mr. Radcliffe mumbled something I didn't understand which made Dr. Zaphiro cleared his throat. "By the way, he's Dr. Agusto Policarpio, our chief resident and she's Dra. Patricia Romanov. She's one of the best neurosurgen in the country," Mr. Zaphiro suddenly said. Dr. Agusto politely smile while I saw the woman rolled her eyes at Doc Enriquez like she's tired hearing his compliments. "They'll be the one who will perform your mother's surgery." Dra. Romanov smiled and slightly wiggle her brows when she saw me looking at her. I smiled back. "We already have given her steroids and anticonvulsant meddicine Steroids that will relieve her swelling or edema and anticonvulsant medicine to prevent or control the seizure," rinig kong saad ng isang babaeng naka-medical gown na lumapit kay Dra. Romanov. "It's time," said by Dr. Agusto. Tumango naman agad sa kanya si Dra. Patricia. "Don't worry Ms. Dela Torre, we are giving your mother the best standard of care we can give," Doc Zaphiro assured as he sincerely smiled. Sinikap kong ibalik sa kanya ang ngiti dahil nagsisimula na akong kabahan. Nagpaalam na sila Dra. Romanov at Dr. Agusto sa amin at ganoon din si Doc Zaphiro. Nagsisimula ng mamawis ang kamay ko habang nakaupo sa waiting area. Si Mr. Radcliffe naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ko kahit ramdam ko ang mabibigat na titig niya sa akin. Tumatayo lang siya at lumalayo ng kaunti tuwing tumatawag ang secretary niyang si Clarissa. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa sahig at sa hallway, at kung minsan naman ay titingala sa ceiling. Nang mag-limang oras na kami doon ay niyaya na ako ni Mr. Radcliffe na kumain. Agad akong tumanggi dahil gusto kong nandoon lang at nakabantay. Natatakot kasi ako na baka habang wala kami ay may kung ano'ng biglang mangyari. Gusto kong nandoon lang ako bawat segundo. Napagkasunduan na lang namin na siya na lang ang bumili ng pagkain habang ako ay maiiwan doon. "Hey, calm down." Dumako ang paningin ko sa mainit na palad na humawak na sumakop sa aking nanginginig na kamay. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang bahagyang magkasalubong na kilay ni Mr. Radcliffe. Malapit ng mag-7 hours at wala pa din kaming balita tungkol sa nangyayari sa loob. Matatag akong tao. Simula ng matanggap ko na hindi na babalik sa amin si Papa palagi ko ng pinapaalala sa sarili ko na kailangan kong maging malakas. Hindi ako puwedeng maging mahina. Pero dahil sa nangyayaring ito. Itong pakiramdam na wala akong magawa kung hindi ang umasa na lang at magtiwala na makakaya ito ni Mama. Pakiramdam ko sobrang hina ko. He raised my chin using his free hand and tucked a few strands of my hair behind my ear. "Everything will be all right, I promise," he gently muttered. I bit my lower lip and slightly nooded. Parang nangungusap ang kulay tsokolate niyang mga mata kahit wala namang ipinapakitang ekspresyon ang kanyang mukha. I don't know if that's magic or what, pero napagaan ng salita niya ang loob ko kahit kaunti. --- Agad akong napatayo sa pagkakaupo ng lumabas na si Dra. Romanov mula sa silid kung saan isinasagawa ang surgery ni Mama. She was taking her face mask off. "Kamusta po si Mama? Okay lang po ba ang lahat?" I immediately asked. Mapungay ang mga mata niya na tila napagod sa mahabang surgery na ginawa. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. A smile slipped on her lips. "She's fine. Her surgery was successful." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa oras na iyon dahil sa sobrang saya. Para akong na-estatwa. I just found out that I was crying when Mr. Radcliffe wiped my tears. "T-thank you po, Doc." I sniffled. "Thanks, Patricia," Mr. Radcliffe voiced. "You're welcome. I'll go ahead," pagpapaalam niya. I saw Mr. Radcliffe nodded his head in my peripheral vision. Hindi ko na nagawa pa ang magpaalam kay Dra. Romanov dahil nagpatuloy lang ang luha ko sa pagbagsak. "Hey." Hinarap ako ni Mr. Radcliffe sa kanya. "Stop crying already. You might not be able to breathe from crying so much," he gently muttered. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap sa kanya dahil sa bugso ng aking emosyon. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa gulat sa aking ginawa. Nagsimula na ding lumabas sina Dr. Agusto. Ilang mga nurse na ang lumampas sa amin ngunit nagpatuloy lang ako sa pagyakap sa kanya. I just feel so happy. "T-thank you so m-much..." I whispered against his shoulder. He didn't answered nor said anything but I felt him hugged me back. And that was already enough for me. Mukha namang wala din siyang pakialam kahit mabasa ko siya kaya nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat niya. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kanya. Alam kong may kapalit ang pagtulong niya sa amin pero hindi ko pa rin maiwasan ang maging masaya at maging thankful sa kanya dahil kahit na ano'ng mangyari iniligtas niya kami. --- "Puwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay?" I asked. "Are you sure?" I heard him asked. "Yeah..." mahinang tugon ko. Nakita kong sumulyap muna sa akin si Mr. Radcliffe at tumango before starting the car's engine. Sumandal ako sa backrest dahil sa pinagsamang antok at panghihina. Pagkatapos kong umiyak ng sobra ay nakaramdam ako ng pagod. Nakakagaan nang loob iyong pag-iyak ko pero nakakaubos din pala ng lakas. It's like I poured all the fear and apprehension I felt earlier. Habang nasa biyahe kami ay biglang nag-text sa akin si Mark. He said they have no class anymore and he asks if he can go to the hospital. Sinabi ko sa kanya na successful ang surgery ni Mama at sa bahay na lang siya pumunta sapagkat bawal pang tumanggap ng bisita ngayon si Mama dahil kailangan niya ng pahinga. Bababa na sana ako nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ngunit naunang bumaba sa akin si Mr. Radcliffe upang pagbuksan ako ng pintuan. "Salamat," mahinang ani ko. Tumikhim ako dahil sa kawalan sasabihin at pagkailang dahil malalim na naman siyang nakatitig sa akin. I just wish that I know what's running inside his mind right now. "P-pasok na ako. Mag-ingat ka p-pauwi," I stuttered. Bago pa man ako makatalikod sa kanya ay pinigilan niya na ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking pulsuhan. "Bakit?" I asked. Binitiwan niya ang pulsuhan ko upang kuhanin ang wallet sa likod ng kanyang pantalon. Puno ng pagtatanong na tiningnan ko siya ng humugot siya doon ng isang kulay itim na card at ibinigay sa akin. "That's one of my credit cards. You can buy anything you want, or pay what you have to pay using that," he muttered with his masculine monotone voice. "P-pero sobra na talaga 'to. Sapat na ang pagtulong mo sa scholarship ni Mark at ang surgery ni Mama. Hindi ko na ito matatanggap." Agad akong umiling at tangkang ibabalik ko ito sa kanya ng umatras siya sa akin palayo. "Remember what I told you before you signed our contract that I'll be your human credit card?" he reminded while raising a brow. "Y-Yes," I gulped remembering that scene. He stepped forward again that made me looked up to him. He lowered his head towards mine. Akmang hahakbang ako palayo ng hulihin niya ang baywang ko at higitin palapit sa kanya. I felt his warm lips against mine. I closed my eyes at sinubukang pakiramdaman ang ginagawa niya ngunit wala. Walang halong dila at kung ano mang paggalaw. Magkadikit lang ang mga labi naming dalawa. I don't know if it is possible but the simple touch of our lips feels so nice. Halos habulin ko ang mga labi niya ng siya ang unang pumutol ng halik. I felt my cheeks flushed. "Ako ito na ginagawa kung ano ang ipinangako ko," he huskily said. The corner of his lips turned up as my lips parted. Tila tinakasan ng mga salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD