Chapter 34: PAPERS Maaga akong nagising ngayong araw. And honestly, I can barely understand myself these past few days. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang mga nangyari noong nakaraan linggo pero napapansin ko na palagi na lang akong nagugutom, at kung ano-ano na ding mga pagkain ang hinahanap ko. Kahit may pagdadalawang isip ako ay ipinagpalagay ko na lang na maaring nakakaranas ako ngayon ng stress eating dahil hindi naman talaga ako mahilig kumain at mapili sa pagkain, puwera ngayon. Hindi ko din maikakaila na may bahagi sa akin ang nagsisimula nang mag-alala dahil baka matanggal na ako sa trabaho, or worse, bumagsak at umulit ng isang taon sa dami nang naging absent ko. Kaya kahit gusto ko na lang humilata sa kama buong araw dahil sa pakiramdam na mabigat ang katawan, pinipilit k

