"kadiri ka! tigilan mo na yan,di na ako natutuwa! gutom pa naman ako paano ako kakain? ang gwapo gwapo po tapos iyang pangit ang ipapakita mo eeww!" nandidiring sabi niya sa nanghihina pa ring boses na halos pabulong lang.
Sakto naman bumukas ang pinto at iniluwa ang ina niya na may dala dalang umuusok pang pagkain at gatas.
"Hanie? nainip ka ba? ang tagal kasi mahabahaba ang pila..eto na,kumain ka ng marami." sabi ng ng ina.
Bigla namang naglaho ang pagkapangit pangit na mukha ni Arvin at bumalik sa gwapong mukha nito.
"ayan! o di gaganahan na akong kumain niyan..kesa sa pangit at nakakadiring mukha mo kanina." sabi ni Hanie na nakangiti pa.
"anong sabi mo anak? Hanie?" tanong ng ina na nakakunot pa ang noo.
"po? wala po,sabi ko po mukhang masarap po iyang dala nyo. aaahhh!!" biglang kumirot ang kanyang tiyan.
"napapano ka Hanie?" nag-aalalang tanong ni Arvin.
Nataranta naman ang mama ni Hanie kaya agad itong nilapitan dala ang mainit init pang gatas.
"heto uminom ka ng mainitan ang sikmura mo para matanggal na rin ang sakit na yan." sabi ng mama niya.
Tumalima naman siya at humigop ng paunti unti kahit na mainit ang gatas.
"ano bang sakit mo Hanie?" tanong ni Arvin. Tinignan lang ito ni Hanie.
"Hoy! bakit ayaw mo akong kausapin?" tanong uli nito.
'ang kulit! gusto ata akong magmukhang baliw sa harap ni mama!' sabi ni Hanie sa isip.
"ay! serey nemen di ko naisip yin eh hahaha! eh di ko naman alam eh..ganun pala yun kaya ayaw mo akong kausapin?" sabi ni Arvin.
Nagtaka naman si Hanie 'nababasa mo nasa isip ko?'sabi uli niya sa isip lang.
"oo,hahaha.Yun ang kakayahan ko eh hahaha." sagot nito.
'ahh,baliw!' sabi ni Hanie.
"kumain ka na nga muna at lalabas muna ako." sabi pa ni Arvin.
'mabuti pa nga!' Nangalahati lang ang lugaw na kinain ni Hanie,mahirap na daw kasing mabigla ang tiyan baka lalong sumakit. Matapos kumain,
"Hanie,ano ba ang nangyari sayo bago ka inapoy ng lagnat? sinasaktan ka ba nila at ginugutom? sabihin mo ang totoo at ayoko ng naglilihim ka saakin." tanong ng ina niya.
Natigagal naman si Hanie sa tanong na iyon ng ina.
"Hanie,wag mo na silang pagtakpan dahil may nagsumbong na saakin na kapit bahay,kaya sabihin mo na ang totoo." sabi ng mama niya.
Bigla naman siyang kinabahan. "ma, anong gagawin mo sakanila? ma, maawa ka ma,paano na mga bata?" takot na pakiusap ni Hanie sa ina.
Alam niya kasi kung paano magalit ang mama niya.
"maawa? naawa ba sila sayo? ginawa kang katulong? ginawa kang yaya? at hindi pinakain? ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? balewalain ang lahat? muntik ka nang mamatay dahil sa pulmunya at dahil sa gutom at pagod!! nagkasakit ka nang dahil sa kagagawan nila! dapat silang turuan ng leksiyon!" galit at matigas na sabi ng mama niya.
"pero ma? ma please,kawawa yung mga bata. Wag mo nang ituloy ang balak mo.please ma." todong pakiusap ni Hanie. Ngunit buo na ang desisyon ng ina.
"kapag sinabi ko? sinabi ko,gagawin ko! di ba?!" matigas na sabi uli nito. Wala na siyang masabi pa para magbago pa ang isip ng mama niya.
Nagpalakas siya kumain at nilabanan ang sakit.
"hello pretty!" sulpot ni Arvin na prenteng umupo sa harap niya. Ngumiti lang si Hanie na hindi pa umabot sa mga mata.
"oh bakit malungkot ka?" tanong nito. Di pa rin umimik si Hanie.
Nabasa naman ni Arvin ang isip niya kung bakit siya malungkot.
"ay! narinig ko nga kanina pag uusap niyo ng mama mo. Masyado ka namang mabait at ang cute cute mo hmmm!" sabay pisil nito sa magkabilang pisngi niya.
"ang lamig ng kamay mo!" reklamo ni Hanie.
"ay! hahaaha!" pagpapatawa naman nito.
Dumating ang mama niya kasama ang doctor at nurse.
"hello Hanie,kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor.
"okay naman po doc." nakangiting sagot niya.
"so gusto mo na bang umuwi? di na ba masakit ang tiyan mo?di ka na ba nahihilo?" muling tanong ng doctor.
"di naman po gaano," Si Arvin naman ay kinukulit ang nurse,panay ang kalabit nito.
Tapos pinaglalaruan yung buhok ng nurse na girl. Bigla namang nag paalam ang nurse dahil mukhang natakot sa hindi niya nakikitang nangangalabit at nangungulit sa buhok niya.
Pag labas ng nurse ay tawa naman ng tawa si Arvin sa pinaggagawa niya.
'baliw! lakas mong mang trip!' sabi ni Hanie sa isip.
"hahahaha nakita mo yun? natakot wahahaha!" sabi nito na tawa ng tawa.
'pssh! loko ka!' sabi uli niya.
"Hanie? naintindihan mo ba yung sinabi ko? tandaan mo ha?" tanong ng doctor.
'patay tayo diyan! kengkoy ka kasi Arvin,di ko tuloy naintindihan yung sinasabi ng doctor! hmf!'
"eh ikaw kaya hahaha!" tawa uli nito.
"Hanie?" tawag ng doctor.
"po? ano nga po uli iyon?" tanong din ni Hanie.
"sabi ko pauuwiin na kita bukas pero dapat sundin mo yung bilin ko ha? wag magpapagod,wag magpapatuyo ng pawis, wag kakain ng mga maasim at yung mga maacid,bawal ang malamig dapat puro mainit ang kakainin mo. wag ka rin magpapalipas ng gutom okay? para tuloy tuloy ang recovery mo." mahabang paliwanag ng doctor.
"yes doc! salamat po!" sagot niya.
Si Arvin naman ay nagmomonolog habang nagsasalita ang doctor kaya pigil ang tawa ni Hanie.
'ang kengkoy ng gwapong ghost na to! hahaha' sabi niya sa isip.
"at least gwapo di ba? hihihihi!"
nagpaalam na ang doctor.
Kinabukasan maagang dumating sila Roxy,Sam at Billy..
Pagpasok pa lang sa pinto nila Roxy, Billy at Sam ay nakita agad nilang gising na si Hanie kaya tinakbo ito ni Roxy at niyakap.
"Hanie! your awake! kamusta na ang pakiramdam mo?" sabi ni Roxy. Bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.
Natutuwa rin ang mama ni Hanie na may mga ganito siyang kaibigan na concern at nagmamahal sakanya.
Si Sam naman ay tahimik lang na nagmamasid,umiral na naman ang kanyang pagkatorpe. Nahihiya sa harap ng mama ni Hanie.
Si Billy naman ay nasa tabi lang din ni Sam at pangiti ngiti.
"okay na ang pakiramdam ko Rox,pwede na akong umuwi ngayon." sagot ni Hanie na may sigla ang pananalita.
Nakatingin siya kay Sam. 'sino siya?ang lagkit tumingin sayo oh!' tanong ni Arvin na bigla na lang sumulpot sa tabi niya.
'siya si Sam.' sagot niya sa isip lang.