bc

Personality (part1)

book_age16+
67
FOLLOW
1K
READ
murder
fated
student
beast
mystery
multi-character
highschool
secrets
superpower
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Si hanie ay Isang napakabuting tao mapagmahal sa pamilya kahit na sakabila ng kanyang pagmamahal sa mga ito ay ang inggit at pagkasuklam sakanya at pag aabuso ang natatamo.

Sa paglipas ng panahon ay unti unti niyang natutuklasan sa kanyang tunay na pagkatao. Ang pagkakaroon ng kakaibang pakiramdam na tila ba may malakas na pwersa sa loob ng kanyang katauhan.

Sino at ano nga ba siya?

chap-preview
Free preview
#1 Si Hanie
Intro... Tahimik na gumagawa ng assignment si Hanie sa kanyang kwarto,abala siya dito para matapos na niya agad nang.... "Hanie! Ano bang ginagawa mo? Ang tamad tamad mo! Magkukulong ka na lang ba diyan?" Sigaw ng kuya niya habang kinakalabog ang pinto ng kanyang kwarto. Nataranta namang napatayo si Hanie upang pagbuksan ng pinto ang kuya niya na animoy gusto nang gibain ang pinto. Pagbungad nito ay nataranta ring sumagot si Hanie. "Ah amm.. ku..kuya ta..tatapusin ko lang po yung assignments ko." Nginig na sagot niya. Sabay silip ng kuya Cam niya sa loob ng kanyang silid na akala mo ay may itinatago siya roon na gusto niyang makita. "Mahaba pa oras para diyan! Tambak ang hugasan! Ang labahan! Tanghali na di pa nakakapaglinis ng bahay at wala pang nagsasaing! Unahin mo muna yun!! Naintindihan mo?!" Malakas na sabi nito sakanya na siya namang kinakaba niya sa takot na baka saktan siya nito ay tanging 'opo' na lang ang sagot niya,kasabay nang pagmamadaling sundin ang mga inuutos nito. Inuna niyang magsaing at isinunod ang pag salpak ng mga labahan sa washing machine at habang pinaiikot ang labahan ay inumpisahan naman niyang maghugas ng mga platong tambak na sa lababo. Kahit na natataranta sa gawain ay maayos naman niyang nagagawa ang mga gawain sa bahay. Nang matapos sa paghuhugas ng plato ay muli niyang hinarap ang labahin at nagsalang uli ng panibago,habang umiikot ito ay siya namang pag umpisa niya sa paglinis ng bahay nagwalis at nagpunas ng sahig. Kahit ramdam na ang pagod ay kinakaya niyang tapusin ang trabaho ng sa gayon ay walang masabi ang pamilya ng kuya niya. Pagkatapos ng mga iyon ay ang tatlong pamangkin naman niya ang kanyang inasikaso. Pinaliguan at binihisan ang mga ito pagkatapos ay naghain na siya,sakto sa pagdating ng asawa ng kanyang kuya na may dala ng lutong ulam na kanilang pagsasaluhan. Kakaunti lang ang kanyang nakakain dahil sa pagod. Pagkatapos kumain ay siya pa rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan. At siyang pahinga niya sa tanghali kapag tulog na ang mga pamangkin ay itutulog na rin niya,sa gabi niya nilalamay ang kanyang mga assignments na hindi pa natatapos. Ganun ang kanyang routine sa araw araw nang kanyang buhay sa poder ng kanyang kuya. Kung tutuusin ay hindi niya totoong kapatid ang kuya Cam niya dahil in-adopt lang siya ng mama nito na kapatid ng mama naman niya kaya sa totoo lang ay magpinsan lang talaga sila. Pero malaki ang respeto at pagpapahalaga ni Hanie sa mga kinikilalang pamilya. Kaya kahit na nagmumukha siyang alila at laging pinaghihigpitan ng kuya niya ay ayos lang sakanya dahil alam niyang utang niya ang kanyang buhay sa mga ito sa pagkupkop sakanya. Strict ang kuya Cam niya. Kailangan sa school at bahay lang. Bawal ang lakwatsa, bawal magpaligaw o makipag usap sa mga kalalakihan, bawal ang magbarkada, bawal magdala ng kaibigan o kaklase sa bahay. At dapat sa tamang oras ng pagpasok at pag uwi ay makarating siya sa oras, kung hindi ay malilintikan siya sa kuya niya. Walang araw na hindi siya nakakatikim ng sermon galing dito. Pilit na lang niyang iniintindi ang kuya niya,itinatatak niya sa isip na para naman iyon sa ikabubuti niya. Si Hanie ay isang mabait na bata,masunurin, mapagmahal, maalaga o sabihin na nating nasa kanya na ang lahat ng katangian ng kabaitan na hindi marunong magalit. Sa school siya ang pinakatahimik pero marami din siyang mga kaibigan at mga admirer. Nang gabing nilalamay niya ang kanyang mga assignment ay bigla na lang siyang nakaramdam ng pananayo ng kanyang mga balahibo,kilabot at takot ang namayani sakanya ngunit di niya pinansin iyon at nag concentrate na lang sa ginagawa. Pero hindi siya tinantanan nitong nanggugulo sakanya. Bigla na lang nahulog ang libro na maayos na nakalagay sa tokador. Napatalon siya sa kinauupuang upuan sa kaharap ng mesang pinaggagawaan niya ng assignment. At tinignan ang librong nahulog. Isang pocket book na horror ang nakita niyang sa sahig. Pinulot niya iyon dahan dahan ng makaramdam siya na para bang may katabi. Nang biglang may kumalabit sa balikat niya na siyang ikinalingon niya. Ngunit sa paglingon niya ay wala naman siyang nakitang tao na kasama sa loob ng kanyang kwarto. Kahit kabado at takot na ay nag lakas loob siyang labanan ang pakiramdam. "Wag mo nga akong takutin! Saka tigilan mo ako! Di ako natutuwa sayo!" Sabi niya. Malamig na hangin ang pumalibot sa loob ng kulob niyang kwarto nililipad pa ang kanyang mahabang buhok. Pero paano mangyayari iyon nang wala namang electricfan o kung ano pa mang bagay na maaring pagmulan ng hangin. Lumakas at bumilis ang tahip ng kanyang dibdib sa takot. "Tu..mi..gil ka na.. Matutulog na ako at may pasok pa ako bukas." Sabi uli niya. Inihiga na lang niya at pinilit na makatulog,nagdasal muna siya na bantayan at gabayan siya sa kanyang pagtulog. Bago siya tuluyang lamunin ng antok ay pinakiramdaman niya ang paligid ng kwarto,natahimik rin ang nanggugulo sakanya. ....kinabukasan ay nagmamadali siyang naghanda ng pagkain nang mag-anak para sa umagahan, pagkatapos ay naligo na rin siya hindi na siya nag abalang kumain dahil gahol na rin siya sa oras nang pagpasok. Mga 30mins. niyang tatahakin ang daan patungo sa eskwelahang pinapasukan, masyado niyang tinitipid ang budget niya para incase na may importanteng dapat pagkagastusan ay may madudukot siya. Agaw dilim at liwanag ang umagang iyon. Feeling niya ay naglalakad siya sa kasukalan ng kagubatan,halos wala pang katao tao sa daan. Nang makarating siya sa eskinita ay niyakap niya ang sarili sa takot na di niya mawari kung bakit ba siya kinakabahan sa tuwing maglalakad siyang mag isa. Feeling niya kasi ay palaging may nakamasid sakanya. Ramdam niyang bawat kilos niya ay may nakatingin ngunit di niya ito nakikita. Pagsapit sa university na pinapasukan ay unti unting dumarami ang tao. Ito ang university na unang kinatatakutan sa lugar sa dami na ng kababalaghan dito at mga student na sangkot sa mga krimen at kasali pa sa mga gang at praternity. Habang naglalakad sa hallway ay nakayuko lang siya at hindi tumitingin sa mga nakakasalubong. Ayaw kasi niyang maging center of attention. Di gaya ng iba na nagpapapansin para lang sumikat at makilala ng marami. Siya ay simple lang at umiiwas sa lahat ng pwede niyang ikapahamak. Ngunit sadyang may mga taong mapangtrip kaya kahit anong gawing pag iwas ay binubuntutan naman siya ng kaguluhan. "kamusta friendship! nagpaalila ka na naman ba sa pamilya ng kuya mo? grabe! sabi ko naman sayo umalis ka na lang doon,may mapupuntahan ka naman ah! di ka man lang maawa sa sarili mo." sabi ng kaklase at kaibigan niyang si Roxy. "okay lang ako Rox.." sabay ngiti. "ngiting hindi abot sa tenga! tsk! ewan ko ba sayo!" irap nito sakanya. "wag mo na kasi akong problemahin okay lang naman ako." sabi pa ni Hanie sa kaibigan. "ano pa nga ba? tara! breakfast tayo?" aya sakanya nito sabay hawak sa kamay niya pagiya sa canteen. "naku! naku! hindi na! busog pa ako." sagot ni hanie. "ay! style mo bulok! masyado kang nagtitipid alam ko naman di ka pa kumain..libre na kita!" sabi ni Roxy na hindi binibitiwan ang kamay niya. "naman Rox okay naman talaga ako.." reklamo niya. "tigilan mo nga ako! halika na!" sabay hila sakanya na wala naman na siyang nagawa,dahil alam niyang di siya nito tatantanan. Nasalubong nila yung mga senior na maangas! "uy! miss pwede bang magpakilala?" harang ng isa sakanila. Iniwasan naman iyon ni Roxy habang hila si Hanie. "ay! isnabera! g**o ka ahh!" sabi ng lalaki na humawak sa braso ni Roxy. "aw! bitawan mo nga ako! mas g**o ka!" asik naman ni Rox. "sapukin kita eh,ikaw ba ha? ayang magandang kasama mo hindi ikaw! masyado kang papansin!" sabay amba ng suntok kay Rox. "wag! a..a..ano bang kailangan nyo samin?" si Hanie. "makikipagkilala lang naman. masama ba yun?nakakabastos tong kasama mo eh!" sagot ng lalaki,yung ibang kasama ng mga ito ay tahimik lang na pinanonood sila. "Ha..hanie,ako si hanie siya si Roxy. okay na ba? gutom na kasi kami baka pwedeng bitiwan mo na kaibigan ko please?" sabi ni hanie dito. "uhmm ganda ng name nyo ah,Ronan ang pangalan ko. Sige kita tayo mamaya!" sabi nito sabay bitaw kay Roxy na halos mamasa sa higpit ng pagkakahawak ni Ronan sakanya. "pwe!" sabi ni Rox. "abat!" aambang susuntok uli si Ronan ng pumagitna si Hanie. "sorry! please?" pakiusap ni Hanie dito at giniya na niya si Roxy palayo sa mga ito. "bakit ba ang bait bait mo ha? bwisit yung mga yun mga tara***do! ang sakit ng braso ko oh namasa pa!" angal ni Rox. "hayaan mo na,iwasan na lang natin." sagot ni Hanie. Nang may makabunggo sila...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook