...mga #gangs ata mga ito
...sa di inaasahang pangyayari
"aay!" magkasabay na hiyaw ni hanie at Roxy.
Tumilapon kasi sa mukha at damit nila ang softdrinks ng nakabangga nila.
"hala! lagot kayo!" sabi ng kasama ng nabunggo nila.
Kaya napatingin sila pareho sa nagsalita at sa taong nabunggo na wala namang imik habang pinagmamasdan nito ang natapunang uniform.
Nagkatinginan ang magkaibigan.
Nanlalaki ang mga mata nila sa kaba dahil ang nakabangga nila ay member ng kinatatalutang gang.
Hindi lang member kundi founder ng gang.
"so..sorry,pasensiya na di namin sinasadya.." sabay na hinging paumanhin nila Hanie at Roxy.
Dinukot ni Hanie ang panyo niya at natatarantang pinunasan ang basa nitong mukha at ang damit na basa dahil sa softdrinks habang wala pa ring imik ang pinupunasan niya nabunggo nila.
Si Roxy naman ay nagpunas din ng sarili.
"aahw!" ngiwi ni Hanie ng hawakan ng mahigpit nang lalakeng nabunggo nila ang braso niya,nakayuko pa ito.
Bumabaon sa malambot niyang balat ang mga kamay at kuko nitong na nanggigil siyang hawakan.
Naluluha na siya sa sakit na nararamdaman.
"so..sorry talaga...di naman namin sinasadya.." naiiyak na paumanhin ni hanie.
"anak nang...tignan nyong ginawa nyo sa____" sabi nito na unti-unting iniaangat ang ulo para tumingin kay Hanie na di naman natuloy ang sinasabi, nang tuluyan nitong makita ang kaharap na naluluha na sa kirot na nararamdaman.
Natulala ito at pinagmasdan ang mukha ni Hanie kasabay ng pagluwag nito sa pagkakahawak sa braso ng kaharap.
"boss!" pukaw ng kasama nito na nagpabalik ng huwisyo ng lalake.
"anong pangalan mo miss?" tanong nito kay Hanie na tuluyan nang niluwagan ang pagkakahawak sa braso niyang nananakit na nang sobra.
"Ha..Hanie.." nginig na sagot niya.
"hmm..naku sorry nabigla rin ako,nasaktan tuloy kita." sabay tingin nito sa braso ni Hanie na ngayon ay pulang pula dahil na rin sa malaposelanang kutis nito ay di maiwasang magkamarka agad.
Kinuha pa nito ang hawak ni Hanie na panyong ipinangpunas sakanya at siya namang nagpunas sa mukha ni Hanie na may basa pa ng softdrinks.
"boss,naghihintay na sila dun." sabat ng kasama nito.
Tinaas nito ang kamay tanda ng pananahimik nito.
"pasensiya ka na miss Hanie.. see you around.. ako pala si Sam." sabi nito bago tuluyang umalis.
"tara***do yun ahh mukha pa atang tinamaan sayo Han." usisa ni Roxy.
"Ah eh sandali! Sam! yung panyo ko!" habol na sabi ni Hanie.
"this is mine now!" sagot nito sabay wagayway ng panyo atsaka nito ibinulsa iyon.
"tara na,magburger na lang tayo at softdrinks! badtrip yun!" aya ni Roxy kay Hanie.
Nakabusangot naman si Hanie habang magkasunod lang silang nakipila.
"problema mo't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Roxy kay Hanie.
"eh kasi ang sakit pa rin ng braso ko saka yung panyo ko eh baka hanapin ni mama yun! wala pang isang linggo nawala na agad." pagmamaktol ni Hanie.
"sus! yaan mo na yun ibibili na lang kita ng panyo yung malaki,yung astigin,yung uso ngayon.!" pampalubag loob ni Rox.
"ayaw! mas gusto ko yun kasi galing kay mama." sagot ni Han.
"gusto mo kasi favorite color mo at bulaklakin. Hay,sumabay ka nga sa uso!" pagtataray nito nang makuha na ang binili ay bumalik na sila sa classroom at doon na pinagpatuloy ang pagkain.
Nasa likod sila sa bandang dulo ang napili nilang pwesto.
Pagdating ng guro ay siya namang nagsipagpasukan na ang iba pa nilang classmates.
Kaba at takot ang lumukob kay Hanie at Roxy pagkakita sa taong sumungad sa pinto ng room patungo sa bakanteng upuan sa pinakadulo malapit sa pwesto nila.
"patay! classmate natin ang damuho!" bulong ni Roxy kay Han.
"sshh!" saway ni Hanie sabay yuko.
Pinaalis nito ang katabi na lalake ni Hanie at doon pumuwesto.
"alis!" sabi nito.
"ha? ah eh upuan ko ito eh dun ka na lang sa kabila oh o kaya dito sa tabi ko bakante." sagot nito.
"dyan ang gusto ko! alis sabi eh!" sabay isang malakas na lagapak nito sa desk na ikinagulat ng lahat maging ng guro.
"Anong problema?what is it?!" sigaw ng guro nila.
Masama na ang tingin nito sa katabi ni Hanie na ayaw pang umalis.
"isa!" bilang nito na ikinataranta ng katabi.
"Sam! what are you doing? can you please sit down?!" muling sigaw ng guro.
Nang makaalis na ang pinaalis ni Sam ay siya namang pag upo nito.
"sure maam!" sagot ni Sam.
"hi miss Hanie!'" malumanay na bati nito kay Hanie na ngayon ay katabi na niya.
Tanging ngiti lang ang sagot ni Hanie at itinuon na niya ang pakikinig sa guro.
Si Sam naman ay sa mukha lang ni Hanie nakatingin hanggang matapos ang discussion ng guro.
Naiilang man si Hanie ay di na lang niya ito pinansin.
Dumating ang breaktime na bigla na lang nawala si Sam.
"Hanie recess tayo!" aya ni Roxy kay Han.
"ikaw na lang busog pa ako." sagot naman niya.
"ayan ka na naman! halika na!" pagpupumilit ni Rox.
"busog pa talaga ako promise..ikaw na lang muna,sama ka na kila johana." pagtataboy ni Hanie kay Roxy.
"pssh! bahala ka nga! ibibili na lang kita ng snack mo." sagot nito.
"hindi na sabi,masasayang lang iyon dahil di naman ako kakain." sagot uli ni Han.
"pasaway ka! kapag sumakit lang yang tiyan mo..naku! kukurutin pa kita!" sabay talikod na patungo sa pinto kasama ng iba nilang friendship.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa ng libro. Maya maya may nagpatong ng mamon sa librong binabasa niya.
"Roxy,sabi ko naman sayo hindi ako gutom. Sayang lang yan,di ko naman kakainin dahil busog pa nga ako." sabi ni Hanie.
"Di ka pa nagrecess paano ka nabusog? sa hangin?" sagot ng panlalakeng boses.
Napahinto sa pagbasa si Hanie pagkarinig sa boses ng panglalake.
Kinakabahang nilingon niya ito. Nakita niya ang mukha ni Sam.
Moreno ito makinis ang balat,long hair,kissable lips,matangos ang ilong at may mapungay ngunit nakakatakot na mata.Astig kung kumilos.
"ha ah eh akala ko si Roxy." nauutal na sagot ni Hanie.
"may atraso ka pa sakin ha?!" taas kilay nitong sabi.
"di naman namin sinadya iyon pare-pareho pa tayong nabasa di ba? pero nagsorry naman na kami sayo." paliwanag ni hanie.
"hindi sapat!" madiin na sagot nito.Nanlalaki mga mata ni Hanie