bc

Powerless

book_age12+
58
FOLLOW
1K
READ
revenge
arrogant
drama
comedy
sweet
straight
ambitious
female lead
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Briella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed.

"Magic? Totoo nga ba ang magic?"

As she enters a new world, a long adventure awaits her. A lot of secrets will be revealed, and she will meet people who will be part of her journey, people who will try to kill her and people who will break her trust.

Are you ready to be a part of her journey?

A girl who enters the world of magic but lacks magical powers.

chap-preview
Free preview
Trouble
"Hoy El!" Lumingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang kamaong papalapit sa'kin. Para itong naka slow motion sa paningin ko kaya nahawakan ko ang kamao ng taong susuntok sana sa'kin. Hays! Kailan ba ako titigilan ng g**o? Nagbabagong buhay na nga eh! "Ano? Bakit ba ginugulo mo na naman ako?" Tamad na tanong ko sa kutong lupang kaharap ko. "Akala mo ba tapos na tayo? Pagkatapos mo kong ipahiya?" Maangas na tanong nito. "Pinahiya ba kita? Sinabi ko lang naman yung totoo, hindi kita gusto," kalmadong sagot ko kahit gusto ko ng sipain ang nasa harap ko. "Ang kapal din ng muka mo, eh. Anong akala mo? Maganda ka?" Ha! Ako pa ang makapal ang muka ngayon? "Oo, bakit ka naghahabol kung hindi? Diba?" I smirked. Lumingon siya sa mga kasama nya at sumenyas. Bago pa makagalaw ang mga kasama nya sinipa ko na siya sa tyan kaya bumagsak siya sa sahig. Tumakbo na agad ako paalis para makatakas sa g**o pero mukang g**o talaga ang lumalapit sa'kin. "Aray!" Malakas na sigaw ng babaeng nasagi ko. Bobo naman kasi. Nag aayos nalang sa gitna pa ng daan. "Sa susunod sa gilid ka para hindi ka nasasagi," medyo inis na sabi ko sa kaniya. "Aba't!" Gulat na sabi niya. "Anong sinabi mo sa girlfriend ko?" Napabuntong hininga ako ng may marinig akong boses sa likuran ko. Isa sa mga kinaiinisan ko, pabebeng girlfriend at feeling hero na boyfriend. Bago pa niya ako mahawakan sa balikat ay umiwas na agad ako. "Wala, sabi ko tumabi siya," honest na sagot ko. "Talagang mayabang ka El. Tingin mo maililigtas ka ng kaalaman mo sa taekwondo?" Tanong niya. Tsk. Kung alam niya lang. Hindi naman taekwondo ang nagliligtas sa'kin mula sa g**o. Nakita kong nakalapit na pala samin ang mga taong nabugbog ko last week lang. Ano to? Sanib pwersa? Nandito kami sa gilid ng school at mukang nakakaramdam ang ibang students sa mangyayari dahil huminto sila para manood. Ewan ko ba kung bakit tuwing nasasangkot ako sa g**o laging late ang mga teachers. Ako tuloy lagi ang mukang nag u-umpisa ng g**o. "Kung ayaw nyo ng sakit sa katawan tigilan niyo ko," I warned them. Nagsisimula nakong mainis. Maikli lang ang pasensya ko at malapit nakong mapuno dahil nararamdaman kong mae-expel na naman ako. Tumingin ang lalaking kausap ko sa likuran ko tapos ay ibinalik ang tingin sa'kin. Ramdam ko ang dahan-dahang paglakad ng dalawang tao sa likuran ko. Gusto kong matawa dahil kahit ano pang gawin nila nararamdaman ko sila.Kinuyom ko ang kamao ko at tinaas ang dalawang kamao ko ng makalapit sila sakin kaya tumama ito sa noo nila. Sumakit ang kamao ko kaya mukang napalakas ang pagkakatama ko sa kanila. Sumugod na sakin ang nasa unahan ko. Parang naka slow motion sakin ang lahat kaya mabilis akong tumagilid at siniko siya sa tyan. May dalawang babae pa ang sumugod din sa'kin pero pinag untog ko lang sila ng mahilo. Lumapit ulit sakin yung dalawang nauntog sa kamao ko yung isa ay sa likod ko naka pwesto habang yung isa ay nasa harapan ko para lituhin ako. Naramdaman kong kumilos na ang nasa likod ko para sana hawakan ang braso ko kaya umiwas ako, ending sumubsob siya sa lalaking nasa harapan ko. Habang busy ako sa dalawa hindi nakatakas sa mata ko ang lalaking may nilalabas na kutsilyo at tumakbo papalapit sa'kin pero bago pa niya ako masasak ay nahawakan ko na ang kamay niya. Siniko ko ang siko niya para mabitawan ang kutsilyo tsaka ko siniko ang muka niya. Ayoko sa lahat yung marumi mag laro. Wala sa usapan na papatayin nila ako. Naramdaman ko ang pag init ng ulo ko kaya bago pa bumagsak sa sahig ang lalaking sasaksak sana sa'kin ay hinablot ko ang kwelyo niya at susuntukin na sana ng may narinig akong pito kaya sinakal ko nalang siya. "Pasalamat ka may dumating para iligtas ka," bulong ko sa tenga niya at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal ko sa kaniya bago ko siya bitawan. "Tama na yan!" ____ Katulad ng inaasahan ko, sa office na naman ang bagsak ko. "Ma'am nagulat nalang kami bigla kaming sinuntok ni El." "May kutsilyo pa nga siya," ani ng lalaking muntik ko ng mapatay. Nakatingin ito sa pocket knife na nasa lamesa. Ni hindi siya makatingin sa'kin dahil sa takot. Ha! Bilib din talaga ako sa mga mokong na to. Nagawa pang baliktarin ang lahat. Tumango lang ang principal at pinaalis na ang mga students na kanina pa umiiyak. "Miss Caslan, alam mo namang binigyan ka na namin ng warning. Tinanggap ka namin sa school na ito dahil sabi mo ay iiwas ka na sa g**o pero pang ilang warning na ito," ramdam ko ang disappointment sa boses ng principal pero wala akong pake. Mas disappointed pa ako sa school nato dahil hindi nila paalisin yung mga totoong nanggugulo. "Eh, hindi naman ako ang nag simula," sarkastikong sagot ko pero nagsisi din ako agad dahil sa sinabi ko. Minsan talaga hindi ko na napipigilan ang init ng ulo ko. "Ano?" Medyo gulat na tanong niya. "Wala ho. Lilipat nalang ako ng school." "Mabuti pa nga. It's for your own good, hindi na maganda ang image mo sa school na ito." Tumango nalang ako at hindi na sumagot. After ng meeting with the principal umuwi na ako. Naglakad nalang ako para pakalmahin ang sarili ko "Bakit kasi hindi ako lubayan ng g**o?" Inis na tanong ko sa sarili ko. Kailangan ko na naman tuloy maghanap ng bagong school. Pang ilang school ko na ba to? Malapit lang ang dorm na tinitirahan ko sa school kaya ilang minuto lang ay nandito na ako sa dorm at nakahiga. Pano ko kaya sasabihin sa mga magulang ko na expelled na naman ako? Parang natatakot tuloy akong umuwi. Bwisit kasi na Edrick yun! Humanda siya sa'kin, gaganti ako sa kaniya hehe. ___ Napatigil ako sa pagmu-mura ng marinig ko ang mga tawanan nila. Kanina pako asar na asar dahil ang tagal nila Edrick. Kanina pako naghihintay dito sa kubo nila sa gubat. "Buti nga sa kaniya at na-expelled na siya." "Halata ngang inis na inis siya kanina, eh. Ang yabang kasi ayan tuloy ang napala." I gritted my teeth when I heard what they say. Tingnan ko lang kung makatawa pa sila mamaya. Lumabas na ako mula sa kubo bago pa sila makapasok. "E-El." Para silang nakakita ng multo nang makita nila ako. "Ano ulit yung sinasabi niyo?" Tanong ko habang blangkong nakatingin sa kanila. "Talagang matapang ka. Pumunta ka pa dito sa tambayan namin," nakangising ani ni Edrick. "Hawakan niyo yan. Dapat sa babaeng yan tinuturuan ng leksyon." May lumapit agad na dalawang lalaki sakin pero mabilis kong siniko sa muka ang isa at sinipa ko naman sa tyan ang isa. Sa lakas ng sipa ko ay tumilapon pa siya. Gulat napatingin sa'kin ang limang lalaki. "Napalakas," natatawang sabi ko. Naglabas na ng pocket knife ang dalawang kasama ni Edrick at pati siya. "Hindi nyo ba kayang lumaban ng walang ganyan?" Tanong ko gamit ang nang-iinsultong tono. "Bitawan niyo yan," utos ni Edrick bago bitawan ang hawak niyang pocket knife. Ako na ang naunang sumugod para matapos na. Dahil sa bilis ko ay hindi man lang sila nakapag handa. Hinawakan ko ang kwelyo ni Edrick at tinulak tsaka sinuntok sa muka ang lalaking nasa kanan niya. Nag roundhouse kick ako para sipain ang lalaking nasa kanan. Lumapit ako sa dalawang nasa likod. Mukang nahimasmasan na sila dahil sumugod na sila sakin. Tumagilid ako at siniko ang isa tsaka umikot at hinawakan ang ulo ng huling lalaki at tinuhod ko siya sa muka. Si Edrick nalang ang natitirang kayang tumayo dahil ang mga kasama niya ay may iniinda ng sakit. Ngumisi ako kay Edrick na nanginginig sa takot bago ako tumalikod at maglakad paalis. Sabi ng lola ko may espesyal daw akong kakayahan at hindi ko ito pwede ipakita o gamitin sa mga tao dahil mapapahamak daw ako. Nung una akala ko sinasabi niya lang yun dahil apo niya ako at sa paningin nya ay espesyal akong bata pero habang lumalaki ako napapansin ko ang galing ko sa pakikipaglaban Mas gumaling pa ako dahil araw araw akong nag e-ensayo kasama ang papa ko. Kaya mas naging malakas ako, at mas gumaling pa. Pero may isang hindi ko makakalimutan na sinabi ang aking lola "Ang mga nararanasanan mo ngayon ay maliit lamang kumpara sa iyong pinaka-kakayahan. Mangako ka sa'kin na sa oras na malaman mo kung ano ang kakayahan na ito ay hindi mo ito sasabihin o ipapakita sa ibang tao para hindi ka mapahamak." "Ano bang kakayahan yun lola?" Nakasimangot na tanong ko. "Basta, malalaman mo rin sa oras na may makaharap kang taong may mahika." Kumunot ang noo ko dahil sa sknabi niya. "Taong may mahika? Magic lola?" "Oo, apo." "Si lola talaga niloloko ako. Wala namang ganun, eh." "Basta mangako ka sa'kin." Bumuntong hininga ako dahil sa kakulitan ng lola ko. "Opo, nangangako ako." Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang kakayahan na sinasabi ng lola ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook