"Tatawagan ko si Neveah, Cyone. You need him.." hindi ko ba nakuhang makaapela pa sa kan'ya dahil nanginginig ang mga kamay ko at parang hindi ako makahinga nang maayos. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili katulad na lang ng pagpapakalma ko sa aking mga pasyente pero ang hirap pala.
Ang hirap kumalma lalo na kung alam mong sasabog ka na. Ilang years kaming nagsama ni Yatts pero sa loob ng maraming taon na iyon pagtataksilan niya lang ako dahil hindi ko pinagbigyan ang gusto niya?
Anong utak mayroon siya? Naka-graduate siya ng kolehiyo at may trabaho pero iyong utak niya parang utak ng grade 1! O baka nga mas matalino pa sa kan'ya iyong mga bulinggit na iyon.
Mahina kong hinampas ang aking dibdib pero wala akong maramdaman. Parang naging manhid bigla ang pakiramdam ko kahit na anong hampas kasi nang kamay ko sa akin katawan ay wala akong maramdaman.
This is the first time na umiyak ako nang ganito. Ito rin ang kauna unahang heartache ko. Ang sakit sakit! Parang hindi na karayom ang tumutusok sa aking dibdib. Parang pinopokpok na ito ng martilyo dahil sa sakit.
"Merlat!" hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Pero ramdam ko ang mainit na brasong nakayakap sa aking katawan. Napangiti ako kahit na punong puno ng luha ang aking mukha. It's Neveah... alam ko ang amoy niya at alam ko ang presensya niya.
"What happened, bakla?" may pag-aalala sa kaniyang boses. Hindi ko na nakuhang makasagot dahil para akong nalalasing sa sakit na aking nararamdaman.
"Uhm, what happened to her?" rinig kong tanong niya kay Eras. Siguro alam niyang hindi ko siya masasagot ng tama kaya itong si Eras ang tinatanong niya. "I'm sorry, Neveah, pero I can't tell you right now. Sa kan'ya mo na lang itanong kapag okay na siya. So could you kindly stick with Cyone? Hindi ko rin kasi siya masasamahan dahil may work din ako and may bubugbugin pa ako."
"Yes, I understand. Thank you," rinig kong tugon ni Neveah.
"Bes, gora na ako ha? Tawagan mo ako kapag nasa tamang wisyo ka na dahil may bubugbugin pa tayong dalawa," tumango ako. "Neveah, ikaw na ang bahala sa best friend ko ha?"
"Yes, of course! Take care."
Naiwan kaming dalawa ni Neveah sa table at walang maririnig na ingay sa aming dalawa. Kalmado na rin ako dahil sa yakap sa akin ni Neveah. Hinahanda ko na lang talaga ang sarili sa mga tanong na ibabato niya.
"Okcakes ka na ba, merlat?" tumango ako pero hindi ko siya tinitingnan. Hindi ko kasi kaya na makita niya akong ganito kamiserable. Pakiramdam ko, nawala 'yong kalahati ng aking pagkatao.
"Cyone?" malambing ang tinig nang kaniyang boses. Hindi ko alam nguni't gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. "Wiz talagang magandang dulot 'yang boyfie mo! Women instinct, kilatra.." tumawa ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Woman ka ba?" may pang-aasar sa aking tinig dahilan para sabunutan niya ang aking buhok. "Gaga ka talaga, anes? Ikaw na nga itong pinapagaan ang loob— Ouch! Bakit mo naman akes sinampal?"
"Diba gusto mong pagaanin ang loob ko?" inirapan niya ako. "Hindi naman sa ganito, ateng. Puhunan ko ang fes ko, baka di na kita mapakain sa mga mapachibog sa mga sosyaling restaurant kapag nawala ites!" turo niya sa kaniyang mukha. Tumawa ako nguni't hindi naman abot hanggang mata and I know Neveah felt that.
"Inom tayo?" umangat ang aking tingin sa kan'ya at ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Ang mga labi namin ay kakaunti na lang ang agwat para magdikit. I was taken aback as both of his palms caressed my cheeks.
"Your eyes, merlat.." may bahid nang lungkot ang kaniyang tinig at miski ang kaniyang mga mata ay hindi maitago ang sakit na nararamdaman nang dahil sa nangyari sa akin. Nguni't pumikit siya at nang dumilat ay nakangiti na ang kaniyang pagmumukha.
"Gaga, dapat di mo pinagluluksaan ang otokong iyon! Tara, itagay natin yarn!" hinila niya ako patungo sa sala. "Suwerte niya naman kung iiyakan mo siya, kaya taralets, mag jinuman tayo magdamag!"
Hindi naman na ako umangal dahil kailangan ko rin naman ng alak ngayon. Kailangan ito ng sistema ko nang mawala naman sa isip ko ang mga kababalaghang nangyari sa akin.
Oo, kababalaghan dahil nakakatakot!
Kinuha ko ang alak na inaabot sa akin ni bakla at saka ito ininom nang parang wala ng bukas. Agad na dumaloy ang alak sa aking lalamunan at humalakhak ako dahil parang hindi ko na yata malasahan ang pait nitong alak.
"Bwakhit mo alam na shi Yatts ang pwoblema ku?!" Lasing kong tanong sa kan'ya. Wala naman kasi akong nabanggit na ang lalaking yon ang gumugulo sa utak ko! Ang dami kong tanong sa kanya na siya lang ang makakasagot dahil in the first place.. hindi naman ako nagkulang. Well in my part I know na sapat na ang lahat ng mga ginawa ko! But maybe not for him.
"Pina sneak peak lang sa akin nung kaibigan mo. Aba, teh! Damot pa nga kasi ayaw ibigay sa akes ang full details! Yaan mo makakarinig ka sa akin nang kung ano anong questions hanggang sa mabasag 'yang eardrums mo!" Kahit na lasing ay hinampas ko nang bote ng ulo niya— joke lang.
"Walanghiya ang lalaking yon!" Paguumpisa ko.
"Aba'y walanghiya talaga siya, bes! Kung hindi walanghiya ay awrang iyon ay halimaw siya! Oh, bet ba?" Tumango ako at tumawa.
"Agh! Alak! Pahingi pa ako ng alak at gusto kong malasing." Hindi naman nagtagal dahil inabutan din agad ako ni Neveah nang alak. Nakangisi akong kinuha ito sa kan'ya.
"Hahaha! Magpapakalasing ako, at kapag nalasing ako.. manlalalaki ako bukas!" Sigaw ko kay Neveah at tila ba nabingi ito dahil tinulak ako at tinakpan ang nakukuliling na tenga.
"Aba gaga, masakit ka sa tenga, ha. Alam kes na broken hearted ang heart mo, bes! Pero hinay hinay lang at baka mabasag ang precious ears ko." Pagalit nguni't natatawa niyang sermon sa akin.
Ilang minuto na yata ang lumipas at sobrang sakit na nang ulo ko. Nagsasayaa na rin kami ni Neveah sa itaas nang kama ko at parang mga baliw dahil sa kalasingan. Ang daming kalat ng bote sa floor ko pero wala akong pakialam dahil nasa healing stage na agad ako, ha!
Anong akala ng hinayupak na iyon? Iiyakan ko siya? Kanina lang yon! At hindi na ngayon. Pogi lang siya pero hindi siya suwerte, kala niya ha.
"Woaah! Party! Apir tayo dyan, baklaa!" Natatawa kong sabi sa kan'ya at saka hinubad ang ibabaw kong damit at saka ito itinaas sa ere at inikot ikot na parang nababaliw lang. Aba, baliw lang ako ngayon, pero bukas okay na din agad ako, hahaha!
"Yeees! Hindi ka kawalan buang ka! Babasagin kk mukha mo kapag nagpakita ka sa aking hayooop ka!" Natatawa kong sabi at muling umiyak habang sumasayaw, pero mukhang tanga yata ako ngayon ah. Tumatawa habang umiiyak at sumasayaw pa nang walang damit sa ibabaw.
"Bees! Sana ganyan din kalaki ng dyoga ko kapag nagpa trans ako! Gawin ko kayang inspiration ang boobs mo noh, teh?" Lasing niyang sabi sa akin. Tumawa naman ako nang malakas at napatigil sa pagsasayaw at kinuha ang kamay niya saka ito inilagay sa dibdib ko. May bra pa ako, hahaha!
"My Goood, bakla kaaa!" Tili niya pero nanatili pa rin ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. "Gusto ko nang ganiteees! Ganitong boobs ang bet ko! 'Yung malaki at pwedeng isampal sa mga otoko, omg, teh!" Tili niya pa. Lasing na nga kaming pareho dahil pareho na kaming wala sa wisyo.
"Mmm! Aray bakit mo pinisil ang dibdib ko?!" Kunwari'y galit kong sabi nang maramdaman ko ang pagpisil nang mahahaba niyang kamay sa boobs ko. "Original yaaan! Walang injections yan akala mo ha— ah!" Hinampas ko ang kamay niya dahil muli niya itong pinisil.
"Hahaha! Inggit ka noh? Never ka kasing magkakaroon nito..." Humina ng boses ko nang bigla akong mapalapit kay Neveah. Sobrang lapit nang mukha naming dalawa at siguro nga'y baliw na ako para isipin na gusto kong halikan ang mapulang labi nang kaibigan kong bakla.
Nguni't parang may sumapi yata sa aking demonyo o siguro kalandian dahil hinatak ko ng batok ni Neveah na may ngisi sa aking labi, habang napahawak naman ang dalawa niyang kamay sa bewang ko. Humalakhak kaming dalawa na parang hindi weird itong ginagawa namin.
Napatingin ako pataas sa kan'ya nguni't nakakahilo kaya itinulak ko siya sa kama dahilan para siya ay mapahiga. Hindi naman ako nakapagpigil at umupo sa ibabaw niya na naging dahilan para mapasinghap siya.
"Be gentle sa akin, bes!" Lasing niyang turan habang tumatawa.
"No problem, bakla..." Ang biruang tutsaran namin ay biglang napalitan nang may maramdam akong tumatama sa ibabang parte ng aking katawan.
Napasinghap ako sa gulat at ngumisi na tumingin paibaba kay Neveah. Napahawak ako sa kaniyang dibdib at dahang dahang gumalaw ang hips ko para mabangga ko kung anuman ang tumatama sa akin— nguni't nanigas ako nang marinig ko ang impit na ungol ni Neveah sa ilalim ko.
Siya yata ang sagot sa problema ko ngayon.. sana pareho naming hindi i-regret ang mangyayari ngayong gabi sa kama ko.