Nakangisi akong pinapanood ni Eras matapos kong magkwento sa kan'ya ang nangyari sa amin ni Neveah. Wala dapat akong intensyong sabihin sa kan'ya ang nangyari pero nadulas ang sarili kong bibig at nabanggit ang nangyari sa amin ni Neveah sa loob ng opisina.
"Something's wrong, bes!" inirapan ko siya. Wala naman kasing something don at siya lang 'yong nagbibigay malisya sa nangyari. "Malisyoso ka. Hindi big deal 'yon para kay Nevs," tumawa siya.
"Sa kan'ya hindi, pero sa'yo oo!" tumili siya nang malakas. "Bes, baka nakakalimutan mo na may boyfriend na ako?" tinaasan ko siya nang kilay. Parang nakakalimot na kasi si Eras na taken na ang lola mo at walang balak pumatol sa bakla dahil hindi rin naman ako papatulan ng bakla.
Tumawa siya at biglang umakto na parang may hinahanap, "Nasaan si Yatts? Bakit limang araw na siyang wala sa tabi mo, omg!"
Ang sarap sabunutan nang isang 'to. Oo nga at limang araw ng walang paramdam sa akin ang boyfriend ko at limang araw niya na rin binabaliwala ang mga text messages ko pero hindi ibig sabihin no'n ay puwede na akong magpakasarap buhay.
Hindi ko kayang magloko dahil galit ako sa mga manloloko. Malaking bad influence lang talaga ang gagang 'to. Ewan ko ba at hindi niya gusto ang boyfriend ko, e ang bait bait ng taong iyon.
"Busy lang 'yon sa work," iyon lang naman ang naiisip kong dahilan. Alangang isipin kong iniiwasan niya ako dahil sa hindi ko pagpayag sa gusto niya?
"Busy? What a lie, Cyone!" humalakhak siya at inirapan ako. Kapag nagkasama sila ni Neveah, sure akong magkakasundo sila. Pareho sila nang ugali. "Naniniwala ka na busy 'yong boyfriend mong nasa loob ang kulo? Then why don't you ask his bestfriend, Holland?"
Kumunot ang noo ko. Paano nakilala ni Eras si Holland samantalang hindi ko pa naman ito napapakilala rito?
"Bes, sinasaksak ka na hindi mo pa rin ramdam?" agad kong naintindihan ang sinabi niya. Umiling ako, hindi naniniwala sa binibintang ni Eras sa boyfriend ko. Limang araw siyang hindi nagparamdam sa akin dahil abala siya sa trabaho at panghahawakan ko iyon hanggang sa magkausap kaming dalawa.
"Color blind ka ba, te?" matalim ko siyang tiningnan. "Ang daming red flags ng boyfriend mo tapos nagbubulag-bulagan ka lang d'yan?"
Bumuntong hininga ako, "Aware ako sa mga red flags niya at nagbubulag-bulagan lang talaga ako because he wasn't like that before," inabutan niya ako ng tissue para siguro asarin.
"Gaga, hindi ako iiyak, no!" tinawanan niya ako. "Ngayon lang naman siya naging ganito kailap, Eras. Ngayon lang niya ako iniwasan ng limang araw... hindi ko tinatanong 'yong mga kaibigan niya lalo na si Holland dahil nirerespeto ko ang privacy niya."
Umikot ang mga mata ni Eras pero hindi siya nagsalita para tutulan ang mga sinabi ko.
"I'm curious, Eras.." amin ko sa kan'ya. Impossible nang maalis sa aking isipan ang kaniyang sinabi sa akin. Mahirap na lalo't pinagkakatiwalaan kong mabuti si Yatts at alam kong hindi niya iyon gagawin. "I'm all ears, Cyone.."
Bumuntong hininga ako, "What do you mean by what you said to me earlier?"
"Hays, hindi dapat sa akin manggaling ito, Cyone.." biglang nanakit ang dibdib ko dahil sa narinig sa kaniyang bibig. I remain calm. Ayokong magwala dahil hindi pa naman ako sigurado. "Talk to him.."
Wala akong isinagot kay Eras. Bukod kasi sa pagod na ako sa trabaho at pag-iiwas sa akin ng boyfriend ko. Pagod na rin ako sa nangyayari sa relasyon namin. Biglaan na lang kaming nagkalabuan na parang noong nakaraang araw lang ay nagkakainan pa kaming dalawa.
Bumuntong hininga ako at tiningnan ang phone. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba siya o hindi. Hindi ko kasi alam kung may aasahan pa ba akong may sasagot nang tawag ko o wala.
"Call him.." umangat ang tingin ko sa kan'ya. Pumikit ako bago pinindot ang call sa phone number ni Yatts.
Umasa akong hindi niya sasagutin ang tawag pero napalitan iyon dahil sinagot niya ito.
"Hello?" kasabay nang pagsagot niya nang tawag ko ang pag guho ng aking mundo. Nanginginig ang mga kamay ko at nakita iyon ni Eras.
Hindi ako nagkakaganito dahil sinagot na ni Yatts ang tawag ko. Nagkakaganito ako dahil boses nang babae ang bumungad sa aking tainga.
"Excuse me?" rinig ko pang sabi nang kabilang linya. Hindi ko mafamiliar-an ang kaniyang boses pero ayokong magbintang nang hindi nakikita nang mga mata ko... oo! Tanga ako, pero masisisi ba ako ng mga tao? Mahal ko si Yatts...
"Sino iyan, love?" napahawak ako sa aking dibdib. Kumikirot ito at parang tinutusok nang sobrang daming karayom. Boses iyon ni Yatts at sa tagal tagal na nagsama kami ay imposibleng ibang tao iyon.
"Wait, let me check... She's Alcyone..." pinigilan ko ang sariling lumuha. Limang araw lang kaming hindi nagkita, pero mabilis niya ng pinalitan ang tawagan naming dalawa. I can't believe this!
"What the f**k! Akin na iyan! Babe! Mali ang iniisip m—" hindi ko ibinaba ang tawag.
"No, Yatts. Malinaw sa akin ang narinig ko. Sapat na sa akin na hindi na ako ang mahal mo. Naiintindihan ko naman kung nag-tampo ka sa akin dahil hindi kita pinagbigyan sa sa gusto mo eh, but this? You're going to tell me I'm wrong when it's clear to my ears that you've been cheating on me for the five days we haven't been together. You're crazy, Yatts. Alam kong may pagkukulang ako sa'yo bilang girlfriend mo, pero pilit ko namang ginagawa ang responsibilidad ko ha? Puwede mo naman akong hiwalayan kung sawa ka na eh, pero ang lokohin ako? You're unbelievable, Yatts! I'm sorry kung hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging nobya mo kaya naghanap ka ng babaeng kayang magampanan ang role ko. Thank you for all the memories, Yatts. Don't contact me or try to find me among my friends. Let's begin our new lives as if we had never met and that I had never become your girlfriend.."
"N-no, Babe—"
Tinakpan ko ang aking mukha at hindi na napigilang umiyak nang sobra. Hindi ko hiniling na maging ganito ang break up namin! Nag eexpect ako na maghihiwalay kami dahil hindi na kami masaya sa isa't isa. Hindi ko naisip na maghihiwalay kami dahil tarantado siya.
Ang sama sama ni Yatts!
Hindi ko siya kayang patawarin.
Ang sakit.
Siya iyong unang lalaking pinapasok ko sa buhay ko! Hindi ko deserved na lokohin ng ganito!
"Tatawagan ko si Neveah, Cyone. You need him.."