Chapter 09: Beg

1000 Words
"Alcyone my darling doctor!" Mabilis kong inikot ang swivel chair kaya ako na ang nakikita ni Joey imbis na si Neveah na parang malalagutan na ng hininga dahil sobrang lapit ng katawan ko sa kan'ya. "Oh..." biglang nawala ang ngiti sa labi ni Joey nang makita ang aking pwesto. Kunwaring umangat ang tingin ko sa kan'ya at umaktong nagulat. Inayos ko ang sarili sa kandungan ni Neveah pero hindi ako umalis dito dahil pasimple kong inilagay ang kamay niya sa bewang ko. "Babe, may kakausapin pa ako," malambing kong sabi habang nakatingin kay Joey na tahimik lang na pinapanood ako. "Puwede bang mamaya na lang natin 'to ituloy?" tumingin ako kay Neveah, pero mukhang hindi pa ma-process ng utak niya ang nangyayari kaya ginamit ko ang isa kong kamay para haplusin ang kaniyang mukha. Tumingin ako kay Joey at kita ko sa mata niya ang disgusto sa nangyayari. 'Yan! Ganyan dapat! Magalit ka sa akin para never ka ng pumunta rito at istorbohin ako sa mga walang kwentang pick up lines mo. "Joey? Pasensya ka na," malungkot kong pahayag sa kan'ya. "Is that your boyfriend?" imbis na magulat ako sa ibang sagot niya sa akin ay mas lalo pa akong natuwa. "Uhm, yes. He is the man I am telling you about," kunwari'y nahihiyang tugon ko sa kan'ya. Kainis! Kailan ba siya aalis at mafefeel na gusto ko siyang umalis sa opisina ko? "Really? Bakit parang diring diri siya sa'yo?" nanlaki ang mata ko at tumingin sa kamay ni Neveah na nakapalibot sa aking bewang. Gusto kong wagwagin ang buhok ni Neveah ngayon kaya lang pinigilan ko ang sarili dahil nasa harapan kami ngayon ng Joey na 'to. Kaloka! Pati ba naman pagyayakap sa akin ni Neveah pinapakialaman niya? Gaano ba katalas ang mata ng lalaking 'to? "Huh?" mananalo na yata ako bilang aktres. "You mean this?" turo ko sa nakapalibot na kamay ni Neveah sa akin. "Yes. It seems like your boyfriend doesn't want to hug you," pinigilan ko ang sarili na huwag siyang batuhin nang lampshade ko. "Parang hi—ack!" bigla kong tiningnan si Neveah dahil biglang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Medyo napadiin din ako sa kan'ya at mukhang malalagot dahil kanina pa nakakunot ang kaniyang noo. "Nagulat ako ron.." mahina kong bulong sa kan'ya. Umangat ang kaniyang tingin at napasinghap ako dahil sa lapit ng mukha namin. "The feeling is mutual, sis." "Are you okay, Alcyone?" tumingin naman ako kay Joey. Ay! Ang tibay naman ng taong 'to. Ayaw umalis kahit nakita na ako sa ganitong posisyon. Gustong manood yarn? Mukhang napo-proseso na yata ni Neveah ang nangyayari dahil kanina niya pa ako pasimpleng kinakalabit. Grabe, ang slow naman ng bff ko na 'to. Ngayon niya lang na pick up 'yong pinaparating ko. "Why are you here, Joey?" ipakita ko na lang sa kan'ya itong paglalandian namin ni Neveah. Gusto ko na talaga siyang umalis. Manhid ba siya o nagta-tanga tangahan lang? "I'm here because of you—" "Nev—babe!?" nanlalaki ang mata kong tiningnan siya matapos niyang hawakan ang mukha ko at ilapit ito sa kan'ya. Hindi matanggal ang ngisi sa kaniyang labi at gustong gusto ko siyang sabunutan. Muntik ko ng mabanggit ang pangalan niya kanina dahil sa ginawa niya! "Bobita, hindi mo mapapaalis ang otokong 'yan sa ganitong paraan," mataray niyang sabi. Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya saka mariin siyang tinitigan. Alam ko ang gustong iparating sa akin ni Neveah. Permiso ko lang yata ang hinihintay niya. "What are you planning to do?" pabalik kong bulong sa kan'ya. "Sino 'yan, babe?" muntik ko nang masampal nang malakas si Neveah ng marinig ko ang boses niya. Malalim ito at hindi mo mababakasan ng pagkabakla. Ang gwapo rin pakinggan ng boses niya at ngayon ko lang ito narinig after a million years! Bumalik lang ako sa realidad nang pisilin niya ang bewang ko. Tumingin ako sa kan'ya at nakataas ang kilay niya sa akin. Wait, nakalimutan ko ang role ko dahil sa baklang 'to! "Uhm, he's Joey babe.." sinampal ko ang sarili sa aking isipan. Hindi pa kasi nagproseso sa akin ang narinig ko. Binibigla naman kasi ako ng bruhildang bakla na 'to. "Huh?" hindi ako sanay sa boses niya!? "Does he have any plans to stay in your office?" wala akong intensyon na lingunin si Neveah pero kusa na lang gumalaw ang ulo ko para tingnan siya. "Hey.." muling pinisil ni Neveah ang bewang ko at pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Yatts. The f*****g sensation I'm feeling right now. Ang init bigla rito sa office kahit na may aircon. Inayos ko ang upo sa kandungan niya dahil medyo nawawala ako sa sarili after kong marinig ang boses niya. Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong sabunutan ako ni Neveah. "Bakit?" bulong kong tanong pero hindi naman siya nagsalita. "Alcyone?" mahina akong natawa. Bigla kong nakalimutan na mayroon pa pala kaming kasama rito sa loob ng opisina. Nawala bigla 'yon sa alaala ko at bakit nandidito pa rin siya hanggang ngayon? "Who are you?" nilingon ko si Neveah. Tinatanong yata nito si Joey na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa pwesto niya. "Why are you still in the office of my girlfriend?" Hindi nakasagot si Joey sa tanong ni Neveah. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang nanghihingi siya ng tulong sa akin. "Babe—" "No, Alcyone." Sasabunutan ko talaga ang baklang ito mamaya!? Kanina niya pa ako sinusurpresa. "Does that man bother you every day?" tumingin ako sa kan'ya at kay Joey na tila ninenerbyos na. "Answer me, Alcyone." Tumingin ako kay Joey, "U-uh, una na ako Alcyone—" "It's Dra for you," napatakip ako nang bibig dahil sa sinabi ni Neveah. "Leave. Wala kang lugar dito," dali daling lumabas nang opisina ko si Joey ay doon na gumaan ang nararamdaman ko. Nanatili muna ako sa kandungan ni Neveah at humiga pa sa kaniyang dibdib. "Thank you, Nevs!" "Beg for my forgiveness, Alcyone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD