Chapter 08: Acting

1000 Words
Medyo sumakit ang ulo ko this past few days. Paano ba naman ay pareho akong ginugulo ni Neveah at Yatts. Gusto akong imbidahin ni Neveah na kumain sa labas dahil lonely daw ang bakla, hindi naman niya maimbita sila Jads dahil hectic din ang schedule. Si Yatts naman, inaaya rin akong kumain sa labas, pero hindi ko sila mapayagan dahil puno ang schedule ko sa hospital. Kung puwede ko nga lang hatiin ang katawan ko para sa kanilang dalawa ay baka nakaraan ko pa ginawa. Ngayon, nagtatampo ang boyfriend ko sa akin kasi hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya. Ayon, naglayas ang siraulo at hindi ko alam kung saan lupalop na ng Pilipinas naroroon. Sinubukan kong tawagan nang maraming beses pero hindi naman ako sinasagot. "Dra, may bisita po kayo," anas ng sekretarya ko. Tumango ako at hindi na nagtanong kung sino pang kontso pilato ang dadalaw sa akin. Inabala ko muna ang sarili sa mga papeles ng pasyente ko. Ang daming mga ina ang paaanakin ko, gusto yatang makarami ng mga nanay na ito. Month of February pa lang, pero sampu sampu ang pinapaanak ko sa isang linggo. "Come in," hasik ko matapos akong makarinig nang tatlong katok. Kinuha ko ang phone ko ng makatanggap nang text message galing kay Neveah. Umikot ang mata ko dahil paniguradong mangungulit na naman ang baklang ito na kumain kami sa labas na dalawa. Hindi ko nga kasi talaga siya mapagbibigyan dahil overtime din ako sa hospital ngayon. "Kalurky! Hindi mo man lang tiningnan ang text ng beautiful bff mo!" nagulat ako nang makita ko si Neveah sa harapan ko. Nakapamewang siya habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. "Anes na, girlie rodis? You just ignored my message?" Wait... hindi pa maproseso ng utak ko ang nangyari. Bakit hindi sinabi sa akin ni Betty na ang baklang ito pala ang bwisita ko? "Speechless ang bruha oh," matalim ko siyang tiningnan. "Ay! Anes na merlat? Mukha ka ng thunder cats sa hitsura mo ngayon!" tinaasan ko siya nang kilay dahil tinawag niya akong matanda. "Katuray!" nanlaki ang mata niya at sinabunutan nang mahina ang buhok ko. Nang-gigigil pa yata dahil humabol pa nang isang hablot. "For your information, merlat. Ang fes kong ites hindi mukhang katulong ha." "Anong ginagawa mo rito?" inalis ko ang tingin sa mga papeles sa harapan at sinalubong ang kaniyang tingin. "Anes pa ba, te? Wiz na me money, ramsey muna akes, please?" "Gaga, mas mayaman ka pa sa akin. Ano 'yon? Hectic ang schedule ko, bakla!" amin ko sa kan'ya. Bakit ko pa itatago e kitang kita naman sa nanlalaki kong eyebags. Lumapit siya sa akin at minasahe ang aking likod. Hinayaan ko na lang dahil kailangan ko rin talaga ito lalo na't tatlong araw akong walang pahinga sa kakatrabaho. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako dinadalaw ng boyfriend ko katulad ng pagdalaw ng bakla sa akin ngayon. "I know," tahimik lang ako. "I just want to know if you are still alive. Tatlong araw na akes tumatawag sa'yo, mamsh! Tapos, wiz kang response. Anes gusto mong gawin kes? Mag-chill sa aking bonggang house?" tinawanan ko siya. "Ayusin mo naman," reklamo ko dahil hindi niya inaayos ang pagmamasahe sa likuran ko. "Where na ang iyong prince charming, mamsh?" umangat ang tingin ko sa kan'ya. I shrugged. "What!? Hindi mo knows kung nasaan ang boylet mo?" tumango ako. Tatlong araw akong tumatawag sa kan'ya at tatlong araw na rin siyang walang response sa akin. Sineryoso yata niya 'yong pagtatampo niya sa akin. Hindi ko naman makuhang magtampo sa kan'ya dahil dadagdag lang 'yon sa pagod ko sa trabaho kaya hinayaan ko na lang na siya 'yong magtampo. Lately, napapansin ko na nasosobrahan na 'yong pagtatampo at pagseselos ni Yatts. I have repeatedly reassured him that he is the one man I will ever love. Ilang assurance pa ba ang dapat kong iparamdam na sure ako sa kan'ya? Nakakainis na rin kasi minsan dahil sumusobra na talaga 'yung pagkaseloso niya. Nakipag-ayos ako sa kan'ya noong nakalimutan ko 'yong dinner namin dahil kay Neveah. Binigay ko 'yong oras ko sa kan'ya after naming magkaayos and okay naman siya, pero gosh! Bigla na namang umiral ang pagtatampo niya nang sabihin kong busy ang hospital. "Merlat!" nagulat ako sa sigaw ni Neveah kaya tiningala ko siya. Halos mapigil ko ang hininga nang mapagtantong sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin. Tinulak ko ito. "Bakit ka ba naninigaw d'yan?" hinilot niya naman ang ulo ko. "Kanina pa akes nagtatalk dites, merlat. Ayaw mo akes pansinin." "Oh? Sorry naman, marami lang kasing iniisip," mahina niyang pinitik ang noo ko. "Bawal ka bang magpahinga?" may pag-aalala sa tono ng boses niya. "Hmm? Hindi ko alam, after kong tingnan lahat 'to puwede na akong magpahinga," tukoy ko sa mga papel na nakalatag sa harapan ko. "Ano ba talagang work mo, Nevs?" ang galing niya kasing magmasahe at kanina ko pa 'yon napapansin. "Gaga—" "Dra, may problem po tayo," pinahinto ko si Nevs sa kaniyang ginagawa. "Nand'yan na naman po ulit si Sir. Joey," umikot ang mata ko at tinanguhan si Betty. Kinalabit ako ni Neveah kaya nilingon ko ito. Bakas ang pagtataka sa mukha niya pero wala na akong panahon pa para ikwento sa kan'ya ang lahat. Kailangan ko munang iwasan si Joey at timing ang pagdating ni Neveah ngayon. "Bestie," nakangiti kong tawag sa kan'ya. "Anong kailangan mo, bakla?" hindi ko na sinagot ang tanong niya at tumayo na lang ako sa swivel chair at pinaupo siya ron. Alam kong nagtataka siya sa ginagawa ko, pero ito lang kasi ang solusyon ko para hindi ko makausap ang Joey na 'yon. Nakakadrained kausap ang lalaking 'yon kaya pati si Betty ay inaayawan na siyang kausapin. "Bakla!" tinampal ko ang pisngi niya dahil nagulat din ako sa pagsigaw niya. "Bruha! Bakit nakapatong ka sa akin?!" "Kalma, ngayon lang 'to, Nevs. Please? Gusto ko lang makatakas sa Joey na 'yon. After nito puwede mo na akong sabunutan—" "Alcyone my darling doctor!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD