"I'm sorry, babe.." nakangusong lambing ko kay Yatts nang makarating ako sa condo na tinutuluyan naming dalawa. Naabutan ko kasi siyang nakaupo sa sofa habang hinihintay ang pagdating ko after niyang matanggap ang text message ko sa kan'ya.
I went to him and hugged him. Pero nananatili pa rin ang emotion less niyang pagmumukha. I hate this the most every time he becomes upset. Biglang nawala sa isip ko na may red flags din si Yatts and isa itong ginagawa niya sa akin which is silent treatment.
"Babe.." pinaamo ko ang aking boses dahil minsan lang talaga kung magalit sa akin si Yatts. And nagagalit lang siya kapag si Neveah ang kasama ko at nakitulog ako sa bahay nito without letting him know.
I know, kasalanan ko talaga kung bakit siya nagagalit. May usapan kaming dalawa na rito ako kakain ng dinner, pero hindi ko 'yon tinupad because of emergency.
He sighed, and this time his eyes were filled with jealousy. Nakipagtitigan din ako sa kan'ya at hindi ko iniiwas ang tingin dahil once na ginawa ko 'yon ay mas lalo lang akong mahihirapang lambingin siya.
"Sorry na..." hinaplos niya ang aking pisngi at napapikit naman ako dahil don.
"I really hate it, babe. Hindi ko gusto na mas binibigyan mo pa ng oras si Neveah kaysa sa akin na boyfriend mo," tumango ako. Ineexpress niya ang nararamdaman niya and honest siya. "I want you all to myself. I don't want you to share your time, I don't want you to share your feelings with others, and I don't want you to hang out with Neveah."
Napadilat ako at tumitig sa kan'ya. Malinaw sa akin ang sinabi niya at kung ano ang ipinaparating niya, pero bawal ko naman baliwalain ang pagkakaibigan namin ni Neveah dahil lang boyfriend ko siya. Naiintindihan ko kung bakit siya nagseselos pero sinigurado ko naman sa kan'ya na walang patulan na mangyayari sa amin ni Neveah dahil pareho kami ng gusto.
"You can't?" biglang sumama ang timpla ng kaniyang mukha. Ako naman ang bumuntong hininga. "Kaibigan ko lang si Neveah, babe. Hindi ko naman puwedeng i cut off 'yong tao dahil wala naman siyang ginagawang masama sa'yo at sa akin. I understand your feelings, but Nevah is my best friend."
"I'm sorry," aniya habang inaabot ang kamay ko. Nginitian ko siya dahil mukhang naintindihan niya ang pinupunto ko.
"Gusto mo bang ma-meet si Neveah?" isang beses niya lang kasi itong nakita at medyo bad timing pa 'yon dahil mainit ang ulo ni Neveah. Baka dahil don ay sumama ang tingin niya kay bakla.
"Please? Give him another chance. Mabait 'yon and baka magkasundo pa kayong dalawa," nakangiting anyaya ko sa kan'ya, pero umiling lang siya sa akin. Walang hesitation don so hindi na ako nagpumilit pa. Ayoko namang mag-away kaming dalawa.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Nagkakilala kami noon ni Yatts isang bar and I was 23 years old. Actually, I wasn't really interested in him because I wasn't searching for a boyfriend at the moment. Hindi rin kasi kapansin pansin si Yatts sa mata ko kahit na sobrang gwapo niya.
5 years ago...
Inis kong hinawi ang buhok ko habang iniinom ang alak na binigay sa akin nang bartender. Nasa counter kasi ako nakaupo and kitang kita ko ang mga taong naglalampungan sa gitna ng dancefloor at lalong lalo na sa gilid kung saan hindi natatamaan nang ilaw.
Halimuyak nang pabango nang tao at alak ang naaamoy sa loob ng bar. Hindi ko kasama ngayon si Neveah dahil abala ito sa trabaho niya sa New York. Kaya ako lang ang mag-isang nagpapaligaya sa sarili ko rito sa bar. Wala rin naman akong balak na makipag-flirt sa mga lalaking nandidito. I just want to relax, that's all.
"Hey, bakit hindi natin ito ituloy sa vip room hmm?" napalingon ako sa dalawang taong umupo sa katabi kong upuan. Nakapatong ang babae ron sa lalaki at nagpapalitan sila nang laway na para bang wala ng bukas.
"What are you looking at?" tumaas din ang kilay ko sa kan'ya. "Are you jealous? Hah! Look at me, may kahalikan na may sisira pa ng bataan!" hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil baka mag-away lang kaming dalawa.
"Stop messing with her," nalipat ang tingin ko sa bagong dating na lalaki. Hinagod ko siya nang tingin. Matangkad siya at kahit na hindi siya gaanong natatamaan ng ilaw ay masasabi kong guwapo siya.
"Hmp!" biglang sabi nang babae at hinila niya na sa kung saan 'yong lalaking kapalitan niya nang laway.
"Are you okay, miss?" umupo siya sa tabi ko. "Yes, thank you."
Kumunot ang noo ko nang wala na akong marinig na tanong mula sa kan'ya. Usually kasi, kapag may mga lalaking tumatabi sa akin ay kakausapin nila ako hanggang sa makuha nila ang aking loob, pero never naman 'yong nangyayari dahil inuunahan ko na agad sila.
Nilingon ko ang lalaking tumulong sa akin at nakita ko siyang abala sa kaniyang iniinom. Tumingin ito bigla sa direksyon ko at magaan akong nginitian kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Uhm, hi?" napatawa ako dahil parang ilang na ilang siyang kausapin ako.
"Hello," masiglang bati ko naman sa kan'ya. Ngayon ko lang napansin na guwapo siya nang malapitan. "Uhm, are you okay?" tumango ako.
"Tinanong mo na sa akin 'yan kanina," kumamot siya sa kaniyang batok at nahihiyang ininom ang kaniyang alak.
"I'm Yatts."
"Alcyone—"
"Bro! You're here lang pala, nakahanap ka na agad ng chicks mo?" napatingin ako sa bagong dating at nakatingin ito sa akin. "Gago, hindi!" hasik naman ni Yatts at tumingin ulit sa akin.
"Can I get your number?" I titled my head. Pinagiisipan kung ibibigay ko ba ang phone number ko sa kan'ya o hindi. Hanggang sa naisipan ko itong ibigay.
"Are you innocent?" natatawang tanong nang kaniyang kaibigan sa kan'ya. Siniko naman siya ni Yatts at ibinalik na sa akin ang phone ko. Tumingin siya sa akin at nginitian ako.
"I'm thankful that I helped you earlier. I hope we meet again, Alcyone."