Chapter 06: Vivid

1000 Words
"Merlat!" matalim ko siyang tiningnan matapos niyang subukin na hawakan ang aking braso. I still haven't forgotten what he did last night and he caused me so much trouble kahit na sanay na ako sa ginagawa niya tuwing nalalasing siya. "Gaga, sorry na!" sinubukan niya uling hawakan ako, pero iniwas ko lang ang sarili sa kan'ya. "Promise, kilatra. Hindi ko na ulit 'yon gagawin so please forgive me?" nagpuppy eyes siya sa akin, pero gusto ko lang tusukin ang mata niya. Nagpakawala ako nang buntong hininga at sinalubong ang kaniyang tingin. I detest the fact that I couldn't hold my anger towards him for very long. Umirap ako at saka lumabas na sa kaniyang kwarto. "Merlaat!" sobrang tinis nang boses niya. Dumiretso ako sa kusina upang magluto na ng kakainin naming dalawa. I wasn't surprised when I saw him standing shirtless in front of me and staring directly at me. Hindi pa yata siya tapos mag-sorry sa akin. "Anong gusto mong kainin?" pumunta ako sa harapan ng ref upang tingnan kung ano ang makakain namin dito. "I'm asking you, Nevs," muling sabi ko nang hindi ako makarinig ng tugon mula sa kan'ya. "Merlat..." malambing niyang tawag sa pangalan ko at dali daling pumunta sa akin para yakapin ako. Hinayaan ko na lang siya sa likuran ko na parang tuko. Wala rin naman kasing saysay kung magagalit pa ako sa kan'ya. He has no memory of what he did last night because he was drunk, and besides, Touru cheated on him. Hindi ko rin talaga siya masisi kung halo halo na 'yong bigat na nararamdaman niya. "You're not mad at me na?" malambing niyang tanong sa akin. Hindi pa rin ako binibitawan mula sa pagkakayakap. "Wait, did you change your perfume?" biglang nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang tanong. "Bakla, hindi ites ang scent mo," napasinghap ako nang bigla niyang amuyin ang leeg ko. Asar kong inalis ang ulo niya ron at pinamewangan siya. "Of course, perfume mo 'to ano!" "What?" parang gulat niya pang sabi at muli akong inamoy, pero muli ko rin siyang tinaboy. "Gaga, anong perfume ko?" nakataas niyang kilay na tanong sa akin. "The Miss Dior," tugon ko. "Oh, that one? Shogal ko na ring hindi nagagamit 'yon, buti at nakita mo pa?" nagkibit balikat ako at nagsimula ng magluto. Nevs' refrigerator is filled with a variety of items, but I decided to cook pancakes because they cook quickly. Habang nagluluto ay ramdam na ramdam ko ang mga tingin na ibinabato sa akin ni Nevs. Pakiramdam ko nga ay tinititigan nito pati ang kaluluwa ko. "Ang ganders mo pala merlat sa damit kes," nilingon ko siya at tiningnan ang sarili. Suot ko kasi ang oversize pink shirt ni Neveah. Cute! Nakuha ko lang ang damit na ito sa cabinet niya. Hindi ko na nakuhang magpaalam dahil lasing na lasing siya habang nanlalagkit naman ang katawan ko dahil kakauwi ko lang galing sa hospital nang makatanggap ako ng tawag galing kay Jads. Oh, I remembered. I haven't let Yatts know I stayed here in Neveah. Mamaya at nag-aalala na 'yon sa akin dahil hindi ko siya sinabihan. Tatawagan ko na lang siya after naming kumain nang almusal. "Bakla," saktong pagtawag niya sa akin ang paglalagay ko rin nang pagkain sa harapan niya. "Hmm?" tugon ko. "Wiz kang bra?" umupo ako sa harapan niya at tiningnan ang sarili. Tumango naman ako at nagsimulang kumain ng pancake, samantalang nanatili namang nakatingin lang sa akin si Neveah. "You kissed me last night," amin ko rito at bigla naman siyang nasamid sa sarili niyang laway kaya agad ko siyang inabutan nang gatas na itinimpla ko. "Hindi ako nagbibiro," dagdag ko dahil sasabihin na naman niyang nagsisinungaling ako. "Wait, I'm going to try to understand what you said for a moment," hysterical niyang sagot sa akin. Pinanood ko naman siyang intindihin ang sinabi ko, pero mas lalo lang yata siyang nabaliw. "Omagaf, bakla!" I see that coming. "Truelalu ba, bes? Nakipaglaplapan akes sayo?" tinampal ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Ang bastos nang bibig mo!" asar kong sabi sa kan'ya habang pinapaypayan ang mukha dahil pakiramdam ko ay namumula ako. "Naglapat lang 'yong lips natin because of you. Hahalikan mo dapat 'yong lalaking kasabay natin. Be thankful because I saved your career." "So hindi tayelz lafyok, madam?" should I be honest with him? "Omagaf! Merlat! Your face says otherwise," naiiyak niya namang sigaw. Ang sakit sa eardrums ng boses niya. Huminga ako nang malalim at kalmadong ininom ang tea habang si Neveah naman ay natatarantang naghihintay sa sagot ko. Alam ko naman na maghi-hysterical siya when he found out what he was doing last night. "You," ibinaba ko ang tea at tumingin sa kan'ya. "You are aware that one of the things I dislike is when people forget the foolish things they did.." tumayo ako sa aking pwesto at lumapit sa katabing upuan ni Neveah. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka akalain ko na gusto niya nang sirain ang anit ko, pero kilala ko siya. I know he is nervous because of me. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi but I was surprised when I felt him flinch. Tinitigan ko siyang mabuti at hinampas ang kaniyang braso at inilagay ang daliri sa kaniyang braso. "Your lips moved against mine," kita ko ang panlalaki nang kaniyang mata at for sure kanina pa siya sumisigaw sa isipan niya. "And.." "A-and what, merlat? Kalurky ka! Spill it!" "I slapped you like this," mahina kong sinampal ang kaniyang pisngi at humalakhak nang malakas dahil sa kaniyang reaksyon. "Nakita mo dapat 'yong mukha mo, Nevs!" naiiyak kong tawa sa kan'ya. "Uggh! You b***h!" hindi na ako nagulat nang hatakin niya ang buhok ko. "Sincerely, I had no idea that your lips were still softer and sweet," namula siya dahil doon at binitawan ang buhok ko kasabay no'n ang pag-walk out niya at ang pagsigaw niya sa akin nang... "I hate you, Alcyone!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD