Baking is my passion. Bata palang ako ay tinuturuan na ako nang Mom ko kung paano magbake. Nagsimula ako sa simpleng cookies at sa di kalaunan ay natutunan ko ang pagbake nang iba't-ibang tinapay at Cakes. Kaya siguro nadala ko na ang pagkahilig ko sa pagbake hanggang ngayon na 21 na ako. Ipinangako ko sa Mommy ko na I will become a Baker at sa awa naman nang Diyos ay natupad ko ito.
Akala nang iba ay madali lang ang pagbake, well akala ko din mung una ay madali lang ang ito pero nang umpisahan kon na ay doon ko nalaman na hindi ito kadalian dahil kailangan nang Polidong pagsukat nang bawat ingredients para makuha ang tamang texture, lambot at tamis ng tinapay.
"Parang Love lang yan guys, kailangan balanse at tama lang ang lahat nang bagay at emotions para maging perpekto ang relasyon niyo. Diba?!" Ayan ang bestfriend kong si Marie, pilit na inererelate ang mga bagay (even baking) sa pag-ibig.
Hiyawan naman ang mga studyante. Mga teenagers kasi kaya sabik pa sa pag-ibig, bigyan mo lang yan ng isang matinding heartbreak tignan ko lang kung hindi sila maging-
"Bitter! Andito ka napala." pagbati sakin ng bestfriend ko at sumenyas na lumapit na sa group. "Okay guys, siya si Chef Nice ang magtuturo sainyo today. Mag-ingat kayo dahil baka mahawa kayo sa kabitteran niya okay-nahjaixwoowbs" I didn't let her finish. She's talking too much at nauubos na ang oras nang pagtuturo ko. Ayun, sinumpalan ko nang pandesal sa bunganga na siya namanmg ikinatawa nang mga students.
"Enough with the introduction. Yes I am Nice and let us start. Ms. Marie pwede ka nang lumayas. Thanks!" Inirapan pa ako bago lumabas. Betchay!
Inumpisahan ko na ang pagdemonstrate at pagbigay nang mga simpleng baking tips na natutunan ko throughout my experiences. Kilala ang bakery na minana ko from my Mom dahil sa nga sikat nitong tinapay at cakes. Kilala din ito dahil nagooffer kami ng baking lessons, frustated teacher din ata si Mommy. Sa madaling salita ay ang bakery namin ay may munting baking school. Medyo malaki din kasi ang facility namin.
"Very good job guys! Congratulations dahil masasarap at perfect ang mga Croissant ninyo."
Masay namang nagtikiman ng kanilang mga nagawang tinapay ang mga studyante at nagkwentuhan habang ako naman ay nililinis ko ang mga ginamit kong utensils sa pagturo nang lapitan ako nang isang grupo nang mga students.
"Chef-"
"Nice nalang, sa klasi lang yun." I said with a smile.
"Nice, pwede po ba kaming magtanong?"
"Oo naman." Gusto ko sanang sabihin na nagtatanong na siya kaso baka di niya magets na biro yun from me. Akala kasi nila seryoso akong tao. Akala lang, kasi ang totoo niya ay pareho kami ni Marie na baliw.
"May boyfriend po ba kayo?"
Woah. Ang ganda simula nang usapan yan ah. Galing pumili nang topic ng batang ito.
Pero bago ako makasagot ay inunahan na ako ni Marie (who suddenly appeared out of nowhere!)
"Wala. Two years nang single si Nice. Bakit liligawan mo Jake?!"
"Marie! Stop it!" liningon ko siya at pinanlakiha nang mata, tho malaki na talaga mata ko. "Wag ka nga assuming. Nagtatanong lang sila kaya don't come up with those stupid ideas."
"Oh my Gosh, ang mean ng conyo na to. " sagot naman ni Marie na biscuit ng nga bata.
Natawa naman ang mga bata.
"Curious lang po kami Ms. Marie, sa itsura po kasi ni Nice parang never magiging single."
(I'm nit blushing like a teenager. I f*****g swear.)
"Nako! Like I said earlier, bitter yang si Nice. Ayaw niya nang topic ay Love. Ewan ko ba diyan sa Bes ko kung bakit sinasayang niya ang looks niya! Andaming may gusto sakanya pero si Dj na ex-njsjsjzoaopqpiejdmqj"
Croissant for your madaldal na bibig Marie. Kapag di ako nakapagtimpi baka next time eh itong pangmasa ng Dough na ang isulpak ko sa bibig niya.
"Guys dismiss na kayo! See you next week para sa Red Velvet recipe, have a nice day!" Kumaway ako at hinila na si Marie papunta sa office.
"Infairnes masarap tong tinapay ah. Pero pwede mo naman ipatikim sakin to nang hindi isinusulpak sa bibig ko nang biglaan diba?!"
"Ang daldal mo kasi friend! ikwento mo ba naman buong storya nang buhay ko sa mga bata?!"
"Maka storya neng buhey ko naman to! Lovelife mo lang huy!"
"Kahit na! Ay pwede ba, hindi ako bitter kaya itigil mo na yang paglabel mo sakin as a bitterman! nakakabwisit na ah."
"Ang arte mo dun. Promise!"
"Mas maarte ka, kala mo maganda?!"
Naputol paguusap, pagsisigawan rather, namin ni Marie nang pumasok sa office ang isang empleyado namin.
"Chef Nice may nahahanap po sainyo sa shop."
"Ano daw kailangan?"
"Gusto daw po at pagawa nang personalized cake."
"Si Marie nalang kakausap."
"Ay Chef, ikaw po ang nirequest." Nagkatingin naman kami ni Marie. "Dj daw po ang pangalan niya."
Parehong halos lumabas sa mata namin ang eyeballs namin ni Marie. Alam kong isa lang ang iniisip naming dalawa and sana, Sana mali ang iniisip namin.
Yun na ata ang pinaka nakakatakot ko na paglalakad papunta sa Shop area na nangyari sa tala nang buhay baker ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na baka kapangalan lang niya iyon. Ilang Dj naman ang nabubuhay sa pilipinas diba? Possibleng kapangalan lang niya iyon.
"Chef andun siya sa table malapit sa entrance."
Lumapit naman kami ni Marie sa nasabing table. Nakatalikod sa amin ang sinasabing Dj ng empleyado namin. Para namang nabubutan ako nang tinik nang makita kong maliit ito at iba sa iniisip naming Dj. Pareho kaming napabuntong hininga nang kasama ko.
"Hi, ako si Nice. Pinatawag niyo daw po ako?"
"Ay hindi po ako."
"Hindi ikaw, eh sino?!" Pabulyaw na tanong ni Marie. "Pinagtitripan at tayo nito Nice eh?! uupakan ko tong si Bentong!"
"Marie!" Saway ko. "Sorry, baliw lang itong kaibigan ko. Kung di ikaw eh sino nagpatawag sakin?"
"Yung pong Boss ko, si Sir Dj."
Ay puta.
"Asan?!" Sabay naming tanong ni Marie.
"Ayun oh!" Sabay turo gamit nang nguso niya sa may likuran namin.
Parang bumagal naman ang paglingon ko. It was like a scene from a movie. Slow motion at nakakaasar na maarte. Pati ang paghubad niya nang sunglasses niya ay parang ang bagal.
Nagtama ang mata naming dalawa. Those familiar eyes I used to look at everytime I wake up before. Yang matang yan ang una kong nakikita bago ko simulan ang araw ko... Noon. Two years ago.
"Hello." Bati niya.
Parang nagising naman ako sa reyalidad nang magsalita siya. Walang pinagbago, suave at masarap padin sa tenga ang boses niy - ay what?! Puta. Mali. Nakakabisit ang boses niya.
"Hoy Nice, Hello daw sabi ni Dj." Kalabit sakin ni Marie. I know, I heard the monster Marie! I'm nit deaf!
Atomatiko na nagsalubong ang mga kilay ko at nagtransform mula sa Na-starstruck look to Galit look ang mukha ko.
"You?!" sabay duro ko sakanya nang finger. Kafinger-finger naman talaga siya! Finger!
"Woah, is that how do you treat a customer?" Nakangisi niyang sabi.
"Anong kailangan mo?"
"Cake mo."
"Marie, ikaw na makipag-isal sakanya."
Maglalakad na sana ako palayo sakanila nang hilain niya ako sa baso.
"I want you." Tinignan niya ako sa mata.
I am trying my best on convincing myself na mali ang pagkaintindi ko. Na ibig sabihin niya ay ako ang gusto niya makausap at hindi gusto niya ako. Yea. Ganun nga.
"Si Marie ang nakikipag-usap sa mga CUSTOMERS." Kinbig ko ang braso ko from his grip. "Now, if you may excuse me."
(Pero syempre dahil maarte ang story na to) bago pa ako nakalakad nang tuluyan ay nagsalita siyang muli.
"Major order ito."
"Ay Bestfriend, Major order daw. Sa mga regular orders lang ako diba?! Ikaw sa mga bigtime order diba?! Now, if you may excuse meh." Kinindatan naman ni Buddha - este Marie si Dj bago umalis. Bwisit.
"Maring biskwit!"
Nakabusangkol na mukha ko nang lingunin ko ang natatawang Dj.
Major order. Ulul.
How to treat your ex like a pro? Fill your every sentence with sarcasm.
"Sir upo po tayo." I gestured the table near us.
Tinawag ko naman ang isang nagseserve namin at ibinigay sakanya ang hinunad kong apron. di ako nakahubad, suot ko ang chef uniform ko.
"Dalhan mo kami ng Coffee, yung pang MAJOR CUSTOMER and two slices of my specialty cake." Liningon ko siya. "Special child kasi itong kausap ko. That's all." I smiled at kinindatan ang empleyadong kumuha ng order ko. Malangiti naman ito dahil nagets niya ang sinasabi ko.
Habang hinihintay ang pinakuha ko ay nakatingin naman ako sa labas trough the glass walls ng shop.
"Kumust ka na Nice?"
Nilingon ko naman siya at di naiwasang matingin sa mata niya.
"I'm fine." sabay lingon ulit sa labas.
"Sir eto na po ang coffee and Cake. Enjoy sir!"
"Thank you."
"Tikman mo. Specialty ko yan."
Ngumiti lang siya at tinikman ito.
"Ang sarap. Di ka padin nagbabago Nice, ang galing mo padin magbake. Kaya nga love kita eh!"
How can he act like as if walang namagitan samin. How can he pretend na parang hindi kami mag-ex. Pano niya nagagawang umasta na kala mo di niya ako iniwan.
"I know. Now let's talk about business."
"Magkwentuhan muna tayo Nice"
"Marami pa akong dapat gawin."
"Para namang wala tayong pinagsamahan dati niyan."
"Dj please, stop it. Can't you see ayaw kitang makakwentuhan? kaya kung pwede lang pagusapan na nating ang sinasabi mong major order please. "
Napalitan nang lungkot ang masayang ekspresyon nang mata niya. Nakakaguilty pero I am doing this for myself. Defense mechanism kung baga.
...
"So ano daw yung major order niya."
"It was a deal. Kinuha niya ang Bakery natin as the official supplier sa hotel nila ng mga Tinapay at Cakes."
"Aba, akalain mo nga namang bigtime na yang ex mo."
"I know. Pero hindi padin siya nagbabago. Anlaki padin ng inaalagaan niyang-"
"WHUT! Nice! I know na ex mo siya and may pinagsamahan kayo before. Pero EX mo na, bakit ka naghello sa alaga niya?!"
"What the f**k are you talking about?!"
"You and Dj, s*x?"
"Dafaq?! Are you out of your f*****g mind? You fucktard! What I mean is ang laki padin ng inaalagaan niyang Ego! Ang yabang padin niya. Akala ata niya kinikilig pako sa mga banat niya. Nyeta."
"Sus, bakit ka affected?!"
"You know what Marie, Kaya kong maghampas ng bestfriend gamit tong pangroll."
Bwisit. Kung ano-ano pinagsasabi. Nakakastress. Nakakubos ng pasensya. Para siyang lamok na kung mambwisit.
Anyway, going back. Kung nagtataka man kayo bakit iritang-irita ako kay Dj, aside sa dahil ex ko siya (Nakamove-on na ako dun) may special request siya, dahil kami ang official supplier ng pastries sa Hotel nila ay gusto niya na atleast Three times a week siyang pumunta sa bakery para icheck kung paano ang process ng paggawa ng mga tinapay namin. I mean yeah pwede niya gawin yun, Pero ano ba? Sa tingin niya ba dugyot ako like him? No way! Siya lang ang baboy, and I have a proof!
I don't want to play with his games anymore. Not again. Natuto na ako. Marami na siyang nakuha saken, not material things ah but it's more than that. I gave him my all. Minahal ko siya nang mas higit pa sa akala kong kaya ko. Alam mo yun, sa sobrang mahal mo ang isang tao nakakagawa ka nang extra-ordinary na mga bagay na ni minsan ay di mo inakalang magagawa mo but because of your love, nagawa mo. Pero alam mo kung ano ang masakit? Yung binigay mo na ang lahat pero parang nagkulangan pa siya, hindi siya nakuntento at humanap pa nang iba.
Alam nang mga taong malapit sa akin kung ano ang nangyari after niya akong gaguhin at lokohin. They've witnessed how miserable I became after what he did. Pero dahil din sakanila ay nakaya ko. With them I was able to move on and live my life again.
Hindi ba talaga siya nakuntento sa ginawa niya noon at bumabalik siya ngayon? Putangina naman. Nakalimutan ko na siya. Sa maniwala man siya o hindi ay wala na akong nararamdaman sakanya.
"Hmmm, di ka padin nagbabago Nice. Ang galing mo padin!"
"Alam ko." Mataras ko namang sagot.
I won't let my walls down again. Never.
Kinurot niya ang pisngi ko na talaga namang nakapagpabwisit sakin!
"Punyeta! I'm working, Dj!"
I saw how shocked he was. Di niya inasahan ang naging reaksyon ko.
"Talagang nagbago ka na." Matamlay niyang sabi.
Oo. I've changed and It's because of you!
"Yea. Kaya please lang, kung tapos ka na magobserve, the doors are open you are free to leave."
"Is that how you treat your customer?"
"No. Ikaw lang." Sabi ko at tuloy padin sa pagmasa nang dough. Kapag di pa umalis to isusulpak ko to sa bibig niya!
"I'm Your Ex-"
Napahinto siya sa sasabihin niya dahil napahampas ako nang malakas sa metal table kung saan ako nagmamasa.
"That's the point, Dj! EX na kita! Past! Hindi ko alam kung bakit ka pa bumalik, for what, para ipamukha kung pano ako naging tanga para sayo dati!? Huh?!"
"No-"
"Shut up! Di na ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo! Never again!"
"Bakit hindi mo muna ako hayaang magexplain?!"
"Explain?! Punyetan naman, Dj. Wag mong hingin yang karapatan na yan dahil wala kang kailangang iexplain!"
Hindi siya nakasagot pa dahil biglang pumasok sa kitchen si Marie.
"Sigawan talaga?!" Sabi niya. Di ba obvious ha Marie? "Dj, andiyan na yung driver mo."
He gave me a glance before exiting the kitchen doors.
I know I sound like a bitter ex back there. Pero pwede ba, ayoko na mahuli niya ulit yung soft side ko. Ayoko na dumating sa point na mapaniwala ulit niya ko. Tama na.
...
"Nice, tapatin mo nga ako. May feelings ka pa kay Dj no?!"
"Dafaq Marie?! Anong klaseng tanong yan. Siyempre wala na!"
She just stared at me with a blank face as if waiting for a reasonable answer. Ugh! okay. Kilala niya ako masyado.
"Natatakot ako. Sigurado ako na napapansin mo na isang kalabit na lang at mahuhulog na ako ulit sakanya! Ayoko na! ayoko nang masaktan, umasa! I had enough."
"Nice naman. Don't close your doors again like what you did before. Alam nating dalawa na he tried to explain before pero you did not let him."
"I know. Ayoko na talaga. Masyadong masakit ang mahuli siya nang may kahalikang babae... Tanda ko pa iyon... February 14. Valentines day, Our anniversary."
...
After that incident, di muna pumunta sa Bakery for like a week. Tanging secretary lang niya ang pumunta for the orders at sa quality test.
Not that I was expecting him to come again after what I've said last week. And not that I want to see him again. But I think Marie wants to see him again.
"Girl, bakit ikaw ang pinapapunta nang Boss mo. Busy ba siya?" Tanong ni Marie sa secretary ni Dj.
"Kani po ni nit na sa ngingapore-"
"Ngongo ka pala?!" Gulat na sabi ni Marie. Stupid her!
"Marie ano ba. Can't you see puni bibig niya."
"Aba malay ko ba. Ay te lunukin mo muna yan. Kaloka ka, di ka ba sinabihan nang peyrents mo Don't talk when your mouth is full."
Lumunok naman ang secretarya ni Dj. Medyo madami kasi ang laman nang bibig niya dahil subo lang siya nang subo nang mga French Macaroons na ginawa ko.
"Sorry po. So ayun nga po, si Sir kasi ay nasa Singapore branch. Nagkaproblem po kasi doon."
"Naku naman talaga Nicholas! ang swerto mo diyan kay Dj ah! Bigtime na talaga!" Marie, you know what girl, mas maikli nickname ko na Nice.
"Ay ngef ngihaw ho ngala-"
"LUNOK!" Sabay naming sigaw ni Marie.
"Ay sir ikaw po pala yung sinasabing Ex ni Sir Dj?!"
"Shocking duba teh?!" gatong naman ni Marie. Mas bakla pa sakin tong babaeng to eh. Kaya pag nagkaclub kami di siya pinapapasok, akala nila crossdresser siya. Eh sa mga Bobo ang management nang mga Club na di nagpapapasok nang mga Crossdressers sa club. Kala mo talagang 5stars mga club nila!
"Kaya naman po pala di maka move-on yang si Sir Dj!"
"WHAATTT?!" Tili ni Marie. Nyeta sakit sa tenga! "Tell us more!"
"Ay Mam, Sir oras na po pala. Kailangan ko na bumalik sa Hotel."
Nagulat naman ako nang nag-ala Mutant Ninja Turtles si Marie sa pagtalon niyang mabilis sa pintuan nang kitchen.
"TELL. US. MORE. OR. GO. HOME. WITH. BROKEN. LEG."
"Sige na nga po. Pero satin-satin lang po ito ah. Baka kasi matanggal ako sa trabaho."
"Oo na, kwento na!"
"Ahm hello, girls andito ako. Hindi ba nakakahiya sakin?" Sarkastiko kong sabi. Pero parang wala silang napansin. Aba nga puta.
"Lagi po kasing nakekwento ni Sir ang ex niyang Baker. Hindi ko naman alam na lalaki pala iyon. Ang sabi niya po noo saakin ay Nagkamali siya nang ginawa. Hanggang ngayon daw po ay pinagsisihan niya padin ito."
Ang awkward promise.
"Tell more te! Subo ka nang subo nang macaroons ah. nahuhulata ko."
"Sarap po kasi."
"Kwento na o babayaran mo yang kinain mo?!"
"So ayun nga po, kaya lang daw po niya nagawa na lolohin nga po kayo Chef ay dahil kailangan lang daw po-"
"What?! kailangan?!"
"Teka lang naman kasi te! Patapusin mo muna ako kaloka ka!"
"Osige. Sorry naman."
Nakatayo lang ako na kala mo di nageexist.
"Going back, ayaw po kasi nang parents niya yung relasyon ninyo Chef. Kaya gumawa siya nang paraan. Ang kaso mali nga lang ang naisip niyang paraan at pinagsisihan niya iyon."
Napaisip naman ako sa mga pinagsasabi nang madaldal na sekretarya ni Dj. The way na magkwento siya ay talagang alam niya ang mga nangyari. Siguro nadala si Dj nang maikwento niya ito sakanya. I know Dj, di siya mahilig magopen-up. This girl must have been so loyal to him or she actually proved herself to Dj to gain that kind of trust from him. Kudos to you dear!
After knowing those revelations from our source (Isa, the secretary) I wasn't able to operate well, damn, I can't even concentrate on baking! I can't help not to think about him every time. I was so messed up. I wanted to help myself to get out of that state again. So I came up with a decision. Dj and I need to talk!
With the help of Marie, we got every drop of information from Isa. It's like a scene from a dark movie! So I got Dj's personal number and Address to his Condo (by hearing that he lives in a condo, natakot ako na baka matulad ako sa mga nauusog bugbugan at set-up(an) but I need to do this, di ako susuko as they say.
Isa informed me that Dj arrived on his condo from the airport. Saktong-sakto sa plano kong araw, February 14. Pinaghandaan ko to kagabi. Nagbake ako nang paborito niyang Leche flan cake, yes may ganun, back when we were still together he requested that. So I experimented and came up with it.
Hindi na ako tumawag sa Cellphone niya dahil sabi naman ni Isa ay nandoon naman daw siya at hinabilin na ako sa front desk Kaya pagdating ko doon ay sinamahan na ako sa unit niya nang isang staff. Pagdating sa tapat nang unit niya ay nakaramdam ako nang sobrang kaba! Grabe!
Pero nang bumukas ang pintuan niya ay nakaramdam ako nang pagskisp nang t***k nang puso ko.
"Oh Nice, what spell brought you here?" sabi nang isang shirtless na Dj sa akin.
Naghello ata yung abs niya. Di ko sure ah.
"A-ah I want to t-talk to you eh."
"Why are you stuttering?"
I wasn't able to answer his question but my eyes did. They 'Uncontrollably' stared at his body.
"Ohhh, hanggang ngayon ba naman?" Mayabang niyang sabi.
Self control Nice. Kailangan mo siyang makausap. Magtimpi ka at wag siyang upakan.
"Di mo ba ako papapasukin man labg?"
"Yeah, where are my manners. Get in."
Pagpasok ko sa loob ng unit niya ay iginala ko ang aking mga mata. Malinis. Cool ang ambiance. Simple pero malakas ang dating. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at umamba na ako nang tanong.
"Dj, totoo ba lahat nang mga sinabi sa akin nang Secretary mo?"
"About what?"
Playing Naive. Isa pa yan sa mga ayaw ko nung kami ma.
"About ever eveything, about Us."
"There is no Us, Nicholas."
Aray naman.
"Nung meron pa. Sinabi niya lahat sa akin. Sinabi niya ang totoong dahilan kung bakit mo nagawa iyon!"
"Oh alam mo na man pala lahat eh, ano pa tinatalak mo diyan?"
"Punyeta naman! Dj, wala ka ba man lang balak iexplain ang mga iyon?"
"Ikaw na ang nagsabi, Wala akong karapatan magexplain dahil wala akong ieexplain."
Stay Calm, Nicholas. Stay calm.
"I know I've said that pero now that I know the truth, wala ka man lang bang gagawin about it?"
"Anong gusto mong gawin ko?! Nagbago na nga ugali mo pero yang pagiging hindi mo straight to the point ay hindi mo mabago-bago!"
"K.. kase..."
"What?!"
"KASE I WANT TO START ALL OVER AGAIN WITH YOU!"
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Eh ako din naman nagulat sa mga pinagsasabi ko eh.
"Seryoso ka ba?" Tanong niya.
"Nadulas na nga ako eh. Ano na Dj?!"
"Anong ano na?!" Lakas na makabobo niyang tanong.
"Dj, do you want to Start All Over Again with me?"
"Parang kailan lang ikaw ang sumasagot sakin ah."
"Sagot na!"
"Yes!"
Hindi lahat nabibigyan nang pangalawang pagkakataon, pero lahat tayo ay karapat-dapat na mabigyan nito. Hindi lang pangalawa, pangatlo o kahit na pang-ilan pa yan. Ang pagmamahal ay walang binibilang na pagkakataon. Maaaring nagkamali ka man noon, may pagkakataon ka pa din na hindi man iwasto ang mali mo noon kundi magumpisang muli at hindi na ulitin pa ang pagkakamaling nagawa noon.
Hindi kailanman humingi ang tunay na pag-ibig nang dahilan, lahi itong nakukontento sa kung ano ang nararamdaman. Hindi kailanman nanakit ang pag-ibig, nagtuturo lamang ng aral.
♥️♥️♥️
Happy Valentines Sainyo! Alam ko bitin siya. Pigang-piga na ho ako hahaha! Natuyo na.✌️
"You are loved"