"Noon kapag nagakakaroon ako nang crush hindi lang isa. Madalas dalawa o higit pa. Wala naman masama doon diba? Crush lang naman eh. Kahit ilan pa yan ayos lang.
Pero ngayon isa nalang. Simula pa lamang nang magumpisa ang Sem ay crush ko na siya. Noong una akala ko ay mawawala din tulad nang mga naunanv crush ko. Pero hindi eh. Umabot na kami nang 3rd year college ay crush ko padin siya. Patay na patay ako sakanya. Di na nga crush tawag dito eh, Love na.
Kung ang iba ay ayaw pumasok sa eskwela o kaya naman ay tinatamad, pwes ako hindi. Ganado ako laging pumasok dahil sakanya. Simple lang naman siyang lalaki eh. Matangkad, tamang katawan, matangos na ilong at kayumanggi. Malakas ang appeal niya, lalo na sakin. Isang tingin lang mula sa singkit niyang mata ay halos manlambot na ako. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya dahil nangingibabaw siya sa lahat.
"Oh Kenneth.."
Madalas kapag naiinip ako sa isang subject ay napapatitig ako sakanya. Buti nga hindi niya ako nahuhuli dahil kapag nagkataon ay malaking kahihiyan iyon. Tulad nang sabi ko simpleng lalake lang siya, walang kakaiba. Dahil kung meron pang mas igagwapo yang si Kenneth, ewan ko lang ah, baka mabaliw na ako sakanya.
Tuwing gabi, pagkatapos ko magdasal, ay kadalasan ay iniimagine ko siya. Para bang gumagawa ako nang magandang kwento sa isip ko. Lagi ko iniimagine na magiging kami. Yung magdedate kami sa mall okaya naman ay magkasama kaming nanonood ng nga DVD habang magkayakap.
Simple lang naman ang hiling kong mangyari. Yung mga ganun lang. Yung sweet moments na siya ang kasama. Maraming tao ang nakaexperience noon o nakakaexperience sa ngayon, para sakanila wala nalang iyon dahil nasanay na sila. They are taking it for granted.
Iba kasi ang sitwasyon ko. Madalang lang sa isang tulad ko ang maexperience ang tunat na pag-ibig. Yung walang hinhinging kapalit kundi tamang pag-ibig lang din.
I would take all risk and possibilities maexperience ko lamang iyon kasama si Kenneth. Papahalagahan ko ang bawat oras na meron kami kahit isang araw lang. Ganyan ako kapatay sakanya.
Mahal ko siya nang hindi niya alam. Ang masakit pa diyan ni hindi man lang niya ako pansin. Turing sakin ay isang simpleng kaklase. Hindi niya alam na sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko siyang mayakap. Kaso hindi ko naman kayang sabihin iyon sakanya. Mukhang gagagraduate na kami ng college ay hindi padin niya alam ang tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.
Bakit ganoon no? Kung sino yung taong mahal mo hindi mo makuha. Laging napupunta sila sa maling tao na sasaktan lamang sila at lolokohin. Si Pricilla. Ang Girlfriend ni Kenneth na niloko siya. May ibang syota pala ang babae at hindi iyon alam ni Kenneth. Akala ko panaman ay mahinhin ang babaebg iyon, yun pala nasa loob ang kulo.
Nakakaawa noon si Kenneth, lagi siyang mukhang puyat at pagod. Laging matamlay sa klase. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyanv ganoon. Nakakaawa siya.
Bakit ba kasi ganoon? Hindi ba pwedeng maging kami nalang? Hindi ko siya kailanman lolokohin at sasaktan. Mamahalin ko siya at aalagaan. Pero sino nga ba ang niloloko ko?
Kahit kailan siguro ay hindi matutupad ang simpleng hiling ko na maging kami ni Kenneth. Nakakalungkot man isipin pero mukha talagang wala na ako pag-asa pa sa lalaking yun.
Mahirap talaga maging Bakla ano? Ang hirap maging masaya at malaya. Gusto ko mang sabihin kay Kenneth na mahal ko siya ay hindi pwede, baka sapakin lang ako nun. Siguro hanggang tingin na lang ako sa sakanya. Hanggang pangarap nalang.
Darating din siguro ang tamang Panahon para makalimutan ko ang nararamdaman ko para sakanya. At sana dumating na ang Tamang Tao para sa akin (kung meron man, keeping my fingers cross) para naman maramdaman ko na pwede akong mahalin, na tulad din ako nang ibang tao na dapat binibigyan ng imporansya. Gusto kong maramadaman yung sinasabi nilang masarap ang pag-ibig at umibig.
Naiinggit ako oo, lalo na kapag nakekwentuhan ako nang mga kaibigan ko tungkol sa mga syota nila. Kesyo ang sweet daw nila sakanila which is true, kasi nakikita ko naman (na lalong nakakapagpa-bitter sakin)
Kailan ko kaya masasabi na 'Uy alam mo ba si Boyfriend ko binigyan alo nang ganito, susunduin nga daw ako mamaya eh' pero I doubt kung maaabutan ko pa yun.
Tuwing nakikita ko si Kenneth kahit sa malayo lang nangingiti ako. Kinikilig. Kapag naririnig ko siyang may kausap tutok ako sa Boses niyang swabe sa pandinig at malakas makakilig.
Kapag mabanggit lang ang pangalan niya ang dami nang pumapasok sa isip ko. It's my hobby, making-up events inside my head and hoping one day they will all come true. But the sad thing is, they never were. Maybe that's reality.
Siguro sa langit ko nalang masisilayan at pagmamasdan si Kenneth. Malapit nadin naman ang pagpunta ko doon. Kampante naman ako ma doon ako mapupunta, wala naman akong ginawang kasalanang hindi ko pa naiihingi nang tawad Sakanya. Kung ang ibigin ko si Kenneth ay isang kasalanan, tatanggapin kong mapunta sa impyerno dahil kahit papano naging masaya ako sa kasalanang nagawa ko.
Hindi ako nagsisisi na hindi ko sinabi kay Kenneth ang nararamdaman ko sakanya, bakit? Pano kung ganoon din ang nararamdaman niya (What if lang) towards me tapos maging kami. Hindi ba unfair naman kung after naming magaminan ay sasabihin ko sakanya na may Stage 4 cancer ako at malapit nang mamatay. Mas mahihirapan akong tumawid kung nagkataon diba?
Kahit papano naman ay naging masaya ako sa simpleng pagmamasid kay Kenneth. Hanggang dun nalang siguro iyon. At masaya akong tatapusin iyon sa ganun nalang.
Nilanghap ko ang mga huling hanging aking kayang langhapin at ninamnam ito. Ngunit bago ako pumayag na ako'y mawala bumulong muna ako nang maikling dasal.
"Lord, sana maging masaya lagi si Kenneth."
Ipinikit ko na ang aking mata at hinintay ang aking sundong anghel."
-The Last Letter of Jian.
Experience Love 11