Malaki ang naging epekto sa akin ng pagkawala nang isang taong importante sa akin. Andami kong bagay na nalaman mula sakanya. Marami siyang naituro sa akin na hindi ko naman alam dati. Mga simpleng bagay na hindi ko kailanman naramdaman mula kanino.
Sa maikling panahon na pagsasama namin naging parte na siya nang buhay ko, Nang sistema ko, Nang pagkatao ko. Pinaramdam niya sa akin na may maaaring magmahal sa akin, aside sa Nanay ko. Ipinakita niya sa akin ang mundo sa ibang perspektibo. Sa pananaw niya. Sa panguna niya dito at higit sa lahat sa kung paano ang magmahal ng tunay sa kabila nang maaaring sabihin nang mga tao.
Noon akala ko na hindi na ko magiging masaya pa. Sa loob nang dalawang buwan sakanya ko pinaikot ang buong mundo ko. Ang buhay ko na dati ay simplee at walang inaaalala bigla nalang gumuho nang iwan niya ako. Ganoon ang epekto niya.
Likas akong masayahin. Ikaw ba naman ang lumaki sa kinalakhan kong barrio sigurado magiging katulad kitang masiyahin at punong-puno nang ligaya sa katawan. Mas lalo akong naging masaya nang dumating siya sa buhay ko. Para siyang isang panaginip na naging realidad. Ngunit tulad nang isang panaginip, darating ka sa punto nang pagising. Masakit tanggapin na pahiram lamang ang nadama mo. Na panaginip lang, na hindi totoo.
Nang araw nang pagising kong iyon ay wala na siya. Umalis na. Bumalik na sa kung saan man siya nanggaling. Kasabay nang pagkawala niya ay ang pagkawala nang kahit anong bahid nang ligaya sa aking katawan. Nagbago ang ikot nang mundo ko. Nagbago ang lakad nang buhay ko. Nagbago ang pagkatao ko.
Isang linggo akong di halos lumalabas sa kwarto ko. Tanging pagkukulong sa bahay ang ginawa ko hanggang sa matapos ang nalalabing araw nang bakasyon ko bilang estudyante. Ganoon naman talaga eh, laha may katapusan. Lahat nang bagay na masarap may hangganan. May katutuldukan, ang masakit pa doon ay wala kang magawa kundi tanggapin ito at iyon nga ang ginawa ko. Tinggap ko ang pagkawala niya. Inisip ko nalang na kailangan niya talaga bumalik doon. Totoo naman eh.
Hindi alam ng Nanay ko kung paano ako aayusin. Lagi kong katabi ang mga bagay na iniwan niya sa akin. Minsan nga kausap ko ang mga iyon. Hindi ko nilaro ang iniwan niyang Gameboy, baka masira ko ito. Hindi ko din Ginamit ang paborito niyang bola na may nakasulat pang mga pangalan namin, ayoko kasing mabutas iyon. Kinakausap ko na para bang buhay ang picture niya. Nakaframe iyon at protektado sa kung ano mang maaaring makasira nito.
Nagpasya ako na baguhin ang sarili ko. Para sakanya. Para pagbalik niya mas magugustuhan na niya akong maging Bestfriend. Nagpapayat ako. Wala nang bakas ang bilugin kong katawan noong bata ako. Wala na ang mga taba na dulot nang pagkain ko nang maraming Daing at Turon. Pinagaralan ko paano maglaro nang basketball. Para pag-uwi niya hindi ko nalang siya panonoorin maglaro, makakapaglaro nakaming dalawa sa loob nang court. Nag-aral akong mabuti. Nalaman ko kasing mataas pala ang mga marka niya sa America. Para naman maipagmalaki din niya na matalino ako. Nagbago ako. Binago ko ang sarili ko para sakanya.
Pumayat na ako. Magaling na ako sa Basketball at higit sa lahat grumaduate akong Valedictorian ako nang mag-graduate ako nang Highschool. c*m-laude naman noong College. Masaya ang Nanay Puring ko sa mga magagandang pagbabago sa sarili ko. Ganyan kalaki ang Epekto niya sa akin.
Nabago ko na ang sarili ko. Natapos ko na ang pag-aaral ko nang may mataas na marka at dangal. Pero wala padin siya. Hindi padin siya bumabalik mula sa America.
Araw-araw kong naghihintay sauli niyang pagbabalik. Kapag may pagkakataon na nadaan ako sa Malaki nilang bahay tinatanong ko ang guard kung kailan sila darating, kilala na nga ako doon eh. Gabi-gabi akong nagdarasal sa panginoon na sana, sana ay bumalik. na siyang muli sa Pilipinas. Sa akin. Sa Barrio Matutay.
Nang magkatrabaho ako sa Manila, napagpasyahan namin ni Nanay Puring na doon na tumira. Nilisan na namin ang Barrio kung saan ako lumaki at kung saan ko nakilala ang bestfriend ko, si Jaba. Ayaw ko sana noong umalis ngunit kailangan na talaga. Para ito sa kinabukasan ko at ni Nanay Puring. Ako naman kasi ngayon ang bubuhay kay Nanay Puring. Ayaw ko na siya magtrabaho masyado, napapagod na siya eh. Ayaw man niya tanggapin ay tumatanda na siya.
Maganda ang naging trabaho ko dito Maynila. Nasa isang firm ako. Engineer na ako ngayon eh. Sa awa ng Diyos, malaki ang sweldo ko. Naipatayo ko nang sariling bahay ang Nanay Puring ko sa loob lamang ngdalawang taon ko sa kumpanya. Sobrang saya ko dahil natupad ko ang pangarap ni Nanay Puring. Ibinigay ko lahat ng gusto niya tulad ng pagbigay niya noon sa akin ng lahat ng gustuhin ko. Masaya kami, tanggap niya ako bilang ako. Madalas nga kaming magbonding eh. Pinagbibigyan ko siya sa lahat ng nakakapagpasaya sakanya.
Madalas akong pilitin ni Nanay Puring na mag-boyfriend na ako. Sabi ko naman ay magiipon muna ako para saaming dalawa. Gusto na daw niya kasing maging masaya naman ako sa sarili ko. Kaya naman daw niya na gastusan ang sarili niya kasi malakas ang kita niya sa mini grocery store niya.
"Oh ano Juju, sinagot mo na ba si Alex?"
"Nay, hindi naman nanliligaw yung tao. Magkaibigan lang kami nun at alam mo namang Babae ang gusto non." Sagot ko sakanya habang kumakain ng paborito kong turon. Paborito din niya ito.
"Aysows! Nakanang kambing naman Juju, nakadalawa na akong Boyfriend ikaw wala pa?! Ano ba balak mo maging Forever Single?"
"Di naman nay. Ikaw naman kasi mahilig talaga magboyfriend at mapili ka pa Nay ha? Mayayaman sila!"
"Aba naman, dapat lang na mayayaman sila eh pang Donya ang ganda nang Nanay Puring mo!" Tapos ay tumawa siya nang pagkalakas-lakas. "O ikaw kaya kailan?"
"Chill lang Nay, darating din siya. Hinihintay ko lang."
"Ayown tayo eh! Si Jaba nanaman! Nako naman Nak, 11 years ago na yun?! Move on din pag may time beh!"
"Ewan ko sayo Nay! Amin na nga yang turon ko. Osiya, pasok na ako sa trabaho." Paalam ko at humalik sa pisngi niya.
"Maghanap ka nang Boyfriend ikaw na bata ka!" Sigaw niya habang sinasara ang gate.
"Oo na kamo!" Bago ko isara ang pinto ng kotse.
Darating din siya. Handa akong maghintay para sakanya. Ayaw ko na mabalewala ang pagbabago ko para sakanya. Ginawa ko lahat nang iyon para sakanya. Siya ang dahilan ng mga iyon at wala nang iba pa at gusto ko siya lang ang pagaalayan ko ng bagong ako. Tanging si Benedicto lang kasi ang minahal ko nang ganito.
...
"Hoy andiyan na yung Bagong Boss natin!" Anunsiyo ng katrabaho namin.
Bumaba na kami at nagpunta sa lobby upang salubungin ang anak nang may-ari ng kumpanya na magiging bagong boss namin. Magreretire na ang may-ari. Sabagay, kung tulad ka nilang maraming negosyo at maraming pera sigurado ay gugustuhin mo din magretire nang maaga upang maenjoy ang iyong kayamanan.
Pagdating namin sa lobby ay dinatnan namin ang iba pa naming katrabaho na naghihintay sa pagdating ng bagong boss. Napaisip tuloy ako sa ginawang pagpapaalala ni Betty sa akin sa isang taong wala.
Sa hindi ko alam na dahilan ay dumausdos ang aking isipan sa malalim na pag-iisip at pagalala sakanya. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko napala ang bagong boss namin at kinakausap ako.
Nang bumalik sa tamang huwisyo ang pag-iisip ko natitigan kong mabuti ang taong nasa harapan ko. Siya ba ang bagong boss namin? Siya ba yung hinihintay namin dito sa lobby?
Siya, ang taong matagal ko na hinihintay na muling bumalik. Ang dahilan nang lahat nang pagbabagong ginawa ko sa sarili ko at sa buhay ko mismo. Siya, ang dahilan na gawing mas mabuti ang sarili at buhay ko. Nasa harapan ko nang muli siya.
"Jaba?!"
"Juju?!"
Parehong gulat ang nakikita saaming mga mukha. Pawang di namin inaasahan ang pangyayari lalo na ako. Hindi ko na inaasahan na isang biglaang pangyayari ay muli ko siyang masisilayan. Iba parin talaga ang epekto nang lalaking ito sa akin.
Noon pa man alam ko na, na hindi na basta- basta isang Bestfriend lang nararamdaman ko sakanya. Noon pa man napagtanto ko na eh, mahal ko siya higit sa pagkakaibigan. Natanggap ko na noon pa man iyon.
At ngayong nasa harapan ko na siyang muli ay mas lalo ko nang naiintindihan ang lahat. Nakonpirma ko na talaga ang totoong pagmamahal ko kay Jaba. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin sakanya dahil magkaiba kami. Lalaki siya habang ako naman ay Bakla. Hindi ko nga alam baka may Girlfriend na ito okaya naman ay may asawa na pala siya.
Alin man sa dalawa ay siguradong masasawi ako. Siguradong masasaktan ako. Sa loob ng labing-isang taon na paghihintay ko sakanya ay tanging sakanya pa din nakasentro ang puso, ang pagmamahal ko. Wala akong nakitang ibang lalaki. Wala akong nagustuhan dahil siya lang ang hinahanap ko. Wala akong makitang tutumbas o hihigit sakanya. Siya ang nag-iisang First Love ko at siya din ang First Kiss ko.
"Hindi ko expect na dito tayo muling magkikita, Juju." Naka ngiti niyang sabi sa akin.
Niyaya niya akong maglunch matapos namin siyang salubungin sa lobby. Gusto daw niya akong makausap. Gusto niyang magkumustahan kami. Marami akong gusto ng sabihin sakanya. Gusto ko ikwento lahat ng mga nangyari sa akin noong umalis siya at iwanan ako. Gusto ko sabihin lahat sakanya ang tungkol sa pagbabago ko, ang pagpapayat ko at ang pag-aaral ko nang mabuti ay para sakanya lahat. Gusto kong sabihin na itinago lahat ng mga bagay na iniwan niya sa akin ng umagang humising ako. Lahat gusto ko sabihin sakanya. Pero hindi ko alam papaano. Parang ibang tao ang nasa harapan ko, nakaka-intimidate. Napakagwapo niya at tangkad. Ang linis-linis niyang tignan sa kulay light-blue niyang polo, bumagay ito sakanyang Tan na balat. Lalo siyang kumisig at gumanda lalo ang hubog ng katawan niyang tamang-tama lamang ang laki na talagang bumagay sakanyang tangkad. Kahit sinong makasama niya ay mahihiya sa sarili at macoconcious.
Nagbago man ang lahat sakanyang pangangatawan ay may mga bagay padin na hindi nagbago sa Jaba ko. Ang pagiging natural na mabait at ang pagtawag niya sa akin ng Juju.
"Ako din." Matipid at nahihiya kong sagot. Napapayuko ako tuwing tinitignan niya ang mukha ko.
"Juju?"
"Oh?" Sagot ko habang nakayuko padin kaya nagulat ako nang hawakan niya ang baba (chin) ko at iangat ang mukha ko upang magkaharap kami.
"Ang cute cute mo padin talaga!" Sabi niya at pisil sa magkabilang pisngi ko.
"Hindi na tayo bata Jaba." Pormal kong sabi. Ayaw niyang tigilan ang paghimas at pagkurot sa pisngi ko, wala padin siyang pinagbago. Sana ganoon padin talaga siya tulad ng. iwan niya ako.
"Namiss kita Juju. Matagal ko na hinintay na magakita ulit tayo. Siguro nakipagbestfriend ka kay Alex no?!" Mapang paratang niyang tanong sa akin.
"Naalala mo pa pala yun?"
"Oo naman. Wala naman akong kinalimutan eh. Hindi ko kinalumtan yung kung ano ang Meron sa atin."
Medyo napakunot ang noo ko dahil sa pagbibigay niyang diin sa salitang iyon. Ayoko man na mag-isip ay parang may gusto siyang ipahiwatig sa salitang iyon.
"Ako din naman eh. Jaba, noong iwan mo ako lagi kitang naiisip. Corny to, Oo. Pero totoo talaga."
"Edi Corny din ako? Ganoon din kasi ako sayo eh. Lagi kitang naiisip sa tuwing may gagawin ako na nakasanayan kong gawin kasama ka. Tulad nalang kapag naglalaro ako nang Basketball, namimiss ko yung #1 fan ko. Yung hindi nagsasawang ipagcheer ako."
"Hanggang ngayon ako padin #1 fan mo. Marunong na din ako maglaro nang Basketball." Proud ko na sabi sakanya.
"Maglaro tayo minsan! Sigurado naman akong matatalo kita!" Mayabang niyang sabi habang tumatawa. Siya padin talaga yung Jaba ko. Nakitawa nalang ako sakanya.
"Ang payat mo na Juju."
"Oo nga eh, ayoko na kasi maging mataba."
"Ganun. Nakakalungkot, ako pa naman gustong-gusto ko yung Juju ko na mataba."
"Nung bata tayo pwede pa, cute pa tignan. Pero ngayon di na maganda tignan, masagwa na!" Natatawa kong sagot sakanya.
"Siguro andami nang nagkakagusto sayong lalake at babae no?" Noon panaman niya alam na Bakla ako eh.
"Sus, wala nga eh! Hahaha!" Pero gusto ko sabihin sakanya na marami silang nagparamdam pero siya lang talaga ang gusto ko. "Baka ikaw nga diyan eh?"
"Wala. Iniwasan ko sila, may isang tao kasi akong gusto at babalikan."
"Ah ganun ba." Tumamlay kong sabi.
"Kumusta na pala si Nanay Puring? Namiss ko siya at yung paborito kong turon na luto niya!"
"Ayun may Boyfriend nang mayaman. Namiss ka din nun, Jaba."
"Pwede ba akong pumunta sa bahay niyo kapag pwede ka?"
"Oo naman. Pero Next week na siguro. Maraming trabaho ngayon sa Firm."
"Wag kang mag-alala, malakas ka sa boss mo eh! Hahaha!"
"Talaga lang ah?! Hahaha!"
Naglakas loob akong tanungin siya sa isang bagay na unang pumasok sa isip ko nang muli ko siyang makita.
"Jaba?"
"Bakit?"
"Aalis ka pa ba ulit?"
"Bakit, gusto mo pa ba akong umalis?"
"Hindi na."
"O kung yan ang gusto ng mahal ko, yan ang masusunod."
Ikinatulala ko ang sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko din alam kung ako ba yung tinutukoy niyang mahal niya o ibang tao ba.
Bumalik na kami sa office at di parin nawawala sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin kanina sa restaurant na kinainan namin. Para bang ulit-ulit ko na naririnig ang pagkasabi ng bawat salitang kanyang binitawan. Masarap pakinggan, pero hindi ko alam kung para sa akin ba ang mga iyon
"Hoy! Tulala ka nanaman diyan!" Pang-gulat sakin ni Betty. "Porke bestfriend ang bagong boss ay pumepetiks ka nalang diyan?" Tinignan ko naman siya nang ubod nang sama.
"Inggit ka lang." Sabi ko at inumpisahan na an. pagtatrabaho.
"Whatever. Osiya Engineer, eto na yung mga papeles mula sa itaas."
"Salamat Bettykang."
"Leche! Maria Mercedes ang pangalan ko noh!"
"Brando Mercedes kamo!" Sabi ko at tumawa naman ang mga katrabaho naming nakarinig.
Muli kong binaling ang atensyon ko sa mga papeles na nasa harapan ko. Tambak ang mga ito at nangangailangan na nang agarang aksyon at pirma. Sanay na ako sa mga ganito, noon pa man ay laging katambak ang mga pinapareview na projects okaya naman ay ang mga nangangailangan ng approval.
"Engineer, ready for inspection na po ang unit 3."
"Sige. Pakisabi kay manong na ihanda na yung shuttle pupuntahan ko na kamo yung unit 3."
"Okay, engineer. Tumawag po pala yung supplier sabi wag na daw po kayo tunawad sa mga materials." Tapos ay napahagikgik ito.
"Ako na bahala sa taong yun."
Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ng supplier namin sa construction materials. Ilang ring lang ay sumagot ito.
"Hoy madamot na Alex! Ano itong nababalitaan ko na ayaw mo magbigay ng discount?!"
Tumawa siya.
"Kaw naman! Siympre meron. Nagpapatawag lang talaga ako, tagal ko na di naririmig boses mo eh."
"Unggoy! Wag mo nga akong gaguhin. Magkapit-bahay lang tayo at lagi ka nakikikain sa bahay no!"
Tumawa lang siya nang tumawa. Nag-iisa lang kasi sa bahay si Alex eh. Only child kasi at ang magulang ay hiwalay, may mga kanya-kanya nang pamilya. Kaya nang makapag-ipon ay nagpasya kami na maging magkapit-bahay para naman di malungkot ang buhay ng gagong yun.
"Osige na. May inaayos akong delivery, see you later tol!"
Pagdating ko sa labas ng building ay sumakay na agad ako s shuttle na van ng kumpanya at dumiretso na sa location. 30 minutes away iyon mula sa office kaya naman may oras pa akong magayos ng documents. Nang buksan ko ang bag ko ay nakita ko ang mga tickets at reservations namin nila Nanay Puring at Alex para sa Boracay Gusto kasi magbakasyon ni Nanay doon kaya ayun pinagbigyan ko na. Drinamahan pa ako nun dahil sa Boracay na yan. Gusto ata niyang magsuot ng two-piece, aba, binawalan ko nga! Ayoko maumay doon hahaha! Love you Nanay puring!
"Sir, dito na tayo."
Isinuot ko ang Rayban Aviator ko at bumaba ng van. Dahil alastres na nang hapon akp nakarating ay napaka-init talaga. Inumpisahan ko na ang pagcheck ng model units. Design nito at mga materyan na ginamit at ang interior nito. Matapos ko macheck iyon ay nakaramdam ako ng uhaw at pagkahilo. Dahil siguro sa init iyon kaya minabuti ko nang sumakay sa van at nang makabalik ako ng office. Sumama bigla ang pakiramdam ko.
...
"Wow, Nanay Puring ang ganda niyo napo lalo!"
"Asus! Di naman Hijo! Osiya, eto na merienda niyo. Turon with cheese!"
"Namiss ko po talaga to Nay!"
"Hala sige, lantakan mo na yan!"
"Ang ganda po nang bahay niyo. Simple pero napaka ganda."
"Salamat. Si Julian lahat ang nagpundar ng mga meron kami, mula sa bahay kotse at kung ano-ano pa."
"Ang galing ho ni Juju, bilib talaga ako sainyong Mag-Nanay! Hahaha!"
"Aba dapat lang! Hahaha!"
Naririnig ko sila mula sa itaas. Kanina pa ako gising ng dumating si Jaba dito sa bahay. Kaninang dumating siya ay pinapunta siya ni Nanay sa kwarto ko, nadatnan niya akong 'nagtutulog-tulugan'. Napaniwala ko siya sa ginawa ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinimas-himas ang magulo kong buhok. Andun lang siya at hinahawi yung buhok.
"Sana tayo na lang. Mahal na mahal kita bestfriend."
Narinig ko na binulong niya yan. Gusto ko sana imulat ang mga mata ko nang malaman niya na gising ako at rinig na rinig ko ang sinabi niya. Pero ewan ko ba, di ko nagawa. Ayoko kasi na maudlot ang nangyayari noon. Ayokong matapos ang paghimas niya ng buhok ko.
"Oh! Ayan na pala si Juju eh. Binisita tayo ni Benedicto oh? Aba, ke gwapong bata!"
"Nay ang aga mo mag-ingay."
"Asus, may bisita ka lang eh. Pero kung wala sigurado maingay tayo pareho! Hahaha!" Totoo yun.
"Hi." Bati ko kay Jaba.
"Cute mong bagong gising."
"Ay teka lang medyo awkward kung andito ako. Sige magluluto muna ako almusal." Sabi ni Nanay.
"Matanda na tayo para sa word na yan."
"Cute ka naman talaga."
"Ewan ko sayo." Kumagat ako nang turon. "Oh, napadaan ka ata dito?"
"Wala naman. Namiss lang kita. Tsaka ang boring sa condo ko."
"Ahh, ganun ba." Sagot ko.
"Julian?"
"Benedicto?" Pag-gaya ko sakanya.
"May lakad ka ba?"
"Wala naman. Bakit?"
Napangiti siya.
"Tara, subic tayo!"
"Ngayon?"
"Oo. Alis na tayo after lunch."
"O-kay?"
...
"Ang itim ko na." Pagreklamo ko.
Pano ba naman, pagdating namin kanina dito ng 3:30pm eh nagyaya na siya maglalangoy. Tirik na tirik yung araw at wala akong magawa dahil kinaladkad na ako ni Jaba papunta sa b***h, I mean, Beach.
"Ayos lang yan. Di ka na maputla ngayon."
Nandito kami ngayon sa veranda ng villa namin. Nakaharap sa dagat at pinapanood ang unti-unting paglubog ng haring araw. Ewan ko ba sa kasama ko, biglang naging cheesy. Nakiride nalang daw ako para wala nang rap-battle pang maganap. Magakatabi kami sa couch habang nakaakbay siya sakin.
"Ju, may gusto sana akong ipagtapat sayo."
Akala ko ay nagbibiro lamang siya kaya natawa ako. Pero nang tignan ko siya ay seryoso ang mga mata nito. Nakatingin siya sa malayo at parang may malalim na iniisip. Ngayon ko lang siya muling nakitang magseryoso nang ganito habang magkalapit kami.
"Ano naman?"
Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Namumula ang pisngi niya dahil nadin siguro sa sunburn. Nakataas ang buhok nito na lalong nakapagpa-gwapo sakanya. Ang makapal niyang kilay ay medyo magkasalubong habang ang kanyang mga mata ay medyo naniningkit dahil nasisilaw sa paubos na liwanag ng araw. Matangos ang ilong niya, tamang hugis para sa isang gwapong tulad niya. Ang labi niyang medyo makapal at napaka lambot tignan. Nakakadagdag sakanyang appeal ang mga maliliit na balbas na tumutubo sa kanyang baba.
"Alam ko na alam mo, Mahal kita higit pa sa kainigan. Dati pa ipinaparamdam ko na sayo na mahal kita. Alam mo yan. Wala akong lakas ng loob na sabihin sayo dati to. Pero nang bigla kaming umalis sa Pilipinas at nagkalayo tayo doon ko napatunayan na mahal nga kita. Sinasabi ko to sayo ngayon dahil ayoko na magsayang ng oras, ng mga sandali na pwede nating pagsaluhang magkasama at masaya. Sana.. sana mahal mo din ako."
Nakatitig siya sa aking mga mata habang binabanggit ang bawat salita. Bago niya sabihin ang huling sentence niya ay tumulo ang luha niya. Kaya di ko napigilang ang pagpatak ng sarili kong mga luha.
"Gago! Sana agad mo sinabi! Mahal kita, sobrang mahal. Binago ko ang sarili ko dahil sayo, Para sayo. Mahal kita Benedicto at hinding-hindi iyon magbabago!"
Sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako sa labi. Matagal ko nang inaasam ang halik na ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako bumitaw sa halil niya. Ninamnam ko ang bawat sandali na maglalapat ang aming mga labi. Binuhos ko lahat ng pamamahal ko sa halik na iyon.
Umabot man ng sampung taon bago namin naipagpatuloy ang kung ano ang meron kami, nagawa padin naming manatiling nagmamahal sa bawat isa. Simula nang araw na iyon ay hindi na kami naghiwalay pa. Ipinagpatuloy namin ang buhay na magkasama, lumaban sa mga pagsubok nang magkadamay.
Sampung taon na kami ngayon ni Jaba. Mas tumatag ang relasyon namin at nanatili kaming faithful at inlove sa isat-isa. Siya ang Bestfriend ko, Ang Boyfriend ko at higit sa lahat...
Ang First Love Ko.
Experience Love 10