Experience Love 9: Eternally.

2818 Words
Ang pagmamahal ay isang uri ng salita na nagtataglay ng napakaraming kahulugan. Maaring ito'y pagmamahal sa pamilya o kaibigan. Pero mas sikat ang pagbibigay ng kahulugan sa pagmamahal sa larangan ng Pakikipagrelasyon. Ang pagmamahal daw ay walang pinipiling edad, tao, estado ng buhay at ngayo'y wala na ring pinipiling kasarian. Nakakagulat na ngayon ay tanggap na ng mga tao ang pagmamahal sa kapwa mo babae o lalake. Nakakagulat man ay wala tayong magagawa dahil ito ay ang kapangyarihan ng pagmamahal. Ako nga pala si Louise Cartel. Sa tanda kong ito ay sigurado akong masasabi kong naranasan ko na halos lahat ang kayang ibigay ng buhay. Paano ko nasasabi iyon? Dahil matanda na ako. 156 years old na ako kung base ito sa sa taon ng normal na tao. Isa akong immortal. Hindi ako bampira okay? Pero medyo kalahi ko din sila. Hindi ako tumatanda. Hindi ako tumataba, nakakain ako di tulad ni Edward Cullen. Hindi ako tinatablan ng anumang sakit. Hindi din ako nasusugatan, kung masugatan man ay kaagad itong gumagaling sa loob ng ilang segundo lamang. Hindi rin ako makakabuntis. Though i have no plans of having s*x with women cause i don't swing that way. I'm Gay. Kung nagtataka kayo kung bakit ako naging ganito aba'y normal lang yan. Masama naman kung di ka magulat man lang, it's not everyday you meet an immortal.. right? Kaya ako nagkaganito ay dahil noong panahon ng ako'y 19 pa lamang, 1857 iyon kung hindi ako nagkakamali, ay may nangyaring aksidente. Aksidenteng bumago sa aking buhay. Nag-aaral ako noon ng kursong kung tawagin ngayon ay Nursing. Noon ako'y nasa aking ikatlong taon. Isa sa aking kailangang gawin ay mag-assist sa laboratoryo ng isang scientipiko, si Herald Z. Dúsczeg. Isa siyang German. May pinag-aaralan noong gamot si Herald ang gamot na nakakapagpabata ng balat ng tao. Kailangan niya ng tao o hayop na pwedeng pagsubukan ng kanyang imbensyon. Ngunit sinubukan muna niya itong i-inject sa isang pusa. Isang persian cat. Lumipas ang araw at buwan ay walang nagbago sa anyo ng pusa. Hindi ito namatay o nagtamo ng ano mang pagbabago sa anyo. Hindi rin ito nagkasakit. Kaya ang inisip ni Herald ay palpak ang kanyang imbensyon. Kaya ang natirang kemikal na nasa injection ay itinabi ito. Ngunit nagkalagnat ako noon. Kinailangan ko ng gamot. Ngunit hindi kami makaalis sa laboratory dahil may gera sa itaas namin, ang laboratoryo ay nasa ilalim ng lupa. Sikreto lamang ito dahil maaaring mapatay kami ng mga Sundalo ni Hitler. Naghanap ng gamot si Herald at kaagad na ininject sa akin. Nang dunaloy na ang gamot sa aking mga ugat ay bigla na lamang lumamig ang aking katawan at ako'y nawalan ng malay tao. Gumaling ako sa aking lagnat kunabukasan lamang. Ngunit ang aking balat ay sadyang nagbago, parang ito ay bumata at nawala lahat ng imperpeksyon nito. Maging ang aking Tattoo a nawala kaya sinabi ko ito kay Herald. Sa loob ng isang buwan ay inaral muli ni Herald ang kanyang imbensyon. Napagtanto nitong mali ang kanyang nagawa. Sobrang mali. Imbes na nakakapagpabata ang kanyang nagawa, ito ay nakakapagdulot ng walang hanggang buhay. At ang gamot ay aksidenteng nai-inject sa akin. Lumipas ang maraming taon ay humanap ng lunas si herald, ngunit nailayo ako ng mga Sundalo. Inilayo ako sa Europa, sa laboratoryo ni herald na nasa France. Binihag ako at dinala sa bansang Pilipinas. Dito na ako nanirahan hanggang sa ako'y nakalaya ng magwagi ang mga Pilipino sa gera laban sa hapon. Nagtrabaho ako at nag-aral. Naging akong tanyag sa larangan ng negosyo. Walang makatalo sa akin. Ngunit wala pang kahit sino ang nakakita sa akin bilang may-ari, ang alam nila ay ako ay secretarya lamang. Lahat ng nakalaban ko sa negosyo ay hindi ako nakilala bilang ang tunay na may-ari. Ako ngayo'y nagmamay-ari ng mga higanteng malls at mga corporasyon. Lumipas ang mga taon ako'y nanatiling bata ang hitsura, mukha lamang akong 19 pero ang tunay kong edad ay 156 na.   Hindi ako sumugal sa larangan ng pag-ibig. Ayokong dumating ang araw na mawawala siya sa akin habang ako'y patuloy na mabubuhay. "Sir, may meeting kayo mamayang 5pm sa Conference room at may kailangan pong papirmahan sa inyong Daddy." Sabi sa akin ng secretarya. Nagpapanggap ako ngayon bilang anak ng may-ari ng lahat ng negosyo ko. Ang gulo diba? Kailangan ko itong gawin upang galangin nila. Mukha lamang akong teenager remember? Baka akala nila ay pinagtitripan ko sila. "Okay i'll be there. Paki-iwan na lamang at ako na ang papapirma kay Dad." Pero ako lang ang pipirma. Sira ulo ako. tsk. ... "And that's the whole report. Any Reactions and Questions are very much welcome." Sabi ni Chord pagkatapos niyang magreport. Sa totoo lang wala akong naintindihan sa kanyang mga sinabi. Nakatitig lamang ako sakanya habang nagsasalita. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanyang mapangakit na mata pababa sa kanyang bukas sarang bibig na may mapulang labi. Inaakit ako ng mga ito- "Mr. Cartel?" Kalabit sa akin ng aking secretary. "A-ano?" Medyo nagulat kong sabi. "Tinatanong po kayo ni Mr. Smithsonian kung meron po ba kayong masasabi tungkol sa report niya?" "I still have to study it, but honestly i like the idea of having a Medical Laboratory Reasearch Institute. Well, i can say this meeting is successful." Huling sabi ko at ngumiti sa mga Directors ko at tuluyan nang nagpaalam sakanila. Pagpasok ko sa office ko ay kaagad akong umupo sa massage chair ko. Nakakastress ang araw na ito. "Anything you want sir?" tanong ng secretary ko. "Ikuha mo nalang ako ng Hot Chocolate drink Ms. Enifa." "Here you go sir." Magalang niyang sabi at inilapag sa mesa ang inumin ko. "Thank you. It's alamost 8pm. Pwede ka na umuwi. Enjoy your vacation." Paglabas ni Enifa ay himigop ako sa aking paboritong Mainit na Tsokolate. Sino ba naman ang aayaw sa masarap na inuming ito? Tulad ng sabi ko hindi ako bampira. Hindi ko kailangan ng dugo upang ako'y mabuhay. Nakakain ko din ang pagkain ng normal na tao pero hindi ako tumataba. Kahit hindi ako kumain ay pwede but for the sake of being pleassured by eating, why not? Nakakapagod ang araw na ito. Maghapon akong nakaupo at nagmemeeting. Tinapos ko na lahat ng pending upang makapagbakasyon ako at ang nga empleyado ng maayos. Tatlong araw ang bakasyon ng mga empleyado habang ako naman ay isang buwan o kung gusto ko e mas matagal. Tiwala naman ako sa mga Managers ko eh. Pagkatapos kong mag pahinga ay nagpasya akong umuwi. ... "Sir Louise, nakaempake na po lahat ng inyong mga bagahe. Yun na lamang pong personal ninyong gamit ang kulang." "Sige Manang, salamat. Iniwan ko na lahat sa secretary ko ang mga Sweldo at bonus ninyo." "Salamat po Sir Louise." "No problem manang. Advance Merry Christmas And A Happy New Year nalang. Mag-enjoy kayo. Magparty sa bahay." Para namang mga niliyaban at nagsihiyawan sila sa tuwa nang sabihin ko iyon. Tiwala ako sakanilang lahat. Matagal na sila sa akin at nanatili silang loyal at napanatili nila ang aking lihim. Dalawang araw nalang ay pasko na. Napagdesisyonan ko na sa France ako magbakasyon. Kung saan ako ipinanganak. "Welcome to the Jet Sir Louise." Bati sa akin ng Flight stewardess. I smiled at her and went to my seat near the window. Pagkaupo ko ay isinarado na ang pinto at tuluyan Lumipad ang Private Jet ko patungong France. ... Pagdating ko sa Paris, France ay sinundo na ako ng Butler ko doon at Dumiretso nang umuwi. Pinagmamasdan ko ang lugar, kahit ilang beses na ako pumunta dito ay namamangha padin ako. Nanatili ang hitsura ng lugar. Napaka-classic padin nito. Lalo pang naging maganda at romantic ang lugar dahil sa Snow na patuloy na nahuhulog. Pagdating ko sa Bahay ko ay binati ko ang mga Nagtatrabaho ko, mga kasama ko sa bahay. Pilipino sila halos. Mahal ko ang mga Pinoy eh at Pinoy na din kasi ako sa Puso at Pagkatao. Napagdala ako nang almusal sa aking kwarto dahil namiss kong matikman ang French style cooking na tinatawag nila. Nagulat sila nang magpadala ako nang maraming Ice cream truffles. Winter at nagrequest ako nang ganito. Matapos ko kumain ay nagpasya muna akong magpahinga. Nagpalit ako ng pantulog at nagpahinga na muna. Masyadong mahaba ang biniyahe ko at may jet lag pa ako. Nagpasya akong lumabas at Mamili ng mga paborito kong brands ng sapatos at damit, siyempre ang mga Bag. "Can i have a size 9 of this design Please." "Ofcourse sir. Just a minute." Magalang na sabi ng saleslady at kumuha ng aking size. "Sir, i am sorry to say but the last pair was just sold a minute ago." "By who?" "That man, sir." Sabay turo sa nakatalikod na lalaki. Wait, is that Chord? Nilapitan ko ito. "Chord." Mahina kong sabi. "Oh, Mr. Cartel." Tila nagulat siya. Hindi inaasahang magkikita kami sa Paris. "Louise nalang. Nasa labas naman tayo so no need to be formal. And mas matanda ka sakin." "Hindi naman ganoon katanda, Louise. 24 pa lang ako." "Hahaha! Anyway, buti dito mo napiling magbakasyon. Hindi ba't humingi ka ng 2 weeks vacation?" "Opo, este Oo. Plano ko sanang magbaksyon dito ng isang linggo, Louise." Nagenjoy ata sa pagbanggit ng pangalan ko. Lagi kasing Mr. Cartel ang tawag sa akin sa Company eh. Niyaya ko siyang maglunch at pumayag naman ito. Gwapo si Chord. Mas Matangkad sa akin, Kayumanggi at napakaganda ng mata. Maganda din ang built pero hindi naman OA. Bakit nga kaya wala pa siyang Girlfriend o Asawa? Pero ayos lang dahil nagkakagusto ako sakanya. Atleast walang sagabal Hahaha! "Kailan ka dumating dito, Chord?" "Kahapon lamang, Louise. Ikaw ba?" "Kagabi lang."  Nagkakwentuhan kami ni Chord. Marami akong nalaman tungkol sakanya. Half American pala siya, kaya naman pala Smithsonian ang apelido niya. Nagkasundo kami sa halos lahat ng bagay. Nung una ay hindi siya komportable dahil naiilang siya, gawa nang ako ang boss niya. Pero ilang oras lang ay nawala iyon at nagkagaanan na kami ng loob. Niyaya niya akong maging travel partner niya at pumayag ako. Kakatapos lang namin libutin ang Pamosong Eiffel Tower. Napakaromantiko ng lugar na iyon, pumunta kami sa tuktok nito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Ibang klase ang sensation, iba ang kiliti. "Bakit wala kang Girlfriend?" Tanong ko sakanya. Kasalukuyan kaming kumakai sa isang classic restaurant sa downtown Paris. "Honestly, I don't like girls. I'm Gay." Diretsuhan niyang sinabi. "Oh, actually I'm Gay too." Napa-nganga siya litterally. "I am shocked, Louise." "Don't be and you know what? I think I'm into you." ... Natapos ang Isang linggong bakasyon ni Chord doon. We are officially dating. Sa unang pagkakataon ay sumugal ako sa pag-ibig. Ibang klase pala ito. Isang bagay na dapat maranasan ng lahat. Pakiramdam ko lahat ng araw ay magaan maligaya. Simple at masaya. Sa tingin ko ito ang tinatawag nilang, Inlove. "I will wait for you." "Sige na, baka mahuli ka pa sa flight mo." "Louise." "Yes, Chord?" "I .. .. I Love You." Nabingi ako Huminto ang lahat. Lumaba ang paligid at sakanya lang ako nakapagfocus ng tingin. "I Love You." "I Love You too, Chord." Niyakap niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin. Nakatingin lang siya sa aking mga mata na tila nakikita niya ang aking kaluluwa sa loob ko. Nilapat niya ang kanyang mga labi sa aking labi. Mainit ang mga iyon at nakakakuryente. Ibang klaseng sensation. "Last call for the passengers of flight Going to Manila, please proceed to the check in area please." Nagpaalam na siya at tuluyan nang pumasok sa airport. Lumipas ang ilang liggo at natutunan ko na ang pasikot sikot sa pakikipagrelasyon. Mahal ko naTalaga si Chord. Ibang klase ang relasyong meron kami at ibang klase din pakiramdam sa aking puso. Masarap pala sa pakiramdam ang may nagbibigay sayo ng halaga at pagmamahal. Ibang klase talaga. "Babe, ano na?" Pagtawag sakin ni Chord. "Oo na sige." "Kanina pa yan eh, nakatulala ka lang." "Eto na tatayo na talaga ako-" Bago pa ako nakatayo ay dinaganan na ako ni Chord. Balak ba niyang durugin katawan ko?! "Ang bigat mo!" "Ayaw mo tumayo edi humiga nalang tayo!" "Sa kama ka humiga!" Hinga ng malalim. "Chord! You're so heavy!" "It's muscles Baby." Tapos ay hinalik-halikan niya ako sa aking leeg. "Chord, stop!" "Sarap mo!" Sa kabila ng lahat ay hindi ko pa nasasabi sakanya ang aking sikreto. Hindi ko alam kung maiintindihan niya iyon at hindi pa ako handa kung sakaling negatibo ang reaksyon niya. ... "Is it successful?" "Yes, sir. I'm 100% sure that this serum is effective." Sa loob ng 137 na taon ay nakahanap na din sila ng solusyon sa aking sitwasyon. Labing-dalawang scientists ang aking binabayaran upang malutas lamang ang aking sitwasyon. Ilang taon ang nakakalipas nang ipahanap ko ang natabunan na laboratoryo sa Germany ni Herald. Ipinadala ko lahat ng maaaring magamit sa research dito sa Pilipinas. Malaki ang aking nagastos ngunit kailangan ko ito. "Then tomorrow morning I expect you to report to me." ... Malamig ang simoy ng hangin. Nasa rooftop kami ng building ko. Madalas akong pumunta dito tuwing ako'y nag-iisip o nagpapalamig ng ulo. Kapa gusto kong mapag-isa. Pero ngayon ay may kasama na akong pumupunta dito. "Mahal kita." Bulong ni Chord sa akin. Nakaupo kami sa sofa at nakaakbay siya sakin habang napatong naman ang ulo ko sa chest niya. "Gaano?" "Hanggang sa huling hininga ko ikaw pading ang ititibok ng puso ko." Napaka sarap pakinggan ng sinabi niyang iyon. Sa di sinasadyang pangyayari ay pumatak ang isang luha mula sa aking mata. Pinunasan naman niya iyon gamit ang kanyang kamay at hirap ang mukha niya sa mukha ko. "Bakit ka umiiyak?" "Kasi masaya ako, ilaw lang nagbigay sakin ng ganyang klaseng atesnyon." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako. "Ano ba yan, kung araw-araw kong ipapadama sayo kung gaano kita kamahal araw-araw ka ding iiyak?" Nataw naman ako at hinampas ko nang mahina ang braso niya. "May sakit ako, Louise. , malapit na akong mamatay." "Nagbibiro ka na? Hindi nakakatawa Chord." "Hindi. My AIDS is slowly killing me, It's been 1 year and I'm tired.. pagod na akong magpagamot dahil hindi naman ako gagaling pa." Sabi niya habang humahagol. Pati ako ay naiyak na. Hindi ko kayang mawala siya sakin. "Papagamot kita! Para saan pa't marami akong pera?!" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Kalamado niya akong hinalikan. Naging malalim at mas senswal ang halikan namin. Matapos nito ay "Hindi na. Masaya na ako kung mamatay ako sa piling mo." ... Two months later "Sir Louise si sir Chord po!" Kaagad akong napatakbo mula sa kusina papunta sa kwarto namin ni Chord. He's not getting any better. Malala na ang kanyang sakit. Araw-araw ay pinipilit ko siyang magpunta sa Germany at doon na magoagamot. Magaling at mas advance ang mga pasilidad. "Chord!" Nadatnan ko siyang nagsusuka sa palangana. Malala na siya, may halong dugo na ang kanyang inilalabas. Kakagaling lang namin sa hospital upang magpadialisis siya dahil sa komplikasyon niya sa liver. "A-ayos lang ako, Louise." Huminga siya nang malalim "Please, dito ka lang sa tabi ko." Pinadala ko ang inihanda kong dinner sa kusina at dito na kami kumain sa kwarto. Matapos ay nagpahangin da terrace ko sa kwarto, nasa third floor ang kwarto ko kaya presko ang hangin doon habang natatanaw ang madilim na langit at bituin. "Lagi kitang babantayan mula doon" Turo niya sa isang bituin. "Wag ka namang ganyan Chord. Please naman oh." "I do not have the power to control, Louise. Nararamdaman ko malapit na ako mawala. Pero pangako, lagi kitang babantayan." Hindi ko na napigilanh lumuha. Mahal ko siya at handa akong ibigay lahat ng meron ako para lamang mabuhay siya at makasama ko pa siya. Humiga na kami sa kama dahil lumalamig na ang hangin at di makakabuti iyon sakanya. "Mas malaki ako sayo pero nakakaya mo akong alalayan ah." Biro ni Chord. "Kase mahal kita, yun lang yun." Humiga ako sa dibdib niya. Hinahaplos naman niya ang buhok ko. "Mahal na mahal kita Louise." ... "Friday, March 3 2013. Time of Death 4:28am. Chord Smithsonian." Ilang linggo nang mamatay si Chord ay pinilit kong hanapin ang direksyon ng buhay ko. Simple lang, si Chord parin ang pinatutunguhan nito. "Sir, this serum will make you age very quick.. this serum will kill you. Arr you aure you want to use this?" Hindi na ako sumagot at kinuha ko iyon. Ialng oras ko nang tinitignan ang mga larawan namin ni Chord na kuha sa iba't-ibang lugar na napuntahan namin.  Sa maikling panahon nang pagsasama namin ay naging masaya ako. Sobra. Dumating sa puntong naging kontento na ako sa tabi niya. Sa loob ng 156 na taon ko nang pamumuhay sa mundong ito ay inakala ko na alam ko na lahat, na alam ko na ang mga bagay-bagay. Pero hindi. Ngayon ko lang naexperience ang magmahal, hindi ko ito pinagsisihan ni minsan. Siya na siguro ang pinaka magandang nangyari sa akin. Isang napakagandang regalo na pinahiram sa akin na sa kahit sa maikling panahon ay sumaya ako. March 27, 2013. "Happy Birthday sa akin." Itinusok ko ang karayom sa aking balat at unti-unting pumasok sa aking ugat. Mabagal, unti-unti kong pinapadaan sa aking ugat ang serum. "AAAAHHHHHH!" Nakaramdam ako nang sobrang init sa aking katawan. Parang sinusunog ang aking mga ugat at kumukulo ang aking dugo. Nanghina ako at nahiga sa kama. Niyakap ko ang larawan naming dalawa ni Chord. Nanghina ako, nakaramdam ako ng unti-unting pagkahilo at sakit sa bawat parte ng aking kalamnan. Ngayon lang ako muli nramdam ng sakit at hapdi. Napansin ko ang pangungulubot sa aking balat. Hindi na ako makakilos dahil namamanhid ang buo kong katawan. "Chord, this is it. Magsasama na tayo... I Will Love You Till Eternal Life." Experience Love 9 Guys, this is all for you! Happy Holloween! Awooolf! Please support my First book, Tough Guys Turn Me On. Last update na yunat ending na. Pero hindi ko pa kayo lulubayan! Hahaha! Support my upcoming book, Novel Type. It will be a simple yet full of kilig moments! Hahaha! Sana mainlove kayo sa mga Bagong Characters ko :) Awooooolf!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD