Experience Love 8: Forever.

2484 Words
Noong unang kita ko palang noon sayo ay parang tinamaan na ako. Akala ko dahil gwapo at matnagkad ka lang kaya nagkaroon ako ng crush sayo. Sabi kasi nila kapag tumagal ang pagkakaroon mo nang crush sa isang tao ay Love na daw yun. Pano ba yan? Dalawang taon na akong may gusto sayo, so inlove na ako sayo? Lagi akong late pag pumapasok ako sa school. Sanay na ang mga prof sa akin, pero kapag badtrip ang prof minsan ay madalas palabasin ako sa room. Habang hinihintay ko na matapos ang Marketing subject ko ay naghintay ako sa student's shed. Abala ako noon sa pagsagot ng mga levels sa nilalaro ko na game sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na umupo ka at nang mga kabarkada mo sa tapat ko, ang akala ko noon ay kakain lang kayo at nakishare ng table sa akin. Kinalabit mo ako noon upang itanong kung pwede ka bang umupo sa may tabi ko dahil hindi ka na kakasya pa sa kabilang upuan. Yun yung unang araw na nakita ko nang malapitan ang mukha mo. Mukha ka lang simpleng lalake pero ang height mo ang nagbibigay nang appeal sayo. Gwapo ka pero hindi yung tipo na nakakasawa. Naging crush na kaagad kita noon. Hindi ako makagalaw ng maayos noon. Naiilang ako. Pakiramdam ko isang maling kilos ko lang ay matuturn-off ka. Kaya Naglagay nalang ako ng earphones upang kumalma ako. Simula noon ay lagi na akong umuupo sa shed na yun. Nagbabakasakali ako na muli kitang makakatabi o kahit makita man lang. Lagi kitang naiisip. Kung minsan nga mukha na akong tangang naghihintay sa shed na yun. 8:30pm last subject ko, uuwi na dapat ako noon pero bigla na lang umulan ng malakas. Malayo ang Facade ng school sa Maingate. Wala akong payong kaya naisipan ko munang umupo sa shed. Hindi ako nageexpect na makikita kita ng araw na yun dahil ang akala ko ay ang course namin lang ang may pang-gabi na schedule. Umupo ako sa shed noon. Halos wala nang tao sa school grounds dahil gabi na nga at maulan pa. Habang nagpapalipas ako na tumila ang ulan ay naglaro muna ako ng game ulit. Nagenjoy ako masyado at di ko napansin na may papalapit pala sa lugar ko na tumatakbo. Ikaw pala yun. Sumilong ka shed noon at umupo sa tapat ko. Basa ang buhok at uniform mo nang ulan. Wala ka din payong. Lumakas pa lalo ang ulan noon, kasabay noon ang paglakas ng pagtibok ng puso ko. Hinubad mo ang polo mo at tinira ang panloob mong sando. hanid man ganoon kalaki ang katawan mo pero meron ka na mang maipagmamalaki kahit papano. Tumambad sa aking paningin ang medyo Tang mong kutis. Napatitig ako sayo noon habang nagpupunas ka nang buhok at nakayuko. Gusto sana kitang kunan ng picture noon pero baka mahulata mo at sapakin ako. Biglang tumaas ang ulo mo at nahuli akong nakatitig sayo. Natulala ako sa mata mo noon pero napanganga ako sa ngiti mo. Lalo kang gumwapo sa paningin ko noon. Wala akong planong tangalin ang tingin ko sayo pero bigla kang nagsalita. "Anong oras na?" Hindi lang pala ang mukha mo ang gwapo kundi pati ang boses mo. "8:45." Tangi kong nasabi noon. Ngumiti ka sa akin at nagpasalamat. Sa simpleng pangyayaring iyon ay lalo akong nainlove sayo. Sobra akong nahulog sa iyo noon. Alam ko naman sa sarili ko noon na hanggang pangarap na lang kita at hanggang tingin na lang ako noon sayo, kasi kahit pangalan mo noon ay hindi ko alam kaya hind din kita masearch sa f*******:. Matapos ang gabing iyon ay di na kita muli pang nakasabay sa shed. Hindi na ako umasa pa noon na makikilala pa kita. Natapos ang first sem noon at sembreak na. Sabi ko sa sarili ko noon na baka makalimutan na kita dahil matagal kitang di makikita. Maraming nagyaya sa akin sa mga party noon. Ngunit parang wala akong gana. Pero mag isang party ako na pinuntahan, yung sa kabarkada ko. Ginawa iyon sa isang resort. Dumating ako noon ng gabi dahil may mga ginawa pa ako sa apartment ko. Pagdating ko noon ay kumain muna ako bago sumali sa mga nagiinuman sa labas ng Villa. Nakikipagkwentuhan ako noon sa mga kaibigan ko habang kumakain. Ang akala ko noon ay mga kacourse lang namin ang andoon pero nasabi nila sa akin meron din daw ibang course na andoon tulad ng criminology. Bigla naman akong nabuhayan ng loob nun dahil alam ko na Criminology ang course mo. Nalaman ko yun noong gabing maulan, suot mo kasi ang uniform niyo na pang Pulis. Matapos kong kumain ay nagpalit ako ng short at tshirt dahil magkakainuman daw, para comfortable ako at kung malasing man ako ay diretso tulog na. Paglabas ko ay napangiti kaagad ako. Ikaw ba naman ang tumambad sa paningin ko. Nakaupo ka noon katabi ang kaibigan ko. Kaibigan mo din pala siya. Lumapit ako noon sainyo para batiin siya. "Jay Happy Birthday!" Sabi ko. "Pierr! Buti naman at nakapunta ka. Akala ko bobombahin mo ako eh!" "Malakas ka sakin jay eh!" Sabi ko sabay tawa. Naiilang ako noon dahil nakatitig ka sa akin at nakikinig sa usapan namin ni Jay. "Ay Pierr, may ipapakilala ako. Si Arvin nga pala. Single yan!" Sabi ni Jay at tumawa pa siya. Inabot mo noon ang kamay mo para makipagkamay. Inabot ko naman ito. Muli nanaman akong nainlove sa ngiti mo noon. Medyo namumula pa nga pisngi mo eh kasi nakainom ka. Dahil may pagka-gago si Jay ay pinagtabi tayo. Binibiro naman tayo ng mga kaibigan ko at kabarkada mo. Pero di ka nagagalit. Doon ko napatunayan na mabait ka hindi mayabang. Ikaw pa nga ang nagpatigil sakanila nang mapansin mong nahihiya na ako. Namula ako noon kaya hiyawan nanaman sila. Nagkainuman tayo noon. Nagtatawanan at biruan. Nang ika'y nalasing na ay huminto na tayo at pumasok nalang sa loob ng Villa. Nakaupo tayo noon sa sofa dahil ang sabi mo ay nahihilo ka. Sinamahan kita noon dahil nagiinuman pa ang iba sa labas. Sobrang kilig ko noon dahil pakiramdam ko ay ako ang syota mo at inaalagaan ka. Tumayo ako noon upang ikuha ka ng warm water at towel para punasan ka. Pero bigla mong hinawakan ang kamay ko. "Wag ka umalis, Pierr." Nagulat ako noon dahil alam mo pala na ako ang kasama mo. Kinilig ako lalo noon at naginit ng pisngi ko. Buti naman at nakapikit ka kaya di mo napansin iyon. "May kukunin lang ako para sayo, Arvin." "Bilisan mo. Balikan mo ako Pierr. Please." Binilisan ko noon ang pagkuha ng gamit. Ngunit sabi ni Jay ay ipasok ka na daw sa kwarto. Inalalayan ka noon ni Jay papasok sa kwarto at inihiga sa kama. Hinubad mo ang tshirt mo noon. Sabi ko kay jay ay siya na bahala sayo pero bigla kang nagsalita ulit. "Pierr, dito ka lang." Iniwan na tayo ni jay sa kwarto noon. Umupo ako sa gilid mo at pinunasan ang mukha mo ng towel. Bumukas ang mata mo noon na nagpupungay dahil sa alak. Nakatitig ka noon sa akin habang pinupunasan ko ang leeg at braso mo. Kinumutan kita dahil malamig at wala kang tshirt pero tinanggal mo ito. Nakaupo ako sa gilid mo noon at nakayuko sayo dahil nakahiga ka. Nakatitig tayo sa isa't isa. Hind ako masyado nahihiya sayo dahil nakainom ako ng kaunti kaya malakas loob ko. Hinawaka mo nang mahigpit ang kamay ko noon habang nakatitig padin sakin. Nginitian mo pa nga ako noon sinabing "Salamat at di mo ako iniwan, Pierr." "Wala yun, Arvin." Pinahiga mo ako sa tabi mo noon. Inunan ko ang braso mo. Kinikilig talaga ako noon. "May Boyfriend ka ba?" Tanong mo. "Wala." "Ako din wala." Sabi at tumawa pa. Gusto ko sana itanong noon kung may girlfriend ka pero nahihiya ako. "Ikaw yung nakasabay ko sa shed noong maulan diba?" Sabi mo. Nagulat ako dahil namukhan mo pala ako noon. "Naaalala mo pa yun?" Tanong ko. "Oo. Yun yung unang gabing nasolo kita eh, pangalawa itong gabing ito." Sabi mo. Akala ko noon ay binibiro mo ako o dahil dala lang ng kalasingan mo kaya mo nasabi iyon. Pero aaminin ko, kinilig talaga ako. Nang lumipas ang espiritu ng alak may nagyaya kang uminom ulit pero di na alak. Uminom tayo ng kape at nagpunta sa backyard pool ng villa natin. Umupo tayo sa gilid ng pool at nagbabad ng paa. Napansin mo pa nga noon na nilalamig ako dahil madaling araw na kaya pinahiram mo ako ng jacket mo. Habang umiinom tayo ng kape ay naguusap tayo. Nalaman ko na wala ka palang GF. Andami mo pang naikwento sa akin noon. Tawa nga ako ng tawa dahil sa mga biro mo eh. Ang daldal mo pala, pero hindi ako nairita dahil ang galing mo magkwento at magbiro. Ako kasi yung tipo na tahimik lang at madalas mapag-isa. Nalaman ko din na pareho pala halos Time sched natin. Ang saya ko nga nang hiningi mo ng number ko dahil sabi mo sabay tayo kumain pag minsan. Bigla tayo natahimik noon. Hindi dahil naubusan na tayo ng kwento. Basta tumahimik lang tayo dahil hawak mo ang kamay ko. Ayaw kong bitawan mo ako noon. Sigurado ako na hindi ka na lasing dahil maayos ka na magsalita at hindi na mapungay ang mata mo. Nagtagal tayo ng ilang minuto sa ganoong posisyon bago mo ako yayaing matulog na. Nagpaalam ako sayo na punta ako sa room namin pero ang sabi mo tabi na lang tayo dahil puno na ang ibang rooms at yung pinanggalingan na room lang natin ang bakante. Pumunta na tayo sa kwarto at humiga ka. Nahihiya akong tumabi sayo dahil alam ko na hindi ka na lasing at alam mo na ang mga nangyayari, pero niyaya mo ako. Hinila mo pa nga ako para humiga eh. medyo sumulok ako upang di tayo nagdikit pero hinila mo ako palapit sayo tapos ay inakbayan mo ako at pinahiga sa braso mo. Ang bango mo padin kahit na uminom ka nang alak. Parang di ka pinawisan. Pumikit na ako at matutulog na sana. Ilang saglit pa lamang mula nang pumikit ako ay hinalikan mo ako sa noo at sinabi mo na "Good night, Pierr." Nagpanggap ako na tulog na upang di na ako sumagot pa dahil nahihiya ako. Nagiinit na pisngi ko dahil sa mga ginagawa mo. Pero parang normal lang iyon sayo at parang masaya ka sa ginagawa mo. Ilang linggo ang lumipas simula ng nakasama kita Arvin, pero bawat gabi ay naiisip kita. Naiisip ko ang mga ginawa mo sakin. Gabi-gabi ay sinasariwa ko ang halik mo sa noo ko kaya bawat gabi ko ay masaya. Dahil ikaw ang iniisip ko. Akala ko noon ay hindi na tayo magkikita pa. Pero nang pasukan na para sa second sem ay nagtext ka. Niyaya mo akong maglunch. Nagkita tayo noon sa isang Foodcourt malapit sa school natin. Nanibago ako saiyo noon dahil ang Gwapo mo sa gupit mo. Pinuri mo naman ang bagong kulay ko na buhok. Sabi mo pa nga ay bagay ko ang Brown na buhok kesa doon sa maitim kong buhok dati. Simpleng bagay pero sadyang kinikilig ako. Habang kumakain tayo ay kinekwentuhan mo ako tungkol sa bakasyon mo. Nakatitig lang ako sa mukha mo noon habang nakikinig sayo. Natatawa ka naman sa ma biro ko kahit papano. Hinatid mo ako noon na sa first subject ko, nalaman ko na isang room lang pala ang pagitan natin. Nagulat si Jay dahil akala niya ay tayo na. Pero sinabi ko kay Jay na magkaibigan lang tayo. Ngunit di ko inasahan ang sinagot mo kay jay ng tinanong ka niya kung tayo ba. "Nanliligaw palang ako kay Pierr. Sana nga ay sagutin niya ako agad." Nagulat talaga ako noon. Sa buong araw ay paulit ulit kong naririnig ang mga bawat salitang binitawan mo. Parang hindi ako makapaniwala noon, mali, hindi talaga ako makapaniwala noon. Matagal na kitang crush tapos bigla nalang nalaman ko na nanliligaw ka. Bago matapos ang last subject ko ay nakarecieve ako nang text sayo. Ang sabi mo ay hihintayin mo ako sa labas ng school. Sabi ko naman ay wag na dahil gagabihin ako nang labas. Pero mapilit ka. Hinitay mo ako at sabay tayong umuwi. Gamit ang kotse mo. Kinikilig talaga ako noon pero hindi ko pinahalata. Saya ko talaga noon. Abot kamay ko ang langit. Pagdating sa tapat ng bahay ko ay bumaba na ako, bumaba ka din noon. "Pierr, may sasabihin ako." "Ano naman iyon? Seryoso mo ata?" Hindi ka agad nagsalita. Palakad lakad ka. Parang nag-iisip. Hindi ka mapalagay. Nahilo na ako sa kakahintay sayo kaya pinatigil kita. "Kasi.. Ah.. ganito." Hindi mo alam ang sasabihin mo. Gulong gulo ka. Napasigaw ka pa nga sa kawalan dahil sa asar. Akala ko galit ka sakin pero sabi mo ay teka lang at aayusin mo muna sarili mo. Sumandal muna ako sa kotse mo habang hinihintay kang magsalita. "Pierr, ganito kasi eh. Pwede ba maging Boyfriend mo?" Sabi mo. Para namang lumiwanag ang mundo ko nang marinig ko iyon nula saiyo. Parang sumaya talaga ako. Pakiramdam ko pasko ulit. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Iniisip ko palang na ikaw ay Boyfriend ko ay napapngiti na ako. Ang saya ko. Iniisip ko palang iyon ay parang hindi kapani-kapaniwala. Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang natigilan ako noon dahil sa sinabi mo. "Uy, Pierr." Nakatitig ako sayo noon habang hawak mo ang magkabilang kamay ko. "Seryoso ka ba?" Tanong ko saiyo. Lumuhod ka sa harap ko noon habang hawak padin ang kamay ko. Pilit kitang pinapatayo pero sabi mo ay tatayo ka lang kapag naniniwala na akong seryoso ka. "Oo, naniniwala na ako. Tumayo ka nga diyan Arvin!" Sabi ko. Napatayo ka naman at sumigaw nang Yes! Para kang bata kung titignan noon. Nakakatuwa ka. "Ano, Boyfriend mo na ba ako?" Inisip kong muli ang sinabi mo. Natulala ako. Tinitimbang ko ang mga pwedeng mangyari. Niyakap kita noon. Mahigpit. Muli kong naamoy ang mabango mong amoy. Hanggang dibdib mo lang ako dahil napakatangkad mo. Naramdaman kong hinagod mo ang likod ko. Hindi ko pala namalayan na lumuluha na pala ako. Kumalas ka sa yakap ko. "Kung ayaw mo Pierr ayos lang. Hindi naman kita pipilit. Alam ko medyo mabilis pero mahal kita. Masaya ako sayo-" Tinakpan ko ang bibig mo. Ang dami mo kasing sinasabi mo eh. "Ang ingay mo. Pano kita sasagutin kung di ako masangit sayo?" "Ano ba ang sagot mo?" Ngumiti ako. "Tayo na sige." Napasigaw ka noon ng isa pang malutong na Yes. Talon ka nang talong at sumisigaw na mahal mo ako. Niyakap mo ako nang magigpit noon. Ako man ay hindi makapaniwala na tayo na. Na Boyfriend ko ang isang tulad mo. Hindi ako makapaniwala na mag kakaroon ako nang isang boyfriend. Akala ko noon mamatay akong single. Pero di pala. Hinalikan mo ako sa labi noon. Ikaw palang nakagawa noon sa akin. Masarap pala, masaya sa pakiramdam. Ngayon isang taon na tayo na tayo. Sayang lang talaga at malayo ka. Sana magkasama tayo ngayong isang taon na tayo. Ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang mamagalin ko. "Happy Anniversary Babe. Mahal kita. Salamat at pinaramdam mo sa akin na maari akong mahalin. Na kahit isang bakla ay maaring seryosohin at mahalin ng isang lalaki. Akalain mo yun dalawang taon na kitang mahal? Sayang lang at Patay ka na Arvin. Mahala kita, Forever." Experience Love 8.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD