He's POV
Papara o hindi.
Simpleng tanong na hindi ko mapagdesisyonan. Parang binigyan ako nang isang mahirap na problem sa algebra na nangangailangan ng isang calculator at formula, hindi pwedeng mano-mano lang.
Papalapit na ako sa kanto. Ang eskinitang magtatapos nang lahat ng dinadala ko, mga isiping nagdudulot ng gulo at ingay sa utak ko. Mga ingay na mas malakas pa sa naririnig kong busina ng mga kotse at ingay ng mga tao sa paligid.
Lalim ano?
"Manong sa kanto po!"
Hindi ako nagkaron ng lakas ng loob upang pumara, hinayan ko nanaman na may ibang tao ang magdesisyon. Alam ko simpleng bagay lang iyon. Pero sakin hindi. Mahirap desisyonan. Heto nanaman ako at hindi kinayang tumayo sa sariling kong paa. Sa pagkakataong ito sasabay na ako, sasama na. Bahala na.
Naglakad ako sa eskinita. Magtatakip silim na kaya naman nakasindi na ang mga ilaw na pantay ang pagkahilera sa daanan. Gabay sa mga tulad kong magulo ang isip,na kahit papano ay may makita sa papalapit na dilim.
"Duwag! Akala ko ba kaya mo na?! Akala ko ba handa ka nang sasama ka na?!"
Muli nanamang nag-iingay sa utak ko. Bawat hakbang ay palakas ito nang palakas. Hindi ko mapigil at mapahinto. Binabalikan nila ako, ginugulo.
Sa muling pagkakataon ay nasa tapat ako nang bahay niya. Sa lugar kung saan kami huling nagkita at nag-usap. Kung saan niya ako binigyan ng problem na hindi ko nasolve nang tama. Walang formula at calculator.
Umupo ako sa gutter sa tapat ng bahay nila. Hindi ako umaasa pero naghintay ako. Maghihintay ako baka sakali na dumating siya, umuwi mula sa lugar kung saan dapat kaming dalawa ang naroroon upang layuan anh lahat ng mga nagbabawal sa amin.
Alam ko sa sarili ko na nagsasayang lang ako nang oras dahil kahit gaano man ako katagal na maghintay ay hindi na siya darating. Sa ngayon I'm taking the risk of wasting my time. Pero who knows, mapadaan siya dito dahil may nakalimutan siya. Bahala na.
Matapos nung gabing malakas ang ulan,yung gabing nakitulog siya sa amin at hinayaan na kung may naiwan bang bukas na bintana sa bahay nila.
Nang gabing iyon, kasabay ng buhos nang ulan ay sinabi lahat sa akin ni Andrei ang matagal na niyang tinatago, na mahal niya ako.
Naging kami. Masaya kaming dalawa. Lagi kaming magkasama sa mga lakad. Kung dati ay ako lang mag-isa ang naglilibot o kumakain sa labas. Nang mga panahong iyon ay hindi ko na ramdam ang pag-iisa. Kasama ko si Andrei, ang unang lalaking minahal ko. Sobrang saya ko noon. Marami kaming mga lugar na napuntahan noon. Iba't ibang uri nang pagkain ang natikman.
Second monthsary namin, pumunta kami sa tagytay. Pinili niya yung room kung saan kitang-kita ang kabuuan ng Taal. Malamig noon, aside sa tagaytay iyon ay umuulan pa.
Niyaya niya ako na magkainuman. Tagdalawang bote lang daw ng red horse, pero ayun, nagkasiyahan masyado at naka tag aapat kami.
"I love you." Malambing niyang bulong sa akin habang paunti-unti siyang pumapaibabaw sa akin.
"I love you too." Sagot ko. Hinalikan niya ako, ibinalik ko naman din ito nang buong puso.
Hindi ko na maramdaman ang lamig na dulot ng Tagaytay. Tanging init mula sa mga katawan namin ang nanaig.
Ipinaramdam niya sa akin kung paano ang mahalin.
Pero umabot ang ikatlong buwan ng relasyon namin. Nagdesisyon kaming ipaalam ito sa mga magulang namin. Akala namin ay magiging okay ang lahat at mananatiling masaya kaming dalawa. Pero hindi, umuwi ang mga magulang ko at sinabing sasama na ako sa paris.
"Sean, mahal mo ako diba?"
"Oo, mahal na mahal kita Drei." Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din siya aa akin.
"Let's go. Lumayo tayong dalawa."
Napabitiw ako mula sa yakap namin. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata.
"Saan?"
"Kahit saan! Basta kasama kita, tayong dalawa lang!"
Hindi ko siya nasagot noon kung sasama ba ako o hindi. Umabot ang ilang araw. Parang binigyan niya ako nang panahon upang mag-isip, upang makagawa nang isang desisyon. Pero hanggang sa umabot ang deadline ko ay hindi ako nakabuo nang desisyon. Kaya nang yayain na niya akong lumayo ay hindi ko nagawa. Noon ko lang siya nakita na ganoon kagalit. Sinumbatan niya ako at kinuwestion ang pagmamahal na meron ako sakanya.
Days have passed slowly, di ko man lang namalayan na flight na namin papuntang Paris. Doon pinilit kong tapusin ang pag-aaral ko. Iginapang ika nga, it was my biggest struggle. Hindi dahil nahihirapan ako sa pag-aaral kundi dahil sa bawat araw na lumipas ay sinusumbatan ko ang sarili ko. Tinanong kung bakit ko siya pinakawalan. Na sana ay sumama nalang ako sakanya, lumayo, maging masaya kasama siya. Na sana nakabuo ako nang desisyon nang panahong iyon.
Kaya ngayon ay bumalik ako sa Pilipinas. Pilit na binabalikan ang mga bagay at lugar na nakakapagpa-alala sakanya. 2 years na nakalipas pero siya pa din, mahal ko pa din siya. Kaya umaasa ako na balang araw ay makasalubong ko siya sa kanto o kung saan man. Katangahan na sige pero aasa ako. Maghihintay. Bahala na.
I'm living on my own now. Sariling desisyon. Sariling pera. Sariling buhay. Pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto kong gawin.
Sa ngayon gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Soul searching ika nga nila. Gasgas na kung gasgas pero ito ang gusto ko. Guto kong maramdaman ang sinasabi nilang freedom. Nagleave ako ng 2 days sa trabaho. Buti nga pinayagan eh, pero sigurado pagbalik ko nang office eh tambak ako ng design plates.
"Oh lahat ng tagaytay diyan dito na!" Buti nalang at malakas ang boses ng conduktor kung hindi baka pag-gising ko eh nasa manila ulit ako.
Sumakay ako nang tricycle. Hinatid niya ako sa hotel na dati din naming tinuluyan ni Andrei. Tangina. Kung andito lang bestfriend ko baka nabatukan na ako.
Naglibot ako. Kumain ng bulalo at naglibot-libot uli. Di bali nang pagod atleast man lang eh sumasariwa sakin ang bagay na ginawa din namin dati. Nang mapagod at sumakit ang paa ko ay naghanap ako ng malapit na pwedeng maupuan. Buti nalang at may malapit na coffee shop. Hindi siya tulad nang Starbucks. Simple lang siyang coffee shop na sa taas ay pwede kang tumambay at damhin ang lamig ng Tagaytay.
"Double espresso. Venti."
"Is that all Sir?" Napatingin ako sa pastries nila at cakes. "Baka gusto niyo pong subukan yung Cheesecake namin, yung owner po gumawa niyan."
Favorite namin ni Andrei ang cheesecake.
"Okay sige. Upstairs ako." Matapos ko mabayaran eh umakyat na ako. May iilang magsyota at tulad ko na nag-iisa ang nakatambay. Nagmumuni habang kaharap ang mabituwing kalangitan ng Tagaytay.
"Heres your order Sir. Venti Hot double espresso and special cheesecake." Hindi ko na nilingon ang lalaking waiter na naghatid nang order ko. Umalis din naman agad siya nang mailapag ito sa table ko.
Inenjoy ko ang kape ko at ang 'special cheesecake' kuno nang coffe shop. Masarap siya. Hulatang sanay na ang gumawa nito. Nasa huling subo nalang ako nang cheesecake nang mapansin ko na may note sa ilalim ng platito. Nang mabunot ko ito ay medyo nabasa ito pero readable pa din ang ibang parte nito.
"At the counter."
May nakasulat kung kanino galing pero di na mabasa. Hinayaan ko muna ang note at ninamnam ang view at kape hanggang sa mapagpasyahan ko nang umuwi. 10pm na din kasi at magsasara na ata ang shop. Palabas na ako nang pinto nang tawagin ang nang babae sa cashier kamina.
"Sir, pinapabigay po ni sir- ay ng isang tao po."
Isang box ito. Siguro cake o kung ano. Pero hindi kape yun for sure. Inabot ko ang box at may note dito. This time hindi na basa at mababasa ko na ang lahat ng nakasulat.
"Enjoy your favorite."
"Miss sino ang nagbigay? Nasan siya?"
"Ah-eh Sir wala na po eh. Ang sabi lang po kung magtanong kayo eh balik nalang kayo bukas. Andito daw po siya."
Naguluhan man ako sa kung sino man ang nagbigay mung cake ay inuwi ko padin ito sa hotel room. Sayang. Mahal din yon at lamang tiyan pa.
Paggising ko ay naligo agad ako. Namasyal pa nang kaunti at kumain nang lunch na bulalo. Naalala ko yung nagbigay nang cake, sa coffe shop kaya madali akong pumunta doon.
"Can I take your- ay Sir kayo po pala!" Medyo gulat na sabi ni Miss cashier.
"Andito na ba yung nagbigay nung cake?"
"W-wala pa po eh. Pero parating na po ata yun. Sa tingin ko lang po."
Gulo ni ate. Pero ganon pa man ay umorder ako nang kape. Wala na munang cheesecake. Dami pa nung nasa hotel room. Umupo muli ako sa pwesto ko kahapon. This time nagyosi muna ako. Meron din naman nagyoyosi kaya sa tingin ko pwede naman. Nilalasap ko na ang view ng tagaytay dahil uuwi na ako bukas ng umaga.
"Nagyoyosi ka na pala?"
Napatigil ako. Sa paghinga. Sa paglasap ng Tagaytay. Sa pag-iisip. Hindi ko alam kung nilalaro ba ako nang isip ko. Sobrang miss ko na ba siya kaya parang naririnig ko siya ngayon? O talagang and-
"Kumusta Sean?"
Siya nga.
Hindi kathang-isip ito. Nasa harap ko ngayon ang taong kahit two years na eh mahal ko pa din. Ang taong hindi ko nabiyan nang desisyon. Ang Andrei ko.
"A-andrei?"
He let out soft chuckles. Sexy-moan-like chuckles.
"Ako nga-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Siguro sa pagkakataong ito nagka-isa ang katawan at isip ko. Sila ang kumikilos ngayon. Sila ang nagpaparamdam nang nasa loob ko.
"You've missed me that much huh?" Muli kong narinig ang conceited at confident niyang boses. Siya nga ito. Si Andrei nga. "Aw! Aray aray! Masakit na Sean, aray!"
Pinaghahampas ko nga. Para yan sa dalawang taon na wala siya sa buhay ko. Sa dalawang taon na lagi ko siyang iniisip at inaalala.
"Maskit yun ah! Kala ko naman namiss ko." Nagtatampong sabi neto. "Hep hep! Tama na!" Umaamba pa sana ako nang isang hampas kaso matinik ang unggoy at nahawakan ang kamay ko.
Lumipat kami dun sa may couch. Sa labas pa din siya, tanaw pa din ang mga bituin sa langit at ang buwan na maliwanag. Ang mga braso niya ang nagsilbing kumot ko laban sa lamig ng tagaytay.
Nagkwentuhan kami. Sa pagkakataong ito hindi ko inisip ang pride ko. Ikinuwento ko sakanya ang mga nangyari sa buhay ko at sinabi kung gaano ko siya namiss. Ganoon din siya sakin. Siya pala ang may-ari ng coffe shop, ito ang bunga ng paghihirap niya. Naitaguyod niya mag-isa ang pag-aaral niya hanggang sa makapag-ipon ito at naipatayo ang coffee shop.
Madami kaming napag-usapan. Tungkol sa mga nadaanan namin. Inalala din namin yung mga panahong magkasama pa kami. Nung hindi pa nagulo ang lahat. Masaya kaming nagkwentuhan habang nakaupo sa couch at nakaunan ako sa dibdib niya. Nakapalupot naman ang kanyang braso sa akin. Namiss ko to. Yung ganito lang kami pero masaya. Hinayaan lang namin yung iilang customer na napapalingon sa amin. Basta kasama ko siya.
Nang oras na nang pagsara ng shop ay niyaya niya ako sa may park. Medyo may kataasan iyon at hindi ganoon kasikat. Simple lang kasi iyon pero tanaw ang Taal.
"Bukas na ang balik ko sa manila." Sabi ko dito.
"Ah. Sobrang busy ka ba dun?"
"Medyo. Marami kaming projects. Sigurado tatambakan ako nang trabaho pagbalik ko."
Niyakap niya ako. Ramdam ko abmng init ng katawan niya. Yung pintig ng puso niya, yung hininga niya.
"Andrei."
"Oh?"
I won't hold back. Kung ano man ang magiging sagot niya sa tanong ko ay tatanggapin ko. Bahala na.
"M-mahal mo pa ba ako?" Lumingon ako sakanya.
Nakatinging ito sa malayo na para bang may malalim na iniisip. Unti-unti kong nararamdamang lumuluwang ang yakap niya sa akin. Umayos ako nang upo at napayuko. Siguro huli na ako nang dating.
"Mahal pa din kita... pero kasi."
"Ano?"
"May anak na ako."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Alam niyo ba yung sinasabi nilang parang kinurot ang puso? Naramadaman ko yon. Sobrang sakit. Parang ang hirao huminga ng mga oras na yun. Nakatingin lang ako sakanya kahit randam ko ang pagpatak ng mga luha ko. Tama na siguro yung narinig ko. Malinaw ang sagot niya. Hindi na nga siguro pwede.
"Sean teka! Hindi pa ako tapos." Hinila niya ang braso ko at pinigilan ako sa paglalakad. Pero hindi ko siya nilingon kahit hawak niya ang braso ko.
"One year old na si Ethan. Medyo malikot na siyang bata. Madaldal na din pero hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya. Gusto ko nga matutunan niyang sabihin ang Daddy kaagad eh."
"B-bakit mo sinasabi sakin to? Para masaktan ako? Nakiride ka lang ba sakin ngayong gabing to para saktana ko? Ha Andrei?!"
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Pilit akong kumakawala pero ayaw eh.
"Makinig ka muna please. Nasa Canada na si Bianca. Ang Nanay ni Ethan. Para sakanya isang pagkakamali ang nangyari. One night stand lang kasi dapat iyon pero may nabuo. Gusto niyang ipalaglag noon ang baby pero ayoko. Ang sabi ko ipanganak niya ito at iwan sa akin. Pumayag siya. Kaya pagkapanganak nito ay ni hindi man lang niya ito tinignan o kinarga. Nang okay na siya ay kaagad itonh umalis. Wala na akong balita sakanya ngayon."
Patuloy pa din akong umiiyak. Ngayon hindi ko na alam kung bakit. Pero iyak pa din ako nang iyak. Basang basa na nga ang tshirt ni Andrei ng mga luha ko.
"Malikot si Ethan. Medyo matakaw na din. Mahilig siya sa maliliit na hiwang mansanas at gatas. Gusto din niya yung kinikiliti ang paa at kinakarga. Hindi siya iyakin."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. Muli kong naramdaman ang lamig ng hangin.
"Ako naman ang magtatanong ngayon Sean." Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sakanya.
Iniangat niya ng mukha ko upang magkatinginan kami. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ng daliri niya. Medyo napangisi siya, siguro mukha na akong basang sisiw at ang dugyot ko na tignan.
"Gusto mo bang maging pangalawang Daddy ni Ethan?"
This time hindi na ako nagdalawang isip. Sumagot kaagad ako nang yes.
End.
Your comments are very much appreciated! :)