Experience Love 16: Ber-Months

1689 Words
BER MONTHS Ang sabi nila sa Pilipinas daw ang may pinaka-mahabang celebratrion ng pasko. Kapag tumapak na ang September magsisimulan ang mga pinoy para magdecorate ng kaniya-kaniyang bahay. Lalabas na ang mga nakatagong Christmas tree at parol. Pagtapak ng December andiyan na ang mga nagcacaroling, nagtitinda ng bibingka at puto bungbong. Nagsisimula na din ang mga Monito Monita sa mga opisina at maging sa mga classroom. Isa sa simbulo ng pasko ay ang pagbibigay, maging regalo man ito o aginaldo. Wala naman sa dami at ganda ng dekorasyon ng bahay yan, dahil ang mahalaga ay alam natin nag tunay na dahilan ng pasko at ito ay ang Kapanganakan ni Jesus Christ. Ang pasko sa Pilipinas ay ibang-iba sa pasko sa ibang bansa, lalo sa Los Angeles, doon kasi kami lumaki ng mga kuya ko. Pero nung magcocollege na ako ay nagpasya ako na ditto nalang sa pilipinas manirahan at ituloy ang pag-aaral ko. Gusto ko bumalik sa Pilipinas noon pa man. Naghintay lang ako ng tamang oras at rason para makabalik ako sa Pilipinas. Pumayag naman ang mga magulang ko dahil nasa tamang edad naman din ako para magdesisyon para sa sarili ko. Ang pasko sa Pilipinas na ata ang pinaka-masaya. Kahit saan ka magpunta ay ramdam na amdam mo magpapasko na nga. Yearly umuuwi ng Pilipinas ang mga magulang ko at mga kuya pero ngayong taon hindi sila makakauwi. Busy na sa kanya-kanyang buhay ang mga kuya ko. Ang mga magulang ko naman ay hindi din makakaalis dahil marami ang umaasa sa Bakery na negosyo nila doon. Kahit gustuhin ko man ako nalang ang magpunta doon ay saying naman kung isang lingo lang ako doon, di naman kahabaan ang Christmas break. Mahal ang ticket at hindi worth it kung mananatili lang ako doon sa sandaling panahon. Masaya ang pasko ko dito at alam ko kahit na di makakauwi sina mama ay magiging masaya padin ito. Andiyan naman mga kaibigan ko na sigurado ako di ako matitiis. Andiyan din si Alexander, naging tradisyon na ata sakanya ang tulungan ako sap ag-aayos ng bahay tuwing darating ang pasko. Pang apat na taon na ito – kung sakali man na matulungan niya ako. "It's okay Mama, uuwi din naman kayo this summer for my Graduation diba?" Paninigurado ko.Narinig ko na nagulat si Mama at sumagot ng "Mijo, hindi na kailangang itanong yan uuwi kami diyan for your graduation kahit gaano pa kamahal ang ticket!" sagot nito at tumawa na parang excited. "Matulog ka na madaling araw na diyan and I'm about to arrive sa bakery." Linggo ng umaga ng December 22 ang simula ng Christmas vacation. Ngayon ko uumpisahan ang paglilinis para sa darating na pasko, may bisita man o wala, ay malinis ang bahay naming. Hindi naman ito kalakihan kaya di ako mahihirapang maglinis, pagkatapos nito ay mamimili ako kahit na meron o walang bisita magluluto ako. 8pm na Inabot na ako ng gabi pauwi galing sa grocery. "Nakalimutan ba niya? O baka busy lang?" Sakay ng uber, bawat daanan ko na bahay ay nagsisiliwanagan dahil sa Christmas lights at parol. Palapit na ako sa bahay naming, doon nagniningning ang parol na aking isinabit. Simple lang pero ang parol na ito ay simula pa noong bagong dating ako ditto sa Pilipinas. Pagbaba ko nang sasakyan napansin ko ang isang lalaking naka-upo sa plant box sa harap ng bahay naming. Nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit. "Alexander." Tawag ko dito. Bumukas ang mata nito at tumingin sakin. "Naligaw ka ata?" Tumayo ito at tinulungan ako sa hawak kong grocery bags. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay ditto." Tanong nito habang binubuksan ko ang gate. Pagpasok naming ay inilapag ang mga pinamili ko sa lamesa. "Nag grocery ako. Bakit ka ba andito?" umupo ito sa sofa at muling pumikit. "Hoy naglaro ka ba? Gagi natuyuan ka na ata ng pawis." Kumuha ako ng pang palit na tshirt, sa mga tshirt na madalas niyang maiwan kapag nakikitulog ito dito at inabot ito dito. Tumingin ito sakin na aprang naasar. "Sabi ko hintayin mo ko diba? Bakit baa tat ka mag grocery?" Bwelo nito. Ako naman ang pumikit. Ramdam ko ang pagod at gutom. "Busy ka. Kita mo nga nag practice ka pala." Sagot ko. Ilang sandaling katahimikan bag oako nagsalita. "Inisip ko kasi na baka kung di ka busy eh kasama mo GF mo." Minulat ko ang mata ko at nagulat ng nakatitig lang ito sakin. "Sana hinintay mo ko." Noche Buena, naghanda ako ng kaunti dahil magpupunta daw ang dalawa ko pang kaibigan na sina Julie at Mark. Naawa ata dahil saw ala akong kasama mag celebrate ng pasko. Habang hinihintay sila ay binalot ko ang mga regalo ko para sakanila. Simple lang naman, hindi pa naman kami nagtatrabaho kaya okay wala naman sa presyo o gaano kagarbo ang regalo naming sa isa't isa. "Kyle! Merry Christmas!" bungad ng dalawa ng buksan ko ang pinto. Dumalo kami sa misa para salubong sa Pasko, matapos nito ay diretso na kami sa bahay upang mag Noche Buena. Importante sa pamilya ko ang Noche Buena dahil madalas ay kumpleto kami ditto. Ngayong taon mga kaibigan ko ang kasama ko, masaya ako. Masaya ako. "Mag eexchange gift na tayo wala padin bestriend mo, san na ba si Alexander?" Tanong ni Julie. Sinilip ko ang cellphone ko, ni isang text o miss call ay wala ito. "Hindi na siguro makakarating yun." Sagot ko habang nililigpit ang pinagkainan namin. "Baka nasa bahay ng GF niya." Dagdag ko. Natapos ang simpleng Noche Buena naming ng punong-puno ng tawanan. Nagkwentuhan kami sa mga nakakatawang nagyari saamin noong younger years naming sa college. Umuwi na din sila dahil 1 Am na din. Walang Alexander na dumating. Magsasara na ako ng gate ng pumarada ang isang sasakyan sa harap ng bahay. Bumaba mula dito ay si Alexander dala ang regalo niya, ako pala ang nabunot nito. "Tapos na ba?" tanong nito. "Ahh oo eh, umuwi na din sila." Inabot nito ang regalo niya sakin. "Salamat, 'goy" natawa ito nang banggitin ko ang tawag ko sakanya, short for unggoy. "May carbonara pa dun baka gusto-" "Alex, let's go?" tawag ng isang babae na nasa loob ng sasakyan. "Babalik ako." Pumunta na ito sa driver's side ng sasakyan, bago ito sumakay ay lumingon ito. "Hintayin mo ko." Pinagmasdan ko ang pag-alis ng sasakyan nila. Siguro nga ito na ang sitwasyon ngayon, siya may Girlfriend na. Ako andito bilang bestfriend na lagging handing maghintay. Ganoon naman ang bestfriend diba? Gumising ako sa ingay ng nagriring kong cellphone. Ilang ring pa ang pinalipas ko bago ito sinagot. "Merry Christmas bespren!" bungad nito sakin. Hindi ako nakasagot agad dahil sa mabagal pa utak ko at medyo masakit na ulo, dahil siguro sa puyat kakahintay dito. "Oh tulog pa ata utak mo? Tayo ka na diyan paskong pasko oh." "Merry Christmas din Alexander." Nag-unat ako at akmang magpaalam na nang magsalita pa ito. "Sorry di ako nakabalik." "Okay lang yun. Naiintindihan ko." Tahimik. Inilagay ko ito sa speaker upang makapag timpla ako ng kape at mag-init ng tirang carbonara. "Tinirhan mo ba ako?" Excited na tanong nito. Nilingon ko ang carbonara na umiikot na sa microwave. "W-wala na eh." Narinig ko ang pagdabog nito at pagreklamo. "Diba paborito ko yun?" Sumbat nito. Mabigat loob ko. Hindi ko alam kung saan kung kanino. May lungkot akong nararamdaman pero ayokong aminin ito. "Sorry, next time nalang." Una kaming naging magkaibigan ni Alexander. siya lang ata ang naglakas loob na kumausap sakin noong pasukan, first year college. Kaagad naman kaming nagkasundo dahil pareho ang hilig naming na Anime at hilig sa genre ng music. Hindi nagtagal ay bestfriend na ang turingan namin kahit na andiyan na sa grupo sina Julie at Mark. Isang araw, gumising ako na iba na ang nararamdaman ko. Iban a yung tingin ko sa sakanya. Alam ko na bilang bestfriend lang ang turing niya sakin, alam ko din sa sarili ko na gentleman talaga si Alexander isa nga yun sa mga dahilan kung bakit may mga nahuhulog sakanya babae man o lalaki. "Inlove na ba ko" tanong ko sa sarili ko. Noong una ayokong bigyan ng pansin ang nararamdaman ko. Sinubukan ko ibaling atensyon ko sa mga babae, hell I even tried diverting to other boys, pero hindi. Wala, walang naging reaksyon ang naguguluhan kong utak. Gulong-gulo na din maging ang puso ko pero wala akong magawa. May mga bagay sa buhay natin na kailanman di natin macocontrol. Hindi ko maiwasan sa akin na minsan makaramdam ng inggit tuwing kasaman niya si Alexander, magselos sa tuwing makikita ko kung gaano kalambing si Alexander sakanya, galit, galit sa sarili ko na dahil tumawid ako sa linya paggitan ng pagkakaibigan at pag-ibig. Nagkakasala ako kay Alexander ng hindi niya alam, para akong isang piping hindi masabi ang nilalaman ng damdamin, isang bulag hindi sa paningin kundi sa katotohanang hindi ako ang iniibig niya, pinipilit na maging bingi sa t***k ng puso upang relasyon naming magkaibigan ay hindi masira. "Ang sakit." Binuksan ko ang raglong inabot sa akinni Alexander bago ang mag bagong taon. Laman nito ay isang kahon puno nang mga litrato naming magkasama. Mula noong una kaming nakapunta sa Enchanted kingdom, hangang sa mga pictures na puro kalokohan pero ibang ngiti ang dala sakin. May mga larawan kami noong tinggap naming ang dean's lister certificate namin pati noong nag MVP siya sa Basketball noong college week. May isang litrato na talagang nagdulot sakin magkahalong saya at konting kirot sa puso, yun ay ang picture naming noong birthday ko. Siya palang ang tanong sinorpresa ako sa birthday ko, tuwang tuwa siyang nakaakbay sakin habang may icing cake ako sa mukha. "Hindi na siguro mauulit ito." Sa ilalim ng kahon ay isang sulat, nagpapasalamat ito sa mga bagay na naitulong ko sakaniya. Nagpapasalamat ito dahil lagi akong nandoon tuwing may problema siya. Nagpapasalamat siya dahil naging bukas ang bahay namin sa panahong tumatakas siya sakanila. Isa ito sa mga bagay na gusto ko kay Alexander, tuwing Pasko ginugulat niya ako sa mga regaling binibigay niya dahil hindi simpleng damit, gamit, o kung anong material na bagay lang. ang mga regalo niya ay mga bagay na talagang nakakapagpangiti sa akin. "...Merry Christmas and a Happy New Year Bestfriend." Doon ko napagtanto na ang pinakamagandang regaling ibinigay sakin ay si Alexander. Hindi man kami o magiging magsyota alam kong andiyan padin siya lagi bilang Bestfriend ko, dahil alam ko na kahit anong mangyari, sino man ang maging syota niya o mapangasawa ako padin ang nag-iisang Bestfriend niya. End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD