Siyam Na Gabi
Isang hudyat na parating na ang Pasko ay ang paglamig ng simoy ng hangin, paglalagay ng parol sa bawat poste ng daanan, ang mga nagnining-ningang Christmas lights na idinidisenyo sa mga bahay. Bukod sa mga palamuti at pa-ilaw, ang pag-umpisa ng simbang gabi ay isa sa mga importanteng simbolo ng Pasko na hinding hindi ko pinapalampas. Kasama ng dalawa kong Kuya nagsisimba kami sa Chapel dito sa subdivision. Nakagawian na naming kumpletuhin ang siyam na gabi ng pagsisimba. Ito kasi ang bilin ng magulang ko na hangga't may pagkakataon at oras na magsimba ay gawin ito. Ngayon, hindi na lamang dahil s autos ng magulang naming kundi talagang hindi makukumpleto ang aming liggo kung hindi makapagsimba.
Unang gabi ng simbang gabi. Unang simbang gabi na ako lang mag-isa ang magsisimba. Dahil parehong night duty ang mga kuya ko ako lamang ang makakapagsimba ngayon. Mula sa bahay hanggang sa Chapel limang minute lamang ng paglalakad ang aking gugugulin. Kaya nang Makita ko ang oras na halos 20 minutes akong maaga ay minabuti ko munang magtambay sa isang tindahan di kalayuan mula sa Chapel. Bumili ako ng Orange drink at umupo sa gilid, ayoko naming na maki-upo lang ng walang bibilhin. Habang umiinom, isang familiar na mukha ang dumating. Bumili ito ng sigarilyo at softdrink tsaka umupo sa katapat na upuan ko. Nakatingin ito sa kawalan, tila nag-iisip, hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sakanya. Siguro kung hindi dahil sa agaw pansin niyang katangkaran at maamong mukha may bahid ng pagakapilyo ay hindi ako mapapatingin dito.
"It's rude to stare." Sabi nito.
Hindi man ito nakatingin sa akin alam kong ako ang pinagsabihan niya. Buti na lamang ay tumawag ang kuya ko sa aking cellphone kung hindi ay hindi ko alam kung paano aalis doon ng hindi napapahiya.
Natapos ang misa ng punong puno ng palakpakan ang Chapel. Napaka ganda ng homily ng pari, wag gamiting ang kahinaan ng iba upang sila ay apihin o tratuhin ng mababa. Palabas ng Chapel, nakita ko ang pamilyar na lalaki, may kasama itong batang lalaki na para bang umiiyak. Pinagmasdan koi to mula sa gilid, sinusubukan nitong patahanin ang bata. Ilang sandal pa ay dumating ang nanay ng bata at kinuha ito mula sakanya. Binigyan naman ng ngiti ng nanay yung lalaki.
Sa pangalawang gabi ng simbang gabi kumpleto kaming magkakapatid. Pagatapos ng misa may konting salo-salo ang mga homeowners, may iba't ibang pagkain na nakahanda. Nakakatawa nga dahil pare-pareho kaming hindi marunong magluto kaya umorder lang kami sa isang restaurant at sinabi ng aking kuya na luto niya ito. Todo puri ang mga nanay at siyempre ang mga anak na dalaga sa aking dalawang kuya. Matapos kumain, nagpaalam ako na sa may tindahan maghihintay sakanila.
"Ate tropicaana po."
Umupo ako sa batong upuan sa harap ng tindahan. Patuloy ako sa panonood ng mga videos sa Instragram habang umiinom. Alam ko na may taong naka-upo sa harap ko pero hindi ko nabigyan ng pansin, naramdaman ko nalang na may nakatitig. Tumingala ako mula sa tingin sa aking cellphone, nagtama ang mga mata namin. Wala itong ano mang expression sa mata. Hindi mabasa kung galit, tuwa, o pagtataka ang meron ang mga ito. Una akong bumawi ng tingin at muling nagcellphone.
"It's rude to stare." Bulong ko.
Alam ko na narinig niya ito dahil nasamid siya sa iniinom niyang softdrink. Dumating ang dalawa kong kuya at bumili ng sigarilyo nagulat ako ng makipag-apir ang mga ito sa lalaki. Nagkwentuhan ang mga ito tungkol sa magagandang babae kanina sa Chapel.
"Yung isang chick na matangkad grabe sobrang sexy!" Sambit ng kuya Ian ko, siya naming pag-sang ayon ng kuya Jeff ko.
"Ano may chick ka na ba, Tj?" Tanong ni kuya Jeff sa lalaki.
Tj,yun pala ang pangalan niya. Sa pangalawang pagkakataon ay maririnig ko siyang magsalita.
"Meron na. Pero di ko pa alam pangalan."
Nang sabihin niya iyon ay muli itong tumingin sakin. Kumindat ito ng pasimple at tumayo.
"Una na ako mga brad, may tatapusin pa akong online quiz." Pagpaalam nito.
Nang gabing iyon naguluhan ako sa mga pangyayari. Bakit pamilyar siya sa akin pero hindi ko maala kung saan ko siya nakita. Bakit niya ako kinindatan. Alam ba niya na hindi ako straight.
Kinaumagahan, pumasok ako ng University na wala sa sarili. Bukod sa prelims naming ay maraming bagay ang umiikot sa utak ko. Patungo sa library, ang pamilyar na lalaki ay aking nakita. Papasok ito sa library nauuna ng kaunti sakin. Kasama nito ang tatlong barkada nito. Tumuloy na ako sa library at sinimulan ang paghahanap ng mga librong kakailanganin ko sa aking research. Halos isang oras din akong nagbabasa at nagsusulat bago ako natapos.
Pagkauwi sa bahay napansin ko na may mabigat sa id ko kaya nang suriin koi to ay doon ko nakitang may susi sa loob ng plastic na case nito.
Thomas John Castro
BS-Engineering
Hindi akin ang ID. Hindi akin ang susi. Kay Tj ito. Fvck.
Ikatlong gabi ng simbang gabi ay magkakasama ulit kaming magkakapatid. Pero pagkatapos ng Eucharist ay nagpaalam na ang dalawang kuya upang pumunta sa trabaho. Hindi na nila matapos ang misa dahil gahol na sa oras, maiintindihan naman daw ni Lord sabi nga ni kuya Ian. Katulad ng dati ay nagtambay muna ako sa tindahan. Doon nadatnan kong nakatingin sakin si Tj, suot padin nito ang uniporme ng mga Engineering students. Bumili ako ng orange drink at umupo sa gilid. Naiilang ako dahil nakatingin pa din sa akin ito.
"Bakit?" Tanong ko dito. Hindi ko matiis yung titig niya na parang sinusuri ako.
May kinuha ito sa bag niya at itinapat sa mukha ko.
"Hoy ID ko yan ah?" Pambibintang dito at hinablot mula sa kamay niya. "Sinadya mo sigurong pagpalitin no?" Patuloy na pambibintang dito.
"Mawalang galang na ha, Julian, hindi ko kinuha Id mo." Tinignan ako nito ulit. "Edi nasayo nga Id ko? Asan na? Wala ka bang balak na isoli ito" Pambibintang nito.
"Isosoli ko Thomas John hindi ko lang alam kung paano." Sagot ko. Ngumisi ito at napapiling bago muling itanong kung nasaan ito. "Nasa bag ko. Bukas ko nalang bibigay." Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Hindi ako makakapasok sa gate." Bulong nito sa tenga ko.
Nag-isip ako bago sumagot. Naisip ko din na kilala naman siya ng mga kuya ko kaya hindi naman siguro ako mapapasama. Naglalakad kami papunta sa bahay naming para kunin ang Id niya. Nauuna ako at siya ang nasa likod. Nang silipin ko ito (para siguraduhin na hindi ako sasaksakin sa likod) nakapamulsa ang kanyang kamay at nakatinging sa likod ko. Nang mapansin na nakatingin ako sakanya ay tumingala ito. Sabi ko na eh, sasaksakin pa ata ako nito sa likod.
"Wala akong pera dito kaya kung sasaksakin mo ko wag nalang." Pagbabanta (at pagbintang) sakanya. Tinignan naman ako nito at ngumisi ng pilyo.
"Wala pa naman akong balak na saksakin ka sa likod. Don't worry." Sabay kindat ng nakakaasar.
Hinintay ako nito sa labas ng gate. Inabot ko sakanya ang ID niya.
Ikaapat na gabi ng simbang gabi. Ako lang mag-isa dahil nasa trabaho padin ang dalawang kuya ko. Nurse silasa malapit na Hospital dito. Kambal ang dalawang yun at nagkataon na parehong gustong maging nurse. Mula sa kinauupuan ko limang upuan lang ang agwat naming ni Tj, ako malapit na sa harapan siya nasa dulo. Hindi ko maiwasan na hindi siya pagmasdan. Maamo ang mukha nito habang nakikinig sa pari. Walang bakas ng kapilyohan kahit na alam ko napilyo ito mula sa mga naikekwento ng aking mga kaibigan.
Umupo akong muli sa batong upuan ng tindahan. Hawak ang bote ng orange juice at cellphone sa isa. Dumating si Tj. May kausap ito sa cellphone. Bumili ito ng softdrink na lagi niyang iniinom at isang sigarilyo. Wala sa itsura nito pero may bisyo din pala. Busy ako sa cellphone ko nang bigla siyang magsalita, hindi sa cellphone ang tuon kundi sakin.
"Tara goto."
Tinignan koi to ng nagtataka. Hindi kami close kaya tinanong ko siya kung ako ba ang kausap niya. Tumango ito na parang siya pa ang nagtataka.
"Sigurado ka ba hindi ka lasing?" Tanong ko dito.
Nakasakay kami sa kotse nito. Matapos niyang tawagan ang kuya Ian ko at ipinakausap pa sakin nito ay doon palang ako pumayag. Hindi ko alam kung bakit madali akong pumayag na sumama. Hindi ko din alam kung tama ba to, alam ko lang na gusto ko sumama sakanya ng walang dahilan. Tahimik ang biyahe namin. Nakatitig lang ako sa mga dinadaanan naming, minsan napapatitig sa maraming parol nan aka display sa daan.
Umorder ito ng isang goto para sakanya at isang plain lugaw at tokwa't baboy para sakin. Pinagmamasdan ko siya ng pasimple habang kumakain ito. Hindi ito nagmamadali, halatang naiinitan minsan sa bawat subo niya.
"Kakainin mo ba ang lugaw mo o ako kakainin mo?" Tanong nito. Minura ko siya nang pasimple at nagsimulang kumain. "Pwede naman, sabihin mo lang." nasamid ako sa narinig ko at siya naming tawa nito.
Hindi nagtagal ay unti-unti kaming nagkwentuhan. Nang tanungin ko siya kung bakit ako pa sinama niya ay tanging barakada naman daw niya ang mga kuya ko dahil sa Basketball kaya siguro ay pwede naman. Tinanong din niya ako kung bakit masungit ako, tanging pagtanggi lang ang sagot ko. Mabait ako, masipag at maka-diyos biro ko dito na siya naming tawa niya. Nang matapos kami kumain ay ihahatid na daw ako nito sa bahay dahil baka daw makidnap pa ako at siya ang sisihin ng kuya ko. Papasok na sana ako ng gate ng bigla nitong tawagin ang pangalan ko. Nakasilip ito sa bintana ng kotse niya.
"Thank you, Julian." Sabi nito na sinagot ko ng tanong kung para saan. "Birthday ko ngayon."
Kaya pala pinilit niya na siya ang magbayad kahit ayoko. Sabi naman nito ay ako nalang daw manlibre sa susunod. Hindi ko na siya nabati ng Happy Birthday dahil umalis na ito agad.
Ika-limang gabi ng simbang gabi. Ako lang mag-isa ang nagsimba, pero umupo sa likod ko si Tj para kunwari daw di kami nag-iisang nagsisimba. Niyaya ko siyang kumain sa Jollibee. Nagulat ito pero idinaan nalang sa tawa at biro na bumabawi daw ba ako, sinagot ko naman ng parang ganoon na nga. Ako na ang umorder dahil ako din ang magbabayad. Sunod sa napag-usapan kagabi.
"Bakit Jollibee?" tanong nito. Hindi ako agad nakasagot dahil nginunguya ko ang balat ng manok at kanin sa bibig ko.
"Kasi nung bata kami dito kami dinadala ni Mommy kapag Birthday naming." Napatigil ito sa pag-inom ng softdrink niya at tinigan ako. Nagtataka ako kung bakit kya tinanong ko siya kung okay lang ba siya. Sumagot naman ito n goo at tumuloy sa pagkain. Pagkatapos namin ay sinamahan ko muna siya magyosi sa parking lot bago kami umalis.
"Thank you, Julian." Sabi nito habang naninigarilyo. Biniro ko na nakakarami na siya nang thank you. "Sira hindi. Wala kasi akong kasama sa apartment para magcelebrate ng birthday ko. Salamat kasi sinamahan mo ko kagabi. Sinama mo pa ako dito, kahit korni, pero parang feeling ko nag handa na din ako."
Naikwento niya na malungkot lang ito dahil umalis na papuntang abroad ang mga magulang nito. Napetition daw ang mga ito ng kanyang ate sa Canada, sinabi ko naman na nasa abroad din ang mga magulang naming at madalng makapag bakasyon. Nagkwentuhan pa kami habang nasa biyahe pauwi sa bahay. Pagdating sa bahay andoon na ang mga kuya ko at mga barkada nito. Niyaya kaming uminom pero tumanggi ako dahil may tinatapos akong research. Hindi ko na nagawang nagpaalam kay Tj dahil hinila na ito paupo. Tumango nalang ito ng tignan ko bago ako pumasok sa kwarto.
Malalim na ang gabi ng biglang naramdaman ko na may humiga sa tabi ko. Hindi ko maaninag pero pamilyar ang amoy ng pabango nito kahit na humahalo ang amoy ng alak.
"Sino k-" Nagulat ako nang umibabaw ito sa akin at halikan ako.
Thomas John...
Bumubulong ito sa tenga ko. May mga hindi ako maintindihan pero malinaw sa pandinig ko na sinabi niyang nagpaalam na ako kay jeff. Lalo akong naguluhan nang muli akong halikan nito sa bawat halik niya ay binabanggit niya ang pangalan ko. Lumaban ako ng halik. Matamis, pero nalalasahan ko ang alak at yosi.
Ika-anim na gabi ng simbang gabi. Hindi ko alam anong oras siya umalis dahil pag-gising ko ay wala na siya. Tanging yung panyo niya lang ang naiwan sa kama ko na siyang dinala ko para ibalik sakanya. Hindi ko alam kung natatandaan ba niya ang nagyari kagabi. Lumingon ako para hanapin siya. Pasimpleng paglingon hanggang sa nagging seryosong paghahanap dahil hindi koi to Makita. may mga bakanteng upuan pa pero nagsimula na ang pari. Itiniuon ko ang buong atensyon ko sa pakikinig sa pari. Humihingi ng tawad sa mga nagawa, humihingi ng gabay sa mga maaring mangyari. The Our Father na, lumabas ako sa linya ng mga pews para makipag-hawak kamay sa taong kalinya ko. Taimptim akong nagdasal at sumabay sa pagkanta ng The Our Father, nang matapos ang kanta hindi agad bumitiw ang kahawakan ko nang kamay kaya nagtaka ako, pabalik sa upuan ko nakatingin pa din ako sakanya.
Pagbukas ko palang ng cellphone ay may umakbay sakin.
"Kala ko di ako makakaabot sa misa." Sabi nito. Hindi ako sumagot at nagcellphone padin. Tumatango lang ako sa mga sinasabi nito. Naramdaman ko na humigpit yung akbay niya kaya nilingon ko ito ng nakakunot ang noo. "Nakikinig k aba? Bakit di ka sumasagot?!" nakatingin padin ako dito. Tila nagalit ito at biglang tumayo sumakay sakanyang sasakyan. Ilang Segundo pa ay nbinuksan nito ang bintana at sumigaw.
"Sakay!" Nagulat ako kaya nakatingin padin ako sakanya. "Sakay Julian ano ba?"
Tahimik kami sa sasakyan. Hindi ko alam san kami papunta pero hindi ko magawang magtanong. Napansin ko nalang na malapit na kami sa Oval kung saan ginagawa ang laban ng soccer, kung wala naming laban ay doon maraming nagjojogging dahil maraming ilaw kaya safe. Nakapark lang kami. Walang nagsasalita. Ilang minuto nakaming ganito kaya nagyaya na ako.
"Uwi na tayo."
Lumingon ito sakin. Halatang naasar pero parang pagod.
"Ano bang problema?" mahinahon na tanong nito. Hindi ako sumagot. Alam ko kung anong problema. Pero nahihiya ako. "Ano sa tingin mo hindi naalala ginawa ko kagabi?"
Nagpintig yung tenga ko. Bakit ganon kadali para sakanya na sabihin yun. Parang ang dali sakanya to the point na parang walang kwenta lang iyon. Di ko napigil na umiyak habang sinusumbatan siya. Hindi man nakakalalaki pero nasaktan Ego ko dun. Pakiramdam ko walang kwenta yun sakanya kasi sakin may meaning.
Nkiyakap ako nito at humingi ng tawad. Pinunanasan niya ang mga mata ko gamit yung panyo niya. Sanabi nito na alam niya yung ginawa niya kagabi at humingi ito ng sorry sakin. Pinakita din niya ang pasa niya sa braso at tiyan. Binugbog daw siya ng kuya Ian ko. Pero nilinaw nito sakanya na seryoso siya sakin.
"Sakin?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya.
Ika-pitong gabi ng simbang gabi. Magkakatabi kami ng aking mga kuya. Tulad ng dati sinubukan kong hanapin kung saan siya naka-upo pero di ko mahanap. Inisip ko nalang na late siya kaya hindi ko Makita. Humingi ako ng gabay kay Lord dahil alam ko na hindi madali ang mga tatahakin kong landas sa mga darating na araw. Alam naman din ng mga kuya ko tungkol sa kasarian ko pero humingi padin ako ng tulong kay Lord na ipaintindi pang mabuti sa mga ito ang kalagayan ko.
Paglabas ng Chapel, lumaki ang mata ko nang Makita ko siyang nakatayo sa gilid ng pintuan. Lumingon ako sa mga kuya ko, tumawa lang ang mga ito at nagbiro na nagdadalaga na daw ako. Di ako pumayag sa term na ginamit kaya kahit na vicinity pa kami ng simbahan ay siniko ko sila.
"Sputing na sputing ka sa Polo mo ah." Biro nito sakin.
Kumain kaming muli sa gotohan. Marami pa kaming pinagkwentuhan tungkol sa mga sarili namin. May mga bagay na pareho naming hilig. Meron ding mga bagay na hindi ko hilig na hilig niya. Tulad nalang ng videogames na pareho naming hilig, laro sa cellphone tulad ng PUBG, hindi kami nagkasundo sa basketball dahil hindi ko hilig, hindi din kami nagkasundo sa swimming (sport) dahil hindi niya hulig.
Ika-walong gabi ng simbang gabi. Magkakasama kami ni Kuya Jeff nagsimba dahil si Kuya Ian ay nasa trabaho. Tulad ng mga nakalipas na hiling ko, lagi ko din inihiling na sana laging gabayang ng Panginoon ang mga magulang ko at mga kuya ko.
Tila nakagawian na naming ni Tj na kumain sa labas pagkatapos magsimba. Inaasar na nga ako nito na tumataba na ako. Madalas naming pagkwentuhan ang mga tungkol sa sarili naming mga buhay. Kaya nagulat ako ng tanungin ako nito tungkol sa pangarap ko.
"Gusto ko maging Lawyer kaya BS-Legal Management ang kinuha ko. Ikaw bakit Engineering?"
Inakbayan ako nito. Nakaupo kami sa veranda ng isang coffee shop, tanaw naming ang kahabaan ng expressway.
"Sabi kasi ng Lola ko malaki daw ang sweldo." Natatawang sagot nito kaya pabiro koi tong siniko. "Pangarap ko talaga yun eh. Gusto ko maging Civil Engineer dahil mahilig ako sa buildings, hilig ko na leggo bata palang ako kaya di na nagulat magulang ko nang mag engineering ako."
Patuloy ang kwentuhan naming hanggang sa umabot kami sa tapat ng bahay namin. Bago ako bumaba, hinawakan ako nito sa batok at marahan akong hinalikan sa labi ni Tj. Ptuloy kami sa halikan hanggang sa maghabol kami ng hininga. Inayos ko ang damit ko na nagulo ng bahagya at inayos ang upo. Hinawakan niya ang kamay ko at tinanong
"Julian, I want to be part of your future."
Ika-siyam na gabi ng simbang gabi. Kumpleto kami dahil talagang sinakto ng mga kuya ko ang kanilang day off para sa salubong ng Pasko. Mahalaga samin ang noche Buena dahil kinalakihan na naming ito. Matapos ang misa dumiretso kaming umuwi. Hindi ko na nagawang batiin si Tj ng Merry Christmas dahil maraming tao sa Chapel. Ayoko naman humilay sa mga kuya dahil masaydong obvious ang pagka excited ko kay Tj.
Magsisimula n asana kaming kumain nang may mag door bell, ako ang sumagot ng pinto. Laking gulat ko nang si Tj ang nasa labas, naka polo na blue at may hawak ng ragalo.
"Pwede ba makikain?" sasagot sana ako nab aka magalit sina kuya kaso tinawag na siya. Aba, nauna pa pumasok sakin at maupo sa hapag kainan.
Masaya kaming kumain at uminom ng kaunting beer. Halos tawanan kaming apat sa mga kwnetong kapilyohan ng bawat isa habang nagbubukas ng mga regalo na taon taon na naming ginagawa. Nang matapos kami ay nagprisinta si Tj na siya na maglilipigpit na binawalan ko naman. Pero dahil pagod na at walang hiya naman talaga ang mga kuya ko ay pumayag sila. Matapos magligpit umupo kami ni Tj sa sala at nanood ng movie sa Netflix, A Christmas Prince. Tumayo si Tj, pagbalik nito dala niya ang regalo na buhat niya kanina.
"Oh gift ko sayo." Abot niya. "Buksan mo na."
Sobrang lambot na kumot ang laman nito, kaya naman pala ang laki ng dala niyang regalo.
"Alam ko naman na di pwedeng gabi gabi dito ako makitulog. Kaya yan na muna, at least lagi mo kayakap. Kahit manyakin mo ok lang sa kumot nay an." Natatawang sabi nito.
"Di ako ready. Wala ako nabili na regalo Tj?"
Niyakap ako nito ng mahigpit. Hinalikan niya ang noo ko, pababa sa dulo ng ilong hanggang sa magdikit ang labi namin. Niyakap ako nito na iyang binalik ko. Hindi ko pa alam ano kami. Hindi ko pa alam kung hanggang kalian kami. Pero alam ko na mahal ko na si Thomas John. Hinalikan ako nito sa tenga at bumulong...
"Ikaw na ata ang pinaka mahalagang regalo sakin."
End.