Experience Love 18: Monito? Monito

2291 Words
Monito? Monito Tuwing pasko hindi mawawala ang pagbibigay ng regalo. Isa ito simbolo ng kapaskuhan, ang pagbibigay. Noong bata ako bukod sa birthday ay pasko ang dahilan kung bakit ako nakakatanggap ng regalo. Lagi akong excited sa pagbubukas ng mga ito, kung hindi laruan ay damit ang aking natatanggap. Habang tumatanda ako pakonti ng pakonti ang mga regaling natatanggap ko pasko man o kaarawan. Noong nakaraang kaarawan ko binigyan nalang ako ng pera ng mga magulang ko, hindi daw kasi nila alam kung ano ang hilig ko kaya ako nalang ang bibili. Huling akong nakatanggap ng regalo ay noong graduation ko, isang branded na pabango galling sa Tatay ko na seaman. Hindi na ata uso ang makatanggap ng regalo kapag tumatanda ka na, ikaw na madalas magbigay sa magulang o sa nakakabatang kapatid. Tanging happy birthday nalang at hangover ang nakukuha ko. Pero hindi kailanman ay nagmintis ako sa pagbibigay ng regalo tuwing pasko sa magulang ko, kapatid at ngayon ang cute na cute kong pamangkin. Nagging tradisyon ko na ata iyon, ganun din naman ang kuya ko. Binibigyan ko siya at binibigyan niya ako. Tuwing pasko nalang ata kami kumpleto dahil parehong seaman ang kuya ko at tatay. Tuwing pasko, sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho ay usong-uso ang Monito Monita, isang buong linggo palang ay nagbubunatan na kami para sa Monday, Wednesday, at Friday nagbibigayan nalang. Monday nang makatanggap ako ng something Hard, hard na hard kasi tumblr ang nakuha ko at ayon pa sa nagbigay ay "thirsty" daw ako kaya kailangan koi to. Noong Wednesday naman ay something Long, nung namimili ako wala akong maisip ng mahabang ibibigay kaya noong mapadaan ako sa mga paying sa department store hindi na ako nagatubiling bumili sa mga mahahabang payong. Noong nagbigayan na halos nagtatawanan dahil sa mga Reason kung bakit iyon ang ibibigay, nilagay ko na reason ay "para hindi ka mawet... tuwing tag-ulan", nang kunin ko ang regalo ko nagulat ako dahil , isang kahon ito napaisip kung nagkamali ba ang nagbigay pero nang buksan ko aba, napaka haba nga, isang mahabang sinturon na ang reason daw ay "pampalo sa mga bad kids na tuladmo". Ako? Bad? Hindi ata. Dahil mabuti ako at sumusunod sa kung anong ipagawa sakin sa kama – este sa mg utos. "Psst! Tipen!" pasimpleng sigaw-bulong ng katabi ko. "nakabili ka na ban g regalo para sa biyernes?" "Hindi pa, pwede ba mamaya na. Natutuyo na ako dito sa kakabalance. Ayoko na magsolve." Luimingon-lingon ito at bumulong. "Tara yosi tayo." Lumingon ulit siya. "Bakit ba ako bumubulong?" Hindi ko na sinagot ang pag-ASMR niya at dali-daling pumunta sa veranda ng office. "Jessa sa susunod wag na ako sa inventory ah?! Nakakaasar magbilang ng paulit-ulit." Reklamo ko dito. "Wag ka sakin magreklamo, kay Fred, siya tong dapat sa inventory eh bigla na lang 'di umano' naka stand by siya sa Legal department." Alam naming dalawa na malakas ang kapit ni Fred sa kumpanya kaya talagang may pakinabang siya (minsan) samin ni Jessa bilang kaibigan niya, siya ang pamangkin ng CEO meaning pinsan din niya ang head ng legal department na si Atty – "Hoy Fred! Halika nga dito!" hinila ko siya sa braso at dinala kung saan kami ni Jessa. "Alam mo bang malpit na maging abo utak ko? Tuyong tuyo na ako sa inventory!" "Aray! Tama na – aray aray! Teka lang Stefan wait mag eexplain ako." Tinigil ko ang paglalamog sakanya pero di binitiwan ang tenga niya. "Pinatawag ako ni Atty Da- aray – pinsan ko, kailangan niya ako sa legal department aray aray-" "Is everything okay here?" Sabay sabay kaming lumingon sa likod naming ng magsalita ang pamilyar na boses, si Atty. Danico, halos matanda lang siya ng 3 years samin kaya halos mukhang magkakasing edad lang kami. "Everything's fine Nico." Sabi ko. Hawak padin ng pasimple ang braso ni Fred na unti unti kong nilalapirot. Nakatingin lang siya samin at halatang nagulat sa pagtawag ko ng Nico sakanya, ganun din ang mga kaibigan ko. Tumango ito at umalis. Nakatingin naman sakin at nakanganga pa ang dalawa. "What?" sabi ko. "Kailan pa kayo nag-usap ng ex mo aber?" Tanong ni Jessa. "Sino nagsabing nag-usap na kami? Aber?" sagot ko. Iniwan ko silang nagtataka at umiiling. Totoo naman ah? Di pa kami nag-usap ng gagqng yun. Mag-iisang taon ko lang sa kumpanyang ito nang dumating si Danico, siya ang pumalit sa nagretire niyang Uncle na kapatid ng Daddy niya. Sa simpleng salita sa angkan nila ang kumpanya. Kung alam ko lang na connected ang kumpanyang nag-hire sakin kay Danico ay hinding hindi ko tatanggapin ang offer nila at bukod na din siguro na talagang ayoko na sa dati kong kumpanya. Dumating ang araw ng biyernes, huling bigayan ng regalo sa nabunot na monito o monita. Something naughty. Nabunot ko ang mortal enemy ni Jessa kaya siya ang pumili ng regalo, canesten o gamut sa kati ang binigay naming. Tawa naman ng tawa ang mga tao sa office pero dahil anonymous ang bigayan walang nagawa kundi makitawa nalang yung mortal enemy ni Jessa. Nagkita-kita kami sa parking upang sumabay kay Fred, siya na ang nagging service naming ni Jessa pauwi ng condo, simple lang, nagliligawan (di umano) sila pero sa nakikita ko daig pa nila ang mag-on. Gabi-gabi na din kaming sabay-sabay kumakain sa condo habang nagpapatila ng traffic si Fred, siya kasi ang pinakamalayo samin. Pero dahil half day kami lunch naman ang kukubrahin ng hayop. "Ano ba to adobo o sinabawang ham? Bakit ang tamis?!" reklamo ng Fred. "Adobo yan! Adobo!" Sagot naman ng Jessa. Matapos kumain nagkwentuhan kami sa sala habang nanonood ng tv. "Sino kayang siraulo nagbigay ng dild0 sakin?" Reklamo ni Jessa. "Buti nga kayo may natanggap ako wala." Humagikgik naman si Fred na kala mo kiniliti sa yagba kaya binigyan naming ito ng tingin. "Ako nakabunot sayo Tipen, yung regalo ko paparating na." Parang on cue naman ng tumunog ang cellphone niya at biglang kumaripas ng takbo palabas. Para naman kaming nabuhusan ng malamig na yelo ni Jessa ng kasama niyang pumasok si Danico, naka simpleng T-shirt, short at sapatos lang ito pero talagang malakas ang dating niya sakin, siguro sa iba din di lang sakin ah basta. "Ay mawalang galang na ho Sir Danico ah? Pero ano ipinunta niyo dito po?" Ani Jessa. "Niyaya ko siya dito beh, diba aalis tayo mamaya? Para may kasama si Stefan diyto?" Napatayo naman ako at mabilis na hinablot si Fred. Pinaglalamog ko yung kamay, pisngi, at kung ano pang madapuan ng kamay ko. "Sinong nagsabing kailangan ko nang kasama?!" "Sorry na Stefan, pareho lang kayo ni pinsan na walang kasama eh. Sa linggo ng hapon pa uwian natin sa probinsya hanggang sabado ng kami ni Jessa sa Batangas kaya wala ka kasama." Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita ang isa. "I can leave, okay lang sakin or I can stay kung wala naman masama para kay Stefan. Am I right Tipen?" Bumaling naman ang tingin nilang lahat sa akin na parang naghihintay ng sagot. Bumuntong hininga ako at pumikit. "Fine. Do what you want." Lumabas ako sa veranda at nagyosi. Sumunod sakin si Jessa. "Tipen sorry ah, alam ko kasi plano nilang dalawa." Tinignan koi to nang masama at inismiran. "Balak lang talaga makipag-ayos ni Danico eh." Di ko siya kinikibo hanggang sa matapos magyosi. Nang paalis na ako niyakap niya ako mula sa likod at nagsorry. Di ko naman matiis kaya hinarap ko na. "Wag ka nang OA, andiyan na yung tao alang naming paalisin ko diba." Sabi ko. "Pagbigbyan mo na dati kong bestfriend." Pagsumamo ni Jessa. Noong college kasi sila ni Danico ang magkaibigan, kala nga naming lahat tomboy ang gaga yun pala hindi. Si Fred naman kababata ko na at bestfriend na turingan namin noon pa man. "Oh aalis na kami ah? Wag niyo masyadong guluhin ang condo – aray naman Tipen." Kinonyatan ko ng pagoodbye si Fred. Kalalaking tao madaldal ang bibig. Di pa nkontento ito at sinundan ng "Exchange bestfriend muna tayo monito!" sabay alisn nilang tumatawa. Pumasok ako sa loob. Alas tres palang ng hapon at antok na antok ako. Humiga ako sa sofa at umidlip. Nagising nalang ako ng may kumakalabit sakin. "Ano ba?" Tanong ko sabay takip ng pillow sa mukha. "Di pa tayo kakain?" Tanong nito. "6pm na kasi." "Order ka nalang ng sayo. Mamaya na ako kakain." Ilang minutong katahimikan bago nalang ako sumigaw ng malakas. "Nico ibaba mo nga ako! Ano ba!?" "I had enough of your kasungitan Tipen, sasama ka sakin sa dinner!" Binaba niya ako sa kama ko. "Magb ihis ka na o ako magbibihis sayo?" Natakot ako. Medyo. Nakakakilabot mata niya eh? Hinihintay ko siyang umalis pero hindi siya umalis. Nagpamewang pa habang nakatingin sakin. Naghubad ako ng tshirt at short. Nakita naman niya to kaya di na ako nahihiya. Nagpalit ako ng pang-alis. Nang lingunin ko siya nakatingin padin siya sa likuran ko. "You like what you see?" asar ko dito. Bigla nalang niya akong tinulak sa kama at umibabaw sakin. "Next time na gawin mo yan sa harap ko makikita mo hinahanap mo." Tinulak ko siya at tumayo. "Di ako takot, Nico." ... "Dinner lang diba? Bakit naman napakalayo pa ng dinner na to? Gutom na gutom na ako Nico ano ba." "Table for Danico please." Sabi nito sa waiter. Hinatid kami ng waiter sa table sa dulo ng restaurant kung saan tanaw ang Bulkang Taal. Tahimik kaming naghintay habang nakatingin sa Taal. Nabasag lang ang katahimikan naming ng dumating ang mga inorder niyang pagkain. "Did you miss this place?" tanong nito. Ninamnam ko ang kinakain ko at uminom ng tubig. "Medyo." Nagsimula siyang magkwento, simula daw noong maghiwalay kami ay linggo linggo siyang nandito. Nakayuko lang ako at nilalaro ang straw sa inumin ko. Kinuwento niya kung bakit niya nagawa yung ginawa niya sakin. Humingi siya ng tawad noon at humihingi padin ng tawad ngayon. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko padin siya, siguro di ko lang maamin sa sarili ko yon dahil na din siguro sa pride. Dalawang taon na lumipas, pero aminado ako na sa bawat pagkakataon na nakikita ko siya sa office kahit isang beses lang sa magahapon, alam ko at ramdam ko ang kirot sa puso ko. Para kong nakikita ang crush ko na hindi ko kaclose, ganoon yung pakiramdam ko. "Napatawad mo na ba ako?" tanong nito. Lumingon ako sa Taal, napatawad ko na ba siya? Tanong ko dito. Bago ako lumingon isang bituin ang nagning-ning. Pati ba naman ang Taal nakikia-oo? "Matagal na yon." Sagot ko. Nagpunta pa kami sa mga bukas pa na pasyalan sa Tagaytay, maging ang Christmas village ay pinuntahan naming. Noong mapagod ay nagpasya kaming umuwi na dahil malalim na ang gabi. Ewan ko, biglang naramdaman ko na ayoko pa matapos gabing to. Niyaya ko siya na bumili ng wine para inumin sa condo. Nagulat siya siguro dahil parang ok na ako sakanya. "Nakakamiss yung hindi mo ko sinusungitan." Natatawang sagot nito. "Ah ganon? Oh ikaw magbayad ng wine." "Sure Boss!" Ang isang baso nagging isang bote, ang isang bote nagging dalawa, ang wine naging whisky. Ang akbay naging yakap, ang yakap naging halik, ang halik lumalim kasabay ng paglalim ng gabi. Pagising ko ng umaga wala akong naramdamang sakit ng ulo sa kabila ng ininom namin, pero yung likod na ibaba ko masakit. Nilingon ko si Danico na tulog padin. Wala akong magawa kundi bumuntong hininga at tumayo. Nang magising siya, nadatnan niya ako sa veranda na nagkakape. Niyakap niya ako mula sa likod at bumulong. "Good morning Babe." Hindi ko siya sinagot. "kala ko nag quit ka na sa yosi." Tinanggal ko ang yakap niya at hinarap siya. "Last night was fun, pero hindi TAYO Nico. Diba?" Tinignan niya ako sa mata. Hinawakan ang pisngi ko at hinalikan. Di ako lumaban, hinayaan ko siya. "Please Stefan, please?" tanging iling ang sagot ko. ... Umaga ng December 24, mamayang gabi na ang noche Buena. Busy kami ng Nanay ko sa pagluluto. Hindi man nakauwi ang Tatay ko andito naman ang kuya ko at asawa niya maging ang makulit kong pamangkin. Kasama naming nagaayos ang kapatid kong babae. Sakin naka toka ang mga ulam at sakanila ang dessert. Nang mag gabi nagsimba kaming sabay sabay. Maayos at masaya ang misa ng huling simbang gabi. Habang naglalakad pauwi, di ko maiwasang mapatitig sa dalawang binate, nakaakbay ang matangkad na binata sa kasama niya. Nakanginiting nag-uusap at nag bibiruan. "Merry Christmas!" sigaw ngapamangkin ko. Matapos naming kumain ay nagsibukasan nakami ng regalo. Masaya kaming nag-kwentuhan at nagsalo-salo sa isang boteng wine ng biglang may nagdoor bell, si kuya ang nagbukas. "Tipen, may naghahanap sayo." Nagtaka ako dahil halos magpapasko na at malalim na ang gabi para may maghanap pa sakin. Lumabas ako at hinarap ito. Nakatalikod ito sa gate suot ang itin na jacket. "Nico?" pagbukas ko nang gate ay agad ako nitong niyakap. Ayoko sana siyang papasukin pero lumuhod ang sira ulo at pinagtatawag ang mga pangalan sa loob ng bahay. "Ano ba sasagutin mob a yan Tipen o ano? Bubuksan ko pa mga regalo ko." Naiinip na tanong ni Nanay. "Papasukin mo na yang si Attorney dito baka mahamugan pa kayo!" Natatawa ang mga tao sa bahay. Alam naman kasi nila ang ang tungkol samin. College palang kasi kami nung naging kami. Lumipas ang gabi at oras na para magpaalam sa bisita naming, pero ang nanay ko ayaw pakawalan ang paborito niyang 'kaibigan' ko. Wala na ako nagawa nang patulugin niya ito sa amin. Nakahiga kami sa kama ko pero walang kahit anong balat sa katawan naming ang nagdidikit. Niyakap niya ako at Narinig ko ang mahinang pag-iyak niya sa balikat ko. "What happen?" tanong ko. "You, you happened. Stefan please, give me another chance." Humiwalay ako sa yapak niya. Alam ko ang isasagot ko. Alam kong mahal ko pa siya. Alam ko na hinahanap padin siya ng puso at isip ko. Umupo ako sa kama at umupo din siya. Magkaharap kami, hinawakan ko ang mukha niya at sinagot. "Mangako ka muna." Nagtaas ito ng kanang kamay. "Kung ipapangako mo na di mo na ako iiwan." Niyakap niya ako at hinalikan. "I promise, Merry Christmas babe." Kasabay ng pagdating pasko ay ang pagliwanag ng aming mga puso. Salamat kay Lord dahil sinagot niya ang hiling ko sa huling gabi ng simbang gabi. End.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD