Sabrina’s POV
Kasabay ng bawat pag-ikot ng gulong ng van sa expressway ang unt-unting pagbigat ng hininga ko. Kulob ang hangin sa loob, at pakiramdam ko ay lalong sumisikip ang espasyo dahil sa halo-halong amoy ng makeup kits at equipment ng crew. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo,parang gusto nang umikot ng paningin ko.
Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili ko, pero ang paulit-ulit na pagbabalik sa utak ko ng mga salita ni Eli sa tent ay tila mga lason na sumasakal sa puso ko.
“Alipin ka pa rin ng kontrata natin, at ako ang designer mo.”
“Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ’yon, Sab.”
"Sab? Okay ka lang? Bakit parang namumutla ka?" narinig kong tanong ng makeup artist sa tabi ko, pero parang nanggagaling sa ilalim ng tubig ang boses niya.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang hininga ko ay paunti-unti na, mababaw, at hindi na umaabot sa mga baga ko. Sht. Panic attack. Dahil sa matinding emosyonal na pagod, puyat, at ang bigat ng sama ng loob ko kay Eli, tuluyan nang bumigay ang katawan ko.
"M-Mae... hindi ako... makahinga..." nahihirapan kong bulong. Madiin ko nang natutop ng kamay ko ang dibdib ko.
"Hala! Kuya, itabi mo! Itabi mo 'yung van! Si Sab, hindi makahinga!" Taranta ang boses ni Mae na umalingawngaw sa buong sasakyan. Doon na nagkagulo ang mga crew. Naramdaman ko na lang ang biglang pag-preno ng van sa tabi ng emergency shoulder ng expressway bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
Elijah’s POV
Mula sa manibela ng SUV ko, hindi ko inaalis ang tingin ko sa puting van na nasa unahan ko. Nagwawala pa rin ang sistema ko sa galit sa sarili ko at sa selos na nararamdaman ko dahil nakikipagsiksikan si Sab doon habang bakante ang upuan sa tabi ko.
Ngunit biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong biglang nag-hazard ang van at marahas na tumabi sa gilid ng expressway.
"Anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko habang mabilis ko ring itinabi ang SUV ko sa likod nila.
Bago ko pa man mapatay ang makina, bumukas ang pinto ng van at nag tatakbo si Mae palapit sa sasakyan ko, umiiyak at tarantang-taranta.
"Sir Eli! Sir Eli, si Sab po! Inatake po, hindi makahinga! Nawawalan po ng malay!"
Para akong nabingi. Sa isang kisapmata, nawala ang lahat ng pader, ang lahat ng takot ko sa tatay ko, at ang maskarang ilang araw kong pinaghirapang itayo. Ang tanging natira sa utak ko ay ang pangalan ni Sabrina.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng SUV at patakbong tinungo ang van. "Tabi! Paraanin niyo ako!" sigaw ko sa mga crew na nakapaligid sa kaniya na pinapaypayan siya upang kahit paano ay makasagap siya ng hangin.
Nang makita ko si Sab na nakasandal sa upuan, maputla ang mga labi at habol ang hininga habang nakapikit, literal na nadurog ang puso ko.
"Sab... Sabrina, naririnig mo ako? Si Eli 'to," nanginginig ang boses ko habang hinahawakan ang malamig niyang pisngi. Walang tugon.
Hindi na ako nag-isip pa. Isiniksik ko ang sarili ko sa loob, maingat kong ipinasok ang isang kamay ko sa ilalim ng kurbada ng kaniyang tuhod at ang isa naman ay sa kaniyang likod. Buong-lakas ko siyang binuhat nang bridal style palabas ng masikip na van.
"Sir Eli, ang mga gamit niya—"
"Ipasok niyo sa likod ng SUV ko! Mae, sumama ka sa akin!" sigaw ko, hindi ko na pinansin ang gulat na mukha ng buong crew nang makita kung paano ko yakapin at protektahan si Sab gamit ang sarili kong katawan habang naglalakad sa tabi ng expressway. Sa mga sandaling 'yon, walang "baklang designer" na nakikita nila—kundi isang lalaking handang pumatay para lang sa kaligtasan ng babaeng mahal niya.
Inihiga ko siya nang dahan-dahan sa passenger seat ng SUV ko, mabilis kong in-adjust ang aircon, at kinuha ang mukha niya sa dalawa kong palad.
"Sab, please... huminga ka. I'm here. I'm so sorry, kasalanan ko 'to. ..Breathe for me,please..Sa akin ka magfocus," pagsusumamo ko habang idinidikit ko ang noo ko sa noo niya, hinahayaang pumatak ang sarili kong luha sa kaniyang pisngi.
Hinalikan ko ang kaniyang noo, ang kaniyang mga pisngi, habang ang isang kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa nanginginig niyang mga daliri, pilit na ipinaparamdam sa kaniya na narito ako. Na hindi ako umalis. Na handa kong isigaw sa buong mundo ang p*********i ko kung ito lang ang paraan para manatili siyang humihinga sa piling ko.
Naalala ko nung mga bata pa kami,di ko na napigilan ang magbalik sa nakaraan.Nung Grade 6 ako at Grade 5 siya,lagi siyang binubully ng mga kaklase niya kasi may pagkalampa noon si Sab. Ako ang humaharap sa kahit na sino na magtatangkang manakit sa kanya to the point na kahit lumaban na ako ng pisikalan. Pagkatapos kong makipag away dahil sa kanya,magagalit pa siya habang pinupunasan ang dugo sa pumutok kong labi. Sesermunan pa ako.
“Hindi mo naman kailangang makipagsuntukan dahil sa akin,Eli,eh,bakit mo pa kasi pinatulan?” dinig na dinig ko sa balintataw ko ang mga salita niya sa akin noon.
“Sabrina,ayaw ko na ginaganoon ka nila! Kahit sino pa sila haharapin ko sila kahit anak pa sila ng presidente,wala akong pake!” sagot ko naman sa kanya.
“Salamat,Eli,ha?Buti na lang may best friend ako na gaya mo..The best ka talaga..”
“ Best friends forever tayo,di ba?! Basta makita kitang ligtas,Sab,gagawin ko kahit ano…”
Sa pagbabalik ko sa kasalukuyan,nanatiling hawak ko ang kamay niya. At hindi kp iyon bibitawan.Ang pangakong binitiwan ko nung mga bata pa kami, mananatiling pangako ko yon hanggang sa humihinga at nakakatayo pa ako. Sa kahit anong paraan proprotektahan ko siya kahit buhay ko pa ang kapalit.
Kahit pa ang ibig sabihin nun ay kailangan ko nang tanggalin ang maskara ko bilang gay best friend niya at magpakatotoo sa sarili ko.