bc

Carl Wayne Shipman (Illegal Hotness Series)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
15.2K
READ
billionaire
killer
possessive
second chance
dare to love and hate
drama
bxg
realistic earth
secrets
like
intro-logo
Blurb

Carl Wayne Shipman, pangalang pabulong kung pag-usapan at tinaguriang taong walang konsensiya sa dami ng buhay na kaniyang pinatay.

Muling nagkita ang landas nilang dalawa ni Krishna, ang mapagmahal na asawa ng susunod niyang taong papatayin.

Will love change their fate?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naglakad ako sa harapang bahagi ng sasakyan na akala mo'y namamasyal lamang sa parke sa kabila nang palitan ng putok ng baril. Itinaas ko mula sa likurang bahagi ng aking katawan ang mahabang kalibre ng baril na isinukbit ko roon. Kinindatan ko ang mga taong titig na titig sa 'kin mula sa loob ng sasakyan, kung saan naroon din ang target ko. Tumaas ang isang sulok ng aking labi nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Gregory ng pangalan ko sa kaniyang mga tauhan. "F*cking, Carl Wayne Shipman!" "Boss, nandiyan na rin si X!" tarantang hiyaw naman ng tauhan ni Gregory mula sa may bandang tabi nito. "G*go! Alam ko!" pabulyaw na tugon ni Gregory. "Ang gusto kong malaman ay kung bakit nandito si Carl Wayne!" dagdag pang sabi nito. "Hello there!" agaw pansin ko sa kanilang komosyon. Sabay-sabay silang bumaling ng tingin sa akin. "P*tang-ina! Nadagdagan pa ng isang demonyo ang kalaban ko!" patuloy na talak ni Gregory sabay senyas sa kaniyang tauhan. Bago pa man maiputok sa 'kin ng tauhan niya ang hawak na baril nito ay naiputok ko na agad sa kaniya ang hawak ko na pistol. Agad kong itinutok sa noo nang napatdang si Gregory ang kabila kong kamay na may hawak naman na kwarenta'y singkong baril. "Isang maling galaw Gregory, tiyak na magre-reunion kayong dalawa ni Satanas," ani ko sa kaniya. "Carl Wayne Shipman..." bigkas nito sa buo kong pangalan. Pangalang pabulong kung pag-usapan ngunit tinaguriang walang konsensiya sa dami ng buhay na tinapos gamit ang sariling mga kamay. Kayang kumitil ng buhay sa tamang halaga ng walang anumang katanungan. Tinataguriang malupit sa larangan nang pagpatay dahil bangkay na lang ang iniiwan sa bawat lugar na mapuntahan. "Magkano ang ibinayad sa 'yo ni X upang sundin siya?" nang-uuyam na tanong sa'kin ni Gregory. Malakas na halakhak ang itinugon ko sa kaniya at saka nilingon ko ang walang kakurap-kurap na babaeng nakatitig sa 'kin. "Hello, Baby girl..." Matamis na ngiti sa labi ang iginawad ko sa fiancee ni X sabay kindat sa kaniya. Si X, ang isa sa mga demonyong kaibigan ko na pinuno ng malaking prostitution sa buong bansa. Bihira kaming magkita dahil sa mga illegal naming gawain na siya naming pinagkakaabalahan. Gayunpaman, mabilis akong sumusulpot sa takdang oras kung kinakailangan nila ang serbisyo ko. Naramdaman ko ang pagdaiti ng malamig na dulo ng gatilyo sa likurang bahagi ng aking ulo. "Akin pa rin ang huling halakhak, Carl Wayne!" Malakas na humalakhak si Gregory na animo'y totoong nagtagumpay na sa laban. Tumaas ang sulok ng labi ko sabay angat sa ere ng isa kong binti patungo sa mukha ng taong tumutok sa 'kin ng baril. Nagkikikisay na bumagsak sa sahig ang katawan ng tauhan ni Gregory na tumutok sa 'kin ng baril. Higit pa sa bilis ng ipo-ipo ang paggalaw ko kung kaya hindi agad nakahuma si Gregory sa ginawa kong pagpapabagsak sa kaniyang tauhan. "Sinuman ang taong maglakas loob na tutukan ako ng gatilyo ay tiyak na paglalamayan," malamig kong wika. "P*tang-ina, Carl Wayne!" matigas na mura ni Gregory. "Demonyo ka talaga!" bulyaw pa niya sa 'kin "Tulad mong demonyo rin!" nakangising tugon ko sa kaniya sabay halakhak ng malakas. Bumukas ang pintuan sa may bandang kaliwa namin at iniluwa niyon si X. "H*yop ka, X!" matigas na mura ni Gregory kay Claude. Lalapitan na sana ni X si Gregory nang yakapin siya ng kaniyang fiancee. Napailing ako sa nakitang kalambutan ni X. Tunay ngang nagbago na siya! "Hello, people!" agaw pansin ko sa yakapan ng magsyota. Sabay na lumingon sila sa akin na may magkaibang ekspresyon sa mukha. "Mamaya na ang reunion. May kailangan pa tayong tapusin," malamig kong pahayag. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihang paghampas ng tsinelas ng fiancee ni X kay Gregory habang malakas na tumutungayaw sa huli. "What the hell was that?!" gulat na gulat kong bulalas. "Sigurado ka na ba Claude na handa ka nang mahampas ng tsinelas kapag nagalit sa 'yo iyan?" dagdag ko pang tanong kay X. "Shut up, Carl Wayne!" asik sa'kin ni Claude sabay yakap sa kaniyang fiancee. Hindi ako panatikong tao ng mga kwentong pag-ibig kaya naiinis akong tumingin sa kanilang dalawa. Kung 'di ko lang kaibigan si Claude, tiyak na kanina ko pa sila iniwanan. "Problema sa pagitan nating dalawa 'to X, pero bakit nagdala ka pa ng ibang demonyo?" mapang-uyam na tanong ni Gregory. "Sa 'yo na nanggaling na sa pagitan nating dalawa ito pero may dinamay ka rin na iba," tugon naman ni Claude. "Hindi sapat na dahilan iyon para isali mo sa gulo natin ang isang taong puro bangkay ang iniiwan sa bawat lugar na pinupuntahan." Matalim na tinitigan ako ni Gregory. "Ouch!" madramang bulalas ko sabay hawak sa aking kanang dibdib. "Compliment ba iyan? Ba't ang sakit sa puso?" "Bagong buhay na ako, Gregory. Hindi ko na dudungisan pa ang kamay ko kaya kailangan ko ng taong gagawa niyon para sa 'kin," sabad naman ni Claude. "Narinig mo iyon, Gregory?" Tumaas ang isang sulok ng aking labi. "Hindi na baleng ang kamay ko ang madungisan basta hugas kamay lang itong g*go kong kaibigan!" ani ko pa kay Gregory sabay halakhak ng malakas. "Pasalamat ka at may pakinabang na ako sa 'yo! Nagkasilbi ka rin sa wakas!" pasaring naman sa 'kin ni Claude. "Wow!" sarkastikong bulalas ko. "Anytime Claude... I'm always at your service." "Mga siraulo!" malakas na hiyaw sa amin ni Gregory. Nanggigigil na inihampas ko sa kaniya ang hawak kong baril sabay tutok muli ng isa pa sa kaniyang ulo. "H*yop ka, Carl Wayne!" nakangiwing hiyaw sa 'kin ni Gregory kasabay nang pag-agos ng dugo sa kaniyang labi. "Nagulat lang ako!" nakangisi kong wika kay Claude. "Alam mo namang nerbyoso akong tao dahil sa kakakape ko tapos bigla akong sinigawan. Gano'n ka rin 'di ba?" mapang-asar ko pang tanong kay Claude na animo'y batang paslit na nagpapakampi sa kaniyang kalaro. "Hindi gano'n si Claude!" nakalabing turan ng fiancee ni X. Malamig ang mga matang tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata na agad namang inagaw ni Claude ang pansin nito. Muling nagsalita si Gregory ng kung anu-anong mga salita laban kay X at nakadama na rin ako nang pagkabagot. "Hindi pa rin ba malinaw sa iyo ang lahat, Gregory?" Ikinasa ko ang gatilyo ng baril na hawak ko sa tapat ng kaniyang mukha. Naaaliw akong pagmasdan ang takot na takot na anyo ni Gregory na tila maiihi na sa sobrang takot. "Don't you dare to mess inside my car, tutuluyan kitang tapusin ngayon kung magkataon!" banta ko pa sa kaniya. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa nito habang panay ang tulo ng pawis sa kaniyang mukha. "Tandaan mo, kanina pa kating-kati ang mga kamay ko na kalabitin itong gatilyo ng baril." Mariin kong inilapat sa noo niya ang dulo ng isa ko pang hawak na baril.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook