“Maggie!” Tawag ko sa ampon ni papa na siyang dahilan nang pag-udlot ng iyak ko nang magkita kami ng tunay kong ama. Ang kwento ni Marco, iniligtas daw ni papa si Maggie mula sa misyon nito, ngunit walang pamilya ang babae kung kaya inampon ni papa at dito pinatira sa bahay. Pinili ni Maggie na magtrabaho rito sa bahay bilang kasambahay dahil ayaw raw nitong maging pabigat sa ama ko. “Bakit?” malambing niyang tanong. Lumapit ako saka hinawakan ko ang kaniyang kamay. “Salamat sa pag-aalaga mo sa papa ko.” Puno ng emosyon kong turan. “Huh?” Humilera sa maganda niyang noo ang sunod-sunod na pagguhit nang pagtataka. “Alam kong gusto mo ang papa ko at nakikita ko iyon sa mga kilos mo,” diretsahang pahayag ko sa kaniya. “Nagkakamali ka ng akala. Hindi ko gusto ang papa mo at hindi ko ta

