Ang tahimik ng paligid at halos wala ng taong dumaraan pa sa kalsadang ito. “Galingan mong umarte, Duane!” anas ko sa mikroponong nakakabit sa loob ng aking damit. Nakatayo sa gitna ng madilim na kalsada si Duane kung saan kaniyang hinihintay si Frederick Chaez. Kasalukuyan kaming nasa illegal na misyon kung saan si Duane ang front upang makipagkita at magbigay ng illegal na mga gamot sa taong papatayin ko. Hindi ordinaryong tao ang target kong patayin dahil maimpluwensiya at kilalang personalidad sa lipunan lang naman si Chaez. Frederick Chaez, a wealthy man na kilalang-kilala sa buong bansa bilang good samaritan. Pero ang ‘di alam ng lahat ay may nakatagong bulok na pagkatao. “G*go! Taga-supply lang ako ng mga gamot niya at hindi artista!” matigas na turan ni Duane na siyang umunt

