“Anong ginawa mo?” nandidilat ang mga matang tanong niya sa’kin na nginitian ko lamang.
“Wala pa akong ginagawa, Baby Girl...” namamaos kong tugon sa kaniya.
Daig ko pa ang gutom na tigreng naglalaway sa nakikitang kagandahan sa aking harapan. Handang-handa na akong manakmal sa kaniya anumang sandali.
Sakmal na may kasamang malambing na pagdampi ng haplos sa kaniyang katawan upang muling ipalasap ang sarap ng kaluwalhatian.
Sunod kong hinubad ang sinturon at saka tinanggal ang pagkakabutones ng suot kong pantalon. Huhubarin ko na sana iyon nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas ng bahay.
“Sh*t!” malutong kong pakawala ng mura mula sa aking bibig.
“Carl Wayne!”
Nakita ko ang bumalatay na takot sa mukha ni Krishna pati na rin ang panginginig ng kaniyang katawan.
Nagngalit ang mga bagang ko dahil ang lakas ng loob ng kung sinuman na pumasok sa aking teritoryo. Inabala pa niya ang moment naming dalawa ng mahal ko.
Mabilis akong lumapit kay Krishna upang payapain siya.
“Sshh... Relax!” Masuyong hinagod ko ang buhok niya.
“N-natatakot ako,” nanginig ang boses niya nang sabihin iyon.
Ipinantay ko ang mukha ko sa kaniyang mukha saka matamis na ngumiti.
“Hindi ko hahayaang malayo ka ulit sa’kin baby girl,” madamdaming saad ko saka hinagkan ko siya sa kaniyang noo.
Dinampot ko ang kumot upang ibalot iyon sa katawan ni Krishna. Hindi ko mapigilang mapaungol sa bawat pagdantay ng kamay ko sa kalambutan ng kaniyang katawan.
“Baby Girl...” Hindi nakatiis, kinabig ko siya sa ulo upang mariing hagkan sa kaniyang labi.
Pumaikot ang mga braso niya sa aking leeg saka mapusok na tinugon ang bawat paggalugad ko sa loob ng kaniyang bibig.
Muling sumingaw ang matinding init mula sa loob ng aking katawan kung kaya ipinahiga ko siya sa kama.
Halos nakalimutan ko na ang nakaambang panganib kung hindi pa muling nagkaroon ng malakas na putok.
“Dumito ka muna baby girl at haharapin ko lang ang sinumang g*gong istorbo sa atin,” saad ko kay Krishna.
“Pero...” Naging ungol ang anumang sasabihin nito nang isubo ko ang isa niyang dibdib habang minamasahe naman ng palad ko ang isa pa.
Pumatong ako sa ibabaw ng malambot niyang katawan upang ilabas na sana ang tinitimping init na lumulukob mula sa loob ng aking katawan nang maudlot dahil sa papalapit nang papalapit na ingay ng putok ng baril sa aming kinaroroonan.
“D*mn!” malutong kong bigkas sabay buga ng marahas na buntonghininga.
“Puntahan mo na muna si Charlie sa room niya, Baby Girl. Huwag kayong umalis doon hangga't hindi kusang bumubukas ang pintuan. Ligtas kayo sa silid na iyon.”
Ginawaran ko siya ng halik sa kaniyang labi saka masuyong pinisil ng palad ko ang kaniyang dibdib.
“Carl Wayne...” umuungol niyang sambit.
T*ng-in*! Nabitin ang pakiramdam ko at talagang gustong pumasok muna nang naninigas kong kahandaan sa masarap na kaangkinan nito.
Humanda talaga sa’kin ang mga g*go na iyan! Lintik lang ang walang ganti!
Bago ko tuluyang puntahan ang sinumang istorbong gumambala sa‘king kaligayahan ay hinatid ko pa muna si Krishna sa silid kung saan naroon ang anak niyang si Charlie.
Hindi basta-basta makakapasok ang sinumang tao sa loob ng resthouse dahil napalilibutan ito ng maraming patibong na isa sa mga dahilan nang pag-iingay ng paligid.
Pinindot ko ang switch na konektado sa lahat ng mga ilaw upang magdilim ang buong kabahayan.
Umupo ako sa may sofa upang abangan ang pagpasok ng sinumang taong nakalusot mula sa mga patibong na inilagay ko sa paligid ng kabahayan.
Tanging ang silid kung saan natutulog si Charlie ang may access papalabas sa bahay na ito ng ‘di nagdidilim ang paligid.
“Men, moved!” naulinigan kong utos mula sa ‘di kalayuan.
Palagay ko ay may ginamit silang gadget sa mata upang makita pa rin nila ang paligid kahit na madilim.
Tsk! Hightech na rin talaga ang mga kalaban ko sa kalakarang ito.
Tumaas ang sulok ng isa kong labi nang humarap sa akin ang isang armadong lalaki.
“Ang lakas din naman ng loob ninyong sumugod sa teritoryo ko,” nang-uuyam kong wika.
“Dahil ito na rin ang huling araw mo, Carl Wayne!”
“Siguruhin mo lang dahil kapag ako ay binuhay mo pa, ikaw ang tiyak na paglalamayan,” banta ko sa lalaki.
May malamig na bagay na dumikit mula sa likurang bahagi ng aking ulo.
“Iyon ay kung mabubuhay ka pa!” matigas na wika ng sinumang lakas loob na nagtutok ng gatilyo sa‘kin.
“Ba’t hindi mo pa iputok?” hamon ko sa tumutok ng baril mula sa‘king likuran.
Malakas na humalakhak ako saka itinuwid ang aking pagkakaupo.
“Anong nakakatawa?” tanong sa’kin ng taong malakas ang loob na tumutok ng baril.
“Ikaw!” Mabilis kong ipinaikot ang isang kamay ko sa aking likuran upang alisin ang pagkakadaiti ng dulo ng gatilyo sa ulo ko kasabay nang pagpapaputok ng isa kong kamay sa lalaking kaharap ko.
Dulot marahil nang pagkabigla, hindi nagawang makapagpaputok ng baril ang lalaking nasa likuran ko.
Ngayon ay namimilipit na siya sa pagpilipit ko ng isang daliri niya sa kamay.
“Demonyo ka, Carl Wayne!”
“Tsk!” Tumaas ang sulok ng aking labi saka muling pinilipit ang daliri nito. “Alam mo bang mas lumalabas ang pagiging demonyo ko oras na nagagambala ang kaniyang pagpasok.”
Dinala ko ang daliri niyang pinipilipit sa tapat nang naninigas kong kahandaan. Ipinadikit ko iyon doon upang ipadama sa kaniya kung gaano iyon galit na galit dahil sa nangyaring pagkabitin.
“T*ng-in* ka, Carl Wayne! Bakla!”
hiyaw sa’kin nito.
Nag-init ang ulo ko sa isinigaw niyang salita, walang pag-aalinlangan kong ipinutok sa kaniya ang hawak na gatilyo. Duguang bumagsak sa harapan ko ang ‘di nakikilalang lalaki na tatapos kuno sa aking buhay.
Isinuksok ko ang gatilyo sa loob ng bulsa ng pantalon ko saka pumasok sa loob ng kusina upang hugasan ang duguan kong kamay.
Gustuhin ko man manatili kami ngayong gabi rito sa resthouse, mukhang hindi maaar!
Natitiyak kong may susunod pang darating bukod sa mga ugok na nakaratay sa sahig at ngayon ay naglalakbay na sa impiyerno.
Malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang silid kung saan naroon sina Krishna at Charlie.
Nabubuksan ng ordinaryong tao ang pinto kapag hindi ko ini-lock ang code, ngunit mahihirapan naman ang sinuman kapag inilagay ko na iyon.
Itinapat ko ang hintuturong daliri sa scanner upang bumukas ang pintuan na siya namang nangyari.
Pinasadya ko talaga ang ganitong set up ng pinto sa silid na ito para sa ganitong mga emergency.
Inilinga ko ang mata sa paligid upang hanapin ang mag-ina dahil hindi ko sila makita sa ibabaw ng kama.
Napangiti ako nang makitang bukas ang closet at tulad ng dati, roon pa rin naisipan ni Krishna na magtago.
“Mommy, I'm scared.”
“Don’t scared baby, I'm here beside you.”
Nakatutuwang pakinggan ang pag-uusap nilang mag-ina. Muli ko tuloy naaalala ang nakaraan kung saan iyon din ang mga katagang madalas kong sabihin noon sa kaniya.
“Don’t be scared, Charlie. I'm here to protect you and your Mom.”
“Carl Wayne...” Nakita ko ang pagkislap ng luha mula sa mga mata ni Krishna.
“But you kill my dad!” sigaw ni Charlie saka matalim na tumitig sa‘kin.
Napabuntonghininga na lamang ako sa winikang iyon ni Charlie dahil hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ako sa pagkamatay ni Justin.
Damang-dama ko pa rin ang malamig niyang pakikitungo sa’kin dahil sa pangyayaring nasaksihan nito.
Lumuhod ako sa harapan nina Charlie at Krishna.
Hindi ko rin alam kung bakit kinakailangan ko iyong gawin gayong alam ko naman sa sarili ko na ‘di dapat dahil wala talaga akong pagkakasala.
“Alam kong malaki ang pagkakautang ko sa inyo para sa buhay ni Justin...” Humugot muna ako ng hangin mula sa‘king baga saka nagpatuloy nang pananalita. “Pero hindi ko ninais bawiin ang buhay niya mula sa inyo dahil ayokong masaktan kayo.”
“Liar! I saw you point your gun at my Dad's head!" galit na hiyaw sa’kin ni Charlie at umiiyak na yumakap sa kaniyang ina.
Pakiramdam ko'y sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga dahil sa masakit na salitang iyon ni Charlie.
Ilang beses pa muna akong lumunok ng laway saka inalis ang kung anong bara mula sa aking lalamunan.
“Alam mong hindi ko magagawa ang bagay na iyon, Baby Girl.” Mataimtim akong tumitig sa luhaang mga mata ni Krishna.
Wala akong mabasa na anuman mula sa kaniyang mga mata dahil tanging takot lamang ang nakikita ko mula roon na ‘di ko mawari kung para saan o ano ang pinaghuhugutan niyon.
“Ngunit isa lamang ang maipapangako ko, walang sinuman ang pwedeng makapanakit sa inyo hanggang sa huli ng aking hininga.”
“C-Carl Wayne...”
Niyakap ko silang mag-ina kahit na pilit akong itinutulak palayo ni Charlie mula sa kanila.
Ayokong nasasaktan sila kaya hanggang sa aking makakaya ay poprotektahan ko silang mag-ina.
Sisikapin kong alisin ang anumang pangit na kaisipan sa‘kin ni Charlie at patutunayan ko sa kanila na kaya kong maging kapalit ni Justin.