Chapter 43

1640 Words

Matapos naming kumain, tinawag ni papa Samuel ang lalaking sumalubong kay Carl Wayne upang kuhanin si Charlie. “Ikaw na munang bahala sa apo ko, Dave,” habilin ni papa Samuel sa lalaki. “Yes, Senior!” tugon ng lalaking tinawag na Dave ng kinilala kong ama. Nang lumapat ang pintuan pasara, ‘di ko na napigilan pa ang sariling humikbi ng malakas. Kanina ko pa gustong gawin iyon ngunit pinipigilan ko lamang ang sariling gawin dahil sa ayokong mag-alala si Charlie. Naaawa ako sa kalagayan ng ina ko at halos mabiyak ang puso ko sa bawat paghihirap nito. Hindi niya nakikita ang mga bagay na nasa kaniyang paligid kung kaya pakapa-kapa siyang kumakain. Ang pinakamasakit sa lahat, sa kabila ng kaniyang paghihirap ay nagagawa pa rin niyang ngumiti habang nagkukwento sa amin. “Anak, bakit k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD