02: NAKATAGONG NGITI

935 Words
Kinaumagahan, walang liwanag na kayang tumagos sa bigat ng pagkawala ni Olivia Merlin. Mas lalong lumakas ang usap-usapan. “Day 3 na… wala pa rin.” “May kidnapper kaya?” “Or baka… tumakas?” “Hindi si Olivia yun,” mariing sabi ng isang estudyante. “She had plans. She had everything.” At tama sila. Si Olivia ay hindi basta nawawala. Sa campus, tahimik na nakaupo si Marco de Guzman sa ilalim ng parehong puno kung saan sila madalas na nag-usap ni Olivia. Hawak niya ang notebook ni Olivia. Punô ito ng sulat-kamay, mga diagram ng utak, scientific notes, at sa gilid, maliliit na doodles. Mga simpleng bagay, at simpleng pangarap. “Brain mapping… emotional response…” bulong ni Marco habang binabasa. Ngunit may isang pahina na kakaiba. May nakasulat doon, “Trust is the most fragile part of the human brain.” Napakunot ang noo niya. “Bakit parang…” bulong niya, “parang may pinagdadaanan ka na hindi mo sinabi sa’kin?” Biglang may pumasok sa isip niyaa ng isang alaala. “Marco…” mahina ang boses ni Olivia noon. “Hmm?” “Kung sakaling mawala ako… hahanapin mo ba ako?” Natigilan si Marco. “Anong klaseng tanong ‘yan?” natatawa niyang sagot. Ngunit hindi tumawa si Olivia. Diretso lang ang tingin nito sa kanya at mukhang seryoso. “Minsan kasi… hindi yung mga estranghero ang dapat katakutan.” Tumahimik ang paligid. “At kung mangyari man…” dagdag niya, “gusto ko… ikaw ang makahanap ng katotohanan.” Bumalik si Marco sa kasalukuyan, biglang bumilis ang t***k ng puso. “Hindi ito aksidente…” bulong niya. “May alam ka. May naramdaman ka.” Mariin niyang isinara ang notebook. “Hindi ka mawawala ng ganito lang.” Samantala, sa bahay ng mga Merlin, tahimik ang sala. May mga bulaklak at may mga bisita, at may luha. Sa gitna nito, nakaupo si Sharina Merlin, hawak ang panyo, kunwaring pinupunasan ang kanyang mga mata. “Ang hirap… hindi ko matanggap…” nanginginig niyang sabi. "Half-sister ko siya, but in blood isa siyang tunay kong kapatid. Madalas man kaming may tampohan pero nangingibabaw ang supporta at respito ko sa kanya, kaya labis akong nalulungkot ngayon" Lumapit ang isa sa mga kaibigan ni Olivia. “Stay strong, Sharina…” Ngumiti ito ng mahina at napayakap sa kanya. “Ginagawa din namin ang lahat para makatulong..” Ngunit sa loob ni Sharina, isang kabaliwan ang tumatawa. "Ang dali pala…" bulong ng isip niya. "Ang daling makuha ang loob ng lahat." Lahat ng atensyon. Lahat ng simpatya. Lahat ng pagmamahal na dapat ay kay Olivia, ay nasa sa kanya na ngayon. Ngunit hindi lahat ay naloloko. Sa isang sulok, nakatingin si Marco kay Sharina. Tahimik siya na parang nanunuri sa lahat ng eksinang nagaganap. May kakaiba, ramdam niya ito. Hindi na nakatiis kaya lumapit na si Marco. “Sharina.” Napalingon ito, agad nagpalit ng ekspresyon, malungkot, marupok. “Marco…” mahina niyang sabi. “May balita ka ba?” Diretso ang tingin ni Marco. “Wala pa. Pero hahanapin ko siya.” Tumango si Sharina. “Please… gawin mo lahat.” Ngunit bago siya umalis sa harapan ni Sharina muli niyang tinawag nito. “Sharina,” “Hmm?” “Last na nakausap mo si Olivia… kailan?” tanong ni Marco na biglang nagpanginig ng buong laman sa loob ng katawan ni Sharina. Isa, at dalawang segundo. Halos hindi mapansin, ngunit nag-freeze si Sharina. “Ah… um… few days ago,” sagot niya. “Bakit?” “Wala,” sabi ni Marco, pero hindi siya kumbinsido. “May sinabi ba siyang kakaiba?” pangalawang tanong ni Marco. Napakagat si Sharina sa labi. “Wala naman… normal lang.” Ngunit sa isip niya.. Bakit niya tinatanong ‘to? Sa gabing iyon… Umuugong ang malamig na hangin sa paligid ng abandonadong bahay. Kalawangin ang gate, at ang mga bintana’y tila mga matang matagal nang nakapikit, pero may pakiramdam na may nagmamasid. Tok… tok… tok… Mahina pero mariing katok ang bumasag sa katahimikan. Walang ilaw, at tao. Pero sa loob ng kabaong may namamahingang katawan, ngunit ang kaluluwa nito ay hindi matahimik. Ang katawan ni Olivia Merlin, ito ang unang pagkakataon na may kakaibang tunog sa labas. Isang magkasunod na katok. …tok… …tok… …tok… Sa labas ng pinto, nakatayo ang isang estranghero. Maputla ang balat, halos kasing-puti ng buwan na bahagyang natatakpan ng ulap. Ang kanyang mga mata’y tila may sariling dilim, malalim, gutom, at matagal nang naghihintay. Tatlong daang taon siyang natulog. At ang gumising sa kanya… dugo. Naalala niya ang pagbagsak ng mga patak sa kanyang mga labi, hindi sinasadya, itinapon lamang ng tatlong lalaking walang kaalam-alam sa kung ano ang kanilang ginising. Sa kailaliman ng kweba, sa ilalim ng lupa kung saan walang liwanag, may isang katawan na nakahimlay, hindi patay, hindi rin tunay na buhay. Hanggang sa tumulo ang dugo. At nagmulat sa kanya Ngayon, ay narito siya. Huminga siya, hindi dahil kailangan niya, kundi dahil sa amoy ng dugong bumuhay sa kanya. Sariwa. Mainit, at buhay. Sa loob ng kabaong, hindi pa alam ni Olivia na may kumakatok. Wala pa rin siyang malay na parang tulog, ngunit ang ang kanyang puso ay tumitibok. Tok… tok… tok… Mas malakas na ang katok ngayon, ngunit walang nagbukas sa kanya. Dahan-dahang ngumiti ang estranghero, at bahagyang sumilip ang kanyang matutulis na pangil. “Alam kong naririyan ka,” mahina ngunit malinaw niyang sabi, halos parang hangin lang na dumaan sa siwang ng pinto. “Naamoy kita.” Isang saglit na katahimikan, pagkatapos ay may langitngit, dito na unti unting bumukas ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD