bc

A LOVE BITES "IN LOVE WITH THE VAMPIRE PRINCE"

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
family
HE
time-travel
teacherxstudent
fated
second chance
friends to lovers
kickass heroine
neighbor
stepfather
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
serious
bold
campus
medieval
mythology
pack
small town
magical world
high-tech world
another world
ABO
cheating
secrets
superpower
rebirth/reborn
war
ancient
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ... ON THE MAKING ...

chap-preview
Free preview
01: PAGKAWALA NI OLIVIA
Si Olivia Merlin, halos sambahin ng lahat ng mga kaklase. Hindi lang siya matalino. Halos hindi na siya maabot. Top student. May pinakamataas na IQ sa buong high school. Apat na prestihiyosong unibersidad ang nag-aagawan sa kanya, lahat gusto siyang kunin, lahat gustong maging bahagi ng kanyang kinabukasan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, simple lang ang pangarap ni Olivia “Gusto kong maging doktor… brain specialist,” sabi niya minsan, habang nakaupo sa ilalim ng lumang puno sa campus. Katabi niya si Marco de Guzman, tahimik na nakatingin sa kanya na parang siya lang ang mundo nito. Nangako si Marco na pagdating ng tamang panahon, papakasalan niya si Olivia, ang babaeng una at huling mamahalin niya. “Of course,” ngiti ni Marco. “Ikaw pa? Kayang-kaya mo ‘yan.” Ngumiti si Olivia, ngunit may lungkot sa likod nito. “Kasi… gusto kong maintindihan kung bakit nasasaktan ang tao. Hindi lang physically… kundi dito.” Itinuro niya ang kanyang ulo. Hindi alam ni Marco kung bakit, pero sa sandaling iyon, parang may malamig na hangin na dumaan. Parang may paparating. At hindi iyon maganda. Sa kabilang banda ng buhay ni Olivia, may isang taong hindi kailanman natuwa sa kanyang tagumpay. Si Sharina Merlin. Paggising pa lang niya sa umaga ay maitim na ang kanyang binabalakm nagdial ng numero sa kanyang mobile phone at may kinausap sa kabila. "Magahanda na kayo, ngayon na ang araw na sinasabi ko." Sa loob ng kanilang marangyang bahay, nakaupo si Sharina sa harap ng salamin, dahan-dahang nilalagyan ng lipstick ang kanyang mga labi. Sa likod niya, maririnig ang papuri ng kanilang ina. “Ang galing talaga ni Olivia… she’s going to be someone big.” Tumigil si Sharina. Dahan-dahan niyang ibinaba ang lipstick. “Of course,” bulong niya sa sarili. “Si Olivia na naman.” Lahat na lang kay Olivia, Pride ng pamilya. Paboritong anak. Hinahangaan ng lahat. At siya? Anino lang. Isang pangalan na laging kasunod...“kapatid ni Olivia.” Napapikit si Sharina, at doon nagsimulang sumiklab ang matagal nang kinikimkim na galit. “Hindi pwedeng habang buhay ganito,” mariin niyang sabi. At sa sandaling iyon, may nabuo siyang desisyon. Isang desisyong babasag sa lahat. Kaya sa isang gabi na masyadong tahimik Naglalakad si Olivia pauwi, hawak ang kanyang bag, iniisip ang mga plano niya, applications, scholarships, research. Hindi niya napansin ang van na dahan-dahang huminto sa tabi niya. Hindi niya narinig ang yabag sa likod. At lalong hindi niya nakita ang kamay na biglang sumakop sa kanyang bibig. “Mm..!!” Nanlaban siya. Sinubukang sumigaw, pero huli na. Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Hanggang sa tuluyan siyang nilamon ng kadiliman. “Sigurado ka ba dito?” “Limang milyon ‘to. Gawin niyo lang.” Sa isang madilim na lugar, naroon si Sharina. Nakaharap sa tatlong lalaking walang emosyon. “Walang sablay. Walang bakas,” dagdag niya. Tumango ang isa. “Walang problema.” At sa simpleng usapan na iyon. Naitakda ang kapalaran ni Olivia. Hindi na nakita pa si Olivia matapos ang gabing iyon. Nagkagulo ang buong paaralan. “Missing siya?!” “Impossible!” “Si Olivia yun, hindi yun basta mawawala!” Ang mga guro, estudyante, at maging ang administrasyon ay nagkukumahog. Pero walang lead. Walang clue. Parang naglaho na lang siya sa hangin. Sa bahay ng mga Merlin. Ang ka dramahan ay nagsimula, sapagkat umiiyak si Sharina. Walang makakabasag sa eksinang ipinapakita niya. “Wala pa rin ba balita kay Olivia?” nanginginig niyang tanong, at yumakap siya sa kanyang ina. “Miss na miss ko na siya…” Ngunit ang mga mata niya ay halos walang luhang lumabas, walang bakas na sakit. Dahil ang totoo, para kay Olivia ay nangyari ay isang malamig na kasiyahan. "Ama.. nakausap ko na rin ang mga pulis, kasalukuyan pa nilang tini-trace ang huling location ni Olivia." sinabi ng nakakatandang kapatid ni Olivia na si Marlon Merlin. Samantala, sa isang lugar na walang nakaka-alam. May isang abandonadong bahay na napapalibutan ng makakapal na damo. Isang lugar na halos hindi na madaanan, o narating ng ilang ordinaryong tao sa loob ng ilang panahon. Sa loob ng abandonadong bahay ay may isang kabaong, na tahimik at nakasara. At doon nakahimlay ang walang malay na si Olivia. Walang nakakaalam. Ang henyong dapat sana’y magliligtas ng buhay, ay siya ngayon ang iniwan sa dilim. Nakakalungkot, may pighati ang kanyang isipan na tila buhay pa ito at sumisigaw, naghahanap ng tulong. "May nakakarinig ba sa akin? tulungan ninyo ako! hindi ako dapat na andito" Kahit walang hininga ay may namumuong luha at lumabas mula sa kanyang mga mata. "Papa.. Aunti.. Kuya.. nasaan na kayo? please.. andito ako.. natatakot ako.." Walang tigil ang mga luhang lumabas mula sa mga mata ni Olivia. Natatakot man ngunit hindi siya sumusuko, marami pa siyang pangarap sa buhay, ang imahinasyon niya ay ang maging tanyag na doktor, ngunit paano na? Siya ngayon ay iniwan sa dilim. Sa labas ng bahay, nagsimulang bumagsak ang ulan. At sa bawat patak nito, parang may bumubulong, na ang katotohanan. Ay hindi mananatiling nakabaon magpakailanman. Sa kabilang dulo ng lungsod, hawak ni Marco ang cellphone niya, paulit-ulit tinatawagan ang numero ni Olivia. “Pick up… please…” halos pabulong niyang sabi. Ngunit puro ring lang ang tunog nito, hanggang sa tuluyang naputol. Napaupo siya, at napahawak sa kanyang ulo. “Hindi ka pwedeng mawala ng ganito, Olivia…” Mariin niyang kinuyom ang kanyang kamao. “May nangyari sa’yo. Ramdam ko.” At sa sandaling iyon, buo ang kanyang desisyon. Hindi siya titigil. Hindi siya susuko. Hahanapin niya ang katotohanan, kahit pa ang katotohanang iyon ang sumira sa kanya. Sa parehong oras ng gabi ay, nakatayo si Sharina sa balkonahe, sa mansyon ng family Merlin pinagmamasdan ang ulan. Ngumiti siya. “Goodbye, Olivia.” Halos matawa siyang isipin na wala na si Olivia sa buhay nila, gumaan ang pakiramdam ng isang half-sister na tahimik na pumatay. Habang ang alam ng lahat ay biglang nawala si Olivia, ng walang nakaka alam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook