WALANG malay na dinala si Raven sa emergency room. Naaksidente ito sa habang nagdadrive papunta sa simbahan. Maigi na lang at maraming tao sa lugar ng pinangyarihan at agad nadala si Raven sa ospital. "Sino po ang kasama ng pasyente?" tanong ng doktor nang lumabas ito mula sa emergency room. "We are his parents," sagot ni Armando habang hawak ang kamay ng umiiyak na asawa. "We need to do an urgent operation sa ulo niya. Medyo malakas ang impact ng pagkakauntog niya. And I hope na makayanan niya ang operasyon," paliwanag ng doktor na nakatingin sa mag asawa. "Doc, gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo para makaligtas ang anak ko," tumutulo ang luha na sabi ni Regina. Naisip nila na kasal pa naman ngayon ng anak. Tapos ito pa ang nangyari. Sana hindi na lang nila pinayagan ang anak n

