NAGING busy ang magkasintahan sa pag aayos ng nalalapit nilang kasal. Kailangan nilang maihanda ang lahat ng dapat ayusin. At excited na silang dalawa sa gaganaping kasal nila. Hindi magkamayaw ang kanilang ginagawa para maging espesyal ang araw na 'yon. Sakto rin na umuwi ang mga magulang ni Raven sa bansa. At hindi nila tinutulan ang desisyon niyang pakasalan si Mila. "Sweet, are you happy?" tanong ni Raven kay Mila. Habang nasa likuran ito ni Mila at yakap si Mila. Tinanggal ni Mila ang pagkakayakap sa kanya ni Raven at humarap dito. Ngayon lang din sumaya nang ganito si Raven. Simula ng makita niya si Mira, ang anak niya. Wala na siyang ibang naisip kundi ang mapabuti ang anak, pati na rin si Mila. Naghirap ang kalooban ni Mila noon nang dahil sa kanya. Dahil sa hindi pagtanggap ni

