Chapter 2

2000 Words
Tila magnet ang labi ni Precious Angel na minamagnet si Drake dahil kusang gumalaw muli ang kamay niya patungo sa labi ng natutulog na dalaga at hinaplos iyon. Napapikit siya. Kay tagal niyang hinintay na mahawakan ang malambot na labi nito. Ang sabi niya sa sarili, hahaplusin lang niya ang labi ni Precious Angel upang hindi ito magising. Pero sadiyang suwail ang kanyang puso, ang labi niya. He found himself kissing her… Okay, mabilis na halik lang ang gagawin niya para matitigan pa niya ito ng matagal. Ayaw rin niya na matakot ito sa kanya, baka kasi magbago pa ang isip nito at bawiin ang pakikipag-deal sa kanya. Pero syempre, he wouldn't let that thing to happen. He will make sure na hindi na ito makakapag-taray sa kanya. At ang labi nito ay hindi na sasambit ng pagkamuhi sa kanya, kung ‘di papagurin at lulunurin niya ang labi nito ng matamis na halik. Habang nakapikit at ninanamnam ang labi ng dalaga. Nakalimot siya sa kanyang sarili. Hindi na magaan na halik ang ginawa niya rito. Marahil ay dala ng pagkasabik na halikan ito sa tagal ng panahon na hinintay niya. Kaya naman tuluyan na siyang nakalimot. Lumalim, dumiin at naging mapaghanap ang labi niya sa paraan ng paghalik sa labi ni Precious Angel. “Mm…” narinig niyang mahina nitong ingit dahil sa kanyang paghalik. Pero sa halip na tumigil, mas lalo lamang siyang pinag-init na halikan pa ang labi nito dahil sa narinig na munting daing nito. Kahit naman magising ito. Wala na rin palag pa sa kanya si Precious Angel dahil nakapirma na ito sa kontrata. At bilang kanyang nobya, may karapatan siyang halikan ito or gawin ang gusto niya sa dalaga tulad ng mga bagay na ginagawa ng dalawang tao na nagmamahalan… And he can’t wait for that to happen! Ang matulog ng kayakap ito sa ibabaw ng malambot niya na kama, walang saplot sa ilalim ng kumot! Sa labi pa lang nito, para na siyang mababaliw. Ano pa kaya once na, maangkin na niya ang katawan nito. Baka tuluyan na siyang mabaliw at ipasok sa mental hospital. Huwag naman sana. Ngayon pa kung kailan may dahilan na siya para mapa sa kamay niya ito. Nakapikit na pinagbaling-baling ni Precious Angel ang ulo. Nananaginip lang ba siya na may pangahas na labing umaangkin sa labi niya? Mag isa lang siya sa loob ng kwarto niya, sinigurado rin niya na naka-locked ang mga pinto ng kanyang apartment. At never pa rin siyang nagpapasok ng lalaki sa loob ng apartment niya. Well, lalong lalo naman sa silid niya. First time niyang managinip na may humahalik sa kanya. Siguro dala ‘yon ng kakakwento ng assistant niya sa kanya sa pinapanood nitong mga k-drama. Ang mga oppa na sinasabi nito sa kanya. Gwapo naman talaga ang mga ito, pero sadyang wala siyang hilig sa lalaki. Hindi siya madaling ma-attract sa mga artistang lalaki or kahit pa sa mga gwapo at maputi na oppa-oppa na mga korean na ‘yon. Iyon din ang dahilan kung bakit kahit umidad na siya ng 25 years old ay NBSB (No Boyfriend Since Birth) pa rin siya. Wala naman siyang pakialam kung wala pa siyang naging nobya, kasi hindi pa naman ‘yon ang priority niya in life. Ang tanging gusto niya ay mapalaki pa niya ang maliit na nursery school niya at makabili ng sariling bahay at lupa. Stable na income para sa kanyang tiyahin na matandang dalaga na nagpalaki sa kanya. Hindi naman niya gustong matulad sa tiyahin niya na tumandang walang asawa. Gusto rin niya na lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya. Pero hindi pa lang sa ngayon, wala pa siyang napupusuan na lalaking papasok sa standard niya. Ayaw niya ng hambog at manyakis na lalaki na gusto lang maka-first base sa kanya sa unang date pa lang nila. Big ‘NO’ siya sa mga ganiyang uri ng lalaki. Kaya naman tinigilan na lang muna niya ang pagtanggap ng manliligaw. “Mm…” daing niya nang sipsipin ng kung sinong lalaking humahalik sa labi niya. Napaisip siya. Panaginip lang nga ba talaga ang lahat? Pero nang maramdaman niyang kinagat nito ang ibabang labi niya, agad siyang nagmulat ng mga mata. At ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng ang mukha ng lalaking kanina lang ay kasusap niya, ang lalaking dahilan kung bakit problemado siya ngayon ay siyang sasalubong sa kanya paggising niya. Mabilis niyang tinulak ito sa dibdib palayo at nagmamadali siyang tumayo sa kama. “B-bakit narito ka sa loob ng kwarto ko?! P-paano ka nakapasok dito sa bahay ko?! A-anong ginagawa mo dito?!” sunod-sunod niyang sambit at tinakpan ang bibig na hinalikan ni Drake gamit ang palad. Umupo si Drake sa kama. Tinitigan niya ang takot at namumutla na si Precious Angel. Gusto niyang matawa dahil sa kilos nito, daig pa ang nakakita ng multo, no. Hindi lang multo, para itong pinasok ng masamang tao tulad ng akyat at magnanakaw dahil sa takot. “Baka nakakalimutan mo, ako na ang bagong may ari ng building na ‘to,” kalmado niyang sagot sa dalaga. Kinuha niya ang susi sa bulsa. “At dahil ako ang may ari ng building, I have my own ways para makapasok dito sa bahay mo.” ngisi pa nitong dagdag dahilan upang tumaas ang kilay ng kaharap habang wini-waved niya ang hawak na susi. Napalunok si Precious Angel, yes. Ito na nga ang bagong may ari ng gusali, pero mali yata ang ginawa nito na pumasok ng walang pahintulot sa loob ng apartment niya or kahit na sino pang umuupa sa building na pag-aari nito. Mali ‘yon! Humakbang siya paatras ng isa upang magkaroon ng distansya pa kay Drake, then she compose a words.”Kahit ikaw ang bagong may ari ng building na ‘to, mali pa rin ang pumasok ka ng walang pahintulot sa umuupa ng apartment mo, Drake. Maling mali!” diin niyang sabi rito. Sinubukan niyang maging matatag sa harap nito at hindi pumiyok habang nagsasalita. Napa Halakhak naman si Drake sa narinig. Napailing-iling ito at binalik ang susi sa loob ng bulsa ng suot na pantalon. Tumayo siya at deretsong lumakad papunta sa namumutla pa rin na si Precious Angel dahil sa takot sa kanya. Bawat hakbang na gawin niya, ay siyang hakbang naman paatras ni Precious Angel palayo sa kanya. Nakatakip pa rin ang palad nito sa labi dahil sa takot na halikan niya itong muli. “Baka nakakalimutan mo, may karapatan akong pumasok dito sa loob ng apartment mo. Hindi dahil ako ang owner nitong building, ‘Yun ay dahil ako ang boyfriend mo. Have you forgotten that? Mmm? My Precious Angel?” sambit niya habang nakatitig ng malagkit sa dalaga. Napaigtad naman si Precious Angel ng magtangka si Drake na hawakan siya sa buhok kaya naman mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. “H’wag kang lalapit sa akin, Drake, sinasabi ko sa ‘yo!” pagbabanta niya sa lalaki. Walang takot naman na nilapit pa ni Drake ang sarili kay Precious Angel. “Why? Ano ang gagawin mo sa akin?” lakas loob na sabi nito. Sa pagkakataon na ‘yon, tuluyan na niyang inabot ang buhok nito. Hinaplos niya ang mahaba nitong buhok at inamoy. Ang bango ng buhok nito. Nakakaadik, partida, buhok pa lang nito ang naamoy niya. What more pa kung ang maputi at makinis na nitong balat. Napalunok naman si Precious Angel sa kapangahasan ni Drake na haplusin ang buhok niya. “S-sabi ko sa ‘yo ‘wag kang lalapit sa akin!” mataray niyang sambit, pinilit niya ang huwag gumaralgal ang boses niya. Kahit paano naman ay napangatawanan niyang hindi siya affected sa ginawa nitong paghaplos sa buhok niya. “What would you do if I want to touch you more…” binitawan niya ang buhok nito. Parang nakuryente si Precious Angel ng maramdaman niya ang daliri ni Drake na tinipon ang buhok niyang kumalat sa kanyang mukha. Inipit nito sa likod ng kanyang tenga ang mga buhok niya. “Hindi mo ako pwedeng pagbawalan na hawakan ka, my Precious Angel. Again, I’m your boyfriend, remember?” paalala niyang muli rito. “Kaya naman kahit hawakan ko ang lahat ng parte ng katawan mo, may karapatan akong gawin sa ‘yo ang bagay na ‘yon dahil girlfriend kita, dahil sa akin ka na.” pagdidiin nitong sabi. Hindi na mabilang ni Precious Angel kung ilang beses na siyang napalunok. Tila may kung ano sa kanyang sikmura na pakiware niya ay hinahalukay na ewan. Nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan. Oo nga pala. Nobyo na niya ito at kanina lang ‘yon. As in… kung bibilangin niya ay nasa… Dalawa or tatlong oras pa lang ang nakalipas. Drake tricks her. Iyon ang totoo. Tuso ito. Ang pinag usapan nila ay tatlong buwan lang siya nitong magiging girlfriend, at sa pagka tanga-tanga naman niya ay hindi niya naisip pa na busisiin ang kontrata na pinapirmahan nito sa kanya. Kaya naman ngayon ay hawak na siya nito. Huli na para bawiin niya ang pakikipag-deal sa lalaki. She signed the contract before she noticed that he tricked her. Ang sabi nito sa kanya, 3 months lang silang magiging mag boyfriend/girlfriend kapalit ng hindi na nito ipapa-demolish ang building. Pero ng paalis na siya ng restaurant kung saan sila nag usap kanina ay saka palang nito sinabi sa kanya na binago na nito ang nakasulat sa kontrata. Dahil sa halip na tatlong buwan ay naging isang taon na. Malaki-laking halaga raw kasi ang mawawala sa lalaki dahil atrasado sa pagpapa-renovate ng gusali para gawing commercial area. Kaya naman ginawa na nitong isang taon. Katatapos lang maoperahan sa puso ng tiyahin ni Precious Angel, lugmok talaga siya financially sa mga panahon na iyon kaya naman pikit mata na lang niya na tinanggap ang offer ni Drake. Matagalan gamutan pa ng kanyang tiyahin. Kaya naman hindi maaari na mawala sa kanya ang maliit niyang nursery school. Kung lilipat naman siya sa ibang lugar. Wala naman siyang pera at mahirap ang magsimula ulit sa ibang lugar. Mahihirapan na naman siyang mag-adjust, plus need din ng financial ng kanyang assistant na si Irine dahil may sakit ang asawa nito at buntis pa ito. Wala siyang choice… Kung ‘di ang sayawan ang trip ni Drake. Since after one year ay idodonate nito ang building sa nursery school niya upang mapalaki pa niya ang school. Okay na rin ‘yon sa kanya in the future dahil sure na ang kinabukasan niya at ng tiyahin niya. “D-drake… K-kahit girlfriend mo na ‘ko, wa…wala ka pa rin karapatan na pumasok dito sa loob ng bahay ko. At lapitan ako ng ganito, lalo na ang hawakan ako, at ang…” napatigil siya sa pagsasalita. Hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. “At ang halikan ka?” nakataas ang isang kilay na pagdudugtong ni Drake sa bagay na hindi maisatinig ni Precious Angel. Lumunok si Precious Angel. “Oo, Drake! Wala kang karapatan na halikan ako ng wala akong permiso. Ilang oras pa lang tayo sa deal nating dalawa, hindi pa ako ready sa gusto mo, and you tricked me for telling me na 3 months lang tayo na magiging mag boyfriend/girlfriend dahil ang totoo, one year pala! Tuso ka talaga simula pa noon, Drake! Kaya hate na hate kita—---” Nanlalaki ang mga matang napatigil siya sa pagsasalita ng sapuhin ni Drake ang mukha niya at angkinin ang labi niya! He kissed her! Mabilis na sinandal ni Drake sa sementadong pader ang likod ni Precious Angel. Hell. Kapag hindi pa ito tumigil sa pagsasalita, swear. Hindi niya mapipigilan ang sarili niya. Baka… Baka ihiga niya ito sa kama at angkinin na ang katawan nito. Ilang taon siyang naghintay na dumating ang araw na ‘yon. Her lips enticed him to kiss her roughly, passionately hanggang sa kung saan siya dalhin ng kanyang sarili. At alam niya kung saan 'yon , ang bagay na gustong-gusto niyang gawin sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD