Pilit na itinutulak ni Precious Angel si Drake sa dibdib nito palayo sa kanya upang awatin ito na halikan siya. Pero sadiyang malakas ang binata kaya nabigo siya.
Mapusok at madiin ang bawat paggalaw ng labi nito sa ibabaw ng labi niya. Ramdam niya ang labis na pagnanais nito na halikan ang labi niya. At dahil sa marubdob na halik nito sa kanya ay halos maubusan na siya ng hangin sa katawan.
Drake kissed her passionately, pressing himself against her. Hindi niya mapigil ang kanyang sarili na idiin sa balingkinitang katawan ng dalaga. And that’s because of the monster inside his pants between his thighs. He’s hunger, starves, thirsty, to take her, to own her, to claim her wholly. He waited too long, and he was tired of waiting.
Alam niya na may galit pa rin sa kanya si Precious Angel dahil sa nangyari noon. Kaya naman hindi na ito nakipag usap pa sa kanya simula ng araw na ‘yon. Isang pagkakamali, at alam niya na kasalanan naman niya. Sinira niya ang tiwala ni Precious Angel. Kaya naman hindi na muli siyang pinagkatiwalaan nito. Years passed, he knew that she still hated him. At kung hindi lang talaga gipit financially, for sure na hindi niya mapapa ‘yes’ ang dalaga na tanggapin ang maipag deal sa kanya na maging girlfriend nito.
Kaya naman hindi niya sasayangin ang pagkakataon niya. One year… One year lang ang meron siya para mapaibig itong muli at pakasalan siya nito.
“Angel, Angel,”
Mabilis na kinabahan si Precious Angel nang marinig ang tinig ng kanyang tiyahin sa labas ng pinto. Si Drake naman ay walang pakialam sa tinig na narinig nito na nagsalita. Patuloy pa rin ang paghalik nito sa labi ng dalaga.
“Angel, natutulog ka ba? Gel?” ulit ng tiyahin ni Precious Angel, medyo naiinip na ito sa labas ng pinto ng kwarto ng pamangkin.
Kinakabahan napatingin si Precious Angel sa seradura ng pinto ng galawin iyon ng tiyahin niya kasabay ng patuloy na pagkatok nito. Inipon niya ang lahat ng lakas pagkatapos ay itinulak sa dibdib si Drake palayo sa kanya.
“N-nandito ang tita ko!” may diin niyang sabi ngunit halos pabulong lang.
Gulat naman si Drake ng itulak siya ni Precious Angel. “So?” kibit balikat lang na sagot nito.
Namutla si Precious Angel sa narinig. Kinakabahan na siya. ‘So’ lang ang sasabihin nito. Hindi siya pwedeng mahuli ng tiyahin niya na may lalaki sa loob ng kwarto niya! Hindi pwede!
Agad niyang binusalan ang bibig nito gamit ang palad. “Ano ‘so?’ ang pinagsasabi mo? Hindi ka pwedeng makita ni tita.” mahinang sabi niya.
Inalis ni Drake ang palad nito. “Why not? I’m your boyfriend, remember. Kaya walang masama kung makita niya ako dito sa loob ng kwarto mo.” sagot nito.
“Exactly, Drake! Boyfriend pa lang kita. Kaya mapapagalitan ako ng tita ko, once na makita ka niya dito sa loob ng kwarto ko. Ano na lang ang sasabihin niya sa akin, boyfriend pa lang kita pero hinahayaan na kitang pumasok dito sa loob ng tayong dalawa lang.” mabilis na ani Precious Angel.
Napangiti naman si Drake sa narinig na sinabi nito. He loved it. Ang marinig niya sa labi mismo ni Precious Angel ang salitang ‘Boyfriend kita’ ay talaga naman para na siyang nakalutang sa ulap. Masarap sa pandinig niya ang salita na ‘yon.
“A-ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” nakangisi na tanong niya rito.
“Drake! Ano ba?!” She warned him. Naiinis siya dahil habang kinakabahan siya dahil sa tiyahin sa labas. Nagagawa pa nito na ngumisi sa kanya.
“Ulitin mo muna ‘yung sinabi mo kanina.” ani Drake.
Napa kunot noo siya. Ano bang trip ng lalaki na ‘to? “Anong sinabi ko kanina? Marami ‘yon, Drake?” agad niyang sagot upang matapos na.
“Yung sinabi mo na boyfriend kita, ang sarap kasi sa tenga.”
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Ngunit muli ay nagsalita ang tiyahin niya sa labas ng pinto.
“Angel, hindi mo ba ako naririnig? Gel?” madiin na sabi ng tiyahin ni Precious Angel. Naiinip at naasar na ito sa labas ng pinto dahil ngayon lang naging ganun katagal magising ang pamangkin. Dati-rati naman ay isa or dalawang katok lang niya sa pinto ng kwarto nito ay pinagbubuksan na kagad siya ng pinto kahit pa natutulog ito.
“Boyfriend kita. Okay na ba Drake!” hinila niya si Drake papunta sa loob ng banyo at tinulak niya ang lalaki sa loob. “Dito ka lang at ‘wag kang lalabas!” pagbabanta niyang utos rito.
“Sure, my Precious Angel. Basta sinabi mo, nanginginig pa ang katawan ko na susunod ako sa ‘yo!” matamis ang ngiti sa labi na sagot ni Drake.
“Tse! Ewan ko sa ‘yo!” taas kilay na pagtataray niya kay Drake at sinarado ang pinto ng banyo. “Huwag na huwag kang gagawa ng ingay r’yan, ha!” bilin pa niya sa lalaki bago lumakad papunta sa pinto.
Nang nasa tapat na siya ng pinto. Pinakalma muna niya ang malakas pagtibok ng dibdib at inayos ang sarili. Nag-inhale at exhale siya saka binuksan ang pinto.
“T-tah!” kabado niyang sambit at pinilit na umakto ng normal sa harap nito. Ngumiti siya. “Sorry po, medyo napasarap ang tulog ko.” she added.
Parang aso naman suminghot singhot ng tita niya. “May kasama ka bang lalaki dito sa kwarto mo?” animoy isang istriktong prinsipal na sabi nito sa pamangkin dahil naamoy ang panlalaking pabango sa loob ng kwarto nito. Pumasok ito sa loob ng kwarto. Pinagala ng mga mata upang i-check ang loob.
“P-po? T-tah? Ka-kasama po? Wa… wala po, ah.” hindi magkanda mayaw sa pagsagot na aniya sa tiyahin. Sunod sunod siyang napalunok habang pinagagala ng tiyahin ang mga mata sa loob ng kwarto niya. Ang lakas ng pang amoy ng tita niya. Ganun ba talaga pag matandang dalaga?
Umupo ang tiyahin niya sa kama at tinitigan siya. “Amoy perfume kasi ng lalaki,” sambit nito at dumikwatro pa ng upo.
Lihim na napalunok siyang muli. “Ah. Baka po yung pabango ng asawa ni Irene ang naamoy mo, Tita. Ini-spray-an po kasi ako ni Irene kanina dahil pina-amoy po sa akin.” palusot niya sa tiyahin. Niligpit niya ang kumot at una upang maitago ang pagkataranta niya. Iyon ang pangalawang beses niyang nagsinungaling sa tiyahin niya sa buong buhay niya.
“Ganun ba, mabango.” anang tiyahin sa pamangkin. Tumayo ito at lumakad papunta sa banyo. “Naiihi ako,”
Nanlaki ang mga mata niya, agad niyang iniwan ang ginagawa at mabilis na tumakbo para habulin ang tiyahin. “S-sandali, Ta! A-ano… Kasi…” nagkandabulol na pigil niya sa tiyahin habang nakadipa ang dalawang kamay sa harapan nito. “B-barado po ang toilet dito sa kwarto ko. Kaya kung gagamit po kayo ng banyo, doon na lang po sa ibaba.” may cr kasi sa ibaba ng apartment niya dahil naroon ang maliit na nursery room niya. Kinder 1 and kinder 2. 15 pupils ang capacity na kasya ng ng classroom na meron siya. She do one on one tutorial din sa mga primary pupils pandagdag sa kita niya.
Napatuwid ng tayo ang tiyahin niya dahil sa pagka wirdo ng kilos niya. “May tinatago ka ba, Gel? Ano ba ang problema mo?” wika nito sa pamangkin dahil halatang kinakabahan ito at pinagpapawisan pa. “Pinagpapawisan ka,” she added.
Mabilis niyang pinahid ang malapot na pawis sa mukha. “Mainit po kasi, Tita. Kaya nga po maliligo ako eh!” dahilan niya. Nginitian niya ito. “Doon na lang po kayo sa ibaba umihi, maliligo naman po ako dito sa taas!” aniya at mabilis na pumasok sa loob ng banyo.