Ang nakangising mukha ni Drake ang sumalubong kay Precious Angel pagpasok niya sa loob ng banyo. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
“Siya nga pala, Angel. Next time, ‘wag mong kalimutan na i-lock ang pinto ng apartment mo sa baba. Mahirap na, baka mamaya pasukin ka ng masamang tao, alam mo naman ang panahon ngayon, maraming akyat bahay.”
Narinig niyang wika ng tiyahin niya sa labas ng pinto. Gusto niya sana na sagutin ang tiyahin na mali ito. Dahil may nakapasok na sa loob ng bahay niya na masamang tao at nasa harapan niya ito ng mga sandaling ‘yon.
“Hindi ako akyat bahay, ha. Pero pwede rin, basta ang puso mo ang nanakawin ko!” biro ni Drake sa kanya.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata at binusalan ang bibig gamit ang palad. “Tumahimik ka! Kasalanan mo ‘to, hindi mo ni-lock ‘yung pinto sa ibaba.” paninisi niya rito dahil hindi ni lock ni Drake ang pinto ng pumasok ito kanina sa bahay niya.
Nag-twinkle ang mga mata ni Drake sa narinig. “Sorry, don’t worry next time i-lo-lock ko na talaga ang pinto para walang istorbo sa atin,” he smirked at her.
Diniin niya ang palad sa labi nitong nakabusal. Kahit nakatakip na ang palad niya sa bibig nito, madaldal pa rin talaga at hindi ito mawalan ng isasagot sa kanya!
“Opo, Tita, nakalimutan ko lang po talaga kanina dahil antok na antok na po ako.” sagot niya sa tiyahin, na ang mga mata ay kulang na lang lunukin ng buhay si Drake.
“S’ya nga pala, Angel. May tutor ka ba ngayon? Kasi kung wala, baka pwede tayong sumaglit sandali sa mall. May bibilin lang ako gamit sa kusina.”
“Um, bakanteng oras ko na po Tita, sige po. Sasamahan ko po kayo,”
“Okay, salamat. Bilisan mo na lang din maligo para makaalis tayo ka agad at makauwi bago dumilim.”
Napalunok siya. Oo nga pala. Huli na para maalala niyang dinahilan nga pala niya sa kanyang tiyahin na maliligo siya. Pero paano? Nasa loob ng banyo ng herudes na lalaking nasa harapan niya!
Inalis ni Drake ang palad niya na nakatakip sa bibig nito. “Go, baby. Maligo ka na, babantayan kita.” he whispered and grinning at her.
“Bantayan mo mukha mo!” mabilis niyang sagot kay Drake. Ano siya, sinuswerte para panoodin siyang maligo? No way!
“Angel may kausap ka ba d’yan sa loob ng banyo?” tanong ng tiyahin niya sa kanya dahil sa pagkabigla niyang sumagot sa lalaki, hindi niya na-control ang timbre ng boses.
Muli ay binusalan niya ang bibig ni Drake gamit ang palad. “P-po, Tita? Ka-kausap po? W-wala po, Tita. Sino naman po ang kakausapin ko dito sa loob ng banyo?” halos magkanda buhol buhol ang dila na pagsisinungaling niya sa tiyahin.
“Para kasing may kausap ka diyan sa loob, naririnig kitang nagsasalita ka.”
“Ay, hindi po Ta, nagpa-practice po ako ng kanta para bukas sa mga estudyante ko po.” palusot niya.
“Ah, okay. Oh siya, sige na. Punta muna ako sa ibaba para umihi, bilisan mong maligo r’yan, ha.” wika ng tiyahin niya at lumabas na ito ng pinto na naiiling pa rin dahil pakiramdam talaga nito ay may kausap ang pamangkin na sa loob ng banyo. At malakas ang duda niya sa naamoy na perfume ng lalaki sa silid ng pamangkin. Iba kasi, naiwan ang amoy ng pabango ng kung sino man lalaki ‘yon.
Sandali siyang nakahinga ng maluwag dahil lumabas ng silid niya ang tiyahin, pero alam niyang nasa ibaba lang ito upang gumamit ng banyo kaya naman hindi pa talaga siya makahinga ng maluwag dahil kasama pa niya si Drake sa loob ng banyo. Plus hindi naman niya ito mapapalabas sa mga sandaling ‘yon dahil nasa ibaba lang ang tiyahin niya.
“Talikod!” utos niya kay Drake.
Mabilis naman na umiling si Drake. “Ayaw ko,” nakalabi na pagmamatigas nito. Excited na makitang naliligo si Precious Angel.
“Drake ano ba? Sinabi ko nang talikod, eh!” napalakas niyang sabi rito dahil naiirita na siyang talaga.
“Ops… don’t shout baby, nasa ibaba lang si tita.” mapang asar na sabi nito. Inalis ang palad ni Angel sa bibig nito at itinuro ang shower gamit ang labi. “The shower is waiting for you, baby. So, take your clothes off and go take a shower.” he added with a big smile on his lips.
“Eh kung tadyakan kaya kita r’yan, gusto mo? Ano tingin mo sa akin uto uto para sumunod sa ‘yo?” pagtataray niya rito. Gusto pa siyan isahan. No way! Hindi siya maghuhubad sa harapan nito! Never!
“Aws. Hindi ko naman alam, mapanakit ka na pala ngayon, baby. But it’s okay, I liked that. Gusto ko talaga sa babae ‘yung mapanakit, gustong gusto ko kasi yung sinasaktan…” nilapit ni Drake ang bibig sa tenga niya malambing na bumulong. “Sa kama,”
Awtomatikong nagtayuan ang balahibo niya sa katawan sa narinig. Ang halay talaga ng lalaking ‘to! “Ew! Napaka-pervert mo talaga! Bastos!” singhal niya rito. Iniisip pa lang niya, nadidiri na siya dahil alam niya marami ng babae ang nahalikan ng labi nito. At sure siya na ngayon nasa tamang gulang na ito, marami na rin itong naikama for sure. Marami ng butas ang pinasukan ang ano nito. Iniisip pa lang niya, nandidiri na siya!
“Well, I’d like being a pervert at bastos, especially when it comes to you, my Precious Angel.” proud na sagot ni Drake sa kanya. Mas lalo siyang nainis sa narinig. At proud na proud pa talaga ito na tawagin niyang pervert at bastos? The nerve!
“Drake ano ba? You’re not funny, okay. Any time babalik na si tita, kaya kailangan ko nang matapos maligo ka agad. So, please. Talikod na!” pagmamakaawa niya pero ang timbre ng boses ay bossy pa rin sa lalaki. Tulad noon, hindi siya yuyuko sa isang Drake Morgan. Hindi siya tulad ng ibang mga girls na madaling nahuhumaling at bumibigay sa ngiti nito. Hindi na siya tulad noon. Iyon ang the best term niya sa sarili. Niloko at pinaglaruan siya ni Drake. Mabuti na lang talaga at bago pa siya tuluyang mahulog sa pakilig kilig at mabulaklak nitong dila ay natuklasan na niya ang kagaguhan nitong pinaggagawa sa kanya.
Kahit mataas pa rin ang pride ni Precious Angel, tumalikod na lang si Drake para makaligo ito. Since nag ‘please’ naman ito kahit pa pagalit pa sa kanya, okay. Pagbibigyan niya ito. Pero hindi na mamaya!
“Okay, tatalikod na ako, alam mo naman masunurin ako sa ‘yo. Ikaw pa, loves kita!”
Mabilis na tumapat si Precious Angel sa shower at ini-on iyon. Maliligo na lang siya ng nakasuot ang damit para safe siya. Hadalian ang pag sasabon niya sa katawan maging ang pag shashampoo ng buhok. Ang mahalaga ay mabasa ang katawan niya upang mag mukha siyang bagong ligo. Habang nasa dutsa siya ng tubig mula sa shower, at abala sa paliligo. Si Drake naman ay mahinang sumisipol at pakanta kanta pa habang nakatalikod ito.
“Tanong mo sa akin
Sino ang aking mahal,
Tanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal…”
Okay, alam niyang may ‘K’ itong kumanta noon pa man, kaya nga maraming nahuhumaling dito dahil dagdag pogi points nito ang swabeng boses. Ang sarap sa tenga noon pa man.
Mabilis siyang napailing. Tsk. Precious Angel, you hate him, remember? Hate mo siya. Kaya hindi mo gusto ang boses niya!
“Oh my gosh!” sambit niya at mabilis na tumakbo sa gawi ni Drake upang patahimikin itong kumanta dahil narinig niya ang langitngit ng bumukas na pinto ng silid niya. Bumalik na ang tita niya sa loob ng kwarto niya!
Ang gusto lang naman niya ay patahimikin si Drake. Pero sadyang nakakainis ang sandaling iyon, dahil nadulas pa siya! Mabuti na lamang ay agad na pumihit si Drake paharap kay Precious Angel nang marinig niya ang paglagatok ng tsinelas nito sa tiles. Agad niyang sinalo ng yakap ang basa nitong katawan habang patuloy pa rin sa pagkanta.
“Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman,” sambit niya sa harapan nito na ngayon ay namumutla sa takot dahil akala nito ay tatama sa titles ang katawan.
“It’s okay, baby. I got you,” he winked at her. At mas niyakap pa ito ng mahigpit.
Dali-dali inilayo ni Precious Angel ang sarili sa bisig ni Drake. “Kasalanan mo kasi ‘to!” paninisi niya rito sa halip na magpasalamat dahil nasalo siya nito at hindi nabagok sa tiles doon sa banyo.
“What? Ako na naman ang may kasalanan? I just saved you, baby. Wala akong ginawa sa ‘yo.”
Inirapan niya si Drake. “Anong wala, hindi mo ba narinig na nariyan na si tita sa loob ng kwarto ko? Tapos pakanta kanta ka pa r’yan?” Tinalikuran niya ito at mabilis na tumapat sa dutsa ng shower. Mabuti na lang at malakas ang sound ng lagaslas ng tubig sa shower kaya naman hindi sila maririnig ng tiyahin niya.
“Hindi ka pa tapos, Angel?” wika ng tiyahin niya sa labas ng pinto, rinig niya na may ginagawa ito sa loob ng silid niya. Sure siyang nagliligpit ito sa kanyang kwarto.
“Um, five minutes po, Tita. Patapos na po ako,” sagot niya rito, at pinandilatan ng mga mata si Drake dahil hindi na ito tumalikod, nag enjoy na ang damuho na panoorin siyang maligo.
“Tumalikod ka!” taas kilay na sita niya rito.
“Okay po, ito na, tatalikod na ‘ko. Sayang, ang ganda pa naman ng view, ang sarap sa eyes! Kaso ang damot mo,” ngisi na maktol ni Drake sa kanya at tumalikod ito.
Napatingin siya sa kanyang harapan. Bakat pala ang kanyang dibdib. Kahit maliit lang ang size ng mga 'yon, she felt molested! Wala pang ibang mata ang nakakita sa kanya sa loob ng banyo. Kahit pa may damit na nakatakip sa katawan niya. Alam niyang mahalay na tinititigan ni Drake ang dibdib niya!
ANG PERVERT TALAGA NG LALAKING 'TO!