Nagmamadaling tumatakbo si Precious Angel papunta sa comfort room ng oras na iyon. Kailangan niyang magmadali dahil konting oras na lang ay isasara na ng janitress ang CR ng paaralan. 6: 00 PM ang dismissal nila ng last subject nila. Pero dahil cleaner siya kaya naman medyo na late siya ng ilang minuto sa paglabas ng classroom. Kanina pa niya pinipigilan ang kanyang pantog habang naglilinis sila ng mga classmate niya ng silid aralan.
Hinihingal siya na nakarating ng ladies room. Luminga-linga siya at nagbabakasakali na may natitira pa na estudyante sa gawi ng comfort room. Nang wala siyang nakita ni isang estudyante doon. Huminga siya ng malalim saka dahan-dahan na binuksan ang pinto ng mahabang palikuran ng pambabae.
Malakas ang kabog ng dibdib niya sa takot dahil kusang pumapasok sa isipan niya ang mga nakakatakot na usap-usapan sa comfort room na iyon. Pero kahit sobrang natatakot na siya, she can't hold her pee any longer. Kailangan na talaga niya ang gumamit ng banyo.
Pigil ang paghinga at mabilis siya na pumasok sa unang cubicle at nagmamadali na gumamit ng toilet bowl. Hindi na nga niya namalaya na sa lapag na pala niya inilapag ang bag at ang mga dala niyang libro. Gusto niyang magtampo sa dalawang kaibigan niya, kung bakit naman kasi hindi siya hinintay ng mga ito.
Nasa kalagitnaan na siya ng paggamit ng toilet ay bigla siyang may marinig na tila humahalinghing sa loob ng banyo! Dahil kulob iyon kaya naman umi-echo pa ang halinghing ng isang babae at hinahaluan pa ng halinghing ng isang lalaki!
Nanlamig ang buong katawan ni Precious Angel dala ng takot sa narinig niya na iyon. Pakiwari kasi niya ay tila napo-poses ang halinghing ng babae—--no. Sa tinig nito ay sure siya na kaedaran lang niya ang mga tinig na iyon.
Mabilis niya na itinaas ang underwear at ang suot nito na skinny short at palda. Akma na sana niyang pupulutin ang bag at mga libro sa lapag nang marinig niyang muli ang tinig ng mga ito.
“Ohhhh... ahhh... D-Drake! I want that!" Impit na daing ng babae na tila nahihibang sa nangyayari sa loob ng cubicle na iyon. Hindi siya maaring magkamali. Kahit pa wala siyang karanasan na makipag nobyo. Batid niya niya na daing iyon ng isang babaeng pinapaligaya ng isang lalaki!
She shook her head. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan niya ng mga sandaling iyon. Ang mga kabataan talaga masyadong mapusok. Tama ang sinasabi ng tita niya sa kanya! Ang babata pa eh puro makamundo na ang alam gawin sa buhay sa halip na ang mag-aral ng mabuti.
Mabilis niyang pinulot ang mga gamit sa lapag at dahan-dahan na binuksan ang pinto upang hindi makalikha ng ingay. Natatakot siya na marinig ng mga ito.
Nakahinga siya ng maluwag ng mabuksan niya ang pinto na hindi lumikha ng kahit na konting ingay upang hindi magambala ang mga kasama niya roon sa banyo, sa ginagawa ng mga ito.
Ngunit ganon nalamang ang pagkagulat niya ng pagkabukas niya ng pinto ay saka naman bumukas din ang pinto ng huling cubicle at iniluwa doon ang kaklase niya! Ang tinig ng babae na narinig niya ay mula pala sa kanyang kaklase! Huli na ang lahat para muli siyang bumalik sa loob ng cubicle na nilabasan niya.
Nanlalaki ang mga mata na nagka-gulatan pa sila ng kaklase na si Tasha. Ilang sandali na walang nakakilos sa kanilang dalawa. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palayo ng comfort room na iyon. Kinakabahan siya.
Kailangan ba niya na humingi ng paumanhin sa kaklase dahil hindi niyang sinasadya na masaksihan ang makamundong bagay na ginawa nito sa loob ng cubicle na iyon kasama ang lalaking katabi nito.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkuwan ay mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng banyo.
Tila tumakbo ng isang kilometro si Precious Angel sa sobrang pagod dahil sa ginawa niyang pagtakbo para lang makalayo kaagad sa lugar na iyon. Hiyang-hiya siya sa sarili lalo't nakita siya ng kaklase.
Baka isipin pa nito na binosohan niya ang mga ito habang may ginagawang milagro doon sa banyo. Susmaryosep! Patawarin siya ng poong maykapal. Hindi niya intensyon na magkasala ang tainga niya sa makamundong pagnanasa na iyon ng dalawang kapwa estudyante niya ng paaralan.
Nisahinagap sa talambuhay niya ay hindi pa siya nakapanood ng malalaswang mga movies ultimo ang mga kissing scene na sa mga palabas sa t.v dahil pinagbabawalan siya ng tiyahin niya na manood.
Kabilin-bilinan ng tiya niya na huwag siyang manonood ng mga ganon eksena sa t.v o kahit na ano pang mapapanood niya. Dahil once na makapanood siya nito baka maging curious siya at maisipan pa raw niyang gawin ang mga bagay na iyon katulad ng mga mapupusok na mga kabataan ngayon.
Minsan pinipilit na lang niya na makinig sa tiyahin niya kahit na binging-bingi na siya sa paulit-ulit na sinasabi at pangaral nito sa kanya sa usaping pagno-nobyo at kiss-kiss na ‘yon.
Pati na sa pakikipagkaibigan niya ay pinapakialaman din nito kung minsan. kaya naman pilit siya nitong pinapaiwas sa dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Camille at Monica. Anang tiyahin niya sa kanya.
Hindi raw magandang impluwensya para sa kanya ang dalawang kaibigan niya dahil sa masyado itong mga galaw-gaw at maiingay. Parang hindi mga dalagang pilipina kung magsi-tilian pag nakakakita ng gwapo. Akala mo'y sinisilihan ang mga tinggil kung kiligin.
Ang kaso, sina Monica at Camille lang naman ang kaibigan na meron siya, bukod sa mga ito ay wala na siyang kaibigan at ka-close pa sa school. Masyado kasi siyang tahimik at mahiyain na mag-aaral. Iyong tipong dahon ng damo ng makahiya, once na magalaw lang ng bahagya ay mabilis na titiklop upang magtago. Ganun na ganun siya sa ibang tao. Kaya naman kahit malayo ang personality niya sa dalawang kaibigan, okay lang sa kanya. Nag-eejoy siyang makasama ang mga ito.
Kinaumagahan ay kinakabahan si Precious Angel sa kanyang pagpasok sa paaralan. Hindi niya makita ang school I.D niya sa loob ng kanyang bag kagabi pa. Tanda niya ay nilagay niya iyon sa loob ng bag niya. Pero hindi niya ito makita kahit pa tinaktak na niya ang lahat ng gamit sa loob ng bag kagabi. Pero wala pa rin siyang nakita na I.D doon.
Huminga siya ng malalim at niyakap ang dalang libro. Halos matawag na niya ang lahat ng santos sa langit na sana ay hindi mapansin ng dalawang bantay na guard sa gate ng paaralan na wala siyang suot na I.D.
Nakayoko siya at mabilis na naglalakad papasok sa paaralan. Nakahinga siya ng maluwag nang makalagpas siya sa gate na hindi na no-notice ng mga bantay na guard na wala siyang suot na ID.
" Good Morning! Hija, pakisuot po ang ID. " Nahigit niya ang paghinga ng marinig ang tinig ng isang guard sa kanyang likuran. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Paano kung hindi siya papasukin ng guard dahil sa nawawala ang school ID niya!
Kagat ang pang-ibabang labi na dahan-dahan siyang humarap sa nagsalita.
"Good Morning din po, Sir. " Kinakabahan niyang sagot sa guard.
"Paki suot po ng ID. " Ulit na sabi ng lalaki sa kanya.
"Uh… Ano… Ano po kasi.. Nawawala po kasi ang ID ko Sir." Nakayuko niyang pag-amin sa guard.
Napakamot sa ulo ang guard. “Naku, hija. Alam mo naman ang policy ng paaralan di'ba? "NO ID NO ENTRY." Kung nawawalan ka ng ID bakit hindi ka nag-report sa Adviser mo? Para magawan kaagad ng aksyon. Saan ba nawala ang ID mo? "
"Sa totoo lang po kuya, hindi ko po alam kung saan ko naiwan ang ID ko. Basta po ang alam ko nasa loob ng bag ko lang 'yon, eh." Natutup niya ang bibig. Tama! sa CR siguro niya iyon naiwan kahapon! Inipit nga pala niya sa dala niyang book ang ID niya kahapon!
"Ano, hija. Saan mo na iwan 'yong ID mo?" wika ng guard sa pananahimik niya.
"Sir, baka naman po pwede na papasukin n'yo ako kahit ngayon araw lang po. Hahanapin ko po ka agad ang ID ko, baka po kasi sa class room ko lang 'yon naiwan. Sige na po Sir, may report po kasi ako sa Filipino subject namin ngayon kaya hindi po ako pwede na um-absent. Please po. Promise po hahanapin ko ang ID ko." Pagmamakaawa niya sa guard na pahintulutan siya nito na pumasok kahit na wala ang ID niya.
Napa kamot sa ulo ang lalaki na tila nag-iisip sa isasagot sa kanya.
"Oh sige, hija. Papapasukin kita, pero hanapin mo yung ID mo ah. Bukas hindi na kita papasukin pag wala pa rin ang ID mo. Kami naman ang malalagot sa management nito.”
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig na sinabi ng guard, pero kailangan niyang makita ang ID niya dahil bukas hindi na siya papasukin sa gate.
“Maraming salamat po talaga, Sir! Promise po hahanapin ko po ang ID ko!” masaya niyang turan. Filipino subject ang first subject nila ng umaga na iyon, kaya naman hindi talaga siya maaaring ma-late. Hindi pwede na bumaba ang academic grades niya dahil need niya iyon sa scholarship sa kolehiyo. At ang performance sa report niya sa Filipino subject ay dagdag grades sa kanya. Magagalit din ang mga ka-group niya sa kanya if hindi siya makakapasok sa araw na iyon dahil pati ang mga ito ay automatic na zero ang magiging grades sa report. May pagka-terror pa naman ang subject teacher nila.
Habang nakatayo siya sa harap ng mga kaklase at abala sa pagrereport, sa gitna ng pagiging busy niya sa topic na inirereport ng group niya. Napatigil siya sa pagsasalita ng may kumatok sa nakabukas na pinto ng kanilang classroom.
“Yes,” wika ng kanilang subject teacher sa kumatok sa pinto. Namilog ang mga mata niya ng mapagsino niya ang estudyante nasa pinto—-may hawak itong ID. Yes! ID niya ‘yon dahil kulay pink ang holder.
“Good morning po Ma’am, ibibigay ko lang po sana ‘tong ID ni miss Precious Angel Manalili.”
Sabay na napatingin sa kanya ang subject teacher nila at ang lalaki na nagsalita. Kilala niya ang lalaki. Marami siyang naririnig tungkol sa Drake Morgan na ‘yon!
“Precious Angel, ibibigay daw niya ang ID mo.” anang teacher sa kanya kaya naman mabilis siyang lumakad papunta sa pinto.
“T-Thank you,” sabi niya sa lalaki. At dahil mukhang walang balak na iabot sa kanya nito ang ID niya. Siya na ang humila niyon mula sa kamay nito. Palihim pa silang naghilahan sa holder ng ID niya dahil ayaw pakawalan ng kaharap niya.
Pasimpleng tinaasan niya ito ng kilay. “Thank you ulit sa pagsauli ng ID ko,” ngiti niyang sabi at hinila ang holder ng ID niya. Pero ayaw pa rin pakawalan nito.
“Okay, tapusin n’yo na ‘yan at may report ka pa Angel.” anang teacher sa kanila dahil hindi pa rin matapos ang pagkuha niya sa ID niya sa lalaki.
“O-Opo, Ma’am.” mahinang sagot niya sa guro. Hinarap niya ang lalaki, ang guro naman nila ay lumakad papunta sa lamesa nito at naupo sa silya.
“Hi, I’m Drake.” preskong pakilala nito sa kanya.
“Thank you, Drake.” Yes. Alam niya na ito si Drake. At hindi na nito kailangan magpakilala sa kanya dahil kilala na niya ito. What she mean is. Kilalang kilala sa buong school dahil sa pagiging playboy. Ang basketball player ng school nila. CAT officer din ito yun ang alam niya.
“Mas maganda ka pala sa personal kaysa sa picture,” narinig niyang sabi nito kaya naman tumaas ang kilay niya. Kung paano ang pagkakakilala niya sa kaharap base sa mga naririnig niya, ganun na ganun nga itong talaga. Mabulaklak ang dila at masyadong pa-pogi.
Hinila niya ang holder ng ID niya at thank God dahil nakuha na rin niya ito sa palad ng kaharap. Nilagay niya sa bulsa ng palda ang ID niya. “Thank you ulit,” aniya at tinalikuran na niya ito at walang lingon-likod na bumalik siya sa harapan para ipagpatuloy ang reporting ng group niya.
Pagkatapos nilang mag-report ay saka palang niya kinuha ang ID sa bulsa ng palda niya. Kumunot ang noo niya dahil may nakita siyang nakaipit sa ID case niya. “Ano ‘to?” sambit niya sa sarili at agad na kinuha iyon.
Hi, beautiful. Would you be my date on our prom night?
Drake.
“Angel, Gel. Nakikinig ka ba sa akin?” ang tinig ng tiyahin niya na iyon ang pumutol sa malalim niyang pag-iisip sa nakalipas habang nakapila sila sa counter para magbayad ng kanilang napamili.
“P-po? Tita? May sinasabi po kayo?” aniya sa tiyahin.
“Kanina pa ako salita ng salita Angel, ikaw ‘tong kanina pa lutang at wala sa sarili.”
“A-ano… Sorry po Tita. Sumakit po kasi bigla ang ulo ko. Ano po ba ‘yon?” pagsisinungaling niya. Pero tama ang tita niya. Kanina pa siya wala sa sarili dahil iniwan niya si Drake sa loob ng apartment niya. At umaasa siyang pagbalik niya ay wala na ito sa bahay niya.
“Ang sabi ko mag-order na lang tayo ng food para sa hapunan,” anang tiyahin niya. Binayaran nito ang mga pinamili sa cashier. Pinag tig-isahan nilang bitbitin ang plastic bags ng groceries at lumakad na sila palayos sa counter para um-order ng kanilang hapunan.