Chapter 6

1282 Words
Hinatid ni Precious Angel ang tiyahin niya sa bahay na tinitirhan nito. Simula nang magkaroon siya ng maliit na nursery school, hindi na sila magkasama ng kanyang tiyahin sa bahay. Gustuhin man niya na isama ang tiyahin niya sa kanyang apartment, ayaw naman nito dahil mas gusto ng kanyang tiyahin na mamuhay ng mag-isa. Ganun pa man. Tuwing araw ng sabado at linggo naman ay doon siya nagpapalipas ng gabi sa bahay ng kanyang mga magulang, ang bahay na tinitirhan ng tiyahin nito. Hindi naman malayo ang bahay na kinalakihan niya sa apartment dahil isang sakay lang ng tricycle ay makakapunta na rin ka agad ang kanyang tiyahin. “Ingat po kayo dito tita, alis na po ako.” nakangiti niyang turan sa tiyahin matapos ihatid ito sa loob ng bahay. Kumuha ng malamig na tubig ang tiyahin niya sa ref, uminom muna ito bago sumagot sa kanya. “Oh sige, salamat Angel. Mag-ingat ka rin. Sige na, umuwi ka na't baka malaki na ang singilin sa ‘yo ng tricycle driver.” anito. Nasa labas kasi ang tricycle driver na sinakyan nila galing sa mall. Pinaghintay na lang niya ito since sasakay rin naman ulit siya ng tricycle pauwi sa apartment niya. “Okay po, tah, alis na po ako.” humalik muna siya sa pisngi ng tiyahin saka sumakay ng tricycle. “Ingat ka, Angel!” wika pa ng tiyahin sa kanya. “Kayo rin po tah, tawag lang po kayo sa akin ka agad pag may kailangan ka. Love you po.” aniya rito. Ang tiyahin niya ang nagpalaki sa kanya kaya naman mahal na mahal niya ito. Habang sakay siya ng tricycle pauwi sa kanyang apartment. Iniisip niya na sana. Sana ay umalis na ang pasaway na lalaki sa kanyang bahay. Matutulog siya ng maaga pagkatapos niyang kumain ng hapunan. She ordered spaghetti and a burger for her dinner. Sapat na sa kanya ang pagkain na iyon. She’s too healthy conscious kaya naman hindi siya madalas umiinom ng softdrinks or any beverage drinks na high in sugar. Naging routine na rin ng sistema niya ang maging healthy conscious sa lahat ng pinapasok niya sa katawan niya dahil sa senior na kanyang tiyahin. And she’s fine with that healthy routine of her daily lifestyle. Pagka-abot niya ng bayad sa tricycle driver ay mabilis niya na binuksan ang gate. Lihim siyang napangiti dahil naka-locked na ito. Meaning, umalis na si Drake sa apartment niya! Mabuti naman kung ganun. Payapa ang kanyang gabi. Bitbit ang plastic ng pagkain niya ay sinusian niya ang pinto ng kanyang apartment sa second floor. Nakangiti siya habang binubuksan ang pinto ng kanyang kwarto, ngunit mabilis din napalis ang ngiti sa kanyang labi ng bumungad sa kanya si Drake, abala ito na busisiin ang kanyang mga gamit. At wala itong saplos pang-itaas! Napalunok siya at mabilis na tumalikod dahil na pasulyap ang mga mata niya sa mabalahibong abs ng lalaki. Por Dios, por Santo! “Pwede ba, magdamit ka nga, Drake!” asik niyang utos rito. Nakikibahay na nga lang ito ay may lakas pa ng loob na i-display ang katawan sa apartment niya! Nakangisi ito na humarap sa kanya at binitawan ang hawak na xerox copy ng lesson na ituturo niya para bukas sa kanyang mga estudyante. Mabilis siyang pumihit patalikod rito ng nakapikit ang mga mata at pilit na binubura ang nakita niya. Pero kahit anong pilit niyang utusan ang sarili, hindi niya magawa pa! Pakiramdam niya ay nakatatak na sa isipan niya ang nakita niya… Ang hubad na katawan nito. O. A na kung O.A siya. But gosh. Inatake siya ng matinding kaba dahil walang saplot na pang itaas si Drake. Hindi maalis sa isip niya ang mala-pandesal na abs nito. Samahan pa ng balahibo nito doon sa… doon sa ibabang bahagi sa garter ng suot nitong brief! Um, okay. Hindi naman hair iyon ng lalaki sa private part nito. Balahibo lamang iyon sa dibdib pagapang sa abs nito dahil sadyang balbunin ang katawan nito. Pero iwan ba niya at ganun ang nararamdaman niya. Bigla ay pinagpawisan tuloy siya ng malapot dahil sa topless na katawan nito. “Sorry, nabasa kasi ang damit ko. Kaya hinubad ko na lang muna, since mainit naman dito sa loob ng kwarto mo, nakalimutan ko ng isuot ulit.” narinig niya na dahilan nito. Yes, gusto niyang um-agree sa sinabi nito. Mainit nga talaga sa loob ng kwarto niya. Mabilis siyang lihim na umiling. No! Hindi mainit sa loob ng kwarto niya. Sanay siya sa init dahil electric pan lang ang meron siya sa kwarto. Pero dahil dito ay ramdam na nga talaga niyang ang init sa loob ng kwarto niya. Humikpit ang pagkakahawak niya sa plastic na hawak niya at kinalma muna ang pagtibok ng dibdib saka pumihit paharap sa lalaki sa pag-aakalang nakasuot na ito ng pang itaas na saplot sa katawan. “Teka, ano pa ba ang ginagawa mo dito sa apartment—--Oh my—---- Drake!” sambit niya at mabilis na tinakpan ang mga mata nang makitang shirtless pa rin ito pagharap niya sa lalaki. “Magbihis ka sabi, eh! Drake ano ba?!” asik niya at muling pumihit patalikod. Narinig niya na malutong na humalakhak ang lalaki dahil sa pagkaasiwa niya sa shirtless na katawan nito. Ang sarap hampasin ng walis tambo ng lintik! Nakangisi na lumapit pa si Drake kay Precious Angel. He enjoyed watching her how she reacted to his shirtless body. Parang makupa ang mukha sa pamumula dahil sa kanya. Sa dami ng stress niya sa company, napawi iyon ng pagka-maria clara-an ng dalaga. Napaka-inosente sa ganun bagay. Wala naman masama sa itsura niya, sa ibang babae ay normal lang ang makakita ng shirtless na katawan ng isang lalaki. Wala siyang nakikitang mali sa itsura niya. Dahil nakatalikod ito sa kanya. Nilapit niya ang sarili sa likod nito. “Oh God, Drake!” malakas na sambit nito nang idikit niya ang katawan sa likod nito. At dahil na-enjoy niya ang pag trip-an ito. Hinaplos naman niya ang mahaba nitong buhok at hinalikan. “Ang bago mo…” malambing at pilyo niyang sabi sa dalaga. Hindi pa siya nakotento sa ginawa. The next thing he did was, he wrapped his arms around his waist na siyang mas nag patili rito ng ubod ng lakas. “Stop teasing me, Drake! You’re not funny!” asik nito. Um-echo pa ang tinig sa apat na sulok ng kwarto ng dalaga. “I’m not teasing you, I’m just saying na mabango ang girlfriend ko, may masama ba roon?” muli ay nilapit niya ang labi at inamoy ang buhok ng dalaga. “Ang bango mo talaga,” he said. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Precious Angel nang maramdaman niya ang mainit-init na hininga ni Drake sa buhok niya. Hindi siya dapat makaramdam ng ganun sa lalaki. My gosh. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naaasiwa siya ng sobra? Naglalagkit ang kanyang lalamunan at hindi niya makalma ang malakas na t***k ng puso. Bakit ganoon ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay may paro-paro sa kanyang tiyan na kinikiliti siya roon dahil sa sinabi nito na mabango ang girlfriend nito. Mabango siya? Iniling niya ang ulo. No. Hindi ka kinikilig, Precious Angel! Hindi. My gosh. 25 years old ka na para kiligin! Ano ka teenager na kinikilig dahil binigyan ng chocolate and flowers?! “Don’t tell me hindi ka pa nakakakita ng shirtless na katawan ng lalaki?” Naningkit ang mga mata niya dahil sa narinig. Nasa tinig kasi ni Drake ang pang-iinis sa kanya. Dahil sa kilos niya ngayon sa topless na katawan nito. “So ako ang una? Ang katawan ko ang unang napag-masdan ng mga mata mo, baby?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD