“Of course not!” mariing niyang tangi sa sinabi ni Drake na ang shirtless na katawan nito ang unang lalaki na napag masdan ng kanyang inosenteng mga mata. Ang presko talaga ng lalaking ‘to kahit kailan! Simula noon, magpa hanggang sa ngayon ay walang pinagbago. Gwapong-gwapo pa rin sa sarili at feeling eh lahat ng babae sa mundo ay nahuhumaling sa kagwapuhan nito! Mas lalong sumilay ang pilyong ngisi sa labi ni Drake dahil sa sinabi ni Precious Angel. Sa tingin ba nito ay naniniwala siya sa sinabi nitong ‘of course not’. Hell no. She hasn’t changed. Hindi pa rin marunong magsinungaling. Halatang naman sa tono ng boses nito na nagsisinungaling ito dahil pumiyok pa while saying ‘Of course not’. Para itong na-choke sa salitang namutawi sa sariling dila. She’s so cute! So naive! “Well,

