“Ikaw kasi, e!” paninisi ni Precious Angel kay Drake at agad na nilapitan ang burger at spaghetti sa lapag upang pulutin iyon. “Nasayang lang tuloy yung spaghetti ko…” malungkot na sabi nito dahil sa tumapon na spaghetti. Napa kamot sa ulo si Drake. “Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi naman ako ang may kasalanan ‘di ba, ikaw?” mahina ang boses na salag nito sa dalaga. Inirapan ito ni Precious Angel at nakasimangot ang mukha na tinalikuran ito. “Umalis ka na Drake, please lang. Gabi na din naman.” sa halip ay sagot niya. Nakaramdam ng awa si Drake kay Precious Angel dahil nasa mukha nito ang kalungkutan sa natapong spaghetti nito sa lapag. Sinundan niya ito sa paglalakad papunta sa maliit na sink nito doon. Ilang hakbang lang ay lamesa naman nito at sa gawing kanan ay ang maliit na refr

