PRECIOUS ANGEL HIndi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kama saka ko inunahan si Drake na mahiga sa kama. Binalot ko ang katawan ko ng kumot at tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya na nanginginig ang buong katawan. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng lumundo ang kabilang side ng kama dahil sa bigat niya. He cleared his throat. “Wala bang goodnight kiss bago tayo matulog?” Ha? Goodnight kiss? Anong sinasabi niya na walang goodnight kiss eh kanina nga more than a good night kiss pa ang ginawa niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. Tulog na, Angel. Matulog ka na dahil may klase ka pa bukas. Kahit ilang beses kong utusan ang sarili ko na matulog. Nakakainis naman dahil hindi ako dapuan ng antok dahil sa katabi ko. “Okay, goodnig

